chapter 6.5 "Phillip's side"


CHAPTER 6.5 “PHILLIP’S SIDE”
PHILLIP NAVARRO

Gabi na naghahanap ako ngayon ng matataguan. Naisipan ko na magtago sa Isang Restaurant pero alam ko naman na hindi lang naman ako ang nagtatago sa restaurant na 'to, nandito si Minami at Chlloe and actually magkasama sila. Si Sugar naman ay nakita ko pang nagtago sa ilalim ng lamesa, medyo safe naman siya do'n kaso parang madali siyang makikita sa ganoong klase ng pagtatago. The killer will do everything to find another victim tonight, lahat kami ay may chance na mamatay ngayong gabi.

"Ay shit!" Malakas kong naisigaw dahil nakasalubong ko si Minami at Chlloe at nagkagulatan.

"Shhh! Hinaan mo nga ang boses mo, ayoko pang sundan ang kaibigan kong si Mei." Sabi ni Chlloe. By the way isang oras na ang nakalipas mula magsimula ang laro.
Dahil kanina pa ako nakatanga rito ay sumilip muna ako sa maliit na bahagi ng bintana.Pinapakiramdaman at minamatyagan ko kung malapit na ang killer. Kung kasama ko ngayon sina Jin ay paniguradong may kakwentuhan ako at hindi ako gan'to kabagot.

After a few minutes na pagsilip ay may nakita akong naglalakad, dahil nga madilim ang paligid sa labas ay hindi ko maaninag kung sino ito.

Shit! Yung killer nga yata yung naglalakad tungo rito sa pinagtataguan namin! Kung magpapatuloy 'to malaki ang chance na isa sa aming apat na nagtatago ngayon dito ang mamatay ngayong gabi.

Hindi ko naman gustong gayahin si Andrew na may lakas ng loob na malapitan ang killer. Ang gusto ko lang ay maprotektahan ang mga players na kasama ko ngayon dito lalo na't puro sila babae. Nakakahiya naman kung wala akong gagawin para tulungan sila.

Wait si Andrew ba yung sunod kong nakita? Shit naman na lalaki 'to!

Tumakbo ako tungo sa hagdanan at sumilip. Nakita ko yung killer na naghahanap na yung killer sa ilalim ng mga lamesa.

Shit! Nakita doon nga pala nagtatago si Sugar. Nakita ko siya na nangangatog sa takot at nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig upang hind makagawa ng ingay. Hindi ako mapakali kaya naman ako ng bagay na pwedeng maitulong kay Sugar.
"Ano bang pwedeng ibagsak dito?" Natataranta kong tanong sa sarili ko.

"Tang ina wala ng oras!" Sabi ko at ibinagsak ko yung malapit na vase sa sahig. Nilakasan ko ang pagkakabagsak para siguradong marinig ito ng killer.

Hindi na ako sumilip muli sa hagdan pero hinihiling ko ay naging successful ang ginawa ko. Maghahanap na sana ako ng tataguan ng makita ko ang killer na umakyat dito.

Mayroon yata siyang ibang nakitang tao rito sa taas kaya naman kinutuban na ako na it's either Minami or Chlloe.
Buti na lang may napulot akong basag na parte nung vase at agad kong ibinalibag sa kanya.

"Tang ina nandito ako! Bobo ka ba?!" Malakas kong sigaw ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko inililigtas ang mga kasamahan ko. Kahit naman ako ay nangangatog na ngayon dahil sa sborang kaba.

Hinabol naman ako ng killer pero nasagi ng mata ko si Sugar at Andrew na nag-uusap sa hagdan.

"Tulungan niyo ko!" Sigaw ko. Ayoko naman kasing maging huling araw ko na ito, siyempre sino ba namang tao ang gustong mamatay? Apat naman silang andito ngayon sigurado akong makakagawa ng mga paraan 'yan upang tulungan ako, tiwala ako sa mga kakayahan ng mga kasamahan ko.

Takbo lang ako ng takbo, umakyat ako ng third floor. Hingal na hingal na ako at nararamdaman ko na ang pagod. Pumasok ako sa isang kwarto sa third floor. Eto nga yung sa tingin kong pinakatagong kwarto eh kaya dun ako nagtago pero biglang may paa na humarang kaya hindi ko naisara yung pinto.

Malakas niyang itinulak ang pinto dahilan para mapaatras ako.

"Lumayo ka sa'kin gago ka! H'wag mo kong lalapitan!" 'Yan yung sigaw ko. Sa mga oras na ito, alam kong katapusan ko kahit ayaw ko pa. Pero gusto kong tignan kung hanggang saan aabot yung pagtutulungan nung apat na 'yon.

"Alam mo Phillip, masakit yung bato mo sakin kanina eh," Sabi sakin nung killer. Ewan ko kung anong bagay ang nakakabit sa katawan niya para lumaki ang boses niya, hindi ko tuloy ma-determine kung isa siyang babae o lalaki.

"Bagay lang sayo 'yan! Dapat pala kutsilyo na lang yung hinagis ko kung alam ko lang na saktong tatama sa ulo mo ‘yon." Matapang koang sabi. Eto na lang naman ang magagawa ko sa oras na ito eh, ang makipagbatuhan ng mga masasakit na salita sa killer.

"Aba! Ang tulis ng tabas ng dila mo," Kumuha siya ng isang malaking karayom at makapal na sinulid.

"Masyado kang maingay kaya ito ang sayo." Bigla naman akong napaupo pero hindi ko alam na may nakakalat palang thumbtacks sa sahig kaya natusok yung isa kong paa. Ramdam ko ang pagbaon ng thumptacks sa balat ko at kitang-kita ko rin kung paano magsimulang dumaloy ang pulang likido.

Hindi ko na nagawang makatayo pa dahil sa sakit ng paa ko.

Gusto kong sumigaw pero tinatahi niya yung labi ko, parang matatanggal yung labi ko sa ginagawa niya. aramdaman ko na nga na halos umaapaw na yung dugo sa damit ko.

Naririnig ko ang mga sigaw ni Andrew sa labas. Masaya ako dahil sinusubukan nila akong tulungan but I also feel bad dahil hindi na sila umabot.

Naramdaman kong hinatak nung killer yung isa kong paa at itinapat ito sa may mini cabinet. Bigla niya itong hinampas doon ng paulit-ulit. Halos mamula na ang mukha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ramdam ko rin ang unti-unting paglabas ng buto ko at napapapikit na lang ako sa sakit. Parang naparalisa na ang ibabang bahagi ng katawan ko dahil ang hirap na nitong igalaw.

Narinig ko pa ang pagtawa ng killer, "Hindi pa ako tapos. Gusto mo bang malaman kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito? This is for revenge. Lahat kayo ay may kasalanan sa akin, nagsisimula lang akong maningil" Yun yung sabi nung killer Naigawa kong ikilos ang kanan kong kamay at unti-unting iginuhit ang salitang 'revenge'. Iyon lang naman kasi ang maari kong itulong sa kanila sa oras na ito.

Then nagulat ako ng kumuwa siyang gunting "feel my sweet revenge!" Pagkasabi niya ng mga katagang iyan ay mabilis niyang itinusok ang kanyang hawak na gunting sa aking mata. Ba't hindi pa ko mawalan ng hininga ngayon? Keysa nararamdaman ko yung mga sakit na 'to. Ayoko na suko na ko. Ramdam na ramdam ko yung agos ng dugo mula sa katawan ko. Kung tititigan ko lang siguro ang aking sarili ngayon, sobra sigurong nakakadiri.

May kinuha siyang isang maliit na itak galing sa coat niya.

"It's a game over for you, Phillip Navarro."
Hiniwa niya ang katawan ko at tumatawa ng mala-demonyo. Iyon na rin ang naging sanhi ng aking pagkamatay. Atleast namatay ako na mayroon akong mga buhay na nailigtas.

Maybe this is the real dead end for me. I failed to finish this game. It's a game over for me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top