Chapter 27 "Tape" (Edited)

[[[3rd Person's POV]]]

"Guys nakita niyo ba si Roger? Nasa kanya kasi yung bracelet ko eh, hiniram niya kahapon" Tanong ni Ervin sa mga kasama

"Huh? Umagang-umaga naman hinahanap mo si Roger, baka naman nasa kwarto niya pa natutulog" Sagot sa kanya ni Lyza habang nagtitimpla ito ng kape.

"Sa tingin mo ba hindi ko s'ya chineck sa kwarto n'ya? wala nga siya dun eh" Sabi na naman ni Ervin.

"oh ba't galit ka? Baka nasa labas hanapin mo na lang" Pabirong sabi ni Abby habang naglalagay ng pinggan sa lamesa para makapagsalo-salo na sila sa agahan.

"Mabuti pa nga pero bago yun, kakain muna ko. Mukhang masarap ang nilutong pagkain ngayon ni Chef David eh" Sabi niya at umupo sa isang upuan at sumandok na ng kanin at ulam.

"alam mo ang selfish mo Ervin! Hintayin mo nga yung mga kasamahan natin. Put some little manner dude" Sabi sa kanya ni David na tinatanggal na ang kanyang apron.

"Argh! Fine, mukha kasing masarap talaga 'to eh" Zabi ni Ervin at inaamoy-amoy pa ang pagkain.

"Abby, tatawagin ko lang sila ah. Better na bantayan mo yung isa d'yan, baka kasi pagbalik ko wala na kaming kainin at magbalat na lang kami ng patatas" Pabirong sabi ni David at binigyan ng nakakalokong ngiti si Ervin.

"Gago 'to ah! Anong akala mo sa'kin timawa? Tapos kay Abby mo pa ko balak pabantayan haha! Patawa ka naman" Sabi nya naman at binigyan ng nakakalokong ngiti si Abby.

"Aba'y pakyu ka! Napansin niyo na naman yung katabaan ko! For your information sexy na kaya ako, pumapayat na ko" Pagmamalaki ni Abby sa kanila.

Inalisan na lang siya ni David dahil no comment ito sa sinabi ni Abby.

***

Nang nasundo na ang lahat ay nagtataka ang karamihan kung bakit wala pa si Roger.

"Ano naniwala na kayo na wala si Roger? Takte yung bracelet ko nasa kanya" Sabi ni Ervin sabay subo sa kanyang kinakain.

"Masama ang pakiramdam ko dito ah" Sabi naman ni Charly

"Hay! Bago nga yang aksyon kumain muna tayo, mahirap kumilos ng gutom. We need an energy para sa buong araw" suhestiyon ni Judy sa kanila.

"Oo nga guys, malaki ang chance na pumayat si Abby kapag ganun ang nangyari" Sabi ni Will at sinuntok naman siya ng malakas ni Abby sa tiyan.

"Pakyu ka sagad! Sasabat ka na naman, magmamagaling ka na naman eh! H'wag niyong papakainin tong gunggong na 'to ah!" sigaw ni Abby.

"Joke lang naman! Sabi ko nga kain muna tayo bago hanapin si Roger" Sabi ni Will at umupo na sa isang upuan.

Tahimik lang nilang pinagsaluhan ang pagkain, kung kanina ay nagagawa pa nilang magbiro. Iba na sa sitwasyon ngayon lalo na ngayon na alam na nila na nawawala si Roger. Hindi sila mapapalagay dahil ang isa sa mga pinaghuhugutan nila ng lakas ang nawawala ngayon.

"Guys I think we should do a move now?" Tanong ni Edrick sa mga kasamahan.

"Right, hindi na rin ako mapakali, parang may something eh" Sabi naman ni Rain at tumayo sa upuan. Wala ng ibang choice ang iba kun'di gayahin si Rain.

"It's better na sama-sama tayong maghanap, para ma-assure natin ang safety ng bawat isa. Be close to your friends But be closer to your enemy" Makahulugang sabi ni Jaypee na sinang- ayunan naman ng lahat.

"So, Where should we start?" Mataray na tanong ni Judy sa mga kasamahan.

"At the seashore"

***

[[[POV Rain]]]]

"Roger! Roger!" Malakas naming sigaw pero wala kaming nakukuwa na kahit anong response.

Anong nararamdaman ko ngayon? Takot. That's the only thing na nararamdaman ko. Ang hirap naman kasi Puta!

Masyadong magaling ang mga killer! They are so brilliant. Inuuna talaga nila ang mga taong alam nilang magiging sagabal.

Andy At Rose tapos ngayon naman si Roger? parang ang unfair. Alam na alam nila kung sino ang dapat target-in. Mga bobitong tao talaga ang tinitira nila tsk!

"Hey guys kanina pa tayo sumisigaw dito pero wala pa din eh" Reklamo ni Abby, pero she have a point naman. We're just wasting our time here.

"San naman tayo sunod na maghahanap?" Tanong ni David saming lahat.

"Maybe at the woods? Kung ako siguro ang gagawa ng krimen. Sa Mapuno ko gagawin dahil malayo ito sa hotel at alam n'yo na, tago at maraming pasikot-sikot" Sabi ni Ervin. Tinignan lang namin ng matalim si Ervin.

"What? Sinabi ko lang ang bagay na posibleng mangyari! Porke't Ginawa kong example ang sarili ko ako na agad ang killer?" Medyo galit niyang sabi. Well we can't blame him, napagbibintangan siya eh.

"Oo nga mga stupid! Ervin have a point! Tutal maghahanap na rin naman tayo dun na tayo sa mapunong parte" Pagtatanggol sa kanya ni Judy.

Sa huli sa woods parin kami pumunta.

"Argh! Bugs bugs everywhere it's so kadiri!" Maarteng sabi ni Abby sa kasamahan habang naglalakad sila sa loob ng mapuning lugar na iyon.

"Wag kasing maarte di naman magan--- Aray ko na naman Abby! Pasakit ng pasakit 'yang suntok mo sa tiyan ko" Sabi ni Will kasi bigla siyang sinuntok ni Abby.

"Magmamagaling ka na naman kasi eh" Sabi ni Abby. Minsan talaga sobrang nakakatawa ng dalawa na 'to kapag magkasama, They can do comedy skit naturally! I'm sure bebenta sila.

"Guys look may nakatayo do'n" Malakas na sigaw ni Charly samin at nakuwa naman ang atensyon namin ng bagay na kanyang tinuturo.

"Ivy?" Tanong ko sa aking sarili. From body structure, haba ng buhok ,at pananamit nito alam kong si Ivy yun! Kahit nakatalikod siya, I know it's her.

Pero paano? Wala na si Ivy! I'm pretty sure of that! Imposible naman makatakas siya sa bomba in just a seconds left hindi ba?

"Ivy gosh we miss you!" Tumatakbong sabi ni Judy then sumunod na rin kaming lahat.

Pero nung pagkakita namin sa kanya. She's not real!

"Tang ina! Manikin lang 'to mga pare!" Sigaw ni Edrick samin, Yeah nung tinignan namin sya. It's only a mannequin.

"Naloko tayo" Sigaw naman ni Charly.

"Kung nandito itong bagay na 'to, it means. Hindi malayong nandito din si Roger. Kagaya natin, I'm pretty sure na naloko din si Roger na ang manikin na ito ay si Ivy, So kailangan maging handa na kayo sa susunod niyong makikita dahil there's a big chance na wala na si Roger" Sabi sa'min ni David.

"Fuck this shit!" Sabi ni Edrick.

"Guys magpapaiwan na lang ako dito, you know. Baka maligaw kasi kayo sa loob ng gubat, Mas maganda kung may mga tao dito" Sabi ni Judy. Huuu! Palusot lang nitong babae na 'to eh, pero ang totoo ayaw niya lang sumama kasi ayaw niya lang katihin siya dahil sa hahaba ng mga damo.

"Yeah maiiwan na rin kaming dalawa ni Charly. Mahirap na maiwan dito mag-isa si Judy" Sabi naman ni Samuel na sinang-ayunan namin.

"Teka ba't maiiwan din ako? Ade mawawalan na naman ako ng exposure sa story?" Pagdadabog ni Charly pero hindi na namin siya pinansin at nagpatuloy na kami sa pagtakbo.

Kami nila Abby, Lyza, David, Ervin, Edrick, Will, at Jaypee ang nagpatuloy sa pagtakbo. Medyo madilim na rin sa bahaging ito dahil na rin natatakpan ng nagtataasang puno ang araw.

"Guys better na maging aware kayo. We should stick together so there's a small chance na mamatay tayo" Sabi ni David samin, alam niyo yung masasabi ko sa pinapakita niya? Wow! As in wow! Laging maganda yung mga suhestiyon niyang plano samin at lahat ng mga advice niya ay para sa'min.

"Guys better na natatanaw niyo ang bawat isa" Sabi naman ni Jaypee.

"KYAAAH!" Nagulat na lang kami sa malakas na pagsigaw ni Abby at napaupo siya sa madamong lupa.

Nakaturo lang siya sa isang mataas na puno. Sinundan namin ng tingin ang kanyang itinuro at laking shock namin na nakasabit doon si Roger sa pagkataas taas na puno.

Nakabigti ito at bakas pa ang tuyong dugo sa kanyang kamay at paa. Napansin kong nakangiti ito, nakangiti ang walang buhay na si Roger. Then meron itong suot na placard na may nakalagay na "I Quit"

"Suicide?" 'Yan agad ang unang pumasok sa isip ko. We'll base on the dead body of Roger. Para talagang tinanggap niya ng maluwag sa kanyang loob ang pagkamatay niya. Kung pinatay siya maybe the killer will do it in most brutallic way hindi ba?

"No! Hindi to suicide!" Malakas naman na sigaw ni Edrick.

"By looking at him yun agad ang unang papasok sa isip mo" Sabi naman ni Ervin.

"Nope! Hindi totoong suicide yan! Hindi tanga si Roger para bigla na lang tayong iwan sa ere. Kilala ko siya! Hangga't maari gagawin niya ang lahat para ma-assure ang safety ng bawat isa sa'tin. Imposible 'yan! Imposible!" Malakas na sigaw ni Jaypee. He have a point.

"Imbes na mag-suicide 'yan, I'm pretty sure na gagawa pa 'yan ng paraan para tulungan tayo" sabi naman ni Abby.

"So all of you think na pinatay s'ya?" Tanong samin ni david at binigyan naman namin siya ng tango.

Tang ina lang sa pakiramdam! Isa na naman ang nawala samin? Makakaalis pa kaya kami ng lugar na 'to?

Akala ko nung una habang pakonti kami ng pakonti, mas madali hulaan kung sino ang gumagawa ng mga pagpatay. But I was wrong, habang pakonti kami ng pakonti, pahirap ng pahirap dahil kahit marami kaming hawak na Bala laban sa killer. Mahirap naman hanapin ang pumapatay.

Iisipin mo na si Eto ang killer pero at the end you was wrong! So mas maganda na I better shut my mouth than pointing my finger to my friends then insist that he or she is the killer.

Napakahirap naman hulaan ng killer! Ang daming nakamaskara! Lintek!

"Tang ina! Yung bracelet ko pa'no ko makukuwa 'yun!" Malakas na sigaw ni Ervin habang nakaturo kay Roger, tama siya at suot nito ang bracelet niya.

"Bakit ba ganyan ka makareact sa bracelet na 'yun?"

"Hand made 'yun! Gawa pa yun ng kuya ko! Importante sakin 'yun! Alam n'yo namang wala na ang kuya ko 'diba? Yun na lang ang natitira niyang ala-ala" Sigaw ni Ervin samin. Kahit akong bestfriend ay hindi ko man lang nalaman na wala na ang kanyang kapatid at hindi man lang siya nasamahan nung panahon na kailangan niya ng kaibigan.

"Ervin anong ibig sabihin nung E.J.A nakalagay dun sa bracelet?" Tanong ni Lyza habang tinititigan si Roger, Linaw ng mata ng babaeng 'to. Nabasa niya pa yun?

"Ah yun ba? Pangalan ko yun!"

"Guys tara na! Better na bumalik na tayo ng hotel" Sabi samin ni David

***

[[[POV Samuel]]]

"Charly Samahan mo nga ako, nalaglag yata yung singsing ko eh! Grabe kinupit ko lang yung singsing na yun sa mga accesories ni Dad, lagot ako kapag di ko yun nakita" Sabi ni Judy at hinatak si Charly.

Binigyan naman ako ni Charly ng tingin na parang tinatanong kung ayos lang ba ako na maiwan mag-isa. I just smiled back at him and give him a thumbs up para sabihing ayos lang ako.

Naiwan na kong mag-isa dito at tinititigan ang manikin na kamukha ni Ivy.

"Grabe kamukhang kamukha talaga ni Ivy 'to, Maria Leonora Theresa ang dating eh!" Sabi ko habang tinititigan at hinahawak ito.

Pero nung madapo ang kamay ko sa bulsa ng pantalon nitong suot. Meron akong nakapa. Siyempre curiousity kills me so kinapkapan ko yun.

"Siguro naman hindi rude 'tong ginagawa ko dahil Manikin ka lang naman" Sabi ko at kinuha ang bagay na nasa kanyang bulsa.

"Cassette tape?" Tanong ko sa sarili ko pagkalabas ko nito.

"Hoy! Kadiri ka pare! Manikin na lang minomolestya mo pa" Malakas na sigaw sakin ni Charly nakabalik na pala sila.

Agad kong tinago sa bulsa ng hoodie ko yung Tape at sumunod na lang sa biro niya para hindi ako magmukhang halata.

"Kala ko kasi matatagalan kayo eh! Sayang yung opportunity oh! Ivy na ayaw ko pa?" Pabiro kong sabi sa kanya.

Okay! Meron na rin akong hawak na bala na alam kong sakin lang! Ang tanong kanino ko kaya maipuputok ang balang 'to? Will it be surprising?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top