Chapter 6 "Night 2"
CHAPTER 5“Night 2”
SUGAR MAE EVANGELISTA
Gabi na naman, nagsisimula na naman kaming magtago para sa kanya-kanya naming buhay.silang magtago para sa kaligtasan ng kani-kanilang buhay.
Nandito ako sa isang cofee shop at nakatago ako sa ilalim ng pinakagilid na lamesa, nahaharangan ito ng asul na mantil at halaman na display sa paligid kaya kampante ako na ligtas ako sa aking tinataguan.
Nakita kong naglakad padaan dito ang killer. Ngayong nakita ko siya, isa lang ang naramdaman ko… Kaba. Kung sakaling makita niya ako rito, it will be the game over for me.
Naghahanap ang killer ng player na susunod niyang magiging biktima.
Alam ko naman na mamamatay rin naman ako sa larong ito eh. Pero h'wag muna ngayon, hindi pa ako handa.
Pinagmamasdan ko lang yung killer na nag-iikot malapit sa lugar na aking pinagtataguan. Shit! Air conditioned naman ang buong paligid pero bakit pinagpapawisan pa rin ako ng malagkit.
Nagsimula ang killer na tignan ang ilalim ng mga lamesa. Kung magpapatuloy siya hanggang sa kinatataguan ko… Fuck! I’m in a life or death situation.
Iniangat niya ang mantil ng katabi kong lamesa. Ako na ba ang susunod?
Naglalakad na ang killer tungo sa direksyon ko. Mabilis na gumalaw ang aking kamay upang takpan ang aking bibig upang hindi ako makagawa ng kahit anong ingay. Sobrang panginginig ang nararamdaman ko ngayon.
Titingin na sana siya sa aking pinagtataguan pero biglang may malakas na ingay ang nanggaling sa itaas kaya napatigil ito. Lumingon ang killer doon at mabilis siyang tumakbo paakyat.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nakaligtas ako. Thanks Lord. Napalingon ako sa lalaking biglang pumasok dito sa loob—Si Andrew.
Hindi ko alam pero nagsimulang humakbang yung mga paa ko papuntang sa second floor.
“Andrew! Anong ginagawa mo? Mapapahamak ka!” Hinawakan ko ang kanyang braso upang pigilan siya.
“May nangangailangan ng tulo—“
“Huwag ka ngang magmagaling! Buhay mo ang nakasalalay dito!” Mahina kong bulong.
“That’s it! Buhay ko ang nakataya dito, hindi sa’yo.” Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat. Ang sakit ng mga sinabi niya. Concern lang ako sa kanya.
"Tulungan niyo ko!" Malakas na sigaw na aming narinig. Base on it tone, galing sa lalaki iyon.
Tumakbo naman kami agad ni Andrew patungo sa pinanggalingan ng sigaw, Habang tumatakbo kaming dalawa ay nakasalubong namin si Chlloe at Minami.
"Tulungan niyo kami! Si Phillip! Hinahabol siya ng killer!" Hinihingal na sabi ni Chlloe sa amin. Umakyat kami sa third floor dahil may narinig kaming sigaw.
"Shit! Ang daming kwarto!" Bulalas ni Minami.
Naghiwa-hiwalay kaming maghanap sa thir floor. Isa-isa namin binuksan ang bawat pinto ng kwarto, kung ano ang nag-iisang pinto na naka-lock ay paniguradong nandoon sila.
“Lumayo ka sa akin! “Huwag mo akong lalapitan!” Isang boses ang aking narinig sa liblib na kwarto.
“Nandito na! Nakita ko na!” Malakas kong sigaw. Mabilis naman silang nakarating dito.
Ilang beses pinihit ni Andrew ang knob. “Tangina! Naka-lock!”
“Paano ‘yan?” Naiiyak na sabi ni Chlloe, sinong hindi maiiyak? Nasa panganib ang kaibigan namin.
"Minami tumakbo ka sa Kitchen ng Restaurant. Hanapin mo yung mga Duplicate Keys!" Utos ni Andrew kaya tumakbo pababa si Minami.
Habang hinihintay namin si Minami ay malakas na tinutunggo-tunggo ni Andrew ang pinto at nagbabaka sakali na mabubuksan ito.
Noong makita ko si Minami na tumatakbo. "Minami Bilisan mo!" sigaw ko kay Minami.
"Heto na!" Sabi ni Minami sabay hagis ng susi, agad ko naman itong pinulot tsaka sinubukan isa-isa ang mga susi sa may pinto.
"Hindi ito."
"Hindi ito."
"Ano ba Sugar!? Wala ka na bang ibibilis pa!" Sabi sa'kin ni Chlloe at halata sa boses niya ang pagkairita.
"Wait lang— Eto na!" Sabi ko noong makita ko na yung tamang susi. Ipinasok ko ito sa may pihitan ng pinto at pinihit ang door knob.
"Shit! May nakaharang sa pinto kaya ayaw mabuksan!" Sambit ko.
"Umalis kayo d'yan sisipain ko!" Sabi ni Andrew kaya naman gumilid kaming tatlo. Malakas na sinipa ni Andrew ang pinto, Naka-ilang subok din siya bago namin mabuksan ang pinto.
Bumukas ang pinto kaya naman agad kaming pumasok sa loob.
“Tapos na ang palabas, tsaka kayo dumating.” Sabi nung killer. Sino ba ang nasa likod ng maskarang iyon!?
" Hindi ito totoo! Hindi natin nailigtas si Phillip." Napaupo sa sahig si Chlloe at humagulgol ng iyak. Hindi ko na rin naman napigilan ang aking mga luha.
"Kawawa ka naman Chlloe. Hayaan mo magkakasama din kayong dalawa. Soon." Sabi nung killer.
"Tang ina ka! Anong ginawa mo kay Phillip!?" Sigaw ni Andrew.
Akmang susugurin niya ang killer ngunit ang mga binitawang salita ng killer ang nakapagpatigil sa kanya. "Sige subukan mo kong saktan ngayon, hindi mo alam ang kaya kong gawin sa inyong apat ngayong oras. Kayang-kaya ko kayong pawalain sa laro ko na para bang isang bula."
"Gago ka ba!? Ba't mo ba samin ginagawa ang bagay na ito!?" Umiiyak kong sabi sa kanya.
"Ahm. Sugar kasi gusto kong ma-entertain ang sarili ko.” Sabi sa amin ng killer at base sa kanyang tono ay talagang inaasar niya kami.
Nakita namin si Phillip na Nakahiga sa Desk... I mean yung kalahating katawan ni Phillip na pambaba ay nakapatong sa Desk at umaagos ang malapot na pulang dugo. Bali yung isang paa niya at nakalabas ang buto. Habang yung kabilang paa niya ay puno ng tusok ng thumbtacks.
Yung kalahati naman niyang katawan ay nakasabit sa dingding ng kwarto. May isang sulat na nakalagay sa sahig Revenge at yung dugo naman ay nakakalat sa buong kwarto. Yung kanang kamay niya ay nakaluwa samantalang ang kaliwa ay may nakatusok na gunting. Yung bibig niya ay nakatahi ng makapal na sinulid. Shit paano nagawa ng killer ito sa isang maikling oras? Nagtanong pa ko, isa nga palang demonyo ang kalaban namin sa larong ito.
"Revenge?" Nagtataka kong tanong noong mabasa ko ang nakasulat.
"Si Phillip! Anong nangyari sa kanya!?" Napatakip ng bibig si Minami upang pigilan ang kanyang paghagulgol.
"Wala na siya Minami. Hindi tayo umabot." sabi ni Chlloe sabay yakap sa kaibigan.
"Hindi naman nasayang ang pagkamatay ni Phillip," Seryosong sabi samin ni Andrew.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"Ibig sabihin lang nito ginagawa 'to ng killer para makapaghiganti sa ating lahat. Pero ang tanong, sino ang killer at ba't may atraso tayong lahat sa kanya. Hindi lang ito basta-basta isang game dahil lahat tayong nandito sa parke ay pinili. Pinili tayo ng killer." Sabi ni Andrew.
Isang malakas na tunog ang narinig sa buong park.
"The second night of game is now over players, you can now leave in your hiding place. It's a game over for Phillip Navarro!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top