Chapter 8 "Night 3"

CHAPTER 8 "NIGHT 3"
LEN CALDER DICKSON

Gabi na naman, nagsisimula na naman ang patayan sa araw na ito. Kinabahan na lamang ako nung may biglang kumalabit sa likod ko.

"I will kill you," Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. "Haha! Ang epic ng mukha mo Len! Halata sa mukha mo na kinabahan ka!" Akala ko ay yung killer na ang makakaharap ko, si papa Fierce lang pala!

"Halos mag-fly away ang kaluluwa ko dahil sa kaba!" Sabi ko at mahinang sinuntok ang kanyang tiyan. May abs ang papa niyo.

"Shhh!" Tumahimik naman ako dahil sa ginawa ni Fierce. Sumilip kami sa mga nagtataasang damo. Para kasing garden maze itong pinagtataguan ko, nakakaligaw once na pumasok ka.

Pagkatingin namin sa mga bushes-Nandoon ang killer. Nakatakip ang kamay ni Fierce sa aking bibig upang wala kaming ingay na magawa.

Baka kasi kapag nakita kami ng killer eh mag-Jack en Poy kaming dalawa kung sino ang magpapapatay ngayong gabi.
Patuloy lang kaming sumisilip sa nagtataasang damo.

Nakasuot ng itim na coat yung killer at nakasuot pa rin ito ng maskara. Mas nakakadagdag sa kabang nararamdaman ko ay yung baseball bat na kanyang hawak. It's just a melee weapon pero alam kong capable ang killer para pumatay gamit lamang iyon.

Pagkaalis nung killer ay doon pa lang kami nakahinga ng maluwag.

"Bakit baseball bat lang ang gamit niya sa paglilibot sa parkeng ito? You don't find it suspicious?"

"Kanina ko pa nga gustong sabihin sa'yo 'yan kaso tinakpan mo ng kamay mo ang ngusobels ko." Magtatanong siya pero hindi niya nga ako pinayagang magsalita kanina, baliw din 'tong papa Fierce ko eh.

"Sundan natin siya," Fierce stated.

"Hayaan mo na lang si Andrew ang gumawa niyan!" Aaminin ko, natatakot ako. Hindi naman kasi ako ganoong katapang para sundan ang killer tulad ng gusto niyang gawin.

"Sasamahan mo ba ako?" Seryosong tanong niya.

Oo crush ko si Papa Fierce pero hindi pa ako gano'ng Katanga para itaya ko ang buhay ko para lang sa gusto niya.

"No." Hindi ako tumingin sa kanyang mata nung sinabi ko iyon dahil baka makonsensya at ma-guilty lang ako.

"Okay" Dahan-dahang tumayo si Fierce at unti-unti ng naglakad palayo ang papa ko.

CHLLOE ANN SANTOS

Naglalakad lamang ako sa paligid nitong park. Ibayong pag-iingat ang aking ginagawa at nakabukas din ang four senses ko. Once na makarinig ako ng ingay ay tatakbo agad ako.

Napaisip tuloy ako sa nakita namin ni Jin kanina. Ngayon ko lang napagtanto na yung hawak na maskara ni Lei kanina ay kamukha nung maskara na sinusuot ng killer. Wala na akong panahon para kumpirmahin ang aking nalaman. I believe that Lei is the killer and hindi ko na kailangang patunayan iyon.

Hindi ko namalayan sa paglalakad ko ang biglang hampas na naramdaman ko sa aking ulo. Nawala ako sa depensa dahil na rin sa malalim na pag-iisip ko. Biglang umikot ang aking paningin, no'ng pinilit kong tignan ang hitsura ng taong kaharap ko ngayon ay mas lalong naging blurred ang aking paningin hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

"This game will be interesting Chlloe." Iyan ang huling salita na aking narinig. Katapusan ko na ba 'to?

MAYA CASTRO

Nakatago lamang ako sa isa sa mga silid sa hotel. Sinigurado kong malapit ako sa elevator para naman kapag nakita ko ang killer ay mabilis akong makakatakas. Nakasilip lamang ako ngayon sa bintana.

Ilang minuto ang lumipas hanggang sa mamataan ko ang killer na nag-iikot sa parke. Nakita ko rin si Sugar sa isang candy stall at nakita ko rin si Lei na nakatago sa nagtataasang mga crates.

Naghahanap ang killer ng kanyang mata-target. It's been three hours pero wala pa rin siyang nakikitang target?

Mabilis kong isinara ang bintana ng makita kong napalingon siya rito. Shit, nakita niya ako. Mabilis akong gumapang patungo sa kabilang bintana para hindi niya mahalata at noong sumilip ulit ako... Wala na yung killer sa baba. Kinutuban na ako na baka pinuntahan na ako ng killer kaya mabilis akong tumakbo tungo sa elevator.

Ilang beses kong pinindot ang open pero ayaw magbukas ng elevator.

"Please magbukas ka, please." Paulit-ulit ko 'yang sinasabi. Bigla kong naisip na baka kaya ayaw magbukas ng elevator dahil mayroong tao sa loob, It means... Shit! Nasa loob ng elevator yung killer at papunta na sa floor kung nasaan ako. Agad namana kong tumakbo tungo sa hagdan.

Hindi ako nagtungo sa ground floor dahil mabilis lang makakababa ang killer doon gamit ang elevator. Pumunta na lamang ako sa third floor.

Thirty minutes na lang ang natitira para maka-survive ako tonight.

SUGAR MAE EVANGELISTA

Nakita ko yung killer na nag-iikot ngayon tapos maya-maya lamang ay tumakbo siya papasok ng hotel.

Thirty minutes ng nandoon ang killer at saglit lang ay nakita ko na itong lumabas. But mayroong ingay ang kumuha ng atensyon ng killer.

Nabagsak yung mga crates doon sa gilid. Imposible naman na kusang bumagsak ang mga crates na 'yon, it means lang na may taong nagtatago banda roon. Hindi naman ako katulad ni Andrew na magmamagaling bigla kaya mas pinili ko na lang na manatili sa tinataguan ko. Hindi niyo naman ako masisisi kung magtago lang ako. Nakakatakot ang mga pangyayari, nanginginig pa nga ang buong katawan ko sa pangyayari.

Baseball bat lang ang hawak ngayon ng killer. Teka, ba't may blood stain yung baseball bat? Mukhang bago lang yung dugo na iyon. Teka may nahampas na ba siya kanina? Weird... and suspicious.

Isang malakas na sigaw ang aking narinig.
Matapos ang sigaw na iyon ay nakita ko na lamang na hila-hila ng killer si Lei at umaagos ang dugo galing sa ulo nito. Game over na ba para kay Lei?

"Announcement! All of you manage to survive this night congratulation! The survivors that will surely get out of this place now increase in two."

Iyan ang narinig ko sa may Speaker. Wait! Seriously?

Naka-survive raw kaming lahat pero nakita ko na hila-hila niya si Lei. What the fuck, anong nangyayari sa larong 'to? Niloloko niya ba kami gamit ang sarili niyang laro?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top