Chapter 15 "Fake one" (Edited)

3rd Person's POV

"Celine or Cindy?" Muling ulit ni Roger sa kanyang mga kasamahan, mukhang hindi sila makapagdesisyon dahil buhay ang pamimilian nila. Magkakaalaman na kung sino ang mas matimbang para sa kanila.

"Wala na bang ibang choice!? Why we can't save both of them?" Malakas na sigaw ni Charly, sampung minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa rin silang magawang desisyon.

"Hindi ko kailangan ng mga fucking choices na 'yan para iligtas ang mga taong nakasama ko ng apat na taon" Sabi ni Edrick at tumakbo sa kinaroroonan ni Celine at sinubukang tanggalin ang lubid na nakakabit sa kanyang leeg.

"What the--- Papanuorin niyo lang ba ako at wala kayong balak tumulong?!" Malakas niya muling sigaw at doon lang kumilos ang mga kasamahan niya, nahati sila sa dalawang grupo. Yung isa ay tumutulong kay Cindy at yung isa ay tumutulong kay Celine.

"Paano naman natin sila matutulungan kung nakaposas ang mga kamay nila?!" sigaw ni Rain.

"Charly maghanap ka ng piraso ng alambre para may ipangkawit tayo dito, ikaw naman Samuel kumuwa ka ng kutsilyo sa Kitchen para matanggal natin ang lubid na nakakabit sa kanilang leeg." Ma-otoridad n autos ni Edrick sa dalawang kaibigan na agad naman nilang ginawa ito.

"Edrick hindi ito isang lubid, makapal na copperwire ito na kinulayan lang na brown na pintura" Sabi ni Jaypee. Tinignan nga ito ni Edrick at tama si Jaypee.

"Sa tingin ko ay kakapusin tayo sa oras" Sabi ni David.

"Shit" Malakas na sigaw ni Xander, napansin niya naman na parang may gustong sabihin si Cindy

"Cindy, anong gusto mong sabihin?" tanong nya.

Dumapa si cindy dahil nakaposas sya para makita ang kamay niya at gumamit ng hand sign language para sabihin ang gusto niyang iparating sa mga kasamahan

"FUDGE! I Can't understand it!" Malakas na sigaw ni Xander.

"Alis d'yan alam ko 'yan" Sabi ni Maggy kay Xander at itinulak ito.

Muling ginawa ni Cindy ang sign at tinignan mabuti ni Maggy.

"Wait lang Cindy bagalan mo lang" Sabi ni Maggy at inulit ni Cindy ang sign pero this time mas mabagal.

"B-O-M-B? Bomb!" Nag-okay naman si Cindy nung nagets ito ni Maggy at itinuloy ang pagsasign language. maigi naman na iniintindi ni Maggy ang mga Letters na ibinibigay ni Cindy

Nagulat si Maggy ng maintindihan niya ito.

"Bomb inside you? May bomba sa loob ng katawan mo?" Naiiyak at natatakot na tanong ni Maggy at tango naman ang isinagot ni Cindy.

Itinaas ni Maggy ang damit ni Cindy at may nakita nga siyang tahi dito. Parang inilagay ang bomba sa katawan nya at tinahi ulit.

"Edrick! Nakalock ang pintuan ng Restaurant" Sigaw ni Samuel pagkabalik niya sa hall.

"Nakalock din ang pinto ng hotel, chineck ko na din ang Inn ngunit nakalock din ito" Sigaw din ni Charly pagkapasok niya.

"tch! A very smart killer huh? Tang ina lang!" Sigaw ni Edrick at napasabunot na sa sarili dahil sa inis.

"Twenty minutes na lang guys" Nanghihinang sabi ni Rose. nagulat ang lahat sa sinabi ni Rose dahil nabibilisan sila sa pagtakbo ng oras

"We should choose one guys! Hindi natin kakayanin na iligtas silang dalawa" Biglang sigaw ni Ervin.

"No! We Will save them both! Buhay ang nakataya dito Ervin! We should save our friends!" Biglang sigaw ni Cyril kay Ervin.

"Cyril! Use your brain! we can't save both of them kasi kulang tayo sa oras mahirap bang intindihin iyon?! One more thing, there's a bomb inside Cindy's body so mas safe kung tulungan na lang natin si Celine!" Sigaw ni Roger kay Cyril bigla na lang naiyak si Cyril sa mga sinabi ni Roger.

"Ganyan na lang ba? Ganyan na lang ba kadali na mang-iwan ng kaibigan sa ere? Ganyan na ba kadaling hayaan ang isa na mamatay at piliin ang buhay ng isa?" Umiiyak na sabi ni Cyril at malakas na sinampal si Roger.

"Eh Gago ka pa lang babae ka eh! Sige iligtas mo si Cindy! Magpakabayani ka! Sinasabi ko lang ang mga pwedeng mangyari and eto ang gagawin mo sakin? Tch. What a Bitch saint" Ngumisi ng mapang-asar si Roger.

"Please stop! Sa inyo ko ipupulupot yung lubid dito eh!" Maarteng sigaw ni Judy, may napansin naman si Will sa box kaya agad niya itong dinampot at inalog.

"Teka, tunog ng susi to ah?" Nanlaki ang mata ni Will ng marinig niya ang laman ng box.

"Guys susi ang laman nito! Merong chance na susi ito para makalabas ng park" Sigaw ni Will kaya naman sa kanya natuon ang atensyon ng lahat, isa na namang panibagong desisyon ang kailangan nilang gawin at pag-isipan.

"Kung yan nga ang susi palabas ng park then kailangan natin hatakin yung susi para umabot sa box, but masasakal si Celine" ayan ang konklusyon na pumasok sa isip ni Abby.

Nagulat na lang silang lahat ng biglang hatakin ni Judy ang Lubid na nakatali kay Celine.

"Judy anong ginagawa mo!? Itigil mo 'yan please! Hindi iyan ang pinakamagandang solusyon" Sigaw ni Cyril kay Judy at pilit itong pinipigilan

"GAGA! Wala na tayong panahon para maglabas ng halo at pakpak kasi natrap lang tayo sa gan'tong sitwasyon, mamamatay din silang parehas sa huli kaya mas maganda ng magkaroon ng pakinabang ang buhay nila. Ang hirap mag explain sayo argh! Sa huli mamamatay din sila yun na yun!" Sigaw ni Judy at muling hinatak ang lubid.

"ten minutes na lang" Umiiyak na sabi ni Rose, nagdalawang isip pa siya kung tutulong siya kay Judy, pero sa huli ay humawak siya sa lubid at humatak na rin.

ganun na rin ang ginawa nila Charly, Samuel... Kahit si will at Xander.

Nakita nila kung paano masakal si Celine. halos lumuwa ang mata nya at todo ang pagpupumiglas, pilit niyang niluluwagan ang tali na nasa kanyang leeg ngunit dahil sa paghatak ng mga kasamahan ay pasikip ito ng pasikip.

"Ano ba Tumigil nga kayo! What The Fudge are you fucking doing!" Sigaw ni Edrick at tinutulak isa isa yung mga kasamahan niya palayo sa lubid na may susi pero sadyang desidido na silang ipalit ang buhay ni Celine para lamang makalabas sila sa lugar na iyon.

"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Cyril habang pilit niya naman hinihila pababa ang nabibigti na si Celine, hindi niya alam na mas lalo lang nahihirapan huminga si Celine sa kanyang ginagawa.

"Sorry but this time Judy is right, mamamatay din sila sa huli. Mas maganda ng magkaron ng value sa atin ang pagkamatay nila" Sabi ni Rain habang umalis sa tabi ni Cyril at lumapit kanila Judy at nakihila na rin.

Doon na nga nawalan ng buhay si Celine, naiwan pang bukas ang kanyang mga mata na lumuluha ng dugo at gumegewang-gewang na nakasabit sa itaas, napaiyak na lamang si Cindy sa sinapit ng kaibigan niya. Gusto niyang humagulgol ng iyak ngunit nakatahi ang kanyang bibig.

"Five minutes" Sabi ni Rose.

"Mga Killer kayo! Mga Killer kayo! Lahat kayo marurumi ang kamay nyo! Nakapatay na kayo! Nakakadiri kayo!" Malakas na sigaw ni Edrick ngunit walang nakinig sa kanya.

"Heto na abot ko na!" Sigaw ni Samuel ng maabot nila ang box, agad niya itong sinusian.

Pero laking gulat niya nung pagka unlock niya pa lamang sa kahon ay biglang sumabog ang bomba sa katawan ni Cindy, lahat ng dugo ay tumalsik sa kanila. Nakakalat din ang napakaraming lamang loob na nagsiliparan sa loob ng Hall.

"Magsama-sama kayo! Mga killer kayo! Mga nagbabait-baitan, kaplastikan lang pala lahat ng pinapakita ninyo!" Sigaw muli ni Edrick

Agad dinampot ni Judy ang susi na nasa loob ng Kahon.

"Tara na! Makakaalis na tayo dito!!" malakas na sigaw ni Judy at tumakbo na sila palabas...... habang naiwan sa loob ng Hall si Edrick at Cyril

"Well buhay mo ang nakataya dito, Expect the unexpected, lumabas ang mga tunay na kulay" Tumawa ng parang baliw si Edrick sa loob ng Hall pero after niyang tumawa ay napaupo siya na parang bata at umiyak sa kanyang tuhod.

***

Mabilis naman na tumatakbo sila Judy papunta sa entrance ng park.

"We're finally free from this Hell park!" Nakangiting sabi ni Judy at kinalimutan na ang kademonyohan nilang ginawa kay Cindy at Celine.

Lumapit na kaagad sila sa gate ng park at agad naman ipinasok ni Judy ang susi sa lock. Biglang nanlaki ang mata ni Judy nung ayaw ma-unlock kahit ilang beses niya na itong pinihit-pihit.

"J-Judy W-What happen?" Natatakot na tanong ni Lyza.

"Ayaw mabuksan!" Sigaw ni Judy at Pinihit niya itong muli.

"Ako nga! Babae ka kasi kaya hindi mo makaya yan eh" Sigaw sa kanya ni Rain at si Rain ang Nagpihit pero ayaw parin talaga.

"Shit! Naloko lang tayo!" Sigaw ni Samuel at malakas na sinipa ang trash can na nasa isang gilid.

"We killed two people in just fucking fake keys" Umiiyak na saad ni Lyza.

Nakarinig sila ng parang tunog ng bell kaya naman nakuwa nito ang atensyon nila.

"Sinong mag-aakala na ipagpapalit niyo ang buhay ng dalawa niyong kaklase para lang sa isang pekeng susi? Interesting, di'ba? Mga nagbabait-baitan kayo pero kayo rin naman ang pumapatay. Sa larong ito, marami na sa inyo ang marurumi ang kamay, Marami na ang killer. Pinagtulungan niyong patayin si Celine at Cindy"

"Hindi! Hindi totoo iyan!" Malakas na sigaw ni Maggy.

"This is the reality Players kahit anong hugas pa ang gawin ninyo sa inyong kamay, may napatay na 'yan, Marumi na 'yan! Condolence na lang sa inyo mga killers--- Este! players"

Nakarinig sila ng malakas na tawa pagkatapos ng kanyang sabihin.

They killed there friends para lang makalabas sila sa lugar na iyon, hindi na sila lahat nalalayo sa isang mamamatay tao dahil lahat sila unexpected na napatay si Cindy at Celine.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top