Epilogue

EPILOGUE
THIRD PERSON

Napahawak si Maya sa kanyang ulo nung siya'y magising. Ramdam niya ang sakit ng kanyang ulo.

Hindi pa ako patay?

Iyan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Nakita niya na nandoon din sina Macky, Chlloe, at Adrian. "Gising guys!"

Unti-unting iminulat ni Macky ang kanyang mata. "Shit, ang sakit ng ulo ko," Tumingin si Macky sa buong paligid. "Eto pala ang tunnel na sinasabi ni Lee."

"Lee? Sinong Lee, Macky?" Tanong ni Maya.

"A good friend of mine." Sagot niyang nakangiti.

"Macky, isa 'tong tunnel! Kung didiretsuhin natin ito ay paniguradong makakalabas na tayo rito!" Masayang sigaw ni Maya habang pinunasan ang pawis na namuo sa kanyang noo.

"It's all thanks to Lee,"

"Well, kung sino man 'yang kaibigan mo, salamat sa kanya." Nakangiting sabi ni Maya. "Nasaan na ba siya?"

"Wala na siya." Malungkot na sabi ni Macky.

Parehas silang nabigla nung tumayo si Adrian. Mabilis na hinawakan ni Macky si Adrian. "Tumakbo ka na, Maya! Umalis ka na dito!" Sigaw niya.

"P-paano ka?" Naiiyak na tanong ni Maya, pinagmamasdan niya lang si Macky sa pagpigil kay Adrian.

"I can handle myself, diretsuhin mo lang ang tunnel na ito, palabas ito sa park!" Sigaw ni Macky. Nanginginig na tumakbo paalis si Maya.

"Tumigil ka na Adrian!" Sigaw ni Macky at mariing sinakal si Adrian, hindi niya palalampasin ang mga kahayupang ginawa sa kanila ni Adrian. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang mga kasamahan natin!"

"Bakit, gusto mo bang idagdag kita sa mga kasamahan nating napatay ko?!" Biglang naglabas ng pocket knife sa kanyang bulsa si Adrian. Nakaramdam ng kaba si Macky dahil sa inakto ni Adrian.

Malakas niyang sinipa si Macky kaya napabitaw siya sa pagkakasakal sa kanya. Sumugod sa kanya si Adrian at pilit na inatake si Macky, umiwas ito sa mga ginawa niyang pagsaksak, baliw na siya! Lahat pala ng kabutihang ikinilos niya ay pag-arte lang.

Napasandal si Macky sa isang pader, at wala na siyang matatakbuhan. Sasaksakin na dapat ni Adrian si Macky ngunit mabilis na umikot si Macky kaya nadaplisan lamang siya sa braso.

Sasaksakin niya na dapat si Macky. "Sige, patayin mo ako! Pero sa oras na makalabas si Maya dito, dadating na ang tulong, kayong dalawa ni Rena... mamamatay kayo sa impyernong ito." Sigaw nito sa kanya

"Hindi! Hindi mamamatay si Rena! Kailangan kong pigilan si Maya!" Malakas na sigaw ni Adrian at tumakbo patungo sa tunnel.

Balak na dapat siyang sundan ni Macky...

"Huwag! Ako na ang susunod sa kanya," Narinig niyang nagsalita si Chlloe na unti-unting tumatayo.

Lumapit si Macky sa kanya upang siya'y maalalayan. "Ako na ang susunod kay Adrian, ikaw ang tumapos sa mga kabaliwan ni Rena." Sabi ni Chlloe.

"S-sigurado ka ba? Kaya mo ba?" Tanong ni Macky sa kanya.

"Wala akong ibang choice, para sa buhay natin ito." Nagsimula ng tumakbo si Chlloe papasok sa tunnel. Kung si Chlloe ay patuloy na lumalaban... ganoon man dapat ang gawin ko. Iyan ang tumakbo sa isipan ni Macky.

Binalewala ni Macky ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang braso. Sinabi sa kanya ni Lee na may daan doon papunta sa hideout ni Rena na siya namang hinanap ni Macky. Pagkabukas niya ng pinto nung makita niya ito, naging alerto si Macky. Isang babaeng kalahating demonyo ang maaari niyang makaharap ngayon.

Maraming mga kadiring parte na katawan na nakalagay sa garapon siyang nakita. She's evil

"Buhay ka pa pala!" Napaigtad si Macky nung marinig niya si Rena at nakangiting demonyo sa kanya.

"Kauri mo ako, ang masamang damo, matagal mamatay." Sagot ni Macky sa kanya. Kumuha ng isang bote si Rena at binasag ito kaya naging matulis ito at maaaring gamiting pampatay.

Akmang susugod kay Macky si Rena ngunit sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong paligid.

Pagkabagsak ni Rena, doon nakita ni Macky ang pigura ng isang lalaki... Si Lee.

"Lee!" Sigaw ni Macky sa kanya.

Lumingon si Rena kay Lee. "P-paanong buhay ka pa?" Kapansin-pansin ang polo ni Lee na punong-puno ng dugo.

Tinanggal ni Lee sa pagkakabutones ang kanyang polo. "Sorry Rena, may bullet vest akong suot." Ngumiti ng nakakaloko si Lee sa kanya.

Halatang naghahabol ng kanyang paghinga si Rena dahil sa tama ng baril.

"P-paano nangyari 'yon! Naliligo ka ng dugo kanina!" Sigaw niya at unti-unting tumayo.

"Fake blood, alam ko naman na aabot sa puntong iyon kaya hinanda ko na ang aking sarili. Sabi ko nga sa'yo Rena, hindi ako kasing tanga ng iniisip mo." Sabi ni Lee at ngumisi sa kanyang kaibigan.

Tumingin si Rena kay Macky, hirap tumayo si Rena kaya naman pilit siyang gumapang tungo sa direksyon ng binata.

"Sa tingin mo ba, ginusto ni Jurina na pumatay ka para maghiganti!?" Malakas na sigaw ni Lee.

"W-wala kang alam!"

"Alam ko ang lahat Rena! Hindi ginusto ng magulang mo na mamatay sila! Mabait din si Jurina at paniguradong hindi niya gugustuhin na makita ka sa ganyang sitwasyon!" Dugtong pa ni Lee.

"Hindi ikaw yung nasa sitwasyon ko!" Umiiyak na sigaw ni Rena. "Hindi ikaw yung naiwang mag-isa!"

"Tatanungin kita Rena, naging masaya ka ba? Sa tingin mo ba ay nagkaroon ng hustisya ang iyong kapatid dahil sa iyong ginawa?" Tanong ni Lee.

Gumagapang sa direksyon ni Macky si Rena, hinagis ni Lee ang baril sa kanya. "Nasa kamay mo ang desisyon, Macky."

Nabigla ako nung biglang tangkain ni Rena ang baril, kaya ipinutok ko sa huling pagkakataon sa kanya ang baril. Naligo sa dugo ang katawan ni Rena. Unti-unting bumagsak ang katawan ni Rena.

Sorry, Rena pero kailangan ng tapusin ang kasamaan mo.

***

Takbo lang ng takbo si Maya. "Maya! Huwag mo ng subukang tumakas pa! Papatayin kita!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Adrian sa buong tunnel. Isa ng baliw si Adrian! Nilamon na siya ng pagmamahal niya kay Rena, nagawa niyang pumatay para sa pagmamahal niya sa dalaga.

Mabilis na isiniksik ni Maya ang katawan niya sa isang gilid, may kadiliman ang tunnel kaya kampante siya na hindi siya makikita ni Adrian.

"Maya!" Malakas niyang narinig ang sigaw ni Adrian, malapit na ito sa kanya.

Napatakip si Maya sa kanyang bibig upang hindi makagawa ng kahit anong ingay. Napasigaw na lamang siya nung biglang may sumabunot sa kanya.

"Ginagawa mo naman akong tanga masyado, Maya. Sa tingin mo ba ay hindi kita mapapansin dito!?" Mas diniinan ni Adrian ang pagkakasabunot kay Maya kaya naman napakagat sa ibabang labi si Maya.

"Bitawan mo ako! Baliw ka na, Adrian! Baliw ka na!" Sigaw ko sa kanya at mas lalong humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok ni Maya.

"Hanggang dito ka na lang, Maya!" Napapikit si Maya pero napadilat siya nung unti-unting tumumba si Adrian at may nakasaksak na kutsilyo sa kanyang batok.

"Chlloe!" Malakas niyang sigaw at yumakap sa dalaga.

"Iyan ang dapat sa gagong iyan, dapat mamamatay!" Sigaw ni Chlloe pero napakagat siya sa ibabang labi niya dahil sa sakit.

"Kaya mo bang maglakad?" Tanong ni Maya kay Chlloe, maraming dugo na ang nawawala kay Chlloe, isa ng himalang maituturing na hanggang ngayon ay may malay pa rin ang dalaga.

"Halika na, Maya... aalis na tayo rito." Inalalayan ni Maya si Chlloe at nagsimula na silang lakarin ang dulo ng tunnel, iniwan nila ang walang buhay na katawan ni Adrian.

Mahaba-habang paglalakad ang kanilang ginawa hanggang sa makakita na sila ng liwanag. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makalabas sa parkeng iyon.

"Nakalabas na tayo! Chlloe! Nakalabas na tayo!" Nagpatuloy sa paglalakad sina Maya at pagdating nila sa harap ng park... nakatayo sina Jin na nakaligtas din sa laro.

"Jin!" Malakas niyang sigaw kaya napalingon ang tatlo sa kanila.

Lumapad ang ngiti sa kanilang mga labi, "Masaya akong ligtas kayo! Akala ko ay namatay na kayo, girl." Mahigpit na yumakap si Len sa kanila at naluha dahil sa galak.

"P-paanong nakaligtas kayo?" Sabi ni Jin.

"Dahil kay Macky." Sagot ni Maya.

"Nasaan si Macky? Bakit hindi ninyo siya kasama?" Magkasunod na tanong ni Bambie.

Saktong pagkasabi niya no'n ay may dalawang tao silang naglalakad palabas ng park. Naluha si Maya at napatakbo patungo sa direksyon ni Macky at mahigpit itong niyakap. "I'm glad that you're safe."

"Ako man, wala na si Rena. Ligtas na tayo." Nakangiting sabi ni Macky.

"Wala na rin si Adrian." Sagot sa kanya ni Maya.

Ipinakilala ni Macky si Lee sa kanila at may sasakyan si Lee na nasa labas ng park.

"Are you ready to leave this hell?" Tanong ni Lee at ngumiti ang anim na players na nakaligtas sa laro. Ini-start ni Lee ang engine at pinaandar ito paalis.

Pinagmasdan na lamang nila ang theme park na unti-unting lumiliit habang lumalayo sila. Sa wakas, ligtas na sila.
Marami mang hindi magandang nangyari sa kanila habang nasa loob ng theme park ngunit may mga bagay din naman silangnatutunan. Sinubok ang tiwala nila sa isa't-isa, Katatagan ng bawat isa, paniniwala, at pagmamahal nila sa isa't-isa.

Anim silang lumabas ng park ngunit parang labing anim silang nakaalis. Kahit papaano ay nailabas nila ang mga alaala ng mga kasamahan nila.

"Game complete."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top