Chapter 32 "Day 15"
CHAPTER 32“DAY 15”
MAYA CASTRO
Sobrang natakot ako sa nangyari kagabi honestly. Sobra-sobra ang pagpapasalamat ko kay Macky dahil iniligtas niya ang buhay ko.
“Good morning girl! Okay ka na ba?” Tanong sa akin ni Len.
“Ayos lang ako, salamat.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Saglit akong pumunta sa kusina upang kumuha ng makakain, tumabi ako kay Macky sa table. “Thank you ulit kagabi, Macky, ha?”
“Wala ‘yon. I’m glad that you’re safe.” Nakangiti niyang sagot sa akin kaya napangiti na rin ako.
Sabay-sabay kaming kumain pito. “Alam na natin kung ano ang kasalanan ng bawat isa kay Rena,” Pagsisimula ng pag-uusapan ni Macky. Naikwento ni Bambie kay Jin lahat nung mga nangyari sa silid kagabi magmula nung makalabas na siya.
“Pakiramdam ko nga ay ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyang si Rena,” Nakayukong sabi ni Jin. “Siguro kung sinipot ko man lang siya kahit isang beses sa date, baka hindi siya mauudyukan na gawin ang mga bagay na ito ngayon.” Pagpapatuloy niya pa.
“’Wag mong solohin, lahat tayo ay may kasalanan, Jin. Lahat tayo ay may mali, hindi naman natin alam na dahil sa mga reckless action natin ay mapupunta tayo sa ganitong sitwasyon.” Pagpapaliwanag ni Adrian kaya napatango-tango ako bilang pagsang-ayon.
“Jin, paano nangyari na muntik na kayong ikasal ni Rena?” Tanong ko sa kanya bigla.
“It’s a business matter kaso ay na-cancel, hindi rin ako sumipot sa kahit anong arrange date na pinlano ng mga magulang namin.” Sagot ni Jin kaya napatango-tango ako.
Napatingin ako sa mga blangkong upuan dito sa restaurant, dati ay napupuno namin ito… ngayon ay pito na lang kami. “Nami-miss mo sila ‘no?” Tanong sa akin ni Chlloe at ngumiti, “Huwag kang mag-alala, makakalabas tayong pito rito. Dala natin ang alaala ng bawat isa, ilalabas natin sila dito.”
“Tamaaa!” Maarteng sabi ni Len kaya napatawa ako. “Last game na ‘to papa Macky, we can do it!”
Out of 16 players, kaming pito na lang ang nakatayo at may lakas na harapin ang mga games ni Rena. Isang araw na lang.
Matapos kong kumain ay tumambay muna ako sa isang bench at pinapanuod ang mga kasamahan ko na ini-enjoy ang mga rides dahil huling araw na.
Pumasok sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Rena kagabi, punong-puno ito ng sakit at kagustuhan na maipaghiganti niya talaga ang mga mahal niya sa buhay na nawala na.
Mabait si Rena, naniniwala ako doon, napatunayan ko iyon kagabi. Kung tutuusin ay maaari niya naman iputok ang baril sa ulo ni Maya kagabi ngunit hindi niya itinuloy.
“Macky, nakatahimik ka na naman diyan,” Lumapit sa akin si Maya, alam niya talaga kapag amy gumugulo sa isipan ko e.
“Naalala ko lang yung mga nangyari kagabi.” Sagot ko.
“Wala na, nangyari na. Hindi na natin maiaalis ang fact na nasaktan natin si Rena. But makakalabas na tayo mamayang gabi, you don’t need to worry about that.” Nakangiting sabi ni Maya at napangiti na rin ako sa kanyang sinabi.
“Gusto kong tulungan si Rena,”
“Alam mo, Macky. Guilt lang ‘yan nararamdaman mo pero kung iyan ang gusto mo, alam mo naman na susuportahan kita.” She explained at hindi nawala ang ngiti sa aking labi.
“Sige, thanks Maya, napagaan mo ang kalooban ko.”
“No problem,”
“Sige, mauna muna ako. Pupunta muna ako sa kwarto ko.” Paalam ko at naglakad na ako paalis.
Pagkapasok ko pa lang sa room ko ay inilagay ko agad sa tenga ko ang earplug at in-on ito. “Lee, naririnig mo ba ako?”
“Yes, I can hear you clearly. Huwag mong kakalimutan ang plano natin,”
“Sigurado ka bang gagana ‘yang plano mo, Lee?” Tanong ko.
“I’m not sure but I will give my best shot.” Sagot ni Lee sa kabila.
“Thank you Lee, mag-i-ingat ka.”
LEE PARK
Nandito ako sa hideout ni Rena, pinapanuod ko lang si Rena at busy na busy siya sa mga ginagawa niya. “Rena, ba’t hindi mo binaril si Maya kagabi? Kung tutuusin ay kayang-kaya mo iyong gawin.” Sabi ko, kailangan kong pagmukhaing nasa panig niya ako.
“Sayang naman si Maya, mas maganda na rin na umabot siya hanggang ngayon upang mas matikman niya ang mas masakit na pagkamatay,” Paliwanag niya sa akin.
Nagbitaw ako ng buntong hininga. “Rena, hindi na ba mababago ‘yang isip mo? Kalimutan mo na ang last game, tutulungan kitang magbag—“
Nabigla ako nung biglang dinampot ni Rena ang baril na nakapatong sa lamesa at pinaputukan ako ng makailang beses.
Damang-dama ko ang sakit na tumama sa aking tiyan at nagsimulang umagos ang malalapot na dugo.
“Sorry Lee, hanggang dito ka na lang. Thank for playing with me all along,” Nakakalokong ngumiti sa akin si Rena habang ako naman ay hinahabol ang aking paghinga. “Hindi ako kasing tanga ng iniisip mo Lee, pinapanuod lang kita.”
“B-bakit mo ‘to ginagawa, Rena?” Tanong ko at pilit hinahabol ang aking paghinga.
“For revenge! Alam mo ‘yan! Ikaw! Bakit mo ‘to ginagawa sa akin? Akala mo ba ay hindi ko malalaman ang ginagawa mong pagtulong sa mga players.” Tinapakan niya ang aking mukha. “Hindi ako tanga Lee, nasa teritoryo kita! Alam ko ang nangyayari sa loob ng park, hindi mo ako maiisahan gago ka!”
“Hindi rin ako kasing tanga ng iniisip mo Rena.” Sabi niya at ipinikit ang kanyang mata.
Naramdaman ko naman na wala ng buhay si Lee kaya itinuon ko na ang aking pansin sa mga ginagawa kong preperasyon para sa laro.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top