[[[3rd Person's POV]]]
"Oh Will ayos ka na ba?" Tanong ni Cyril ng madaanan niya itong nakaupo sa isang park bench kasama si Rain. Binigyan naman siya ni Will ng ngiti para ipakita na okay na siya kahit papaano.
Nakaramdam naman ng kaginhawaan si Cyril dahil nalaman niya ng okay na si Will. Nasasaktan din kasi siya kapag nakikita niyang nasasaktan ang kanyang mga kasamahan.
"Sige mauuna na ko, pupuntahan ko pa kasi si Rose sa may game station, maglalaro daw kami eh" Dabi ni Cyril at tumakbo na palayo kanila Will.
"Oy Will, wala ka bang balak magsorry kay Jaypee?" tanong ni Rain habang naghuhulog ng sampung piso sa vending machine.
"Hindi ko nga alam kung paano ko hihingi ng sorry sa kanya eh. Nakakaguilty nga yung ginawa ko sa kanya eh" Sabi ni Will at napayuko na lamang siya.
Inabutan naman ni Rain si Will ng Softdrinks in a can kaya napatingala si Will, Nakita niya ang masayang ngiti sa labi ni Rain na para bang sinasabi na makakaya niya lahat ng problemang pinagdadaanan nila ngayon.
"Salamat" sabi ni Will sabay bukas sa coke in a can, si Rain naman ay umupo na sa tabi niya.
"Alam mo Will, magsorry ka na. Huwag mong pairalin 'yang pride mo. Ibaba mo na 'yan hanggang maaga pa, para hindi na lumaki ang gulo, ikaw na ang maunang magpakumbaba" Explain sa kanya ni Rain at napatango na lamang si Will, naramdaman niya na kahit wala na si Xander ay andyan parin si Rain upang damayan siya at palakasin ang kanyang loob.
"Salamat"
"Ano ba 'yan Will puro 'salamat' na lang ang naririnig ko sayo. Tara na nga kay Jaypee, it's time to say sorry naman" Sabi niya at hinatak si Will.
***
"Ayan kasi, shunga shunga! Lakas ng loob magbigay ng advice nakita mong hindi kayo close nung tao" Sabi ni Maggy at diniinan ang ice pouch kung saan nagkaroon ng pasa si Jaypee dahil sa pagkakasuntok ni Will.
"Aray naman! ako na nga gagawa niyan. Kapayat-payat mong tao ang bigat ng kamay mo" Sigaw ni Jaypee at inagaw ang ice pouch kay Maggy.
"Oh talagang ikaw ang gumawa niyan, ano ko? instant magiging julalay mo?"
"Maggy mamaya mo na nga awayin yung tao, hayaan mo munang makapagpahinga" Singit naman ni Ervin.
"K.Fine" Sagot ni Maggy at lumabas ng clinic, habang naglalakad siya ay nakita niya si Abby na nakaupo sa isang table sa Café.
"Hi Maggy--- Ay grabe! isnaberang froglet, famewhore ang gaga" Sabi ni Abby ng dire-diretso lang naglalakad si Maggy at inisnob siya.
Umayos na lang ulit ng sarili si Abby para hindi halatang napahiya siya, kinuwa niya ulit ang frappe na iniinom niya.
"Wait lang kasi Rain, papraktisin ko muna" Narinig na ingay ni Abby habang nagkakape, naghahatakan pa si Will at Rain.
"H'wag na tara na!" Sabi ni Rain.
"Hello Rain! Hello Wi---" Hindi na naman siya pinansin at dumiretso lang ang dalawa papuntang clinic.
"Aba'y matinde iniisnob ang beauty ko. Natatakpan na ba ng bilbil ko ang maganda kong mukha?" Sabi ni Abby at napailing na lang siya.
Pagpasok naman ni Rain at Will sa loob ng Clinic ay rinig na rinig nila ang pag-inda sa sakit ni Jaypee kaya lalong naguilty si Will.
"Aray naman Ervin! Mas matinde ka pa pala kay Maggy eh. Ang sakit ah!"
"Rain mamaya na lang kaya, nakakaguilty eh" Sabi ni Will habang hinihitak palabas si Rain.
"Jaypee gusto ka raw makausap ni Will!" Malakas na sigaw ni Rain.
"Shit!! T*ng ina ka! " Sabi ni Will habang binabatukan si Rain.
"Aray naman!" Daing ni Rain dahil sa sakit ng batok ni Will
"Ikaw kasi eh!"
"Will, pasok daw sabi ni Jaypee" Sabi ni Ervin sa kanila pero bago tumuloy si Will ay nagmiddle finger sign pa siya kay Rain, tinawanan lang naman siya ng kaibigan.
***
After ng walkout scene ni Maggy ay dumiretso siya sa Room niya para maligo, dalawang araw na kasi siyang hindi naliligo at puro palit lang ng damit ang kanyang ginagawa, ngayon lang siya ginanahan maligo.
Ngunit pagdating niya sa kanyang room ay mayroong letter na nakapatong sa kanyang higaan.
"Ay anyare? Iilan nalang kaming nandito binibigyan pa ko ng love letter pwede naman ichat na lang sa facebook o kaya i-tweet sakin sa twitter" Sabi ni Maggy habang binubuksan ang envelope.
Meet Me, Roller coaster Operating room, 5 PM
"Jusko! Ang jeje naman ng gumawa nito, hindi ba s'ya tinuruan ng tamang pagsusulat, parang jeje din ang tatanggap ah!" Sabi ni Maggy sa kanyang sarili, tumingin naman siya sa Wall clock at nakita niyang 4:30 PM na pala.
"May time pa pala ko para maligo. Ay h'wag na pala! magpupunas na lang ako ng katawan, malamig na pala ngayon" Sabi ni Maggy ulit sa kanyang sarili.
Pumunta siya sa banyo at dahil nga sa katamaran ni Maggy ay nauwi lang siya sa pagpupunas ng katawan at hindi na naligo. After niyang magpunas ng katawan ay nag-ayos muna siya sa salamin.
"Maggy, why so ganda? Kahit amoy ka na imburnal?" Sabi niya na naman sa kanyang sarili at naglagay ng maraming pulbos.
Pagkatapos ng napakaraming ritual ni Maggy sa kanyang room ay lumabas na siya at pumuntang operating room.
"Himala Maggy naligo ka?" Pabirong tanong ni Roger ng makita niyang naglalakad si Maggy.
"Hinde! Hinde! Iniyakan ko yung katawan ko para maging basa, nakakahiya naman sa katangahan mo" Sabi ni Maggy at hindi niya pinahalata na hindi siya naligo.
**~~~Operating room~~~***
"Ay jusko Maria! Ilang taon ba 'tong hindi nagamit?" Sabi ni Maggy at inaagiw ang mga sapot na nakaharang sa dadaanan niya.
"Hello! Nagmamagandang Maggy over here! where na you, bagot na me" Sigaw ulit ni Maggy.
Pero laking gulat nya ng may biglang dart na lumipad papunta sa kanyang Ulo, mabuti na lamang ay nakailag siya.
Madilim sa lugar kaya naman walang ka ide-ideya si Maggy kung sino ang taong gumawa nun.
agad siyang napatakbo sa may pinto upang lumabas pero huli na, nakalock na ito at natrap siya sa loob.
"Anong kagaguhan to!? Palabasin n'yo ko dito!" Malakas na sigaw ni Maggy at patuloy na sumisigaw.
Nagulat na lamang siya ng may mainit na malapot na dugo ang dumadaloy mula sa kanyang balikat, hindi niya napansin na mayroon na pala siyang tama ng baril dahil sa pagpa-panic.
"Ano mamamatay nab a ako!? H'wag mo ng patagalin!" Malakas niya muling sigaw.
Mayron naramdaman si Maggy na mainit na likido na pumapatak sa kanyang katawan.. Parang nalalapnos at nakakaramdam siya ng sakit.
Saktong pagtingala niya ay duon bumagsak ang isang timbang asido sa kanyang mukha.
"My face! My face!!" Malakas niya muling sigaw.
Dahil sa sakit ay nagpaikot-ikot siya sa sahig at hindi niya napansin ang isang cabinet at natunggo niya ito, wala siyang kamalay-malay na ang nakapatong pala sa kabinet ay isang set ng kutsilyo.
Lahat ng kutsilyo ay tumusok sa kanyang mukha. doon na nagwakas ang buhay ni Maggy.
***
"Bakla! Let's go na raw! Kain muna raw Dinner" Sabi ni Abby at pumasok sa kwarto ni Maggy, pagkapasok niya ay agad nakuwa ng sulat ang pansin ni Abby.
Inamoy-amoy ni Abby ang Letter na para bang pagkain ito.
"ano ba 'to?! Ang baho ng pabango! Ang tapang!" Malakas niyang sigaw at nilayo agad sa kanya ang letter.
"Operating room? Roller coaster? 5PM? Ade dapat kanina pa siya wala doon dahil 7PM na kaya" Lumabas na si Abby ng room ni Maggy at pumunta sa restaurant upang sabihing nawawala si Maggy.
"What!? Imposibleng mawala ang babae na 'yon kanina nakita ko pa siya" Sabi ni Roger habang naglalakad sila sa operating room dahil nagbabakasakali silang makikita si Maggy doon... ng buhay.
"Maggy! Maggy!" Malakas na sigaw ni Cyril at binuksan ang pinto pero pagkabukas ay agad tumumba ang katawan ni Maggy na walang buhay.
Halos hindi na siya makilala dahil lapnos na lapnos ang buong katawan nito at puro tusok ng kutsilyo ang kanyang mukha, ang daming umaagos na dugo.
"Ma-maggy.Anong nangyari! Sinong may gawa nito!?" Malakas na sigaw ni Abby habang si Andy ay natahimik na lamang sa isang gilid hindi nila mabasa ang ekspresyon nito dahil nakapokerface lang ito.
Halos lahat ay napaiyak dahil ang pinakamasayahing tao sa kanila ay makikita nila sa ganoong sitwasyon.
Hindi sila makapaniwala na in just few hours may mamamatay na naman sa kanila, ang tulin ng mga panagayayari at walang gustong maniwala na patay na talaga si Maggy.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsialisan na ang mga kasamahan nila, ang naiwan na lamang kay Maggy ay si Abby at Andy.
"Andy ba't ganyan ka? Bestfriend mo ang nawala sayo!" Sigaw ni Abby sa kanya dahil hindi niya talaga mabasa ang emosyon ni Andy.
"Nagtagumpay ang plano ko" Sabi ni Andy na ikinabigla ni Abby.
"Anong ibig mong sabihin?
"Dahil sa code na nakuwa natin, sa ating tatlo nagfocus ang killer at pinatay n'ya si Maggy. But the killer does'nt know na binantayan ko ang kilos n'ya. Isang buhay ang kailangang isakripisyo para sa kaligtasan ng lahat"
"kilala mo na kung sino?"
"Yeah at hintayin n'ya na lang ang paghihiganti ko dahil sa pagpatay n'ya kay Maggy"
t
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top