Chapter 25 "Despair" (Edited)
[[[POV Jaypee]]]
Iniikot namin ang buong lugar ngayon and we're all hoping na makita na namin si Andy... ng buhay.
Para kaming mga baliw sa ginagawa namin, every room binubuksan namin, bawat sulok iniikot namin.
"Guys andito na tayo ngayon sa last floor, ipagdasal na lang natin na makita pa nating buhay si Andy" Sabi ni David na humuhulas sa pawis. Siguro humulas kaming lahat sa pawis dahil sa paghahanap at pagmamadali na makita si Andy.
"Eto lang ang masasabi ko guys! Kung mawawala si Andy, malaking pakpak ang mawawala sa grupo. Mas mahihirapan tayong mairesolba at malaman kung sino ang pumapatay" Sabi naman ni Will. Well may point naman siya eh, si Andy ang nakaisip ng plano kung paano mapapalabas ang kasamaan ni Cyril.
Tumatakbo kami paakyat sa huling floor, kasabay ng pagtuntong namin sa sahig ng huling floor ang malakas at mabilis na kabog ng aming mga dibdib. Siguro ay dahil sa takot? Takot kaming mawala si Andy dahil alam namin na isa siya sa mga taong tutulong samin para makaalis sa lugar na ito.
Kung tatanungin niyo ko kung sino ang tingin kong karapatdapat na manalo sa larong 'to? si Andy yun eh, kaya niyang malaman ang killer sa simpleng pagdudugtong dugtong lang ng mga pangyayari, meron si Andy na mga bagay na wala kami. Meron siyang angking talino at kakayahan na kulang kami.
Habang binubuksan namin ang mga room ay lalong kumakaba ang aming mga dibdib, para ngang gustong tumalon ng puso ko palabas sa katawan ko dahil sa kaba na aking nararamdaman.
"Guys eto na ang last room sa palapag na 'to" Sabi ni Lyza habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng Operating room. Nagtipon-tipon naman kaming lahat.
we are all wearing serious faces, but behind that... I know all of us was scared. Takot na harapin ang isang bagay na I hope na hindi SANA mangyari.
As Lyza's open the door. We heard the creek of the door at ramdam ko ang tensyon.
"BOOO!" Nagulat kaming lahat sa malakas na sigaw ni Will. Nakuwa niya ang atensyon naming lahat.
"Ano ba Will---"
"Joke lang guys, ramdam na ramdam ko ang pagka-intense nyo eh, kalma lang. Sige kayo, kapag ipinakita niyong natatakot kayo baka matuwa ang killer. Always remember na dalawa pa sa atin ang pumapatay" Makahulugang sabi sa'min ni Will.
Pagkabukas ng pinto, agad naming inilibot ang mga mata namin sa paligid.
"Wala naman dito si Andy eh!" Malakas na sigaw ni Edrick at sinuntok ang pader.
Malinis ang buong lugar, maayos ang mga gamit, at mukha naman hindi papasok sa ganitong lugar si Andy eh.
"Guys baka naman lumabas ng hotel si Andy, baka nagpunta sya sa seaside. You know, para mag unwind dahil sa sinapit ni Rose" Suhestiyon ko sa kanila.
"Baka nga, mukhang wala naman pala tayong ikapag-panic kung ganun eh" Sabi ni Ervin samin.
"No! Hindi pa dapat tayo maging masyadong kampante, hangga't hindi pa natin nakikitang buhay si Andy, there's always a possibility that you know... She's gone" Sabi naman ni David samin. Tama naman siya, as long na hindi pa namin nakikita si Andy, wag muna kaming magpapetiks-petiks at maging kampante.
"Guys, pwedeng maitanong kung sino si Aeron Clifford, why all of you look so terrified when you just heard his name" Curious kong tanong sa kanila. I don't know kung sino yung aeron na yun, wala nga akong ka ide-ideya kung ano ang itsura niya or even his identity.
Sa biglaan kong pagtatanong, bigla din nagbago ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, masasabi kong iisa lang ang naramdaman nila sa pagbanggit ko ng pangalan ni Aeron 'TAKOT'.
"Transfer ka lang kasi sa school namin, wala kang alam sa kung ano talaga ang nangyari sa mga nakaraan" Sabi ni Lyza at binigyan niya ko ng pilit na ngiti na parang sinasabi na h'wag ko ng lang alamin.
"Kaya nga ako nagtatanong para---"
"Pwede ba Jaypee! Hindi pa kami handa, mai-i-kwento din namin sayo yun na wala ng sakit kaming maradamdaman" Sabi naman ni Roger, tama s'ya, there's always a time for everything. Hihintayin ko na lang na sila na mismo ang magbukas ng topic na yun.
Transfer lang kasi ako sa school namin three years ago, kumpara sa kanila na magkakasama at lumaki sa Bloodwood Academy. Wala pa kong alam sa maraming bagay, isang halimbawa na lamang si Aeron Clifford, Merong mga bagay at sikreto ang klase namin na pilit ibinabaon sa limot. Nararamdaman ko yun, hindi ako masyadong tanga para hindi ko yun mapansin.
Tumahimik na lang ako sa isang gilid, sino ba naman ako para kwestyunin ang mga nangyayari samin? Unang-una sabit lang naman ako sa royal class.
"Ayos ka lang ba pre? Ganyan lang talaga 'yan, medyo sensitive kasing topic si Aeron" Sabi ni Ervin sakin.
"Okay lang, alam ko naman na hindi pa kayo handa eh" Binigyan ko siya ng mapait na ngiti.
"Wag ka ng magtampo d'yan, bibigyan na lang kita ng clue, lahat kami sangkot, at lahat kami ay may kasalanan" sabi ni Ervin sakin... what does he mean by that?
Habang tumatagal kaming magkakasama, nagiging mas nakakatakot na ang royal class. It's like there's a monster was waking up inside their body. A monster that will reveal the secrets of Royal class.
***
[[[POV Rain]]]
Nakababa na kami agad sa ground floor. Buong paglalakad ay nabalot lang ng katahimikan, maybe dahil dun sa sinabi ni Jaypee? Ilang taon na namin pinanghahawakan ang sikretong yun, ayoko naman in just one snap mapipilitan kaming sabihin ang totoong nangyari.
"Guys! Aalisin ko na ba ang bangkay ni Rose sa C.R? No need for further investigation?" tanong ni David samin na papunta sa C.R.
"Sige alisin mo na! Kailangan mo ng tulong?" Tanong ni Ervin sa kanya.
"Sure" Sagot ni David. Grabe talaga sa moodswing 'tong bestfriend ko, kanina lang sobra ang pagkakasimangot ngayon naman game game sa pagtulong.
"In just a few weeks, labing dalawa na kagad ang nabawas satin. Sobrang nakakagago, sa sitwasyon natin ngayon pahirap na ng pahirap na ngumiti at umarte na parang walang nangyayari. Hindi mo alam sa sarili mo kung hanggang sa'n ka tatagal sa larong 'to. Pwedeng next week, bukas, o kahit mamaya! mawala ka na" Mahabang explain ni Charly habang nakatingin sa bintana.
Naka-poker face lang siya pero nung tinignan ko ang kanyang mga mata, there's a sadness.
"Yun na nga eh, hindi mo alam kung hanggang kelan ka tatagal sa larong 'to. Hanggang kaya mo pa, you should always wear this" Sabi ni Lyza at ngumiti ng napakatamis samin.
"Etong ngiti na 'to ang magiging panlaban mo sa killer, While you're wearing this. I know that the killer was pissed off inside"
They both have point at nakita ko naman na nangiti si Charly sa sinabi ni Lyza.
"Alam mo Lyza your pretty smart naman pa---"
"AAAAHH!" Nagulat nalang kaming lahat sa malakas na sigaw ni David, napatayo ako at napatakbo papunta sa CR, alam kong ganun rin ang ginawa ng ibang kasamahan namin.
Pagkaliko ko ay nakita ko kagad si David na inaalalayan ni Ervin. Nakatingin lang sila sa loob ng banyo, they are both look so teriffied habang nakatingin.
"Gu-Guys! S-si Andy" Sabi ni David habang nakaturo sa loob ng banyo. Kinabahan naman kami bigla dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ni David.
Mga luha na parang sinasabi na 'kabahan kami sa makikita namin'
Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa loob ng CR.
Hindi ko ini-expect ang makikita ko, bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa mata ko at isa-isang tumulo ang mga luha ko, naikuyom ko na lamang ang aking mga palad dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko.
Si Andy. Nakabigti sa loob ng CR, merong MGA pako na nakatusok at nakabaon sa kanyang ulo. Ang katawan niya naman ay puro hiwa, hindi lang simpleng hiwa dahil napakalalalim nito at halos makita mo na ang kanyang mga laman.
Punong-puno ng dugo ang buong katawan ni Andy, Nakakatakot pero yun talaga eh! Nakaka- PUTANG INA ang nangyayari samin!
"Hindi! Hindi 'to totoo!" Malakas na sigaw ni Judy samin. Napalingon naman ako sa may salamin ng CR and I see his fucking name AGAIN.
"Aeron Clifford" Sabi ko sa sarili ko at putang ina lang! Kanina ko pa nababasa yung pangalan niya na yan.
"Ano ba?! Gusto mo ba kaming konsensyahin sa ginawa namin kay Aeron?! Oo, sobrang natatakot mo kami! Oo na! Our conscience grudge us now kaya't kung maaring tumigil ka na... Tigilan mo na ang paglalaro ng mga buhay namin!" Umiiyak na sabi ni Lyza at napaupo na lamang siya sa sahig.
Habang ako nakatingin lang ako sa dalawang bangkay na nasa harap ko ngayon.
Si Andy at si Rose. In just split of seconds nawala na kagad sila.
Nabigla ako ng biglang hinawakan ni Will ang mga balikat ko at hinarap ako sa kanya
"Hindi mo ba napapansin Rain!? Iniisa-isa tayo! Ako, ikaw, si Edrick, at si Abby! Maaring tayo na ang mga sumunod!" Malakas niyang sigaw at inalog-alog ang aking katawan.
"Kasalanan 'to ng bestfriend mo eh! Bakit niya pa tayo binabalikan!?" Gatong ni Edrick. Bakit parang ako pa ang lumalabas ng may kasalanan?
"Hindi ko bestfriend si Aeron! Ano ba!? I'm sure naman na nakita ng dalawa niyong mga mata kung paano namatay si Aeron! H'wag niyo siyang sisihin sa mga nangyayari satin dahil wala siyang kasalanan! H'wag niyong isisi ang mga kapestehan na nangyayari sa atin sa taong patay na!" Sigaw ko sa kanila, hindi ko na naiwasan magtaas ng boses dahil na rin sa galit na nararamdaman ko.
Nilapitan ko ang bangkay ni Andy. Sobrang nakakaawa talaga siya tignan dahil sa dugong bumabalot sa buo niyang katawan. Napansin kong nakakuyom ang kanyang mga palad na nagpa-curious sa akin.
Binuklat ko ito at meron isang bagay ang nakakuwa ng atensyon ko.
Ang hawak ni Andy ay isang parte na galing sa keyboard. "Letter X"
Ano ang ibig sabihin nito? Makakatulong ba 'to para masagot ang mga tanong na gumugulo samin?
Nakakatuwa lang isipin na hanggang sa huling hininga ni Andy, gumawa parin siya ng paraan para makatulong samin na makaalis dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top