Chapter 4 "Night 1"

CHAPTER 4 “NIGHT 1”
ANDREW MENDOZA

"Okay players! I will now come inside the park! Who will be the lucky one who's going to die today?" Sa pagkasabing iyong ay pumasok ang killer sa loob ng theme park. Kanya-kanya kami ng tago.

Hindi ko inaasahan na magiging ganito nakakatakot ang gabing ito, we are hiding for our lives and he was seeking for our death.

Nagtungo ako sa mapunong bahagi ng Theme park at nagtago sa makakapal na dahon nito. Pasilip-silip lang ako sa paligid, tanging ang tanglaw lang ng street lights ang nagbibigay ilaw sa buong paligid. Wala na ang masasayang tawanan kanina, napalitan na ito ng takot.

Habang nagtatago ako ay may isang tao akong namataan na naglalakad sa ‘di kalayuan. Nakasuot ito ng itim na damit at puting maskara—Ang game master. Nakita namin ang pagpatay niya doon sa babae, alam na namin ang kaya niyang gawin.

Isiniksik ko ang sarili ko sa makapal na dahon ng halaman na ito pero tuloy-tuloy siyang naglalakad sa direksyon ko, nakita na kaya niya ako?! Patuloy siyang lumalapit. Masama ‘to.

Tumayo ako at nagsimulang tumakbo at sinundan niya naman ako.

Fuck! Bakit ba ako ang hinahabol ng killer na ito!? Kinakabahan man ako ay hindi ko iyon pinahalata. Patulot lang ako sa pagtakbo, nasa likod ko lang ang kamatayan ko… ang kailangan ko lang gawin ay takasan ito.

Pagkaliko ko sa isang daan ay isiniksik ko ang sarili ko sa likod ng isang vending machine. Mabuti na lamang at flexible ang katawan ko kaya nagkasya ako sa maliit na espasyo nito.

Lumingat-lingat sa paligid ang killer at hindi na niya ako nakita. Ligtas na ako.

Ilang minuto yung lumipas at nakita ko si Adrian tsaka Mei na tumatakbo, mukhang sila naman yung hinahabol nung killer.

Nakita ko ang takot sa kanilang mukha. Hila-hila ni Adrian ang kamay ni Mei habang tumatakbo sila. Nakasilip lang ako at pinagmamasdan ang ginagawa nilang pagtakbo. “Tang ina.” Napamura ako nung nagkahiwalay silang dalawa. Mukhang mahina pa naman si Mei.

"Adrian huwag mo akong iwan!" Narinig kong sigaw ni Mei habang tumatakbo dahil siya yung hinahabol nung killer pero nung nilingon ko si Adrian ay itinuloy niya lang yung pagtakbo palayo kay Mei. Iniwan niya sa ere si Mei. Tumakas lang siya habang ang kaibigan niya ay nanganganib ang buhay.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinundan ang killer at si Mei. Ililigtas ko siya.
“Mamamatay ka na sa larong ‘to, Mei!” Malakas na sigaw nung killer.

“Huwag mo akong patayin, please!” Narinig kong sigaw ni Mei at halatang natatakot siya para sa kanyang sarili. Sinong hindi matatakot? Buhay namin ang nakataya rito.
Pumasok sila sa isang building at sinundan ko lang sila, shit! Dead end!

“Huwag mong sasaktan si Mei!” Malakas kong sigaw. Ang tanging gusto ko lang ay mailigtas si Mei.

Sabu-sabunot na niya ngayon ang buhok ni Mei at mukhang naabutan na niya ito.

“Magpapakabayani ka ngayon, Andrew? Si Adrian nga na nangako sa kanya ay iniwan siya sa ere!”

“Alam kong may dahilan si Adrian kung bakit niya ako iniwan.” Humahagulgol sa pag-iyak si Mei, nakita ko ang ekspresyon ng kanyang mukha—Sobrang natatakot at nasasaktan.

“Ang dahilan niya ay gusto niyang mabuhay sa laro! Ginamit ka lang niya! Tanga ka ba!?” Sigaw nung killer at mabilis na itinusok ang hawak niyang kutsilyo sa hita ni Mei.

Kitang-kita ko kung paano umagos ang napakaraming dugo mula sa kanyang hita.

“Bakit ako titigil? Ikaw ang mamamatay ngayon gabi, Mei!” Sinaksak niya naman ang kabilang hita ni Mei. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil parang nararamdaman ko ang ginagawa niya kay Mei.

“Tama na, please.” Pakiusap ni Mei.

“Papayagan kitang tumakbo pero kapag nahabol ulit kita… Mamamatay ka na talaga.” Sabi nung killer at pabalibag na pinakawalan si Mei kaya napaupo ito sa lapag.

Paano makakatakbo si Mei sa ganyang kalagayan!? Lalapitan ko na dapat siya para tulungan. “Anong binabalak mong gawin, Andrew? Subukan mong lumapit… Magsasama kayong dalawa sa kamatayan.” Banta sa akin nung killer habang itinututok ang kutsilyo.

Nabato naman ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga binitawang salita ng killer. Pinapanuod ko lang si mei kung paano niya pinipilit lumakad papalayo sa killer, Kitang-kita ko ang patuloy na pag-agos ng mga dugo galing sa kanyang hita at kitang-kita ko rin kung paano siya mahirapan.

“Ang kupad mo!” Malakas na sigaw nung killer at sinipa pababa si Mei, nakita ko ang pagtama ng katawan nito sa bawat baitang ng hagdan. Awang-awa ako sa kalagayan niya pero wala akong magawa.

Nakita ko ang pag-agos ng dugo sa ulo ni Mei dahil sa lakas ng pagkabagsak niya sa ibaba.

Paglabas namin sa building ay umalis ang killer, si Mei naman ay naglalakad papalayo. Gusto ko siyang tulungan kaso kapag ginawa ko iyon… Isusunod niya ako.

Pinapanuod ko lang siyang maglakad. Para akong tanga na pinapanuod siyang mamatay. Anong magagawa ko? Buhay ko rin ang nakataya rito.

Lumingon sa akin si Mei. “Andrew, pakitanong kay Adrian kung bakit niya ako iniwan. Pinagkatiwalaan ko siya.” Puro dugo ang buong katawan ni Mei.

Tumango ako bilang sagot kahit gusto ko siyang lapitan. Ngumiti sa akin si Mei.
Maya-maya pa ay isang truck ang nakita kong umaandar at napalingon ako kung saan nanggagaling iyon. Ang killer ang nagpapaandar nung truck. Sinagasaan niya si Mei umagos ang napakaraming dugo, halos kita na ang mga buto niya dahil sa pagkakabali.

"Tama na gago ka!" Sigaw ko sa killer at nagbabaka sakali na pansinin niya ako.
Pero imbis na tumigil ay inatrasan niya pa si Mei. Nagkalat ang mga pisak na lamang loob ni Mei at kita ko pa ang kumikibot niyang utak at mga atay na nakakalat lang na parang basura.

Iyon na ang naging pagkamatay ng kasamahan namin na si Mei, may narinig ako na parang tunog ng bell na narinig muli sa buong park.

"Players it's a game over for Mei Zamora! Once again, it's a game over for Mei Zamora!"

Tumingin sa akin ang killer at ang titig niya ay para bang sinasabi na ako na ang susunod.

MACKY REYES

"Players it's a game over for Mei Zamora! Once again, it's a game over for Mei Zamora!"

Napatigil ako sa pagtakbo nung akin iyang marinig. Hindi ako makapaniwala na si Mei ang unang tao na mawawala sa laro. Isa siya sa mabait na tao na nakilala ko rito at nakapalagayan ko ng loob sa maikling oras.

Nagtungo ako sa tapat ng building kung saan namatay si Mei. Halos hindi ko na siya makilala dahil wasak ang kanyang bungo at bugbog na bugbog ang kanyang katawan.

“Kindly gather at the park entrance!”

Isa na namang announcement ang aking narinig kaya dumiretso ako agad doon. Kitang-kita ko ang mugtong mata ni Andrew. Pero ang ipinagtataka ko ay nanginginig ang buong katawan ni Adrian.
Biglang bumukas muli ang TV sa may gusali at lumabas ang isang video, iyon ay ang pangyayari kanina. Nakita namin na pinapanuod lang ni Andrew ang killer sa pagpatay kay Mei.

Namatay ang screen at natapos ang video. Lahat kami ay napalingon kay Andrew at pansin ko ang pagkuyom ng kanyang palad. Andrew, are you doing this for your own survival?

ANDREW MENDOZA

Shit! Bakit naka-mute yung video!? Hindi nila narinig kung paano pinagbantaan ng killer ang buhay ko kung sakaling mangialam ako.

Ang sama ng tingin nilang lahat sa akin. I was framed up by that fucking merciless killer! Nakalimutan ko na nasa kamay niya pala ang takbo ng laro. Kaya niya itong paikot-ikutin.

“Plano mo kaming ilaglag lahat! Gago ka!” Bigla akong kinuwelyuhan ni Fierce. Tinapik ko ang kanyang kamay at inalis ang pagkakakwelyo, wala siyang karapatan na gawin sa akin iyon.

“Sa tingin ninyo ba gusto kong makita na mamatay si Mei sa harap ko? Sa tingin ninyo ba ay tumayo lang talaga ako doon at walang ginawa!? Ang lakas ng loob ninyong ibintang sa akin ang lahat!” Sigaw ko at naluluha ako dahil sa inis. Fuck.

Nabaling ang tingin ko kay Adrian. “Ang huling sinabi niya sa akin… Bakit mo raw siya iniwan Adrian!? Bakit mo siya binitawan nung gabing iyon!?” Napatingin naman silang lahat ngayon kay Adrian.

“A-anong sinasabi mo diyan!? H-hindi kami nagkita ni Mei!” Pagsisinungaling niya pero nanginginig ang kanyang boses.

“Nakita kitang kasama niya kagabi Adrian! Huwag kang magsinungaling!” Malakas na sigaw ni Yui. “Nakita ko kung paano kayo habulin nung killer. Bakit mo binitawan ang kamay ng kaibigan namin!? Bakit mo siya hinayaang mamatay!?”  Dugtong pa niya. Kaibigan niya nga pala si Mei.

Nabato siya sa kanyang kinatatayuan at nawalan ng lakas magsalita. Sa pananahimik niyang iyon, parang inamin niya na rin na siya ang may kasalanan.

“Akala ninyo ba ay ginusto ko ‘yon? Buhay ko rin ang nakataya dito! Hindi ninyo alam ang pakiramdam na habuling ng killer! Masakit para sa akin na bitawan siya pero kung hindi ko iyon ginawa… ako ang mamamatay!” Sigaw ni Adrian sa amin. “Hindi ninyo alam kung paano ako kainin ng guilt ko ngayon!”

Nagsimula na silang maglakad paalis, masamang tingin ang ipinupukol nila kay Adrian, ang tingin nila ay siya ang pinakagagong tao sa larong ito. Ako, si Adrian, at si Maya na lang ang naiwan dito.

“Bakit hindi pa kayo umalis? Sisihin ninyo rin ako sa pagkamatay ni Mei!” Sigaw ni Adrian.

“Naniniwala ako sa’yo.” Napalingon ako kay Maya at nakangiti siya kay Adrian.

Nakasagutan ko man siya kanina, naaawa pa rin ako sa kalagayan niya. “Siguro ay nabigyan na ng kasagutan ang mga tanong ni Mei. Gugustuhin din siguro ni Mei na mabuhay ka sa larong ito.

“Hindi no’n mababago na namatay siya dahil sa akin.” Tumingin siya sa aming dalawa ni Maya.

“We’re not blaming you, Ipakita mo na you are worthy for their trust again.” Sagot ni Maya sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top