Chapter 27 "Night 12"

CHAPTER 27 “NIGHT 12”
Princess Yui Mercado

Nakatago lamang ako sa operating room ng roller coaster, ligtas naman sa lugar na ito. Walo na lamang kaming buhay sa lugar na ito kaya paniguradong nahihirapan na ang killer na makita ang isa sa amin.

Habang nandito ako ay may biglang tumakip sa aking bibig. Sinubukan kong maglikot at manlaban ngunit masyado siyang malakas. “Miss, ‘wag kang maingay! Pwedeng makita tayo ng killer, just shut up, okay?”

Unti-unti akong huminahon at bumaling ang tingin ko sa kanya. “Lei!? Paanong buhay ka pa!?” Namimilog ang aking mata nung makita ang kanyang hitsura.

“Hindi ako si Lei, okay? I’m Lee, Lee park,” He introduced himself.

A conclusion jump in my mind, kakampi siya ng killer. Agad akong lumayo sa kanya at kinuha ang kutsilyo na nakaipit sa aking bewang. “Mukhang na-misinterpret mo ako miss, nagpapanggap lang akong tauhan ng killer upang mailabas kayo rito. Pero para magawa ko iyon, kailangan ko ng tulong mo.”

“Tulong ko?” Kunot noo kong tanong and hinihinaan ko lang ang boses ko. “Kakakilala lang natin, wala akong tiwala sa’yo.”

“Kahit ako rin naman ay hindi kita kilala, miss. Pero kung gusto ninyong makaalis sa impyernong ito na wala ng namamatay sa inyo, kailangan mong makipagtulungan sa akin.” He stated.

Hindi ko alam kung paano niya ako napapayag pero siguro dahil desperado na akong makaalis dito kaya handa akong makipagtulungan sa kanya. “Ano bang kailangan kong gawin?”

He smiled. “Kailangan mo lang i-distract ang taong naghahanap sa inyo.”

Hindi ko na-gets.

“Sa lugar na ito dalawa ang tumutulong sa killer, isa na ako doon. Ang isa ay ang naghahanap ng mabibiktima at ang killer, nandoon lang sa isang kwarto at nagpaplano ng game na sunod na gagawin.”

“Anong kailangan kong gawin?”

“May CCTV Cameras dito and luckily, wala ang silid na ito. Pinapanuod ng killer ang bawat galaw niyo and I want you to distract her.” Umupo siya sa isang upuan.

“Kahit ano! Sumayaw ka, magwala ka, kumanta ka sa harap ng CCTV! Basta makuha mo ang atensyon niya. Ako naman, papasok ako sa room kung saan gaganapin ang last game.” He explained to me.

“So you mean, lilituhin ko ang killer? Itataya ko ang buhay ko?” Pumamewang ako sa harap niya.

“Wear this,” Inabot niya sa akin ang isang earplug. “Magagamit natin ‘yan para makapag-communicate tayo sa isa’t-isa. May tracker din ‘yan kaya mabibigyan kita ng babala. You are in win-win agreement, I will assure your safety pero gawin mo lang ang iuutos ko.”

Sinubukan namin ang mag-usap using the earplug, gumana.

Lumabas na ako nung operating room, “Gagong lalaki ‘yon ah.” Pagmumura ko.

“Naririnig kita,” Biglang may nagsalita sa earplug. “Killer is 500 meters away from you, huwag kang dadaan sa kanan.”

Sinunod ko naman ang kanyang sinabi, totoo nga ang sinabi ni Lei, nasa win-win situation ako dahil tinutulungan niya akong mabuhay. It’s a proof na mabuti ang kanyang intensyon.

“Magtago ka lang muna, papasok na ako sa pinagtataguan ng killer. Sa isang streeet lamp diyan 20 meters away from you,” Napalingon ako sa sinabi niyang street lamp. “May kamera doon. You just need to be a distraction for killer. Do whatever you want.”

“Paano ka naman nakakasigurado na makukuha ko ang atensyon nung game master?”

“If someone’s act strangely, mapupukaw no’n ang kanyang atensyon. This plan is fifty percent na gagana and nakadepende ang success na iyon sa iyong kooperasyon,” Pagpapaliwanag niya sa akin. “Game?”

I shake my hands first. “Game.” Bahala na!

Malakas kong sinipa ang mga trashcan na nakita ko, kinalat ko ang mga basura at pinagbabato ko ang ilang mga stalls and drinking stands.

“You can stop now, nakapasok na ‘ko.” Lee stated at bumalik na ako sa normal na pagkilos. “By the way, the killer is 200 meters away from you mula sa kaliwa. It’s much better kung tatakbo ka na paalis.”

JIN KUGA

Nakatago ako sa isang horror booth dito. Madilim ito at maraming props na panakot kaya madaling magtago.

Malapit sa exit ako nagtatago para hindi umandar ang pagiging claustrophobic ko, may liwanag kasi rito at medyo malaki naman ang espasyo. Ang pagiging claustrophobic ko ang disadvantage ko sa larong ito na muntik ko ng ikamatay nung nakaraang araw.

Tumakbo sa isip ko ang pangalang Rena Matsui. Kagabi ko pa ito iniisip hanggang sa naalala ko na, siya ang babaeng pina-arrange marriage sa akin ng mga magulang ko. I just know her by her name, hindi ko siya na-meet dahil parati akong tumatakas kasama sina Bambie dati.

Dahil sa hindi ko pagsipot, na-cancel ang plano nilang kasal at nag-benefit naman ako doon. But I didn’t know na magagawa ni Rena ang ganitong klaseng laro, I mean, galing sila sa mayamang pamilya.

Habang nakatago ako ay saglit akong dumungaw sa labas at napansin ko si Yui na parang may kinakausap. “Wala naman siyang kausap ah?” Tanong ko sa aking sarili habang nakamasid sa ikinikilos ni Yui.

Kumaripas ng takbo paalis si Yui, hindi kaya may alam si Yui sa mga nangyayari?

“Spacing out again, Kuga?” Isang malakas na hampas sa ulo ang aking naramdaman and it all went black.

Nagising na lamang ako na nasa isang kwarto na ako, napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit nito. Isa itong mahabang kwarto at katabi ko si Chlloe at Bambie na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

“Guys, gising.” Mahina ko silang tinapik-tapik kaya naalimpungatan naman sila.

“Nasaan tayo?” Pagtatanong ni Bambie at tinulungan ko siyang makatayo.

“Game.” Tipid kong sagot pero mukhang nakuha niya naman agad ito.

Malaki ang silid na ito, mahaba. Nagulat kami nung biglang may mga division na humarang at nahati ang kwarto na ito sa tatlong dibisyon. Nabuhay ang screen nung maliit na tv na nakadikit sa unang harang.

“Good evening players, nahahati sa tatlong division ang kwartong inyong kinalalagyan ngayon. Kailangan ninyong sagutin ang ibibigay kong riddles para malampasan ang bawat division and in the end of the room, nandoon ang exit. But here’s the twist…”

“Shit!” Malakas akong napamura nung biglang umusog ang pader na nasa likod namin at napalitan ito ng isang chainsaw na pinapagana ng isang makina.

“Habang tumatagal na hindi ninyo nasasagot ang riddle ay aandar tungo sa inyong direksyon ang chainsaw. Good luck players! Game start!”

Mabilis kaming pumunta sa unang pader na nakaharang at may isang riddle na nag-flash sa screen.

A nightmare for some. For others, as a saviour I come. My hands, cold and bleak, it's the warm hearts they seek.

Bakit ba ang hilig nung game master sa mga ganito!? May jumbled letters sa gilid at mukhang kinakailangan namin buuin ang sagot gamit iyon. May 12 letters iyon ngunit sa tingin ko ay hindi namin magagamit ang lahat nung ito.

“Sa tingin ko, Death.” Hindi siguradong sagot ni Chlloe. Napalingon ako sa likod at medyo malapit na sa amin ang chainsaw, by looking at it… nai-imagine ko na ang mangyayari kung sakaling maabot kami nito. No Jin! Kalma ka lang.

“Wala naman mawawala kung susubukan natin.” Sabi ko sa kanya at kinuha ko ang mga jumbled letters at binuo ang salitang Death.

I press the green button beside us and biglang nagbukas ang pader, we answered it correctly. Dali-dali kaming tumungo sa pangalawang division kaya medyo napalayo kami sa chainsaw.

Another riddle flash on screen.

I'm your follower in the light,Yet I'm invisible in the night, At various sizes I appear, I won't harm you, have no fear,What am I?

I carefully read the riddle and tried to understand it word by word, nasinagan ako nung liwanag at parang medyo naintindihan ko na. Anino.

“Shadow.” Pagsabi ko sa kanila at binuo muli ang salita sa mga nakakalat ng jumbled words.

I press the button again, tama. Pumunta na kami sa ikatlong division, if we answer this correctly, makakalabas kaming tatlo ng buhay sa lugar na ito.

A riddle flash on screen.

What force and strength cannot get through, I with a gentle touch can do. And many in theses twisted halls would stand were I not, as a friend, at hand.

Pare-parehas kaming naguluhan sa riddle ngayon. Lumipas ang ilang segundo ngunit hindi talaga mag-process sa utak ko ang bawat salita, it’s hard for me to get the right answer.

“Guys! Bilisan ninyo na, malapit na ulit sa atin ang chainsaw.” Napalingon ako sa likod, tama nga si Chlloe. Fuck! Hindi nakakatulong ‘to, nakakadagdag sa pressure. Halos 5 meters na lang ang layo nito sa amin.

I should annalyze this quickly or else, mamamatay kaming tatlo.

“Let me give this a shot,” Nagsalita si Bambie at kinuha ang mga jumbled letters sa gilid. “Sana lang ay tama.”

“Faster Bambie.” Pagmamadali ko sa kanya dahil nagtatayuan na ang balahibo ko sa kaba. Ayokong mahati sa pira-piraso ang katawan ko dahil sa chainsaw na ito.

“K.E.Y.” Pagbasa ni Chlloe sa sagot ni Bambie. Bambie press the button and may nahulog na susi galing sa kisame. Tama! Bumukas ang ikatlong layer at nakita na namin ang pinto papunta sa exit.

Ipinasok ko ang susi sa door knob and click! Lumabas na kaming tatlo sa kwarto.

“Congratulations players! You manage to survive this night!”

**--**--**

Player List:

Macky Reyes
Maya Castro
Sugar Mae Evangelista [ X ]
Lei Park [ X ]
Fierce Ramos [ X ]
Andrew Mendoza [ X ]

Mei Zamora   [ X ]
Phillip Navarro [ X ]
J

in Kuga
Adrian Louisse Aquino
Princess Yui Mercado
Honey Bam [ X ] 
Chlloe Ann Santos
Len Calder Dickson
Bambie Chua
Minami Honda [X]

survivors left : 8

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top