Chapter 11 "Monster" (Edited)
[[[ 3rd Person's POV ]]]
"Hindi to totoo diba?" tanong ni Andy sa kanyang sarili habang nag-uunahan pumatak ang kanyang mga luha. Nagtataka siya kung bakit si Loren pa, si loren pa ang nawala. Si Loren ang masasabi niyang bestfriend at kakulitan niya bukod kay Maggy.
"Andy inom ka munang tubig oh." Alok ni Rose ng tubig kay Andy, hindi kasi siya sanay na makita ang isang masiyahin na Andy ang umiiyak ngayon. Nasasaktan siya kapag nakikita niyang isa-isang nagbebreakdown ang mga kasamahan niya.
"Salamat" Maikling sagot ni Andy at binigyan nya ng tipid na ngiti si Rose.
"Smile na Andy oh, ayiiie ngingiti na 'yan" Bigla na lang sumulpot si Maggy sa kabilang gilid ni Andy. gaya ni Rose, hindi din sanay si Maggy na makitang malungkot ang living doll ng Royal 25
Dahil na rin nagmemake face si Maggy ay napangiti na rin si Andy.
"Kahit kelan talaga Maggy ang panget mo" Sabi nya kay Maggy.
"Ayiiie ngumiti na s'ya ayiie!!" Sabi pa ni Maggy. Buti na lang ay merong Maggy na kasama si Andy, kung hindi ay didibdibin niya masyado ang pagkawala ni Lorraine.
"Alam mo girl ikain mo na lang 'yan, problem solve na" Epal naman ni Abby na may dalang napakaraming toblerone at dairymilk.
"San mo nakuha 'yan teh?" tanong sa kanya ni Maggy. Natakam kasi ang gaga sa mga dala ni Abby.
"sa ref, nakita ko lang kahapon kaya tinago ko lahat sa room ko. Pero dahil mabait ako ishe-share ko sa inyo yung konti" sabi ni Abby. Pinipilit niya lang i-enlighten ang mood dahil masyado ng nagiging seryoso ang mga nangyayari sa kanila, parang in just a week, lima na agad ang nawala sa kanila, parang in just one snap o kahit pumikit ka lang, marami ng pwedeng mangyari kaya naman kailangan nilang mag-ingat.
"oh girl eto pa chibugin mo na" Sabi ni Abby. Hanggang nandoon siya, hindi niya hahayaang may makita siyang malungkot na mukha
"Ako ba ang inaalok mo?" Nakangiti ng malajoker si Maggy. Gustong-gusto niya talaga ang mga tsokolateng inaalok ni Maggy.
"Daganan kaya kita dyan" Sabi ni Abby, takot na lang ni Maggy na madaganan siya ng malapad na katawan ni Abby.
Nauwi na man sa tawanan ang araw na iyon dahilan para panandalian nilang makalimutan ang kanilang mga problema.
***
Habang ang mga babae ay nagkakasayahan sa room ni Andy, ang mga lalaki naman ay may seryosong pinag-uusapan sa room ni Charly. Si Rain, Charly, Samuel, Edrick, Will, at Xander.
"Guys, kailangan na nating kumilos para makalabas na tayo dito" seryosong sabi ni Xander sa kanila. Nakahiga ito sa sahig at ginagawa niyang unan ang kanyang dalawang kamay.
"Paano nga natin iyon magagawa kung wala tayong ka ide-ideya kung sino ang gumagawa nito" Sabi ni Will at nakaupo sa kama ni Charly. May mga pinaghihinalaam na siya pero hindi niya muna sasabihin sa kanyang kasamahan hangga't wala pa siyang makitang pruweba.
"Sa tingin ko mahinang tao lang ang gumagawa nito" Biglang sabi ni Rain na lubos na ipinagtaka ng mga kasamahan niya.
"what do you mean?" Tanong ni Edrick at seryoso silang nakatingin lahat kay Rain.
"Hindi nyo ba napansin? Lahat ng babaeng namatay was killed in brutalic way" Sabi ni Rain sa mga kasamahan, napansin niya lang naman ang bagay na ito kaya sinasabi niya ito sa mga kaibigan niya.
"So what do you mean by that" Tanong ni Charly.
"Kasi ang mga namatay na lalaki is by chance lang. Like sa alak na ininom, lahat tayo pwede ang makakuwa ng inumin na may lason at tayo ang mamatay. Yung sibat, lahat tayo pwedeng tamaan nun. Unlike sa girls na pinapatay in brutal way na parang sila talaga ang target" Explain ni Rain.
"So anong ibig sabihin mo na mahina lang ang gumagawa nito?" tanong ni Samuel.
"Kasi pumapatay siya ng mga mahihina at alam naman natin na sa sitwasyon natin ngayon ay ang mga babae ang mahihina" Sabi ni Rain.
"Kung mahina lang ang gumagawa nito, Pwedeng isa rin sa mga babae ang gumagawa ng pagpatay na ito!" Sabi ni Will na para bang nagegets niya ang pinupunto ni Rain.
"Yeah maybe, malay niyo nadamay lang tayo dito pero ang target talaga ay yung mga babae" Sabi naman ni Xander
"Pero ano ang motibo?" Tanong muli ni Edrick.
"Oy guys conlusion ko lang yung sinabi ko! Wag kayo basta-bastang mag-jump in conclusion na isa na talaga sa mga babae ang gumagawa nito. malay niyo isa siya satin at mali ang mga sinasabi ko" Nakangiting parang nananakot na sabi ni Rain.
"Wala namang ganyanan pre!" Sabay-sabay nilang sabi at ibinato lahat ng unan kay Rain. kaya in the end, para silang mga batang nagpi-pillow fight sa loob ng kwarto ni Charly.
***
"Girls wait lang iihi lang ako" Sabi ni Liza. Ang totoo eh nasusuya na siya sa napakaraming tsokolate na kinakain nila, tsaka ang kwarto ng hotels ay walang sariling banyo sa loob kaya naman kinakailangan talagang lumabas para pumunta sa mga comfort rooms.
"kailangan mo ng kasama Bal?" tanong ni Lyza. Bal is a short term for Kambal.
"Wow Bal ah, malapit lang naman ang CR dito eh. Wag mo na kong samahan, big girl na ko" sabi ni Liza ng pabiro sa kanyang kakambal at isinara na ang pinto.
"cha-charap, cha-charap!! umihi tayoooo" Kinakanta 'yan ni Lyza na may tono ng kanta ni Ryza. Habang naglalakad siya papuntang C.R, medyo palipit na siyang maglakad dahil nga parang sasabog na ang kanyang pantog sa dahil sobrang naiihi na siya.
Pero nagulat na lang siya ng biglang may tumakip sa bibig niya ng panyo. Nagulat pa sya pero unti unti na syang nawalan ng malay at hindi na nagawang ipagtanggol ang kanyang sarili.
***
Nagising na lang siya ng nasa isang kwarto na siya, kwarto sa isang Inn. Neron kasing hotel sa park at meron ding Inn na pwedeg pagpahingahan.
Nagulat na lang siya ng magising siya na nakatali ang dalawang paa at kamay sa kama. Parang naka-crucify ang hitsura niya. Nang Makita niya ang kanyang sitwasyon, mabilis na nagsitayuan ang kanyang mga balahibo at sobrang natatakot siya sa mga mangyayari.
May nakita syang tao na nakatayo sa isang gilid at nakatalikod sa kanya.
"a-anong kagaguhan to? bakit mo 'to ginagawa?" Garalgal ang boses ni Liza nung sinabi niya iyan. Parang nakaramdam narin siya na ito ang pumapatay kaya naman parang nagkakarerahan na pumapatak ang kanyang mga luha at pinagpapawisan siya ng malagkit dahil sa kaba.
Ilang beses na nagpumiglas si Liza sa pagkakatali pero sadyang mahigpit ito.
"Gusto mo bang kwentuhan muna kita bago ka mawala?" Sabi nito kay Liza at kumuha ito ng plastik na upuan at tumabi kay Liza.
"Umalis ka! Wag kang didikit sakin! Nakakadiri ka! Mamamatay tao ka!" Tuloy-tuloy na sabi ni Liza nung haplusin siya nito sa kanyang pisngi.
"alam mo ba nung bata ako. Lagi akong naniniwala na ang ang monster ay nasa ilalim ng kama natin? Takot na takot pa kong sumilip noon sa ilalim ng kama dahil natatakot akong makita ang monster" explain sa kanya pero nagpupumiglas si Liza at pinapakita nito na wala siyang interes sa mga pinagsasabi sa taong kaharap niya.
dinuraan naman sya ni Liza sa mukha. Pinapakita ni Liza na matapang siya ngunit sa loob-loob nito ay sobrang natatakot na siya.
"Wala akong pake! Ikwento mo sa turtle!" Sabi pa niya at dinuraan pa itong muli.
Pinahid naman nito ang dura ni Liza at sinampal niya ng malakas si Liza. May knuckles pa ang kamay nito kaya naman malakas ang impact nito ng sampalin niya si Liza.
Gustong humiyaw ni Liza sa sakit pero ipinakita niya na matapang siya, na kaya niyang tiisin ang sakit. Buong buhay niya nakatago siya lagi sa anino ng kakambal niya, lagi siya nitong ipinagtatanggol at inililigtas.
muli siyang binigyan nito nang nakakalokong ngiti.
"Pero alam mo ba habang tumatanda ako, doon ko naisip na walang halimaw sa ilalim ng kama. Dahil ang totoo, the real monster were inside us" Sabi nito at kumuwa ng gunting, pinatunog niya pa ang mga gunting para makaramdam ng takot si Liza. Imbis na matakot ay ngumisi pa ito.
"Ano? Eto na ba yung part na magmamakaawa ako sayo at iiyak ako na wag mong patayin?" Nagmamatapang na sabi ni Liza pero sa loob niya, ayaw niya pa. Ayaw niya pang mamatay.
"Patawa ka Liza, wala ka ng chance na magsalita at magmakaawa eh" sabi nito at inilabas niya ang dila ni Liza. Unti-unti nya itong ginupit, mabagal niya itong ginupit dahilan para mas lalong maramdaman ni Liza ang sakit pero kahit ganun, hindi parin ipinakita ni Liza na sobrang nasasaktan na siya.
Punong-puno ng dugo ang kanyang bunganga at umaagos ito sa pantulog niyang damit. Ipinakita pa nito kay Liza ang putol niyang dila at hiniwa ito sa maliliit na piraso.
Nanginginig at natatakot na si Liza sa kabaliwan na ginagawa ng kasama niya ngayon
"sabi nga nila, 'action speaks louder than words'. So imbis na magdadaldal ako dito, gawin na lang natin" Sabi nito kay Liza at tinusok naman niya ng dalawang kutsilyo ang mata ni Liza. Biglaan ang lahat kaya hindi nakapaghanda si Liza, dahil nakatali siya ay hindi siya makawala. Gusto niyang humiyaw sa sakit ngunit walang boses na lumalabas sa bibig niya.
"oh ano ka ngayon! Magmamatapang ka pa?" Sabi nito kay Liza at kumuwa ng malaking machete sa lamesa.
'Sa lahat ng nandito, hindi ko lubos maisip na ikaw ang gumagawa ng mga kademonyohan na ito' yan ang tumatakbo sa utak ni Liza.
Bigla naman initak nito ang kanyang kamay na nakatali hangga't sa patuloy niya nang pagtatagain si Liza puro dugo ang kama at halos hindi mo na makikilala si Liza dahil sa nangyari
Agad naman dumiretso ang killer sa banyo at naligo para walang makahalata na siya ang gumawa ng malagim na krimen na 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top