Chapter 30 "My Room" (Edited)
POV Rain
After kong marinig ang pagtatalo nila Judy, She warned me.
Bakit kailangan na hindi malaman ng iba na si Lyza ang gumawa ng pagpatay kay Liza? Why? what does she mean na alam niya ang sikreto ko?
Argh! May nasagot nga na tanong pero meron naman pumalit? ang masama pa, tungkol sakin!
"Hey Rain, pa-sleep over ah!" Nagulat na lang ako ng biglang may pumasok sa room ko. Si Will.
"Wait, Bakit anong meron?" Tanong ko sa kanya.
"Grabe ka naman, madalas naman natin 'tong ginagawa nung buhay pa si Xander, para makapagkwentuhan narin. Nakakamiss ka ring kausap eh" Sabi niya at umupo sa kama ko
"Game spill it bro"
"Hindi ka ba natatakot na talagang merong kinalaman si Aeron dito? Ako kasi, kapag naririnig ko ang kanyang pangalan... Parang hindi ako mapakali, binabagabag ako lagi ng konsensya ko" Sabi ni Will. I heard his name again.
"'Diba imbes na ikaw ang pinaka makonsensya dapat ako? Ako ang nang-iwan sa kanya sa ere. Kung nagawa ko lang syang ipagtanggol, I'm pretty sure na hanggang ngayon ay kasama parin natin siya" Sabi ko sa kanya.
"Ako naman ang may kasalanan kung bakit siya nalaglag. Its just... nakakatakot na" Sabi ni Will at umiwas ng tingin sakin. Sino nga naman ba ang hindi matatakot?
"Malakas ang paniniwala ko na walang kinalaman si Aeron dito. Kung siya ang may pakana nito, 'diba dapat ako ang uunahin niya dahil ako ang may pinakamalaking atraso sa kanya" Sabi ko sa kanya.
"Maybe he's saving you for the last. Baka gusto niyang Makita mo na mawala kami isa-isa bago ikaw ang patayin niya" Bigla akong nanlamig sa sinabi ni Will dahil may punto siya, lahat ng "MAYBE" pwedeng mangyari.
Kakapit pa rin ako sa pinaniniwalaan ko na walang kasalanan si Aeron, labas siya sa mga nangyayaring kamalasan namin.
"Hey! I didn't mean to scare you Rain, Sinasabi ko lang naman ang mga bagay na may chance na mangyari sa sitwasyon natin ngayon" sabi niya sakin, mukhang napansin niya yata na medyo kinabahan ako sa huling sinabi niya.
"Tama ka naman eh, lahat ng bagay pwedeng mangyari sa'tin. We just need na maging prepared sa mga mangyayari" Sabi ko sa kanya at ibinagsak ang katawan ko sa higaan, grabe sobrang nakakapagod ang mga nangyayari!
"Hey Rain sige lalabas na ko. Sana malaman natin ang totoo, sana walang lihiman ah? Iisang grupo tayo" Sabi niya sakin at akmang aalis na ng room ko.
"Huy! Teka Will, akala ko ba mag i-i-sleep over ka dito?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na, babalik na rin ako sa room ko. Pumunta lang naman ako dito para makakwentuhan ka" sabi niya at lumabas na ng room ko.
Pagkaalis ni Will ng kwarto ko ay nanumbalik na naman ang katahimikan sa buong paligid. Wala sanang lihiman huh?
May sinabi sakin si Judy na biglang pumigil sakin sa pagsabi ng totoo. Kahit hindi pa ito kumpirmado, nagbigay ng malaking takot sakin ang salitang kanyang binitiwan.
Kayang-kaya ko naman kasing sabihin sa kanila ang natuklasan ko eh! Nasa akin pa rin ang desisyon pero naniniwala din ako kay Judy, kababata ko 'yan alam kong may dahilan din siya so dapat lang na maging kampante ako.
Argh! Grabe ako lang talaga ang nagbibigay ng problema sa sarili ko. I only need to trust Judy and solve na lahat ng bumabagabag sakin.
***
[[[ POV Will]]]
Matagal na kaming magkasama ni Rain kaya naman alam ko na kapag may bumabagabag sa kanya. Mula sa ekspresyon ng kanyang mukha hanggang sa ikinikilos niya, alam kong may mali.
Siguro hindi pa ganun katatag ang pagkakaibigan namin para pagsabihan niya ko ng mga sikreto niya 'diba? Even i treat him all the time as my little brother. Kulang parin yun para pagkatiwalaan niya ko.
Naiintindihan ko naman si Rain eh, kasi sa sitwasyon namin mahirap ang magtiwala, kung magtitiwala ka baka mapunta sa maling tao 'diba? Better trust the deserving people or only trust yourself.
Naglalakad lang papunta sa aking kwarto pero bago iyon ay dumiretso muna kong kitchen para uminom ng tubig, kanina pa kasi ako nauuhaw. Tahimik lang akong pumupuntang kitchen dahil gabi na rin at ayokong magambala ang pagtulog ng iba naming kasamahan.
Naging maingat ako sa pagbaba hanggang sa makarating akong kitchen. Alam ko namang medyo risky na kumilos at gumala-gala kapag gabi eh. Pero as of now wala naman akong nararamdaman na kakaiba, kailangan lang na open ang mga senses ko at pakiramdaman mabuti ang nasa paligid ko.
Wala naman nangyari sa aking masama ng makarating akong kitchen at maayos naman akong nakapunta pero isang nabasag na vase na nagmumula sa entrance ng hotel ang aking narinig na nakapagpabuhay sa takot na aking nararamdaman.
"Shit masama na 'to" Sabi ko sa sarili ko at dahan-dahan kong ipinatong ang baso sa table para hindi makagawa ng ingay. Pagkatapos nun ay mabilis akong tumakbo papuntang Elevator.
Tumakbo lang ako ng tumakbo, I know na narinig niya yung mga tunog na likha ng aking paa so I'm pretty sure na hinahabol niya na ko.
Agad akong pumasok sa loob ng elevator at pinindot ang floor kung nasaan ang kwarto ko. Bago tuluyang magsara ang elevator ay nakita ko pa siya, Meron siyang hawak na kutsilyo sa kanyang likuran.
Sinong mag-aakala na sa kabila ng kabutihang pinapakita niya samin ay meron palang maitim na balak?
Nakita ko pa siyang patakbo papunta dito. Nakangiti ng mala-demonyo, sobrang kinakabahan ako sa susunod na maaring mangyari.
Tinadtad ko ang pagpindot sa may elevator at napapalingon ako sa kanya na mabilis na tumatakbo papunta sa'kin kagaya ng bilis ng pintig ng aking puso sa sobrang takot at kaba. Noong malapit na siya sakin at sobra na ang kaba na nararamdaman ko nun tsaka sumara ang pinto ng elevator. Mabuti na lamang ay hindi siya umabot.
Habang umaandar ang elevator ay nakahinga ako ng maluwag ng panandalian pero alam ko naman na susundan niya pa rin ako. Mas mabuti ng makatakbo ako papunta sa aking kwarto para naman masigurado ko ang kaligtasan ko.
Pagkabukas pa lamang ng pinto ng elevator ay tumakbo na ko papunta sa room ko. Medyo dulo ito kaya kinakailangan ko pang tumakbo ng ilang metro.
Pagkadating ko sa tapat ng room ko ay agad kong pinihit ang door knob at pumasok ako sa loob ng kwarto ko.
Sinara ko maigi ang pinto at Paglingon ko... nagulat na lamang ako ng may biglang sumaksak na kutsilyo sa aking lalamunan.
Hindi ako agad nakapagreact dahil sa tulin ng mga pangyayari. Ang tanga mo Will! Nakalimutan mong dalawa pa nga pala sila, nakaiwas ka nga sa isa pero nahulog ka naman sa bitag ng isa.
Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo ngunit walang tinig na lumalabas sa akin. Umaagos ang napakaraming dugo, ang mga dugo na yun ay ang sign na ako na... mamamatay na ko.
"Masyado ka rin palang tanga eh, Sana yung galing mo sa pagpapatawa at pagdo-drawing ay siyang galing mo rin sa pagtatago. Sayang naman Will, gusto sana kitang umabot hanggang dulo kaso hindi na kita ramdam sa laro, sumasabay ka na lang sa agos. Akala mo ba sa pa easy easy mo ay hindi na kita mapapansin, nakalimutan mo na ba ang ginawa niyo kay Cyril? Bawi-bawi lang din pag may time" Sabi niya sa'kin at tinanggal ang kutsilyong nakasaksak sa aking lalamunan. Sa pagtanggal niya ay sumirit din ang napakaraming dugo.
Halos maghingalo na ko sa paghinga. Gusto kong magsalita o gumawa man lang ng ingay para humingi ng tulong. Agad kong sinipa ang pinakamalapit na vase na display sa aking kwarto.
Bigla itong bumagsak. Sana narinig nila! Sana dumating sila para sumaklolo sakin please ayoko pang mamatay!
"Isa ka talagang tanga eh noh! Sounds proof ang mga kwarto rito bobo! Napakalaki mong bobo!" Sabi niya at malakas na tinadyakan ang aking mukha. Natanggalan ako ng ngipin at umagos ang dugo mula sa aking bibig.
Sinipa-sipa niya rin ang aking tiyan dahilan para mapasuka ako ng dugo.
"Tapusin na natin ang paghihirap mo, paalam sayo Kaibigan" Sabi niya sakin at sabay na tinusok ang aking mga mata ng dalawang matulis na lapis.
Nagpagulong-gulong pa ako sa sakit. Tang ina lang! Napakasakit na! Bakit ba ang tagal kong mamatay para matapos na tong paghihirap ko!
"Aba't matibay ka ah, buhay ka pa! Eto na ang huli para sayo" Hinatak nya ang aking kamay at ipinwesto sa sewing machine na nasa kwarto ko.
binuksan niya ito at itinapat ang aking kamay doon.
Gusto kong sumigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, bawat tusok ng karayom ay kasabay ang pagtalsik ng maraming dugo.
Isinaksak niya sa dibdib ko ang kutsilyong ginamit niya sakin kanina dahilan para tuluyan na kong mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top