Chapter 21 "Together We Stand 2" (Edited)
POV Rain
"Shit guys! Nakikita ko na! Nakikita ko na siya papunta dito!" malakas na sigaw ni Abby samin.
"Tutal naman nasira na ang plano! Magkanya-kanya na tayo!" malakas na sigaw ni Edrick.
"Ano!? Ngayon pa tayo maglalaglagan sa ere, kung kelan kailangan natin ng team---"
"Pabor sakin yan" sabi ni Andy at kumaripas ng takbo paakyat sa pataas na floor.
"Guys naman!" nasabi ko na ng pagmamakaawa, hindi ko naman na aabot kami sa point na ganito! Maglalaglagan kami, kanina lang napakaayos ng usapan namin! In just one life na nawala, nasira na ang pinagplanuhan namin! Dapat pala hindi na ko pumayag kung alam ko lang na ganto ang magiging outcome!
"Rain stop the drama! just fucking hide!" malakas na sigaw ni Abby sakin, oh shit! Fine! kung nailaglag nila ko, pwes mas magaling ako dyan! Ako pa hinamon nila tch! Agad akong tumakbo papunta sa may mini bar sa Inn. Ang mini bar kasi is parang school hallway ang itsura nya, may mga locker duon kaya dun ako nagtago, pumasok ako sa isa sa mga locker. Nakakapackers lang talagang isipin na, ganito ang mangyayari. Biglaang gaguhan! Kung ang plano namin ay hulihin ang killer, baliktad ngayon! Kami ngayon ang hinuhuli niya, ang galing! Hawak talaga niya sa kamay niya ang laro. Kaya niyang baliktarin ang pangyayari in just one snap, lakas talagang makagago! Init na init na ko dito kaya naisipan ko ng hubarin ang polo kong suot. Nakasando naman ako, I wish na makalabas kami ng buhay dito.
***
[[[POV Edrick]]]
Ang saya! Grabe, curse this game, I thought na after this night makakalabas na ako, wala nga akong napatay sa larong ito pero this night, sarili ko ng dugo ang dadanak sa lugar na to. Habang nagtatago ako sa isang gilid nagulat na lamang ako ng may biglang kumalabit sa likod ko. laking gulat ko ng makita ang mukha ni Rose, nakangiti ito ng demonyo. Sobrang napakalapit niya sakin at kitang kita mo ang malademonyong hulma ng kanyang mukha. Lumayo ako sa kanya ng bahagya at huminga ng malalim.
"Oras ko na ba? Ang tulin naman." sabi ko sa kanya at binigyan niya ko ng tango.
Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ako nanlalaban? Simple lang! I already accept the fact that this is my dead end. Simula ng nawala na si Will, tinanggap ko na, na mamamatay narin ako. Ang tanga ko naman kasi eh! Sumali ako sa plano na 20% lang ang chance na magwowork! Ganito naman talaga diba? Sa lahat ng story may happy ending at merong tragic, walang ibang choice dahil isa doon ang babagsakan mo, Mamamatay ako in a tragic way but I want to die like I've experience the best ending ever! Naglabas siya ng isang wire, mukhang nakaconnect kung san yung wire dahil nakikita ko pa ang spark ng kuryente dito, nakaramdam ako ng panginginig sa katawan ko. Bigla niya kong binasa ng isang basong tubig at hindi pa ko nakakapagreact sa pangyayari ay bigla niang idikit sakin ang wire dahil na rin sa tubig ay mas naramdaman ko ang kuryente
Ganito pala ang feeling ng namamatay, parang sa maikling segundo puro sakit lang ang mararamdaman mo.
***
[[[POV Andy]]]
Eto yun eh! I plan everything perfectly! Pero dahil naputol ang isang pakpak, sama sama kaming babagsak, and worst, lahat kami babagsak sa kanya kanya naming kamatayan. Nagtatago ako dito sa Janitor's room sa 2nd floor , parang bodega ang style nya, wala ring ilaw kaya madilim dito, nagtatago ako sa tabi ng lalagyanan ng mga mops at basahan.
"WAAAAAAH!!!" nakapagpadagdag sa takot ko ng marinig ang sigaw ni Edrick.
"E-edrick?" halos takpan ko ang bibig ko at nag-uunahan naman sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ako ang puno't dulo kung bakit na dead end na kami ngayon, ang hirap! Matatanggap ko pa kung buhay ko lang ang mawawala eh, pero hindi eh! Nagdamay pa ko ng apat na tao sa kagagahan ko! Ang sakit lang! Dahil sa pagmamagaling ko, mamamatay kaming lahat dito.Isa-isang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata habang inaalala kung paano ako nagmagaling para sa planong ito, planong pumalpak! Pinahid ko ang aking mga luha at dahang dahang tumayo, kahit ako lang please! Mabuhay man lang ako! Selfish na kung selfish! Sa buhay naniniwala ako na ang mga taong nakapaligid sakin ay ginawa para gamitin lang, I should only trust myself. Tama na ang isang iyakan! After that, kailangan ng magpatuloy sa laban, laban kung saan nakataya ang mga buhay naming.
"KYAAAAH! LUMAYO KA SAKIN! LAYO!" narinig kong sigaw ni Abby mula sa first floor, specifically doon sa mini bar. Parang instant naman na kumilos ang katawan ko patakbo at pababa ng first floor. Pagbaba ko palang ng floor ay tumambad kaagad sakin ang walang malay na si Edrick.
"Edrick? gising! gising!" sabi ko at tinatapik tapik ang kanyang pisngi. Nakakaiyak lang na makita na nasa ganitong sitwasyon ang mga kasamahan, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na 'I use them for my own survival.'
Masakit man sakin pero iniwan ko na lang sa sahig si Edrick at tumakbo papunta sa mini bar. Sa ngayon mas kailangan ako ni Abby, I promise to myself na magkasama kami ni Abby na lalabas dito.
"LUMAYO KA!! LUMAYO KA!!" narinig kong sigaw ni Abby kahit na malayo pa ako sa mini bar. After that ay nakarinig ako ng limang sunod sunod na tunog ng putok ng baril.
Doon na ko sinimulang kabahan, dahil sa putok ng baril! Ngayon ko lang ulit naramdaman ang ganitong takot. Mabilis akong tumakbo papunta sa mini bar kahit na malayo pa ito ay aking tinakbo! Makita ko lang na buhay si Abby, please Lord please! Wag ang kaibigan ko, ako nalang, tutal ako ang pasimuno nito! Pagkabukas ko ng pinto ng mini bar, tumambad sakin ang kinatatakutan ko, ang makita ng walang buhay si Abby at naliligo sa dugo.
"HAYOP KA!!!" Parang kusa naman na susugod ang katawan ko papunta kay Rose.
"Sige lumapit ka!! Susunod ka sa kaibigan mo!!" sigaw sakin ni Rose at tinutukan ako ng baril kaya naman napatigil ako sa takbo.
"Napakahayop mo!" sigaw ko sa kanya. Wish ko lang na nakakapatay ang titig para mawala na sa buhay namin ang babaeng to.
"One wrong move. Mawawala ka na rin sa laro." sabi niya sakin habang nakatutok parin ang baril.
"Oras na ba?"
"Huwag muna! Masyado pang maaga! Bakit hindi muna tayo magkwentuhan." sigaw niya sakin.
"Naalala nyo pa ba kung paano niyo ko bully-hin? Takte, Andy tiniis ko yun ng limang taon dahil nagbabakasakali ako na kapag ginawa ko yun ay magiging belong ako sa grupo ng Royal class, pero hindi eh! Lahat kayo ginamit lang ako! Lalapit lang kapag may kailangan at kapag nakuwa niyo na ang gusto niyo ay lalayo na kayo ulit at hindi ako papansinin." sabi ni Rose at may mga luhan na bumabagsak sa kanyang mga mata.
"Parati na lang ba ganun ang mga mangyayari!! Tang ina, wala kayong alam! Nahihirapan na ko sa sitwasyon ko sa pamilya ko pagkatapos hirap din ako sa pakikisama sa inyo. Ang hirap makisama sa pamilyang hindi ako tunay na anak!" sigaw niya sakin
"A-ampon ka?" nanginginig ang boses ko, hindi ko kasi alam kung matatakot ako kay Rose o maawa.
"Oo ampon lang ako! Bakit hindi mo alam? PAANO NIYO MALALAMAN EH WALA KAYONG PAKIELAM SAKIN! Ang hirap na palagi na lang ako ang umiintindi sa inyo! Paano naman ako? Sinong iintindi at dadamay sakin? Grabe! Awang-awa ako sa sitwasyon ko!" sigaw niya sakn pero rumaragasa ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Nasiyahan ba ang mga mata niyo na nakita akong nahirapan? Kayo ba, nasisiyahan ba kayo sa lagay nyo ngayon? Ang hirap dumanas ng puro hirap diba!" sigaw niya at biglang sinuntok yung painting na nasa gilid at nabasag ang salamin nito, sinong mag aakala na magagawa nIya yun.
"Rose ayos ka lang ba? Tama na iyan, masyad------"
"Oras na!" sabi niya sakin na nagbigay ng goosebumps sa buo kong katawan.
"Pero ayos ka lang ba?"
"Oras na." pagkasabi niya nuon ay inilabas niya ang limang pocket knife sa bulsa niya.
inilabas ko naman ang Handgun ko mula sa likod.
Eto na ang oras, oras na para tanggalin sa landas namin ang killer.
"Cyril labas na!" sabay naming sigaw ni Rose. Medyo natagalan bago bumukas ang pinto at tumambad nga samin ang mukha ng killer. Si Cyril, mukhang na off guard yata siya at hindi niya alam na malalaman namin ang totoo dahil nanginginig pa ito.
"Paano niyo nalaman na andito ako?" bakas sa boses niya ang takot.
Bigla naman lumabas si Rain na nagtatago mula sa isang locker, this time may hawak siyang isang samurai sword.
"Paano niyo to pinlano?" dagdag pa nya.
"Madali lang! Iniba lang namin ang perspective namin sa buhay! Inisip lang naming lahat na si Rose ang killer para mapalabas ka sa pinagtataguan mo! Pinalabas lang namin na pinatay ni Rose si Will at Edrick sinong mag-aakala na mahuhuli kita gamit ang sarili kong plano." nakangiti kong sabi sa kanya. All this time ay inakala nyo na si Rose ang killer but no! Rose have a big role para maisagawa ang plano na ito.
"So plano niyo to? ano yung pagkamatay ni Edrick at Will?"
"Peke lang ang lahat ng iyon! Si Will ay nagpanggap lang na nalason while Edrick, sanay na si Edrick sa mga kuryente dahil nag-aayos siya ng mga gadgets, by the way mahina lang ang boltahe nung wire kaya naman buhay pa rin si Edrick." nakangiting sabi ni Rose.
Bumangon sa pagkakahiga si Abby na ikinagulat ni Cyril.
"Eeeeew! My body is full of fake blood! Pero worth it naman! Nahuli naman namin ang killer" sabi ni Abby.
"Paano nIyo nalaman na ako ang pumapatay?" nakita ko ang pag give up sa mukha niya.
"Yung mga sinabi ni Rose, diba iyon ang reason mo kung bakit mo to ginagawa?"
"BAKIT TOTOO NAMAN AH? ILANG BESES KONG TINRY MAKISAMA SA INYO! WALANG UMINTINDI SAKIN" sigaw niya samin.
"We're sorry, dahil samin nagawa mong pumatay,pero we don't care na! We should end up your life, siguro naman sapat na kabayaran na ang mga taong pinatay mo!" sigaw ni Abby sa kanya.
"Akala niyo ba kaya kong gawin mag-isa yun? Of course hindi! Tatlo kaming gumagawa ng pagpatay, ako palang ang nahuhuli niyo. Makilala niyo kaya ang dalawa pa?" sa may pinto ay pumasok si Will at Edrick tsaka nila tinutukan ng baril si Cyril.
"Kayo ang pumatay sa lahat? Pero bakit?"
"Hahaha, Andy nagpapatawa ka ba? Hindi kami ang pumatay sa lahat! Hindi kami ang pumatay kay Liza at Geoff, malay niyo isa sa inyo ang gumawa nun! All thanks nga sa taong gumawa nun dahil nabawasan ang trabaho naming." sabi niya sakin.
Ngayon ay corner na namin si Cyril, anytime mapapatay namin siya, pero mukhang hindi siya natatakot sa sitwasyon niya, nakakangiti pa siya ng matamis sa amin.
"Ano pang hinihintay niyo? Matagumpay niyo kong nahuli! Ba't hindi niyo pa wakasan ang buhay ko para matapos na ang kademonyohan! Kung gusto niyong makaalis sa lugar na ito then kill me!"
"Buong buhay ko akala ko isa kang anghel." sabi ni Rose.
"Akala ko man anghel ako eh, pero nagising na lang ako isang araw na may sungay at buntot na ako." sabi niya samin ng may nakakalokong ngiti na nakapinta sa kanyang labi.
"Just F*cking die!"
"Do it guys! Tulungan niyo ko, tulungan niyo ko na putuling ang sungay at buntot ko at huwag ng hayaang humaba pa, sawa na ko sa gantong buhay, basta tandaan niyo na tatlo kaming pumapatay, at ako? Isa lang akong puppet ng killer, kayong anim, I'm rooting for you na makakalabas kayo ng buhay sa park na to, please kill me."
Iyan ang huling mga salita na narinig namin mula sa bibig ni Cyril and hindi ko napansin na ginawa na pala ito ng katawan ko, I killed Cyril with my bare hands, I killed another people again but this time imbes na kabahan ako sa nagawa ko, it gives me satisfaction.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top