Chapter 7

TYRALIQUE HUAVEN

MAAGA AKONG UMALIS ng dorm. Maaga akong nagutom, lalo na sa pinanggagawa naming takbuhan ni Arius kagabi. Mabuti na lang at walang nakakita sa amin pabalik ng dorm at baka sa detention room kami muling magkita. Dinamay pa ako sa mga kalokohan niya sa buhay-envelope lang pala ang kailangan kunin ng loko.

Ang nakalulungkot lang ay balik sa normal ang lahat nang sumapit ang umaga. Parang hindi kami namatayan ng isang kaibigan kahapon.

Kinuha ko ang red envelope sa bag at inilapag ito sa lamesa. Walang ibang nakakaalam tungkol sa sulat. Sa nangyari kagabi ay nakalimutan kong sabihin sa iba ang tungkol sa ibinigay na red envelope ni Cole. Bahala na si Batmam. Wala rin namang silbi ang nakasulat. Sakit sa ulo lang ang ibinigay sa akin simula kagabi.

Ang nakapagtataka lang ay kung bakit nasira ang doorknob sa dorm ko. Sino ang sumira? Sa pagkakatanda ko ay maayos pa ang doorknob nang buksan ko ito kagabi. Buwesit, masisiraan na yata ako ng bait. Kahit saang anggulo ko tingnan, wala akong mapagbintangan.

"Tyra. . ."

Walang gana kong tiningnan ang taong nasa aking harapan. Inaantok pa ako at hindi man lang makatulog nang maayos at dumagdag pa ang red envelope na hindi mawala sa isipan ko.

"May kailangan ka, Gaeyl?" halata sa boses ko na wala akong tulog simula kagabi.

"Kailan mo nakuha itong red envelope? Bakit hindi mo ito sinabi sa aming lahat? Ikalawang red envelope mo na 'yan, a."

Tumango ako at saka ibinigay sa kanya ang nasabing envelope. "Basahin mo na lang ang nakasulat at ipaalam sa iba. Hindi gumagana ang utak ko ngayon sa kakulangan ng tulog."

Magsasalita pa sana si Gaeyl nang pumasok ang grupo ni Arius sa canteen. Agad akong iniwan ni Gaeyl at dumiretso kay Daemon na agad kumunot ang noo habang nakatingin sa aking direksyon. Hindi ako nakatingin, pero nakikita ko siya sa peripheral vision ko. Isang nagliliyab na tingin ang ibinibigay ni Daemon sa akin. And if only looks could kill, then I would be dead by now.

Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong nakatitig sa hindi ko pa nagagalaw na pagkain. Wala akong gana at mas lalong wala akong lakas upang hawakan ang kutsara at tinidor, sumubo ng kanin at ulam, at ngumuya at lunukin ito na hindi nabubulunan.

Sana umabsent na lang ako.

Naramdaman ko ang presensya ni Daemon sa aking harapan. Umupo siya at ipinakita sa akin ang red envelope na kinuha ni Gaeyl kanina. Tiningnan ko si Daemon at kahit natatakot ako sa kanyang ibinibigay na tingin ay wala akong pakialam. Isa lang ang gusto ko sa mga otas na ito, ang matulog.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin ang tungkol sa sulat? Alam kong bagong salta ka lang dito. Wala kang alam sa mga nangyayari at wala kang pakialam kung may mamamatay man sa amin, pero buhay ang kapalit sa bawat envelope na ito." Kalmado niyang saad sabay lapag ng envelope sa lamesa.

Sa pagkakaalam ko ay inaantok ako, pero hindi ko alam kung bakit rinig na rinig ko ang sinabi niya. Naintindihan ko ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Daemon. Bagong salta? Fine. Tawagin niyo ako kahit sa anong pangalan pa iyan. Pero ang sabihan na wala akong pakialam? Ibang usapan na yata iyan.

May damdamin ako at mas lalong natatakot ako sa bawat segundong dumaan. Tumayo ako at kinuha ang red envelope na inilapag ni Daemon sa lamesa. Ipinakita ko ito sa kanya na may matamis na ngiti sa labi.

"Sure thing, bago lang ako sa paaralan niyo. May mga bagay na wala akong alam, pero huwag mong kalimutan na nandito ako sa isang dahilan. May mga bagay ako nalalaman, na alam kong alam mo, at hindi alam ng iba."

Alam kong hindi magandang hamunin ang pinuno ng isang kilalang gang. Kaya gusto kong ibaon ang sarili ko sa kung saan ako nakatayo. Buwesit, nasabi ko ba talaga iyon kay Daemon? Parang gusto ko na yatang mamatay.

Hinawakan ni Daemon ang aking kamay, more likely ang kulay pulang envelope. Nginitian niya ako sabay kuha nito at kinumpol bago itinapon. Kagat labi kong tiningnan ang mga kaklase ko na ngayon ay nakatangin lang sa aming dalawa ni Daemon. Kill me now. Sana pala itinikom ko na lang ang bibig ko at hinayaan si Daemon na dumaldal mag-isa. Kung anu-ano itong lumalabas sa bibig ko at walang prino kung magsalita.

"Excuse me," sabi ko at dali-daling umalis ng canteen.

Kahit saan ako dadalhin ng mga paa ko, basta makalayo lang ako kay Daemon. Tinungo ko ang gymnasium na nasa likurang bahagi ng paaralan. Tinanggal ko ang suot kong sapatos at hinayaang umupo sa gitna ng basketball court. Ilang posisyon na ang ginawa ko, pero hindi mapalagay ang aking sarili. Ang mga sinabi ni Daemon ay bigla na lang naglaro sa aking isipan.

Nagpasya akong matulog nang biglang tumunog ang alarm sa buong school. Rinig na rinig ko ito at alam kung dapat nagpa-panic na ako ngayon, pero sa tuwing iniisip ko ang nangyari kagabi, wala dapat akong ikatakot.

It is just a freaking fire drill, and that's all.

Akala ko ay titigil ang alarm, pero nang tumagal ay mas lalo itong lumala. Sumasakit ang ulo ko sa walang tigil na pagtunog ng alarm. Nagsimula na rin akong kabahan sa mga bagay na hindi ko alam. Kung hindi para sa fire drill ang alarm, din may ibang nangyayari sa loob ng campus. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa open field. Kahit nakaririndi ang tunog ng alarm ay sinubukan ko itong baliwalain. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari at kung bakit hindi tumitigil ang alarm.

"Bakit kasi nawala ang signal sa buong campus? Walang kuwentang phone naman, o. Pati ba naman internet sa school." Bulong ko sa aking sarili.

Sinubukan kong hanapin ang mga kaklase ko sa canteen, pero walang katao-tao sa paligid. Nandoon pa rin ang kinumpol na envelope ni Daemon. Tumakbo ako papuntang third floor, sa silid kung saan ang una naming klase at nagbabakasakaling makita ko silang lahat. Pero laking dismayado kong makitang walang laman ang silid.

Nasaan ba sila?

Ano ba ang nangyayari?

Aalis na sana ako nang may umagaw sa aking atensyon. Isang red envelope na nasa teachers table. Kinuha ko ito at tumakbo palayo ng silid. Masama ang kutob ko sa red envelope na ito. Hindi biro ang lahat at walang nagbibiro sa kung sinuman itong si Loreley.

Lalagpasan ko na sana ang faculty room nang may biglang humawak sa aking kamay. Kasabay kong magtago kung sinumang humawak sa akin sa ilalim ng isang pahabang lamesa-kung saan kami nagtago ni Arius kagabi.

"Isa itong tagu-taguan at sa pagkakataong ito ay bawal na talaga tayong magpakita." Bulong niya sa akin.

Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top