Chapter 3 "Game For Us" (Edited)

[[[ 3rd Person's POV ]]]

"Ayoko ng magbasa dito grabe! Sobrang nakakapagod tong ginagawa natin" Sigaw ni Will na rinig sa study room namin. Nagbabasa kasi kami ng ga libro, siyempre we should maintain our grades in order to stay in Royal section.

"Ano ba Will? Hindi pa nga nag-iinit ang puwet mo diyan sa upuan nag-iinarte ka na!" Sigaw ni Rose kay Will. Sumigaw na ang babaeng laging hot headed kaya naman natameme na lang si Will sa kanyang pwesto.

Nabaling ang tingin ko sa aking gilid ng biglang sumingit si Xander.

"Alam niyo ba... May alam akong bagong bukas na bar malapit ng school natin.Wanna have some fun?" Nakangising sabi ni Xander at para namang pumalakpak ang tenga ni Will sa kanyang narinig.

"Sino mga kasama?" Tanong ko sa kanila.

"Si Jaypee, ako, at kayong dalawa. Oh Rain ah! Alam mo na ang gagawin dahil ikaw ang pinakamukhang matino satin ikaw na bahalang gumawa ng palusot" Sabi ni Xander sakin. Hindi pa nga ako nakaka-oo pero ako na kagad ang gagawa ng palusot... No choice!

"Ay Xander! Hindi pa pala tayo nakapagpasa ng report kay Principal, tara. Kayo ba Will magpapasa kayo?" Sabi ko na narinig naman ng lahat. Grabe hirap magsinungaling para lang sa gimik.

"Ay! Nakalimutan din namin magpasa. Tara na guys"

"Hoy mga sira! Nakita kita Will at Xander nagpasa na kayo pagkatapos ng flag ceremony, tapos ikaw Rain last day ka pa nagpasa" Sigaw samin ni Ivy, okay sumigaw na naman muli ang aming little bossing kaya naman muli kaming bumalik sa aming pagkakaupo at nagpapanic pang kumuwa ng libro para may mabasa.

"Mamaya na lang after class guys, wala talaga tayong takas kasi andyan si boss" Bulong samin ni Xander at ibinaling niya na ang kanyang tingin sa librong hawak niya.

Tumutok na kami sa pagbabasa pero after a few minutes lang ay nagbukas ng topic si Cindy.

"Oy guys naalala niyo pa kanina yung nagprank satin about dun sa poster, sino kayang gago na regular student ang gumawa satin nun? Ang tapang niya ah kasi nagawa niya satin yun" Sabi samin ni Cindy.

"Oonga eh kaya nga nakakairita eh!" Sabi ni Lorraine at ibinagsak ang libro na hawak niya

"Guys ipapasok ko lang si Mary sa may kwarto sa taas ah, masakit daw ang ulo niya at kanina pa daw siya nahihilo" Sabi ni Rose samin. Siguro kaya lang sumakit ang ulo niyan ay dahil sa kakanuod ng mga romantic movies... Hopeless romantic kasi eh, sa pagkakaalam ko kasi walang boyfriend yan eh. Hinatid naman siya ni Rose, Celine, at Maggy sa room.

May mga kwarto dito sa may classroom naming diba sabi ko nga parang modern house lang ang style nito. Complete facility kami dito merong playroom, kitchen, study room, bedrooms, living rooms at green house sa likod ng building. Sabi ko nga diba we are the royal students of this school so we should treat with respect and get the benefits that we should get.

Ngayon ang natitira na lang dito sa study room is Ako, Will, Lorraine, Cindy, David, Trick, Xander, Cyril, Geoff, Andy at Ivy. Sila Edrick, Charly, Roger, Samuel, Jaypee at Ervin ay nasa playroom naman at nasa living room naman sina Abby, Liza, Lyza, at Judy.

Medyo sumasakit na din ang ulo ko sa pagbabasa kaya naman tumayo muna ko at plano ko na pumunta muna sa playroom. Almost one and a half hour na din kasi akong nagbabasa dito eh. Ang mga royalties kasi ay kailangan maglaan ng dalawang oras para lamang sa pagbabasa kada-araw. After a week kasi nagsesend ng files ang principal sa mga email namin ang mga quizzes at exam.

"Oh Rain san ka na naman pupunta?" Tanong sakin ni Ivy, siguro iniisip pa din nito na tatakas ako.

"Sa playroom lang ako, grabe ka naman sakin Ivy kala mo lagi akong tatakas, sa playroom lang muna ko medyo masakit na kasi ang ulo ko pahinga lang saglit" Sabi ko sa kanya at naconvince ko naman siya kaya naman pumunta na akong playroom.

***

"Oh pano ba yan Charly? Talo ka na naman! Akin na yang sampung libo mo!"Tuwang tuwa na sabi ni Samuel habang nanlulumo naman si Charly na kinuwa ang kanyang wallet sa bulsa at dumukot ng sampung libo. Kung tutuusin ay para sa kanila ay maliit na pera lang ang pinagpupustahan nila, kapag kasi si Edrick ang kalaro nila umaabot na ng 50,000 ang pustahan nila.

"Oh Rain musta ang iyong pag-aaral mo kasama ang matatalinong tao? Na-OP ka na ba? Napagisip-isip mo ba na samin ka talaga belong?" Tumatawang sabi sakin ni Edrick, sasapakin ko to eh! Busy ngayon si Edrick dahil mukhang may inaayos na cellphone, cellphone ata ni Samuel.

"Mga gago! Gaya niyo ko sa inyo na puro pasarap lang ang alam at nagrereview lang kung kelan rush na" Sabi ko sa kanya.

"Rain, pustahan na lang tayo oh!" Paghahamon sakin ni Charly, hinahamon niya ngayon ako ng dance revo. Kung di ko pa alam gusto niya lang mabawi yung perang nakuwa ni Samuel sa kanya.

"Pass muna ko, medyo masakit kasi yung ulo ko eh" Sabi ko sa kanila at binagsak ang katawan ko sa isang maliit na higaan na korteng Doraemon.

"Nagaling ata sa gang rape ang sira" Tumatawang sabi sakin ni Samuel.

Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansin dahil nakagago mode na naman ang mga kaibigan ko kaya naman magiging sobrang harot na naman yan. Dahil sa pagod ko ay naipikit ko na ang aking mga mata at hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

Pagdilat ko ng aking mga mata ay nandito pa din ako sa may playroom, ngunit parang iba ang atmosphere ngayon. Pagkabangon ko sa higaan ay napalingon ako sa aking paligid, hindi ko inaasahan ang aking mga makikita. Puro bangkay nila ang andito at naliligo ang mga katawan nila sa kanilang sariling dugo. Nakita ko ang pugot na ulo ni Trick na nakasabit sa dingding at may nakatusok na dart sa kanyang dalawang magkabilang mata. Si Sauwl naman ay may billiard stick na nakatusok sa kanyang dibdib at puro dugo ang umaagos. Nakakatakot ang aking mga nakikita katulad na lang ng hiwa-hiwa at magkakahiwalay na parte na katawan ni Abby. Puro talsik ng mga dugo ang dingding.

Lumabas ako ng Playroom at mas marami pa akong nakitang bangkay, halos maduwal ako sa mga nakikita ko.

"Edrick?" Natatakot kong sabi ng makita ko ang kaibigan ko na nakasabit sa kisame at wala na itong buhay, nakabigti ito at lumuluha ng dugo. Sa tapat ng kanyang bangkay ay mayroong mga salita na nakasulat "Game that Should'nt exist". Nilagpasan ko ang bangkay ng aking kaibigan at patuloy pa akong naglibot. May mga kakaibang letra na nakasulat sa mga dingding ngunit wala akong mabasa dito.

Kahit ang lider naming na si Ivy ay walang buhay na nakahiga sa sahig at may nakatusok na palakol sa kanyang ulo.

"Tulungan niyo ko! Wag! Wag mong gawin to! Ano bang kasalanan naming sayo!"Malakas na sigaw na aking narinig at tuloy tuloy na pagkalampag sa dingding. Huminto muna ko saglit para mapakinggan mabuti ang ingay... Tinig ito ni Andy.

Hindi ko alam kung bakit nabato ang aking mga paa sa aking kinatatayuan, basta iisa lang ang nararamdaman ko, takot.

"SA LIKOD MO!" May narinig akong sumigaw sa aking likuran, pero paglingon ko ay meron ng tumigas na bagay na tumama sa aking ulo kaya naman hindi ko ito naaninag ang taong may gawa nito.

"Oy Rain! Grabe gumising ka na dyan, it's time to party na!" Sabi sakin ni Will at mahihinang tapik ang kanyang ginawa sa aking balikat. Doon ako nagising at panaginip lang pala ang lahat... Should I say na it's my worst nightmare ever!

"Anong oras na ba?" Sabi ko habang kinukusot ko ang aking mga mata.

"4:30 na kaya! Marami na kaya satin ang umuwi so it means... Let's go to bar na! party party na!" Ngumiti ng mala-aso si Will at dinaganan ako dahil excited siya sa pupuntahan namin.

"Asan sila Jaypee?"

"Nasa living room hinihintay tayo"

Tatayo na sana ako ng couch ng may marinig kaming malakas na sigaw na nagmumula sa 2nd floor.

"Ano yun?" Takot na tanong ni Will at mabilis naman kaming tumakbo papunta sa 2nd floor. Nakasalubong pa namin sa pagtakbo sina Xander, Jaypee, Andy, Maggy, at Celine. Mukhang kaming pito na lang ang natitira dito.

Pagpasok naming sa room kung saan naming narinig ang malakas na sigaw. Tumambad samin ang balisang- balisa at takot na takot na si Rose, pawis na pawis din ito at umiiyak na nakaturo sa C.R.

Pagkasilip naming sa C.R. ay hindi naming inaasahan ang makikita ng dalawa naming mata.

Tumambad samin ang walang buhay na katawan ni Mary, nakabigti siya sa loob ng CR. Mayroong Dart na nakatusok sa kanyang magkabilang mata at mga malalapot na dugo na patuloy na umaagos dito, Merong dalawang ballpen na nakatusok sa kanyang magkabilang kamay na mukhang galing sa study room, at meron ding basag na vase na mukhang galing naman sa Living room.

Puro dugo ang makikita sa buong CR, Mayroon ding laslas sa pulso ni Mary at puro sugat ang kanyang buong katawan na para bang pinahirapan muna siya bago patayin. Wala din itong suot na kahit anong saplot na mas lalong kumirot sa dibdib ko, nakakaawa ang kalagayan ng kaklase naming ngayon dahil tuloy tuloy ang dugo na parang gripo na lumalabas galing sa kanyang katawan.

Isang note na nakadikit sa kanyang noo na nakapagpatindig ng aming mga balahibo "Bloody Mary", yan ang nakalagay sa note.

"Anong nangyari dito?" Natatakot na sabi ni Will. Nakakapanghina ng tuhod ang nasasaksihan ng dalawang mata naming ngayon.

"Gosh! Anong nangyari dito!" Malakas na sigaw ni Maggy ng dumungaw siya para makita ang loob

Meron ding nagkalat na mga litrato ni Mary na nakikipagtalik sa iba't ibang lalaki, Mga nude photos, at meron din isang pregnancy test na nakapositive... ibig sabihin ba nito ay buntis si Mary? Sinong mag-aakala na ang isang mahinhin at tahimik na si Mary ay may ganto pa lang side. Akala ko ba ay wala dapat na sikreto sa bawat isa samin?

Ang huling kita ko kay Mary ay yung sumakit ang kanyang ulo at hinatid siya nila Maggy paakyat dito sa bedroom.

"Sino ang may gawa nito?"Mahina kong bulong sa aking sarili.

"Mahirap man magbintang pero I'm pretty sure na isa lang satin yun dahil wala naman ibang nakakapasok sa Royal classroom kundi tayo- tayo lang din naman. Pero ang tanong... Sino?" Binigyan ako ng makahulugang titig ni Xander. May punto siya, wala naman ibang pwede na makapasok sa classroom naming kundi kami- kami lang din naman at wala din naming tagalabas ang maaring pumasok saming classroom. Dahil patay na nga si Mary, ibig sabihin lang nito na isa saming dalawampu't apat ang may gawa nito... pero ang tanong nga, SINO?

Ang hirap naman ng ganto! Magkakaibigan kami pero maaring isa samin ang gumawa ng pagpatay. Lahat kami ay pwedeng pagbintangan na isang killer, pwedeng isa sa mga umuwi ng estudyante, at pwede din naman na isa saming mga naiwan dito ngayon.

"Rose tumayo ka na dyan" Sabi ni Will habang inaalalayan tumayo si Rose na hanggang ngayon ay humahagulgol pa din sa pag-iyak dahil sa kanyang nakita.

"Dalhin muna natin sa clinic si Rose, mukhang natrauma ata siya sa nangyari" Sabi ni Celine at lumabas sila ni Will sa room, akay-akay nila si Rose.

Umalis din muna ang iba para tumawag sa police at ipinagbigay alam sa school staffs ang nangyari.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Xander ang Andito sa kwartong ito kung nasan ang bangkay ni Mary. I wear some gloves na nakatago sa isang cabinet at inexamine ko ang bangkay ni Mary. Kinapa ko ang bulsa nito at may nakita akong note, ipinakita ko ito kay Xander at nagtitigan muna kaming dalawa bago ito buksan

"The extinction of the Royal students was near"

Meron pang magulong words ang nakasulat sa ibaba nito, na para bang code para mature kung sino ang pumapatay.

"ZKEPCZKEHVHKY OCYIXL"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top