Chapter 34 "Condition" (Edited)
POV Rain
Pagkaalis ko sa kwarto ni Jaypee ay parang naginhawaan ako. Parang nailabas ko ang bigat na nararamdaman ko sa pagsabi sa kanya.
Napasilip ako sa mga bintana at napatingin sa kalangitan. Ang mga bituin ay natatakpan ng makakapal na ulap, nagbabadya na isang malakas na ulan ang darating ngayon sa isla.
Naalala ko si Roger kapag tumitingin ako sa kalangitan. Mannerism niya kasi yun, siguro ang pagiging anak ng isang presidente ay malaking pressure sa kanya, one wrong move ay apektado ang ama niya. Yun siguro ang dahilan kung bakit napaka-well discipline niya and napakamatured niya umasta.
Naalala ko na naman ang mga kasamahan ko, napuno na naman ng kalungkutan ang loob ko.
Siguro ay karma na samin 'to? Deserve kaming mamatay lahat dito. Malaking kasalanan ang nagawa namin kay Aeron, maybe may isang tao samin ang gumagawa ng paghihiganti para sa kanya.
Dahil sa kalungkutan na aking nadama ay para naman akong nahilo panandalian, umabot sa punto na magdalawa ang paningin ko at muntikan na kong matumba.
"Espren! ayos ka lang ba?" medyo nagulat pa ko ng bigla akong hawakan ni Ervin sa balikat at inalalayan ako.
"O-oo" sabi ko ngunit parang ayaw makisama ng katawan ko dahil gumegewang na ko dahil sa pagkahilo.
"Ulol! wag mo nga akong niloloko, pasalamat ka may bottle water akong dala dito" sabi nya at iniabot sakin ang tubig.
Nagdadalawang isip pa ko kung tatanggapin ko pero tinanggap ko pa rin ito para magkaron ng lakas.
"Buti na lang nakita kita kundi baka..." At tinitigan niya ko ng makahulugan.
"Baka?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Baka mahimatay ka na diyan at maging mainit ka pa sa mata ng killer" Sabi nito sakin. Akala ko pa naman kung ano yung sasabihin nito dahil pasuspense effect pa.
"Salamat sa concern" 'yan na lamang ang aking nasabi.
"Bestfriend mo ko eh, ayos ka na ba? Bababa na ko, nagpapatulong kasi sakin si Abby na magluto ng carbonara" sabi niya sakin.
"Oo ayos na ko, dalhan mo na lang ako pag luto na ah! Alam mo namang paborito ko ang carbonara na gawa mo" Sabi ko sa kanya at binigyan niya naman ako ng ngiti.
"Oo naman!" sabi niya at nagwave ng hand sakin bago umalis.
Pumasok na lang muna ko sa aking silid para magpahinga, siguro ay dala na rin ng sobrang pagod kaya ako nahilo. Pahinga lang ang katapat nito, hindi akong pwedeng magkasakit kung ayaw kong mapaaga ang pagkawala ko sa laro.
***
[[[ POV Lyza ]]]
Nandito lang ako sa may couch sa lobby, pagkatapos kong makipagkwentuhan ay nagpaiwan na lang ako dito.
Medyo nahihirapan pa rin naman ako eh, I'm pretty sure naman na dahil sa nalaman nila sakin, hindi maiiwasang magbago ang tingin nila sakin. Kahit na nakikipag-usap sila sakin na parang walang nangyari, alam ko na nabawasan ang tiwala nila sakin.
"Problem?" Biglang tumalon si Charly sa couch at umupo sa aking tabi.
"Wala." tipid kong sagot sa kanya.
"Alam mo Lyza, kaya nga ginawa ni lord ang kapwa mo para may mapagsabihan ka, para tulungan kang mapagaan ang loob mo at tulungan kang ma-over come ang mga problema mo" Sabi niya sa akin.
"Ginawa din naman sila para manghusga" Maikli kong sagot, totoo naman eh. Nahusgahan agad ako, killer na kaagad ang tingin nila sakin. May malalim naman akong pinanghuhugutan kung bakit ko nagawa ang bagay na yun.
"Kung ipapapaintindi mo sakin, kaya kong ipangako na hindi kita huhusgahan" sabi niya sakin at ngumiti pa ng malapad. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa o malulungkot sa mga sinasabi niya.
Tumayo na lang ako at umalis ng lobby.
"Hey! Kung kailangan mo ng mapagsasabihan, nandito lang ako. Hindi man ako katulad ng mga close mong kaibigan na napagsasabihan mo ng mga sikreto mo. Nandito naman ako para maging light and shining armor mo" Napahinto ako saglit pero tinuloy ko pa rin ang paglalakad ko.
Hindi naman totoong concern siya sakin eh, kinakaawaan niya lang ako. Well kaawa-awa naman talaga ang sitwasyon ko pero ayoko naman yung feeling na kinakaawaan ako ng ibang tao. Feeling ko kasi mahina na nga ako eh mas lalo pa nila akong pinapahina.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Ervin na para bang kanina pa merong hinahanap, lalagpasan ko lang dapat siya kaso bigla niya akong tinawag.
"Lyza! Nakita mo ba si Abby? Ang laki-laki eh hindi ko makita, magluluto sana kami ngayon kaso missing in action kanina pa" Sabi niya sakin.
"Huh? Imposible naman ata na missing in action si Abby kapag pagkain ang pinag- uusapan" Sabi ko sa kanya, totoo naman eh, yun pa! Mawawala ba yun eh kumain ang hobby ng babaeng yun.
"So nakita mo nga?" Tanong niya sakin.
"Kanina kasama ko siya, pero bumalik siya ng room niya. I-check mo sa room niya" sabi ko sa kanya.
"Ah sige salamat" Sagot niya at tumakbo papunta sa hagdan.
"Hindi ka mage-elevator?" Tanong ko sa kanya.
"Sira nga ata yung elevator eh, I try to use it kaso ayaw naman. Baka may sira" sabi niya at nagtuloy-tuloy na sa pag-akyat.
Kanina lang nakita ko pa na ginamit ito ni Abby para umakyat. Weird, sobrang weird!
Babalik na lang sana ako sa lobby kaso andun si Charly, lintek kasi! kung ano-ano pinagsasabi!
Nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas doon si Abby. Akala ko ba sira ito?
Nakahawak si Abby sa kanyang ulo na para bang sobrang sakit nito.
"Abby!? Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at hinawakan siya sa balikat para maalalayan.
"Ah, oo. Nagka-abirya lang yung elevator kaya naman na-trap ako sa loob, tumama lang yung ulo ko sa pader magiging okay din ako, medyo nahihilo nga lang ako" Sabi niya sakin at naglakad paalis.
"Ah! hinahanap ka nga pala ni Ervin, magluluto daw kasi kayo" Sabi ko sa kanya.
"Pakisabi pass muna ko, masakit lang talaga yung ulo ko" Sabi niya at pumuntang lobby.
***
[[[ POV Abby ]]]
Napakahirap ng sitwasyon ko ngayon, hindi ko alam kung makakatawa pa ko ngayon dahil nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Kapag hindi ko siya nahulaan sa loob ng labing dalawang oras, buhay ko ang kapalit. Ako ang mawawala sa laro.
Pumasok ako sa lobby, at humiga sa couch at doon ko lang napansin na nandun pala si Charly, nakatingin siya sa bintana na parang tinititigan maigi ang kalangitan.
"Charly, nandito ka pala" Sabi ko at ipinikit ang aking mga mata, kailangan ko rin naman ng pahinga.
"Yeah, mukhang uulan ng malakas dito sa isla ah." Sabi niya
Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at inalala ang mga nangyari kanina.
***Flashback***
Nagising na lamang ako sa elevator, agad kong hinanap kung sino ang humampas saking ulo pero wala akong ibang nakita kundi ang reflection ng aking sarili sa mga salamin.
Napaupo ako sa sahig, hindi gumagalaw ang elevator at mukhang na-trap ako sa loob nito.
"Tulong! Tulungan niyo ko! " malakas kong sigaw, pero imposible naman na marinig nila ko dahil masyadong kulob ang elevator.
Medyo nagulat ako ng biglang umugong sa apat na sulok ng elevator ang speaker, ang sakit sa tenga ng tunog. Napatakip na lamang ako ng tenga dahil sa ingay.
Huminto ang ingay at napalitan ito ng boses. Hindi ko rin naman makilala ang boses dahil mukhang gumamit ng voice changer.
"Gusto mo pa bang mabuhay sa laro?" 'Yan lamang ang narinig ko, pero hindi ako sumagot.
"Sagot! Alam mo kayang kaya kitang patayin ngayon eh, alam mo bang may poison gas na nakalagay dyan sa loob ng elevator? If you don't answer my question. Mamamatay ka d'yan" Sabi niya sakin, bigla naman akong natakot sa kanyang sinabi.
"O-oo! gusto ko pang mabuhay, tang ina! Sino ka ba?!? Bakit mo ba ginagawa samin to!"
"Hindi ko kailangan sagutin iyang mga walang kwenta mong tanong, may simpleng bagay lang akong ipapagawa sayo. I'm pretty sure na maku-curious ka rin" Sabi niya
"Kailangan mo lang hanapin ang isa sa mga kasamahan mong merong D.I.D." sabi niya sakin, medyo inisip ko pa kung ano ang ibig sabihin ng D.I.D.
"Dissociative Identity Disorder? Anong ibig mong sabihin? Merong isa samin na may split personality?" Tanong ko sa kanya.
"Huhulaan mo lang kung sino siya sa loob ng labing dalawang oras, kapag hindi mo nagawa ay magpapaalam ka na sa buhay mo" Sabi niya at nakarinig ako ng tawang demonyo.
"Hayop ka! Wala kang puso!" Sigaw ko sa kanya.
"Ako walang puso? Binigyan nga kita ng chance para mabuhay eh, this is a matter of life and death. Huhulaan mo lang naman siya Abby eh. Tandaan mo, hawak kita sa leeg ngayon" Sabi niya sakin.
Bigla ng umandar ang elevator.
"By the way, isa pang clue! Siya ang pumatay kay Geoff. Wala kang pagsasabihan sa gagawin mo ngayon, tandaan mo. Nasa akin ang buhay mo ngayon" Yan ang huli kong narinig at bumukas na ang elevator at doon ko an nga nakita si Lyza.
***End of Flashback***
Kung sino ka man! Huhulaan kita, hindi ko pa kayang mawala sa larong 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top