Chapter 24 "Investigation" (Edited)
P.O.V. Rain
Tang ina lang! Napakainit na sa lugar na ito, mukhang busy sila doon at nakukutuban ko na naman ang susunod na mangyayari, meron na naman samin ang nawala.
Feeling ko ngayon ay napakawalang silbi namin, nagpa-panic sila do'n at tumutulong na ma-solve ang mystery samantalang kami, 'andito lang kami at nagkukulong sa init ng bawat sulok ng elevator na ito.
"Argh! Init na init na ko, sobrang gusto ko ng makalabas!" Malakas na sigaw ni Judy sa loob ng elevator.
"Just shut up at hintayin mong magbukas i---"
"What if kung trap talaga tayo dito? ikaw na rin ang nagsabi Roger, masyadong matatalino ang killer. They can put some twist habang nandito tayo" Sabi ni Judy, sad to say but the maldita queen have a point sa kanyang binitawang salita.
"Nope. Nagbawas lang talaga sila, they put some smart people here sa elevator. Hanggang wala tayo dun, I'm pretty sure na nagpapanic ang mga kasamahan natin" Sabi ni Roger, why? Bakit na laging may point si Roger? Napakagaling niya gumawa ng mga conclusion na tutugma sa sitwasyon namin at posibleng nangyayari na ngayon.
Well. Anak nga pala ng Presidente si Roger. As expected, san pa nga ba magmamana?
Nagulat kami ng biglang nagkailaw at umandar na ulit ang elevator.
"Yo'n! Simula na naman ng aksyon!" Sabi ni Judy habang pinapagpagan ang kanyang pwetan, naupo kasi kami sa elevator para hindi kami mangawit.
Pagkabukas palang ng elevator ay agad na kaming tumakbo kung saan nanggagaling ang ingay at pagdating namin sa CR ay tumambad sa'min ang napakaraming dugo at masangsang na amoy.
"Guys kunin n'yo na ang bangkay ni Rose ng mabigyan natin siya ng maayos na libing" Sabi ni Lyza at kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Bakit nga ba nangyayari sa amin ang ganitong kamalasan?
Sa narinig ko sa kanya, hindi ko maiwasang malungkot so si Rose pala ang nabawas samin.
Masama ang pakiramdam ko sa mga nangyayari, I know na kami talaga ang pakay niya. killer planned to kill us.
Ako, Andy, Abby, Rose, Edrick, Will. Sa tingin ko sa aming anim iikot ang unang pagpatay, and the killer already killed Rose.
"No! Wala munang gagalaw sa mga bangkay! We should solve the mystery behind this killing at ang nagyaring ito, I think napakalaking clue nito." Sigaw ni Edrick.
"Ano ba! It's better na itago na ang mga bangkay dahil aamoy lang dito 'yan" Sigaw ni Lyza, ang mga babae talaga ang bubungangera.
"Tulad nito, bakit may tali si Rose sa kamay? Saan nanggaling ang sticky note na nasa noo niya? Bakit bigla na lang napasok si Aeron sa gulo? Lahat ng tanong na 'yan ay mabibigyan lang ng linaw kung iimbestigahan natin ng mabuti ang bawat anggulo ng pangyayari" Sabi ni David and sad to say ay tama siya.
"Guys si Abby gising na!" Malakas na sigaw ni Jaypee ng pumasok siya sa loob ng C.R.
Pumunta naman kami sa kitchen. It's giving me creeps when I see his name again.
"Aeron Clifford" mahina kong bigkas at kasabay nito ang pagbalik ng mapapait na ala-ala.
"Hey kababata, namiss mo na naman ang bestfriend---" Agad kong pinutol ang sasabihin ni Judy.
"Hindi ko man gusto ang nangyari sa kanya pero bakit kailangan idamay pa siya sa mga nangyayari sa'tin? So sino naman ang matino na magsusulat nitong mga panakot na 'to? Bakit isinulat ang pangalan ni Aeron? Para konsensyahin tayo? Hahaha patawa!" Malakas na sigaw ko. I dont know but nanggigil ako.
Nanggigigil ba ko dahil kay Aeron? Nope. nanggigigil ako dahil sa panahon na kailangan ako ni Aeron ay hindi ko siya nagawang tulungan. Ang sakit, ang sakit maalala ng mga nakaraan.
Napalingon naman ako kay Abby, her body was covered with blood again.
"Ang sakit ng ulo ko!" Sabi ni Abby habang hawak ang ulo niya sa pagbangon, kung titignan mo si Abby nung wala pa siyang malay ay para siyang isang bangkay talaga.
"Labing tatlo na lang tayo ngayon sa isla, nakakagago 'diba? Isang araw palang tayo sa isla pero agad tayong nabawasan" Sabi ni Charly at blangko ang kanyang ekspresyon, ang hirap basahin. Maybe ganito talaga ang impact sa iba kong kasamahan ang nangyayari samin.
At first... Oo! Nakakatakot ang mga pagpatay, pero habang tumatagal parang normal na lang. normal na lang na makita ang katawan ng isa naming kasamahan na walang buhay, nasasanay na rin naman ako pero hindi pa rin nababawasan ang sakit na hated kapag nakakakita ng walang buhay na kasamahan.
Nasa isang laro kami! A game that compose of 25 players and this is a battle for your own live, it's a survival game! Ang mahihina ang unang malalaglag. Ang magagaling manggamit at sumabay sa flow ang aabot hanggang dito.
"Abby! Anong nangyari? Nakita mo ba kung sino ang gumagawa ng pagpatay?" Agad na tanong ni Will sa kakagising palang na si Abby.
By watching them, napaisip ako bigla kung totoo talaga ang ipinapakita ng lahat... Alam kong merong dalawang tao dito na isang malaking pagpapanggap lang ang ginagawa.
"Hindi ko nakita, ouchness! Ang sakit ng ulo ko" Sabi ni Abby habang minamasahe ang kanyang ulo upang maibsan ang sakit.
"Teka nasaan si Andy?" Malakas na sigaw ni Samuel and yes he's right. Kanina pa kami nandito pero hindi ko pa nakikita si Andy.
"Mabuting mag-ikot tayo! Baka napahamak na siya" Sigaw ni Ervin at agad naman kaming tumakbo pero before that, naalala ko bigla si Abby.
"Judy maiwan ka rito, gamutin mo ang sugat sa ulo ni Abby" Sigaw ko bago ako nagpatuloy sa pagtakbo.
"What?! Hindi ako kasali sa aksyon? Nakakaasar ka talaga Rain! " Narinig kong sigaw ni Judy. Wala talaga siyang magagawa dahil siya na lang ang naiwan doon.
***
[[[POV Andy]]]
Nandito ako ngayon at naglalakad patungo sa ibang floor because I'm making my own investigation.
By looking at Rose Dead body at kung gaano bumaon ang mga tinik sa katawan nya, I'm one hundred percent sure na hindi sa ground floor nangyari ang krimen.
Habang nagpapanic silang lahat, ay pasimple akong umalis tumungo sa ibang floor para mag- ikot. I will solve this mystery alone at hindi ko na hahayaan na may madamay pang ibang tao dahil sa pagkakamali ko.
Alam ko sa sarili ko na kaya kong lutasin 'to ng walang tulong ng iba at walang ibang madadamay. Ayoko ng maulit yung last time na nangyari na muntik na kong mapahamak then nandamay pa ko ng limang tao. Kahit na naging succeful yung plan, feeling ko nilagay ko pa rin sa piligro ang mga buhay nila.
Pumunta ako sa last floor specifically sa room na katapat kung saan nangyari ang krimen.
"Huh? Operating room 'to ng elevator ah?" Naitanong ko na lang sa sarili ko, wala naman ibang tao dito kung hindi ako lamang.
Inikot ko ang mata ko sa buong lugar and bingo! As expected! Meron isang bagay na magtuturo sa killer.
Sa isang sulok ng Kwartong ito, merong dugo which is sa tingin ko ay dito talaga nagmula ang pag-umpog kay Rose at hindi sa C.R. sa ground floor.
"Sabi na eh, Props lang yung nasa baba para lituhin at takutin kami eh" Nakangiti kong sabi sa sarili ko.
Buong buhay ko takot talaga ako sa dugo but dahil sa larong 'to, nalabanan ko ang kinatatakutan ko. Mas handa pa kong lagpasan yun! I know i can do better, I'm gonna make sure na I will survive this Fucking game, hindi itong corny na laro na 'to ang tatapos sa buhay ko. Never.
Agad kong pinulot ang tali na nakalagay sa Bintana ng room na iyon.
"Pinutol ang tali, ibig sabihin planado na 'to. Hindi talaga sa banyo nangyari ang pagpatay, kun'di dito mismo... Sa kinatatayuan ko" Nasabi ko na lang sa aking sarili.
"I'm pretty sure na meron pang ebidensya na magtuturo sa killer sa room na 'to. Kailangan ko lang bilisan dahil panigurado hinahanap na nila ko" Sabi ko at isa-isa kong binuksan ang mga kahon at kabinet sa room.
Hindi nga ako nagkamali. Merong panyo na naiwan dito sa room na 'to.
"Hanga na sana ako sa linis ng paggawa n'yo sa krimen na 'to eh, kaso nag-iwan kayo ng butas, butas na magtuturo sa katauhan ng isa sa inyo" Nasabi ko na lamang sa sarili ko habang nakangiting dinadampot ang panyo.
Alam kong iniisip niyo na simpleng panyo lang ito at walang maitutulong sa sitwasyon namin. Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong kabisado ko ang amoy ng mga kasamahan ko? They are all using high class perfume. Malayo pa lang, once na naamoy ko na ang pabango niya... kilala ko na kung sino siya.
Agad kong tinapat ang panyo sa ilong ko at inamoy ito.
Sa pag amoy ko, meron nalaglag na isang note.
"ZKEPCZKEHVHKY OCYIXL"
"So siya pala ang isa sa killer, ang galing lang! Kung sino pa yung hindi mo expected na gagawa ng kasalanan dahil sa sobrang hinhin gumalaw. S'ya pa pala ang may pinaka maitim na budhi" Nasabi ko na lang sa sarili ko pero ano parin ba 'tong code na 'to, simula pa lang ng pagpatay lagi na ito ang nakikita ko.
Ngayon, unti-unti ng nasasagot ang mga katanungan sa isipan ko. Unti-unti na kong naliliwanagan sa mga nangyayari.
Habang nag-iisip ako ay napatingin ako sa isang bagay. Isang bagay na maaring makatulong sakin para makilala ang isa pang hudas.
Agad kong ginamit ang code at yung bagay na iyon, never kong in-expect na may unti-unting mga salita na mabubuo habang ginagawa ko ito.
"No way! Kailangan nilang malaman 'to! I should warn them now!" Sabi ko sa sarili ko
"Wow! What a pretty dumbass. Nalaman mo kaagad kung sino kami" Napatayo ako sa kinauupuan ko ng marinig siyang magsalita.
"Bakit! Bakit niyo 'to ginagawa?" Gustong-gusto kong tumakbo palayo sa kanila pero parang nabato ang paa ko sa kinatatayuan ko.
"Alam niyo, ang tanga tanga niyo! Simula palang nagbibigay na kami ng clues kung sino kami pero hindi niyo ma-gets gets kung sino kami. Masyado kayong mahina, natatakot kayo magbintang? Ahahaha! Nagmamalinis pa tayo eh! Hindi pa nga nagsisimula ang larong 'to marurumi na ang mga kamay natin" Sabi ng isa sakin habang naglalakad papalapit sa akin.
"Hindi! Hindi totoo 'yan! Wala akong kasalanan!" Sigaw ko habang nagtatakip ng tenga, natatakot akong marinig ang mga susunod na salita na lalabas sa bibig niya. Para siyang isang demonyo na napakagaling laruin ang mga salita.
"Hahaha! Bali-baliktarin nyo man ang mundo, Ang buong Royal class ang pumatay kay Aeron" sabi nila sakin.
"Maybe it's time na para magpahinga Andy, sayang nga lang hindi mo nasabi sa kanila ang nalaman mo" naramdaman ko na lang na parang may tubo na tumama sa mukha ko, napakasakit sa pakiramdam.
Nasilayan ko pa ang mga demonyo nilang mukha bago ako nawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top