Chapter 7 "Day 3"

CHAPTER 7 “Day 3”
HONEY BAM

Nakaupo lang ako ngayon sa may malawak na ground ng park. Madamo naman dito kaya rito ko ibinuhos lahat ng hinanakit ko, hindi ko matanggap na wala na ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

“Panyo?” Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo.

“Salamat Ma… Macky? Tama ba?” Tinanggap ko ang panyo at pinahid ang aking luha.

“Pangatlong araw na natin pero hindi mo pa rin ako kilala?” Sabi niya at tumawa.

“Salamat ulit. Kaibigan ko kasi yung nawala kaya naapektuhan ako, kababata pa.” Magkababata kaming apat nila Jin, Bambie, Ako, at Phillip.

“Isang bayani si Phillip, iniligtas niya ang buhay nina Chlloe, Minami, at Sugar,” Seryosong sabi niya. “Makakaalis tayo sa demonyong lugar na ito.”

Somehow, napagaan niya ang loob ko. “Pwede ba kitang mayakap?”

“Kung iyang nag magpapagaan ng loob mo.” He open his arms at napayakap ako sa kanya.

Napabitaw ako sa pagkakayakap nung may marinig kaming sigaw. “Macky! Kanina pa kita hinahanap! Breakfast na guys!”

“Nandito na si Maya.” .

“Honey, kukuhanin ko lang ‘tong lalaki na ‘to ah?” Hinawakan niya ang kamay ni Macky at hinatak.

MAYA CASTRO

Hinatak ko si Macky hanggang sa makarating kami sa restaurant, sabay-sabay kaming kakain kasama si Fierce.

“Ang tagal niyong dalawa, nag-date ba kayo?” Salubong na biro ni Fierce.

Ipinagsawalang kibo ko na lang ang sinabi ng gunggong at umupo na kami para kumain. “Ano ba yung tungkol sa Revenge na ‘yon?” Pagtatanong ko, iyon daw kasi ang nakita nila nung namatay si Phillip.

“Malamang, may galit siya sa atin!” Sigaw ni Fierce.

"Revenge, Lahat tayo may nagawang kasalanan sa kanya pero ang tanong... Ano yun at sino yun?" Biglang pagsasalita ni Macky, kapag tungkol talaga sa laro eh bigla na lang siyang nagiging seryoso.

Mukhang nag-isip ng malalim si Fierce, "Eh 'diba same school lang tayo... Baka naman schoolmate lang na'tin ang gumagawa ng pagpatay?" Hindi siguradong sabi ni Fierce.

“Iba ang school na pinapasukan nila Jin at iba rin ang school nila Len.” Sagot ko sa kanya.

“Baka naman isa sa atin ang pumapatay?” Natigilan ako sa pagsubo sa sinabi ni Macky.

“Hindi ‘yan pwede! Lahat tayo ay clueless sa mga nangyayari!” Sagot sa kanya ni Fierce at napatango-tango ako.

"Madali lang umarte," Sagot naman ni Macky kay Fierce.

“Guys, huwag naman tayo maghinala sa iba nating kasamahan. Trust them, tayo-tayo lang ang nagtutulungan sa larong ito.” Pagtatanggol ko, baka kung sino-sino pa ang mapagbintangan nilang dalawa.

“Kung may makakatulong sa atin, si Andrew iyon. Ilan beses niya ng naka-encounter ang killer.” Sabi ni Macky.
Nagkaroon naman ng panandaliang katahimikan.

"Paano kapag namatay ako sa larong 'to?" Out of the blue kong pagtatanong. Basta bigla na lamang siyang lumabas sa bibig ko.

"Hey 'wag mo ngang sabihin 'yan," saway sa akin ni Macky.

"Nangako tayo sa isa’t-isa na sama-sama tayong lalabas dito.” Dugtong ni Fierce.

"Pero—"

"Walang mamamatay. Period" Pagpuputol ni Macky. Natapos kami sa pagkain at humiwalay muna ako sa kanilang dalawa.

"Baka naman isa sa atin yung Killer?"

Bakit paulit-ulit tumatakbo sa isip ko yung sinabi ni Macky na 'yon?

JIN KUGA

Nakaupo ako sa isang bench at pinagmamasdan ko lang ang pag-ikot ng ferris wheel. Ibinuhos ko na ang galit ko kanina, it’s bad… Hindi makakasama ang kaibigan kong si Phillip sa paglabas namin sa lugar na ito.

Nakita kong naglalakad si Chlloe kaya agad ko itong tinawag. “Chlloe.”

“J-Jin, ikaw pala.” Nauutal niyang sabi.

“Bakit parang natatakot ka sa akin?” Kunot noo kong tanong.

“Baka galit ka sa akin,” Yumuko siya at napaluha. “Kami yung nandoon nung namatay si Phillip pero hindi namin siya nailigtas.

“Nagpapasalamat nga ako sa’yo eh.”

“Nagpapasalamat?” Baka iniisip niya na gusto kong mamatay si Phillip.

“I mean, sinubukan niyong iligtas si Phillip,” Mahirap pa rin sa akin na tanggapin na patay na ang kaibigan ko. “Hindi niyo man nailigtas si Phillip, sigurado akong masaya siyang namatay dahil maraming buhay siyang nailigtas.”

“Salamat, nabawasan ang bigat na dinadala ko.” Sa wakas ay ngumiti na rin si Chlloe.

“Tara, maglibot na lang tayo dito. Para naman makalimutan mo ‘yang pinoproblema mo.” Tumango siya sa akin at naglakad na kami.

Ilang minuto na kaming naglalakad ng biglang huminto si Chlloe, nagtaka naman ako kung bakit siya tumigil. “Bakit ka napatigil?”

“Si Lei ‘yon, ‘diba?” Tinignan kong maigi ang kanyang itinuturo.

Napakamisteryoso nung lalaki na iyon, he hate to socialize to others kaya mailap kaming lahat sa kanya. “Saan siya pupunta? Anong gagawin niya sa horror booth an ‘yan?” Tanong ko.

“Baka naisip niyang mag-suicide?”
Pumasok si Lei sa isa sa mga horror booths habang may bitbit na basket na puno ng pagkain… at isang maskara. May tao kaya sa lugar na iyon?

“Hayaan na lang natin siya, Tara na! Tara na!” Hinatak ko ang kamay ni Chlloe paalis.

ANDREW MENDOZA

Nakaupo lang ako ngayon sa isang park bench upang mamahinga at makapag-isip na rin. "Revenge." Mahina kong bulong sa sarili ko habang iniisip mabuti ang ibinigay na clue ni Phillip sa amin.

“Andrew!” Napalingon ako sa boses na pinanggalingan, si Fierce. Kasama niya sina Maya at Macky.

“May kailangan kayo?” Nakangiti kong tanong.

"Itatanong sana naming kung ano yung hitsura nung killer, mas nakita mo kasi siya ng mas malapitan ke'sa sa amin." Seryosong sabi sa akin ni Macky. So, kahit din pala sila ay curious sa mukha ng killer.

"Ang totoo niyan ay hindi ko naman nakita yung hitsura ng killer. May suot kasi itong kapa at laging nakamaskara." Pagpapaliwanag ko.

Umupo si Macky sa katabing bench upang mas mapakinggan siguro ang aking mga sasabihin."Sa tingin mo ano ang kasarian niya?"

"Masasabi ko naman na lalaki siya base na rin sa body structure niya tsaka sa height." Hula ko lang naman ang bagay na iyon.

"Sa tingin mo, isa sa atin ang killer?" Pagtatanong ni Macky ulit.

"Hindi ka na dapat mabigla kung isa man siya sa atin. Kung isa man siya sa atin ay paniguradong inoobserbahan niya ang kahinaan ng bawat isa sa atin." Seryoso kong sagot. Isa lang naman ang dapat naming gawin eh... Ang h'wag ipakita sa ibang tao ang mga kahinaan namin.

I think etong tatlong tao na 'to ang tutulong sakin para makalabas kaming lahat sa lugar na 'to.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top