Chapter 18
CHAEVON DEMSLEY
NARATING KAAGAD NAMIN ni Cessqua ang building D. Sinundan ko muna ng tingin sina Phoeb at Kyla na dumiretso papuntang main building hanggang sa 'di ko na sila makita. Tiningnan ko si Cessqua na kanina pa tahimik sa aking tabi at walang pasabing tumakbo ako papuntang third floor. Hindi ko gusto ang bumungad na katahimikan nang paakyat na kami papuntang rooftop nang may marinig akong mga boses sa 'di kalayuan.
Boses ng dalawang taong nagtatalo at mga kalampag ng pinto. Sumenyas ako kay Cessqua na huwag gumawa ng ingay at dahan-dahang tinungo ang pinanggalingan ng boses. Hindi ko maintindihan ang kanilang mga isinisigaw, pero isa lang ang alam ko, kay Vanessa at Brint ang mga boses na naririnig ko ngayon.
Kumatok ako sa pinto upang ipaalam na may tao sa labas. Napansin ko ang sirang doorknob at nang pihitin ko ang doorknob ay hindi ito gumalaw.
"May tao ba riyan?" rinig kong sigaw ni Vanessa sa labas.
"Huwag kang maingay, Vanessa. Lagot tayong dalawa kung si Loreley ang nasa labas. Wala tayong kawala sa katangahan mong iyan!"
"E, bakit mo akong sinisigawan? Ikaw nga itong gumagawa ng ingay riyan, e. Tanga!"
"Ako pa ngayon ang tanga sa ating dalawa? Sino ngayon sa ating dalawa ang dahilan kung bakit hindi tayo makalabas sa silid na ito?"
"Natakot ako kanina, okay? Tao lang din naman ako upang makaramdam ng takot. Akala ko'y may sumusunod sa ating dalawa at sinunod ko lang ang sinasabi ng instinct ko—ang magtago!"
Kumunot ang noo ko at pumunta sa katabing silid. Pinagmasdan ko ang doorknob at pareho lamang ito sa silid na kinalalagyan nina Brint at Vsnessa. Sira ang doorknob at kahit ilang beses ko itong pihitin ay baliwala. Pinuntahan ko ang silid sa kaliwang bahagi ng building at sa ikalawang silid ay gano'n din ang nangyari sa doorknob.
Anong kalokohang ito?
Alam ko na kung ano ang nangyayari sa amin. Lahat ng mga doorknob ay sira at tanging paraan upang makalabas kami ay ang sirain ito. Bago ko binalikan ang silid na kinalalagyan ng dalawa na hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin sa walang kwentang bagay ay tiningnan ko saglit ang silid kung saan kami na trap nina Phoeb.
Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Naalala kong hinampas ako ng kahoy nang hindi gumana sa akin ang pampatulog na panyo. Buwesit. Parang droga yata iyong nasinghot ko.
Nilingon ko si Cessqua na kanina pa ako sinusundan ng tingin. Umiling ako at hindi na lang pinansin ang kanyang presensya.
Kumatok ako muli sa pinto.
"Huwag kang maingay!" rinig kong saad ni Brint.
"Si Chaevon ito, mga tanga!" hindi ko mapigilang hindi umiling sa katarantaduhan ng kaibigan ko.
"Paano namin malalaman na si Chaevon talaga ang kausap namin ngayon?" tanong ni Vanessa.
Natampal ko ang aking noo sa narinig. Parang ayaw ko na yata silang tulungang makalabas ng silid.
"Huwag mo akong idamay, naniniwala akong si Chaevon ang nasa labas."
"Paano ka nakasisiguro? Kung si Loreley iyan, patay tayong dalawa. Huwag kang tatanga-tanga, Brint!"
"Malamang! Kaibigan ko si Chaevon at ilang taon na kaming magkasama. Madali lang sa akin na tukuyin ang boses ng kaibigan ko, Van."
Ilang beses akong bumuntong hininga bago kumatok sa pangatlong beses. Nagsasayang yata ako ng oras dito. Mga buwesit. Nakalimutan ko ang tungkol kay Warren.
Hindi ko alam kung ilang beses na akong kumatok, pero nagmamadali na talaga ako. Baka wala na akong maabutan at mapahamak pa ang nerd na 'yon. Konsensya ko pa ang malalagot.
"Hoy! Wala ba kayong gamit diyan sa loob upang sirain ang doorknob? Puwede niyong sirain itong pintuan, kung kaya." Sigaw ko.
"Baliw ka ba? Inalis lahat ng gamit dito. Nakalimutan mo yata na namatay si Harmony sa silid na ito!" sigaw pabalik ni Brint.
Oo nga naman, pagkatapos imbistigahan ang pagkamatay ni Harmony ay inalis ang mga gamit sa silid.
Ang makakalimutin ko masyado.
"Sandali lang."
Hinawakan ko ang kamay ni Cessqua at hinila papunta sa silid na pinanggalingan namin. Pareho kaming kumuha ng silya at bumalik.
"Umtras muna kayong dalawa. Susubukan kong sirain ang pinto!"
Wala akong ideya kung sinunod ba nila ang sinabi ko o hindi. Wala akong natanggap na kahit anong salita sa dalawa. Bahala na. Sumenyas ako kay Cessqua na simulan ang pagsira namin sa pintuan. Madali lang naman sirain ang isang pintong hindi matibay ang pagkagawa. Sa bawat silid ng paaralan ay gawa lamang sa kahoy ang pintuan, maliban sa mga opisina, sa gitna ng pinto ay plywood lamang ito.
Walang tigil naming hinampas ni Cessqua ang gitna ng pinto. Ilang hampas lang ay nakita naming unti-unting nabibiyak ang plywood at sa huling hampas ng silya ay tuluyan itong nasira. Bumungad sa akin ang kaibigan kong tanga at kasama ang kaklase kong sobrang arte kung umasta.
"Bahala na kayo riyan, hahanapin ko pa si Warren." Inilagay ko malapit sa pinto ang silya bago tumakbo paalis.
Napangiti na lamang ako nang makita kong nakasunod pa rin sa akin si Cessqua. Mabuti naman at naisipan niyang samahan pa rin ako sa paghahanap kay Warren. Narating namin ang pinto ng rooftop at saka ko lang pinansin ang presensya ni Cessqua.
"Diyan ka lang sa pinto, huwag mong isasara." Sabi ko sa kanya.
Tumango si Cessqua bilang sagot. Agad akong pumasok at bumungad sa akin ang walang katao-tao na rooftop. Damn it. Palubog na ang araw. Hindi ko namalayan ang oras. Delikado ito, lalo na at naglalaro pa rin kami ni Loreley.
Sabi nga nila, mas may kapangyarihan ang isang demonyo tuwing gabi.
Lumabas ako ng rooftop at iksaktong paakyat sina Vanessa at Brint. Umiling ako sa kanilang dalawa upang iparating na wala ang hinahanap namin sa rooftop.
Alam kong si Warren ang kanilang pakay sa building D.
"Two minutes left. . ."
Sabay kaming napalingon sa speaker na malapit lang sa aming kinatatayuan. Para kaming na-estatuwa sa aming mga puwesto. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, dumagdag pa ang tiyan kong gutom na gutom.
May nakahanap kaya sa lokasyon ni Warren?
"Kung wala rito sa apat na building si Warren, baka nasa dormitoryo, o baka naman sa gymnasium. Hindi naman sementado ang rooftop ng canteen, kaya malabong nandoon siya." Sambit ni Vanessa.
"Sa dormitoryo ang destinasyon nina Sty, Sperry, at Jade." Kinamot ni Brint ang kanyang ulo at naunang bumaba sa aming apat.
"Sa grupo namin, walang pumunta sa dormtoryo o sa gymnasium. Sa main campus kami naghahanap lahat." Sabi ko.
Tahimik kaming naglalakad. Walang ideya kung saan patungo. Wala rin namang saysay kung tumakbo kami papunta sa rooftoop ng aming dormitoryo.
Ano ang maaabutan namin doon? Ang bangkay ni Warren? Huwag na lang. May tiwala ako sa mga kaklase ko, pero wala akong tiwala kay Loreley.
"Congratulations! Warren Hyera is finally out of the game. Better luck next time, my dear players."
Tumigil kami sa paglalakad at napalingon na naman sa speaker na nasa 'di kalayuan. Gaya nga kung ano ang nasa isipan ko. Hindi madali itong laro na kinasasangkutan naming lahat, lalo na at si kamatayan mismo ang gumagawa ng hakbang para sa amin papuntang impyerno.
And two minutes is not enough to run from the main campus to our dormitory though. Magsasayang lang din kami ng lakas.
Tweet your thoughts and use #DGSLies on Instagram, Facebook, or TikTok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top