Chapter 31 "Crying shoulder"(Edited)
[[[ POV Rain ]]]
Hind! Hindi 'to totoo! Tang ina kagabi lang magkausap pa kami eh, nakakwentuhan ko pa siya eh! tapos ano tong nakikita ko?
"Dapat pinigilan ko s'yang umalis ng kwarto ko, dapat pala pinag-sleep over ko siya eh " Sabi ko at malakas na sinuntok ang pader, kasabay nito ang pag-agos ng luha na nanggagaling sa aking mata. Isang malapit na kaibigan ko na naman ang nawala.
"Rain ikalma mo 'yang sarili" Sabi sakin ni Abby.
"Ikalma? Gaguhan ba 'to? Nawalan ako ng kaibigan na kapatid ang turing ko tapos kalma lang ako?" Hindi ko maiwasang magtaas ng boses dahil sa sakit talaga na aking nararamdaman.
"Alam kong nasasaktan ka pre, pero mali naman ata na ibaling mo samin ang galit mo" Sabi sakin ni Ervin at inilayo niya sakin si Abby na mukhang nasaktan sa aking sinabi.
"Mukhang bandang hatinggabi ginawa ang krimen dahil medyo malamig na ang bangkay at patuyo na rin ang mga dugo " Sabi samin ni David.
"Akala ko kapag nababawasan tayo ay mas madali ng hulaan ang killer, pero mali ako tang ina! Mas lalo lang humihirap dahil puro pinagkakatiwalaang tao ko ang nandito pa ngayon" Sabi ni Charly.
"So bumaba na pala tayo sa sampu, well. Hindi na ko magtataka kung walang mabuhay satin" sabi naman ni Judy.
Awing-awa ako kay Will! Hindi niya deserve na humiga sa sahig na puro sugat at nababalutan ng dugo ang buong katawan.
"Its my fault. Wala akong nagawa para sa kanya" Mahinang bulong ko sa aking sarili.
"wala kang kasalanan" sabi sakin ni Lyza at akmang hahawakan niya ako.
"Don't lay your dirty hand on me" Sabi ko at malakas na tinabing ang kanyang kamay, naalala ko kasi na nagawa niya nga palang patayin ang kanyang kakambal.
Siguro ganun talaga noh? Hindi ko na iniisip ang mga mabubuting bagay at pag-i-intindi sakin ng iba. Nababalot ng galit ang puso't isipan ko. Gusto kong ikalma ang sarili ko pero wala akong magawa.
"Siguro ikaw ang may gawa nit okay Will noh? Napa---"
Naramdaman ko na lang na naglanding sa mukha ko ang kamay ni Judy, isang malakas na sampal ang ibinigay niya sakin.
"Manahimik ka nga! Tanggapin mo na wala na ang isa sa matalik mong kaibigan. Kami rin naman nawalan ah? Rain ano ba! Six letters, two words.. Move On!" Sabi ni Judy sakin.
Napayakap na lang ako sa kanya at doon umiyak. Ayokong nagmumukhang mahina sa harap ng ibang tao pero, I just can't handle the pain anymore.
Ngayon kailangan ko si Judy, please this is gonna be the last time na iiyak ako sa kanya
Niyakap niya rin ako at hinayaan na umiyak sa kanya.
"Wag mo laging ipakita na malakas ka, Crying doesn't mean your too weak to cry on other shoulder, your every tears is a sign that your brave enough. Dadating talaga sa point na babagsak talaga ang mga luha natin" Bulong niya sakin habang hinahagod ang likod ko.
Magkababata kaming dalawa. I know her weakness and she also know mine. Noong mga bata pa kami ay kaming dalawa lagi ang magkasangga sa kahit anong mga problema.
"Guys look at this" Narinig kong sabi ni Jaypee. Hindi ko parin inaalis ang pagkakayakap kay Judy. Kapag wala ng luha na papatak, tsaka na ako bibitaw.
"Aeron Clifford? Siya na naman?" Narinig kong sabi ni David samin.
Naalala ko bigla ang sinabi sakin ni Will. May possibility pa nga kaya na buhay pa si Aeron, naghihiganti nga kaya sya samin?
***
[[[ POV Samuel ]]]
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyayari.
Magiging masaya ba ko dahil nagawa kong makapasok sa huling sampung tao na nanatiling nakatayo hanggang ngayon?
Mas gusto ko pang mamatay keysa makita ng dalawang mata ko ang paghihirap na nararamdaman ng bawat isa sa'min.
"Samuel, Pumunta daw lahat tayo sa Dining area, announcement raw" Sabi sakin ni Edrick
Nginitian ko na lang siya bilang sagot, ngiti na kahit saan mo anggulo tignan ay halatang peke.
"Tara na?" Sabi nya sakin at iniabot ang kamay niya sakin.
Nagdadalawang isip pa ko kung tatanggapin ko ito o tatayo na lang mag-isa, ang hirap na kasing magkaron ng kaibigan sa lugar na 'to! Hindi mo alam kung hanggang kailan tatagal ang mga taong tinuturing mong kaibigan.
Baka kapag nawala pa sila, mas doble ang sakit na mararamdaman ko.
"Kumapit ka lang Samuel, tulong-tulong tayo rito. Hindi ko ipapangakong mailalabas kita rito, pero mapapangako ko sayo na habang nandito tayo... pwede mo kong sandalan" sabi niya sakin.
"kung gusto mong umiyak, then cry on my shoulder. Kung gusto mong tumawa, then laugh together with me. Kung wala ka ng masandalan, nandito lang ako. Isang Edrick na katropa mo ang laging bukas ang mga kamay at handa ka laging tulungan. So tara na?" He said with a wide smile formed on his lips. I can see on his sparkling eyes that he wasn't telling lies, Eyes that telling me that he will never leave me alone.
Siguro naman hindi masamang kumapit sa kanya 'diba? I should remove all my doubts on my friends. Sa larong ito sila lang ang tutulong sakin and sila lang ang magpupush sakin para magpatuloy.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at kumapit dito, tinulungan niya kong tumayo.
Tama 'yan Samuel, kumapit ka lang.
Magkasama kaming nagtungo sa dining area.
Pagkapasok palang namin ay ramdam ko na ang tensyon at takot. Nakakapagtaka dahil biglang nagkaroon ng isang announcement.
Bumukas ang flat screen na TV na nakadikit sa pader at tumambad sa amin ang mukha ni Rena at ng kanyang sunud-sunuran na kapatid, si Jane.
"Nakikita niyo ba ang mga nakahain sa inyong harapan?" Tanong niya samin and ngumiti ng mala-demonyo.
Hobby niya yun noh? Yung pagkatapos niyang magsalita ay ngingiti ng mala-demonyo. Hindi kaya sumasakit ang bagang at gilagid nito kakangiti?
Napatingin ako sa nakahain sa lamesa at puro nga ito masasarap. Parang isang selebrasyon ang magaganap.
"Hindi ba nakakatakam? Hinanda ko 'yan para sa inyo. Hindi ba kayo masaya? Sa dalawampu't limang tao na naglaro ng Death Game, kayong Sampu na lamang ang natitira?" Sabi niya samin.
Wala naman talaga kong galit sa babaeng 'to eh! wala naman siyang pinatay samin eh, ginagago inya lang ang buhay namin!
Who would expect na iilan na lamang kaming natitira.
"Sinong mag-aakala na karamihan ng nawala sa inyo ay ang matatalino at malalakas? Kung sino pa ang mga leader siya pa ang mga namatay, kung sino pa ang mga puppet at sunud -sunuran, sila pa ang nakatayo ngayon dito... Ang unfair hindi ba?" Sabi samin ni Rena, pinapaikot-ikot niya ang baso ng wine at malalim itong tinitignan.
"Mali ka! Nandito kami ngayong sampu kasi deserving kaming tumayo dito" Malakas na sigaw ni Charly.
"Deserving nga ba? kung deserving kayo 'diba dapat mas deserving sila Andy, Rose, Xander, Ivy, at Roger? Sila ang karamihan na rumesolba sa mga misteryo. Specially si Andy" Sabi niya samin na nakapagpatahimik saming lahat.
She's right, merong mga namatay na hindi nila deserve yung nangyari sa kanila. Meron din naman mga na buhay na hindi nila deserve... Like me maybe?
"Haha Sampung tao, walong inosente, dalawang demonyo. Mahulaan niyo kaya?" Sabi niya samin at malakas na tawa ang kanyang binigay samin.
This girl really know how to pissed our ass!
"Happy eating guys, Congrats top ten. Makaalis kaya kayo dito?" Sabi niya at bigla ng namatay ang screen.
Nagkaroon ng konting katahimikan bago namin galawin ang aming mga pagkain.
"Hey guys, chibugin na natin 'to gutom na aketch" Nangungunang sabi ni Abby at kumain.
Kalimutan mo na Samuel ang mga narinig mo, alisin mo muna ang lahat ng doubts sa puso mo at magpakasaya ka!
"KAINAN NA!"
***
[[[ POV Jaypee ]]]
Grabe ang dami kong nakain, hu Sarap!
Saglit na kasiyahan na agad naman mapapalitan ng pangmatagalan na kalungkutan at takot.
Naglalakad ako papunta sa kwarto ko, pinupunasan ko ng tuwalya ang basa kong buhok dahil kakaligo ko lang.
I open the knob of my door and may nakita ko sa loob ng kwarto ko na hindi ko ine-expect. Si Rain.
Binigyan niya ko ng matamlay na ngiti at ramdam ko pa rin ang lungkot niya dahil sa pagkawala ni Will.
"Oh pre anong ginagawa mo rito? Tanghaling tapat nandito ka?" Tanong ko sa kanya
"Gusto mo bang makilala si Aeron? Gusto mo bang malaman ang baho namin? Hindi ka ba magsisisi kapag narinig mo ang buong storya?" He said and give me a sad smile.
Gusto ko nga bang malaman? Hindi ba ko magsisisi pag narinig ko ang lahat?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top