Chapter 31 "Night 14"

CHAPTER 31“NIGHT 14”
MACKY REYES

“Players please gather at the inn, room!”

Isang announcement ang narinig namin, umalis ako sa pinagtataguan ko at nagsimulang maglakad tungo sa Inn. Naka-off din ang earplug ko ngayon, wala akong balak na kumapit kay Lee sa pagkakataong ito.

“Sabay na tayo Macky.” Biglang sumabay si Maya sa paglalakad ko kaya napangiti ako.

Pumasok kami sa loob ng inn at umakyat sa second floor, pagkatuntong namin dito ay nabigla ako nung makita ang ayos nito. Ang hitsura nung second floor ngayon… kamukhang-kamukha ng ayos nung naganap ang prom namin dati. It brings back memories, terrifying memories.

Wala naman ng iba pang nakakaalam tungkol dito, karamihan ng sangkot sa kasalanan ay patay na-- Si Fierce, Lei, at sugar.

“No way.” Napakapit si Maya sa braso ko at ramdam ko ang panginginig niya dahil sa takot. Para bang binabalik nito ang bangungot na gusto naming kalimutan, ang bangungot na pinag-ugatan ng lahat.

Nandito na kaming lahat na natitirang players—Si Jin, Maya, Bambie, Ako, Chlloe, Len, at Adrian. Mas nanindig ang balahibo ko nung makita ko ang kwartong pinasukan namin, kamukhang-kamukha kung saan namatay si Jurina.

May labing anim na seats sa buong room at bawat isang seats ay may litrato naming lahat. Lahat nung mga namatay ay may ekis na nakalagay.

“Please visited on your respective seats.”

Isang announcement ang narinig na siyang aming ginawa. Magkakahiwalay kaming lahat, katabi ko sa right side ang picture ni Fierce at sa left side si Phillip. Kaya namin ‘to, alam kong malalagpasan namin ito.

Noong makaupo na ako ng maayos ay may biglang bakal ang kumapit sa aking leeg at magkabilang kamay. “Fuck!” Dinig ko pang mura ni Jin.

Isang tawa ang narinig namin mula sa labas, nandito na siya—si Rena.

“Bitawan mo ako! Wala akong kasalanan na ginawa sa’yo!” Isang tinig ng isang babae ang narinig namin.

Bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang nakangising si Rena at may sabu-sabunot siyang isang babae.

“Jessica!?” Patanong na sigaw ni Maya.

“Maya, tulungan mo ako!” Sigaw nung babae.

“Bravo! ‘Diba’t nakakatuwang reunion para sa inyo ‘to? Reunion ng mga mamamatay tao!” Sabi ni Rena pero bakas sa boses nito ang inis at galit.

“Ito ang laro natin ngayong gabi, ipapakita ko na lang sa inyo ke’sa ipaliwanag.” Itinulak ni Rena paupo si Jessica at kagaya nung sa amin, may bakal din na kumapit sa kanyang leeg at magkabilang kamay.

“Ano ‘to!? Anong gagawin mo sa akin!?” Sigaw ni Jessica.

“Alam mo naman na inimbitahan kitang sumali sa laro kaso ay tumanggi ka. Kung sa tingin mo ay ligtas ka na sa impyernong karanasan na ito, nagkakamali ka. Malaki ang kasalanan mo!” Sigaw ni Rena at malakas na sinampal ang babae.

“Sor—“

“Maganda sana kung maibabalik ng sorry mo ang buhay ng kapatid ko! Kaso… hindi e.” Sinabunutan ni Rena si Jessica, napapailing na lang ako sa aking nasasaksihan. Nilamon na talaga si Rena ng inis at galit niya.

“A-ano bang gusto mong gawin ko?!” Nanginginig ang boses na sabi ni Manami, hindi ko siya masisisi dahil isang demonyo ang kaharap niya ngayon.

“Play my game!”

Nakatingin lang kaming pito sa kanilang dalawa, walang gustong magsalita dahil baka madamay kami sa kabaliwan ni Rena.

“Let’s have a throwback! Ipapaalala ko ang krimen na inyong ginawa na pilit ninyong ibinabaon sa limot.” Sabi ni Rena at inilabas ang baril na nakaipit sa kanyang bewang, napalunok ako ng aking laway.

“Anong ibig mon—“

“Here’s my question for you, Jessica,”

Mukhang kinabahan si Jessica nung biglang itutok sa kanyang ulo ni Rena ang baril. Kahit kami ay nanlamig sa aming nasasaksihan.

“Kailan naganap ang school prom ninyo?” Tanong ni Rena. “May ten seconds ka lang para sumagot, Jessica.”

“One… two…”

Nagsimulang magbilang si Rena, eto pala ang gagawin namin ngayon? Tatanungin niya kami sa mga nangyari sa nakaraan.

Naalala ko ang eksaktong araw na iyon. January 20, 2012.

“…six… seven…”

Patuloy ang ginagawang pagbilang ni Rena, napapadyak na ako ng paa dahil sa kaba. Bilisan mong sagutin, please!

“…9…”

“January 20, 201—“:

Isang malakas na putok ng baril ang aming narinig. Napaigtad ako at napalingon kay Jessica, may tama ng baril ang kanyang ulo at may mga dugo na tumutulo galing dito. Hindi pa natapos ang ginawa ni Rena dahil binaril niya pa ito sa kaliwang dibdib.

“Time’s up, dear. Hindi ka umabot sa oras, makupad ka kasi e,” Sabi ni Rena. “Siguro naman players ay naiintindihan ninyo na ang laro natin?”

“Napakasama mo!” Biglang sigaw ni Maya, punong-puno ng galit ang kanyang mukha, kaibigan niya ang namatay.

“Thanks for reminding me, bitxh. Hayaan mo, isusunod kita sa kaibigan mo.” Sabi ni Rena at hindi nawawala ang ngiting demonyo sa kanyang labi.

“Let’s start the game! One question per person. Kapag mali ang sagot mo… it’s a game over for you at kung tama naman ay makakaalis na kayo sa silid na ito. It’s a one shot game.” Sabi ni Rena at naglalakad paikot.

Kinalma ko ang aking sarili, kalma, Macky.

Huminto si Rena sa tapat ni Jin at itinutok sa ulo nito ang baril. “Jin Kuga, this is my question for you.” Nabigla pa si Jin dahil siya ang unang tinanong. Kalma.

“Para sa taong muntik ko ng pakasalan, ilang beses kita inaya na mag-date? May sampung segundo ka para sagutin ito.” Parang napaisip si Jin.

“…5… 6…”

“Labing-isang beses.” sagot ni Jin at biglang natanggal yung mga bakal na kakapit sa kanyang leeg at kamay.

Itinutok ni Rena ang baril sa kanya kaya napataas ng kamay si Jin, “Lumabas ka na nang kwartong ito!” Sigaw ni Rena.

“P-Pero—“

“I fucking said, get out! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!” Sigaw niya pa.

“Sorry Rena, kasalanan ko kung bakit ka nagkakaganyan,” Naglakad na palabas ng kwarto si Jin.

“Sana naisip mo ‘yan bago mo ako nagawang saktan.” Mahinang bulong ni Rena sa kanyang sarili pero sapat na iyon para aking marinig.

Iyon ang kasalanan ni Jin? Muntik na silang makasal dati? Pero hindi sapat na dahilan ‘yon para gumawa ng ganitong klaseng pagpatay.

Pinatay ni Rena sina Mei, Phillip, Lei, Andrew, Sugar, Honey, Jessica, Yui, Minami, at Fierce… pero kapatid niya lang naman ang nawala. Labing isang tao na ang kanyang napapatay, hindi ko lang alam kung mas madami pa diyan ang kanyang napapatay.

Naglakad muli paikot si Rena at hinihiling ko na huwag iyon matapat sa akin, huminto siya sa tapat ni Chlloe at itinutok ang baril dito. “This is my question for you, Chlloe.” Nanginig naman dahil sa kaba si Chlloe.

Sa bagay, matatakot ka naman talaga kay Rena dahil para siyang demonyo. Demonyo na pumapatay gamit ang mga modernong kagamitan.

“Ano ang nangyari noon January 29, 2012?” Tanong sa kanya ni Rena. Para bang nagulat si Chlloe at Len sa kanilang narinig. May kinalaman sila sa nangyari nung panahong iyon?

“S-stampede.” Mabilis na sagot ni Chlloe kahit hindi pa nagsisimula ang pagbibilang ni Rena, natanggal ang bakal sa kanyang leeg at kamay.

“Get out of this room!” Sigaw ni Rena at nagmamadaling tumakbo palabas si Chlloe.

“Gusto ninyo bang malaman kung bakit nandito sina Len!?” Tanong ni Rena ngunit bakas sa kanyang mata ang lungkot at galit. Walang umimik sa amin kaya itinuloy ni Rena ang kanyang sinasabi.

“May dance group sina Len at kasalukuyan na nagpe-perform ang grupo nila sa contest nung araw na iyon… yung araw na nangyari ang stampede. Kasama ang magulang ko sa mga namatay. Hindi ninyo alam ang dinanas ko, namatayan ako ng kapatid! Makalipas ang tatlong araw ay malalaman kong hindi matutuloy ang kasal na pinapangarap ko! At makalipas ang anim na araw… namatay ang magulang ko. Naisip ko, bakit ako lang ang nagdudusa ng ganito!? Damay-damay ‘to! Gusto kong mas matindi ang maranasan ninyo ke’sa sa dinanas ko!” Paliwanag ni Rena at may luhang pumatak sa kanyang mata.

Ito ang unang beses, nawala ang galit ko kay Rena. Walang dumamay sa kanya nung mga oras na nangangailangan siya ng kasama. Naisip ko ngayon… kami ang bumuo sa demonyong Rena, kami ang pumuno ng galit sa kanyang puso. Dito ko napagtanto na kahit bali-baliktarin mo man ang mga pangyayari, kahit saan anggulo mo man tignan… ang kasalanan, maliit man o malaki ay kasalanan pa rin ‘yon.

Nawala ang lungkot sa mukha ni Rena at itinutok ang baril kay Adrian. “Here’s my question for you, Adrian.” Masaya na si Rena kung maipaghihiganti niya ang mga mahal niya sa buhay.

“Rena! Ba’t mo ba ‘to ginagawa!?” Sigaw ko. “Pwede ka namin tulungang magbago! Magsimul—“

“Huwag ka ngang gago!” Sigaw ni Rena at ipinutok paitaas ang baril kaya napapikit kaming lahat.

“Kami! Rena, kami ang magiging bagong pamil—“ Biglang itinutok ni Rena sa akin ang baril kaya napatigil ako.

“Tama na! Isa pang salita mo, pasasabugin ko ‘yang bungo mo!”

Natahimik ako dahil sa takot. Gusto kong tulungan si Rena sa pagkakataong ito.

“Ikaw naman, Adrian. Sino ang humingi ng tulong sa’yo nung araw na naganap ang stampede?”

Para bang namutla si Adrian sa sinabi ni Rena.

“1…2…3…” Patuloy sa pagbibilang si Rena habang nabato sa kinauupuan niya si Adrian.

“…7…8...”

“Mga magulang mo, ang mag-asawang Matsui.” Natatakot na sabi ni Adrian at natanggal ang nakakabit na bakal sa kanyang katawan.

“Edi ngayon nagsabi kayo ng totoo! Lumabas na rin mula sa mga bibig ninyo ang katotohanan na kayo ang unang nanakit sa akin… at hindi ako. Kayo na rin ang umaamin sa mga kasalanan na inyong pinagtatakpan!” Sabi ni Ren.

“S-sorry.” Sabi ni Adrian.

“Umalis ka na!” Sigaw ni Rena kaya napatakbo palabas si Adrian.

Muling nag-ikot si Maya at tumingin ng mata sa mata sa amin. “Ikaw naman, Maya,” Ikinasa ni Rena ang baril at itinutok kay Rena.

“Ilan ang tao nung prom night ninyo?” Tanong ni Rena pero shit! Hindi naman mabilang ang mga taong um-attend no’n kasi marami ang nandoon nung gabing iyon.

“1…2…3…” Shit. Halatang hindi alam, ayokong mawala siya sa laro.

“…9…10.” Ngumiti si Rena. “Good bye Maya Castro it’s a game ov—“

“Rena, nakalagay sa mechanic, The time of the game is 8:00 pm up to 12 Midnight.” Sabi ko at napatingin sa akin si Rena. Mabuti na lamang at hindi niya pa naipuputok ang baril.

“Anong pinagsasabi mo?” Kunot noo na tanong ni Rena.

“Bambie, anong oras na?” Tanong ko kay Bambie.

Tumingin si Bambie sa kanyang wristwatch, tinignan niya itong maigi dahil may bakal na nakakapit sa kanyang kamay. “12:05AM.”

“Ibig sabihin lamang nito Rena na tapos na ang game hour… kanina pa, so basically, ligtas na kaming apat na nandito,” Paliwanag ko. “Akala ko ba magiging fair ka sa lahat? Tapos na ang game hour at ligtas na kaming apat.”

Hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob, basta ang gusto ko lang ay makaligtas kaming lahat na nandito.

Ibinaba ni Rena ang baril at nagsimulang maglakad paalis. “Maghaharap pa tayo bukas, Macky.” Iyan ang huli niyang sinabi bago naglakad paalis.

Natanggal ang mga bakal na nakakabit sa aking leeg at kamay. Pagkatanggal pa lamang no’n ay mabilis na tumakbo sa direksyon ko si Maya at mahigpit na yumakap.

“S-salamat Macky, akala ko talaga ay mawawala na ako sa laro.” Umiiyak niyang sabi. Kahit din naman ako ay masaya dahil walang nangyari sa kanyang masama.

“Masaya ako at ligtas ka.” Bulong ko sa kanya.

Gusto kong tulungan si Rena, alam kong may pag-asa pa na magbago siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top