Chapter 25 "Night 11"

CHAPTER 25 “NIGHT 11”
FIERCE RAMOS

Nakatago ako sa basement ng hotel dahil malaki naman ang espasyo nito, marami rin na nakatambak na gamit na magsisilbing harang para makapagtago ako. Napaupo ako saglit at parang mayroong gumugulo sa isipan ko.

Yung babaeng ipinakita nila kanina sa may clinic… ang pamilyar ng mukha niya. Hindi ko alam kung paano o kung saan, basta! Nakita ko na siya.

Napakapit ako sa poste nung makaramdam ako ng matinding kirot. Ang sakit!
nakaramdam na lang ako ng biglang pagsakit ng ulo.

Naramdaman ko na lang na bigla akong nahilo at nawalan ng malay.

MACKY REYES

“Players please gather at the park entrance.”

Iyan ang announcement na umaalingawngaw sa buong paligid, teka! Halos isang oras pa lang ang nakakalipas magmula nung magsimula ang killing hour ah? May nahuli na agad?

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Pagkarating ko doon ay inisa-isa ko ang mga kasamahan kong nandito. Maya, Jin, Bambie, Yui, Len, Chlloe, Adrian… Teka!? Nasaan si Fierce!?

“Nasaan si Fierce!?” Sigaw ko. Si Fierce ang pinakamalapit sa akin dito, hindi ko alam ang gagawin ko sa killer kapag pinatay niya ang kaibigan ko.

Biglang nagbukas ang screen at lumabas na naman ang game master na nakatakip ng maskara ang mukha. Sino ba talaga siya!?

Nagulat ako nung biglang nagkaroon ng ulan-ulan ang screen na nakadikit sa pader at nabuhay ito. Nag-play ang isang video, Hindi ko alam kung paano niya nakuha iyon pero nanginig ang buo kong katawan nung napanuod ang video.

Iyon ang video nung prom night namin… I don’t know kung paano siya nagkaroon no’n. Napatingin ako sa mga kasamahan kong nandito. Nanlalamig ako.

This night, lalabas na ang baho ko.
Lumabas sa video ang footage sa isang mini bar na nasa school nung prom night na iyon. Light drinks lang naman ang nandoon at karamihan ay non-alcoholic kaya okay lang.

Nakita ko sa video na nakaupo si Maya sa isang stool at nag-shot ng isang baso. May lumapit sa kanyang isang babae.

“Hindi ka ba nagse-celebrate ngayon Maya!? Nagawa mo! Nasira mo ang reputasyon ni Jurina!” Wika nung babae sa kanya. Siya siguro ang ikinwento sa akin ni Maya nung nakaraan.

Napatingin kaming lahat kay Maya, maging siya ay nanlalamig sa kanyang nakikita. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Wala siyang dapat ikatakot. Kung lalabas ang baho niya, lalabas din ang sa amin… malalaman niya rin ang kalokohan na ginawa namin ni Fierce.

“Just shut up! Leave me alone!” Sagot ni Maya at uminom muli ng kanyang iniinom.

Nakita sa video na naglalakad si Jurina sa kanyang likod at ngumiti ang kasamahan ni Maya na babae. “Sinisisisi mo ba ang sarili mo sa pagkasira ng buhay ni JURINA?”
Napahinto si Jurina sa paglalakad. “Ako naman talaga ang may kasalanan. Ako ang nagpakalat ng mga litrato, sa akin nagsimula ang lahat!” Tuloy-tuloy na sabi ni Maya without her knowing… nasa likod niya si Jurina.

Tumakbo paalis si Jurina hanggang mawala sa video.

Lahat ng kasamahan namin ay nakatingin kay Maya ngayon at parang gulong-gulo, bakit ba kailangan ipakita ang video na iyon!? May kinalaman ba si Jurina sa mga nangyayari sa amin?

Umulan-ulan muli ang screen at isang video na naman ang lumabas.

Kitang-kita na umiiyak si Jurina patungo sa garden… it is the same night, prom night. Nagulat kami nung makita si Sugar sa video na may kahalikang lalaki, nabato sa kinatatayuan si Jurina at muling tumakbo paalis.

Paano nasali sa gulo si Sugar? Hindi naman mukhang makabasag pinggan ang babaeng iyon.

Lumipat ang scene kay Lei.

“Isara ninyo lahat ng pintuan sa bawat kwarto. Walang makikita na estudyante sa bawat kwarto at lahat ay nasa ground. Malapit ng magsimula ang program for tonight.” Utos ni Lei sa mga katulong niyang estudyante.

“Opo president.” Sabi nung sophomore na estudyante at naglakad na paalis.
Naiwan sa video si Lei. Siya na lang mag-isa. He grabbed his phone at may tinawagan.

“Kilala kita… Alam kong kasama mo si Jurina ngayon… Kill her… Nasasaiyo ‘yan, kapag hindi mo ginawa ay babawiin ng pamilya ko ang share namin sa kumpanya ninyo. Ayaw ninyo naman na malugi, ‘diba?”

Ibinaba ni Lei ang tawag at naglakad patungo sa school ground na parang walang nangyari.

Bakit parang lahat nung pinapakita sa video… may kinalaman kay Jurina? Buhay pa ba si Jurina? Bakit lahat ng nandoon ay kasali ngayon sa larong ‘to.

Nag-blurred ulit ang screen ang screen at lumabas na ang video ni Fierce. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, para bang ayaw ipalimot sa akin ng mga video na ito ang mga nangyari sa nakaraan.

“Ayos ka lang ba, miss?” Tanong ni Fierce at nilapitan si Jurina.

“H-huwag kang lalapit, ayos lang ako.” Sagot ni Jurina sabay punas ng luha sa kanyang mata.

Biglang may tumawag sa phone ni Fierce at sinagot niya ito. “Hello… Sino ‘to? Paano mo nalaman na kasama ko siya? What!? Hibang ka ba? Sino ka ba… ‘W-wag mong babawiin ang shares ninyo. G-gagawin ko.”

Si Lei iyon, sigurado ako. Si Lei ang puno’t dulo ng kademonyohan na ito… ang masama, wala na siya ngayon dito.
At doon na nangyari ang karumal-dumal na krimen at kung paano namin nilinis ni Fierce ang krimen na naganap.

“Macky, ano ‘to!?” Sigaw ni Jin at kinuwelyuhan ako. “Tang ina! Kayo ba ang may kasalanan kung bakit tayo nandito!?”

“W-wala kayong alam, pinagsisisihan namin ang mga nangyari na ‘yan!” Tinanggal ko ang pagkakakwelyo sa akin ni Jin.

“Tinulungan mo ba siya Macky? Para pagtakpan ang katarantaduhan na ginawa ng kaibigan mo!?” Sigaw naman ngayon ni Adrian. Sabi na, they will all blame on  us.

“Fuck! Hindi kasalanan ni Fierce ‘yon!” Sigaw ko. “Kitang-kita sa video kung paano siya pinagbantaan ni Lei!” Pagtatanggol ko.

Maya maya pa ay narinig ko ang mahihinang iyak ni Maya. “Alam mo naman Macky kung paano ko sinisi ang sarili ko sa mga nangyari ‘diba? Sinisi ko ang sarili ko sa kasalanang hindi naman pala ako ang may gawa! Hindi mo alam kung paano ako hindi patulugin ng aksidenteng iyon, hindi mo alam kung ano rin ang pinagdaanan ko ng mga oras na iyon!”

“S-sorry.” Hindi ko alam, nawalan na ako ng lakas na ipagtanggol ang aking sarili. Ako ang mali, kami ang mali.

“Akala ko ba naman kung sino kang mabait, may tinatago ka rin palang baho.” Biglang nagsalita si Bambie at napayuko ako. Hindi ko sila masisisi kung mag-iba ang trato nila sa akin.

Nagawa ko lang iyon dahil sa kaibigan ko.

Napalingon kami muli sa screen nung muli itong mabuhay. Nakakulong si Fierce sa para bang isang banyo na punong-puno ng kung ano-anong gamit.

“N-nasaan ako! Tangina!” Malakas na sigaw ni Fierce na narinig namin.

“Fierce!” Tatakbo na sana ako ngunit hinarang ni Yui ang kanyang kamay.

“Mag-aaksaya ka lang ng oras.”

Kapansin-pansin na ang daming gamit sa banyo may mga kahon, kabaong, mga bola, may mga plates, figurines, laruan, mga kahoy. Ang dami!

“Macky! Nanunuod ka ba!?” Malakas na sigaw ni Fierce sa loob ng banyo. “Tangina gusto kong malaman ang totoo! Ano yung pinanuod sa akin nung killer?!” Alam niya na rin pala. “Bakit hindi ko man lang naaalala ang tungkol sa bagay na iyon!?”

“Good day players, here’s the instruction for the game tonight. Mayroon kang 30 minutes para makalabas sa lugar na iyan. You’ll need to open 4 boxes na nandiyan sa lapag. Every boxes ay may tanong ka na kailangan sagutin. Kapag hindi ka nakalabas diyan sa loob ng 30 minutes, mamamatay ka. May cellphone diyan and you have a chance na tawagan ang mga kasamahan mo at isang beses mo lang ito pwedeng gamitin. They can’t give you direct answer but they can give you hints.”

“Bakit pa natin ililigtas ‘yan, pumatay na rin naman siya?” Biglang nagsalita si Jin at masama ko siyang tinitigan. Na kay Jin din ang cellphone kung saan maaaring tumawag si Fierce.

“Tanginamo,” Madiin kong mura sa kanya. “Kung ayaw mong iligtas si Fierce umalis ka! Ako ang gagawa ng paraan para makaalis ang kaibigan ko doon! Para mabuhay siya!”

“Game start.”

Pagkasabi nung killer ng salitang iyon ay may malakas na tubig ang umagos mula sa isang tubo. Kulob na kulob ang banyo at posible na habang tumatagal ang game ay umaangat ang water level.

Shit. 

THIRD PERSON 

Nang magsimula ang game ay dali-daling binuksan ni Fierce ang unang kahon. Tahimik lang ang mga kasamahan niya na nanunuod sa screen, wala silang magawa… lalo na si Macky.

Binasa ni Fierce ang nakabilot na papel sa unang kahon.

“The maker doesn’t need it, the owner doesn’t want it, the user doesn’t know he’s using it. What is it?”

Nahihirapan si Fierce sa sagutin ang riddle pero dahil halos lumagpas na sa kanyang paa ang tubig, dali-dali siyang nag-isip at in-annalyze ang tanong.

“Kabaong ang sagot.” Biglang nagsalita si Maya. Hindi rin naman naririnig ni Fierce ang mga sinasagot ng mga players kaya’t parang balewala lang din ito.

Si Fierce ay patuloy na nag-iisip kung ano ang bagay na iyon. Nung malapit na sa tuhod niya ang tubig ay doon lang siya naliwanagan. “Kabaong! Kabaong ang sagot!” Sigaw niya at agad na binuksan ang loob nung kabaong, pagkabukas niya ay may nagbagsakang mga bola at isang susi. Ang bawat bola ay may numerong nakalagay.

0, 20, 4, 7, 19, 19, 4, 18, 2, 4, 17, 17, 18

Iyan ang mga numerong nakalagay.

Dali-daling pinulot ni Fierce ang susi at binuksan ang ikalawang kahon. Mayroon itong parang platform na parang isang patungan, doon niya nakita ang use ng bola na mga nagbagsakan.

“Madali lang ‘yan.” Pagsasalita ni Yui.

“Alam mo ‘yan, girl?” Tanong ni Len.

“Code. 0 will be A, 1 will be B, 3 will be C and so on…” Pagpapaliwanag ni Yui.

Nasa hita na ni Fierce ang tubig at wala pa rin siyang ideya, doon na niya naisip an tumawag sa mga kasamahan.

“Papa Jin may tumatawag sa phone! Si papa Fierce na ‘yan!” Sigaw ni Len.

Tinignan lang ni Jin ang phone at nagdadalawang isip kung sasagutin niya ang tawag ng isang mamamatay tao.

“Please! Sagutin mo! Tulungan mo yung kaibigan ko!” Pagmamakaawa ni Macky, he doesn’t expect na magmamakaawa siya sa mga kasamahan niya ngayon.

Jin look at Macky at nagbitaw ng isang buntong hininga bago sinagot ang tawag. “Fierce, makinig ka! Yung numbers ay i-translate mo into alphabets, okay? Code ‘yan! Yung 0 gawin mo A, yung 1 gawin mong B. yung 2 gawin mong C and so on! Kapag nakuha mo na yung mga letters, doon m hulaan kung anong word—“

Naputol na ang sinasabi ni Jin pero sa tingin niya naman ay naibigay niya ang dapat malaman ni Fierce. They can’t give the exact answer but he did a great job.

“Salamat.” Nakangiting sabi ni Macky.

Ginawa ni Fierce ang mga sinabi ni Jin at ni-substitute niya sa letra ang bawat numbers.

0-17-20-4-19-17-18-4     /   7-18-2-4-19
ARUETRSE            /     HSCET

Nasa bewang na ni Fierce ang tubig kaya medyo nag-panic siya, inisip niyang mabuti kung paanong jumble ang gagawin niya sa mga letra.

Na-gets niya ang ikalawang word, Chest. Doon na nabuo ang sagot sa kanya. “Treasure chest!”

Naging mabagal na ang paggalaw ni Fierce dahil sa tubig.

May nakita siyang maliit na treasure chest na figurine at binuksan niya ang loob nito, mayroong susi. Riddle na naman ang laman nito.

“What demands an answer but asks no questions?”

“Hello.” Sagot muli ni Maya, napakahusay niya talaga sa riddles.

Mabilis naman na-gets ni Fierce ito dahil nasa kamay niya pa ang cellphone. Hanggang kili-kili na niya ang tubig. Mabilis niyang binuksan ang likod ng phone at nandoon nga ang pangatlong na susi.

Sumisid si Fierce upang mabuksan ang ikatlong kahon at sa loob ng kahon ay may isang papel na nakalagay sa plastik upang maiwasan na mabasa. Umahon siya sa tubig at tinanggal sa plastik ang papel.

“I have no voice yet I speak to you, I tell of all things in the world that people do. I have leaves, but I am not a tree, I have pages, but I am not a bride. I have a spine and hinges but I am not a man or a door, I have told you all I cannot tell you more. What am I?”

Lumulutang na si Fierce dahil sa taas ng water level. Nakahawak na lang siya sa bakal sa itaas ng banyo. Maging si Maya ay nahirapan na i-annalyze ang tanong.

Halos nakadikit na ang ulo ni Fierce sa bubong dahil sa water level, lumalangoy na lang siya para lumutang. Kaunti na lang ay malulunod na siya sa loob at nahihirapan na rin siya para makahinga.

Ang naging keyword ni Fierce para sagutin ang riddle ay an salitang ‘page’ dahil book ang pumasok sa kanyang isipan.

Sumisid siya pailalim at naghanap ng librong nakakalat sa sahig. Nakita niya iyon sa pinakasulok ng banyo. Binuklat niya ang bawat pahina no’n ay nahulog ang isang susi. Mabilis niyang pinulot ang susi. Saglit siyang umahon para makahinga, sumisid muli siya at binuksan ang kahon.

Sa loob ng ikaapat na kahon ay may pulang button at pinindot niya iyon, huminto ang pag-agos ng tubig.

Halos mapuno na ang banyo ng tubig, nakalutang na lang si Fierce at nakatingala na siya para lamang makahinga pa.

“Tapos na!?” Malakas na sigaw ni Len at nagtatalong siya sa tuwa.

“Okay na siya!” Malakas na sigaw ni Macky at napayakap kay Maya kaso ay naalala niya na may galit pa pala ito sa kanya kaya mabilis itong bumitaw.

“Macky, kailangan ninyong ipaliwanag lahat ni Fierce.” Sabi ni Maya.

“Nailigtas na—“

Naputol ang pagsasaya nila at napabaling muli ang tingin sa screen nung biglang may lumabas na naman na tubig mula sa tubo. Maging si Fierce ay nagulat sa nangyari. Unti-unting napuno ang banyo.

“Madaya ka!” Malakas na sigaw ni Fierce at kinalampag ang bubong ng banyo.

Napuno ang banyo ng tubig hanggang sa wala ng paghihingahan si Fierce. Nalulunod na siya, panay ang wasiwas niya ng bawat parte ng kanyang katawan dahil hindi na siya makahinga.

“Anong nangyari!? Tapos na yung game! Gago ka ba!?” Malakas na sigaw ni Macky sa paligid upang makarating sa Game master.

Napansin ng lahat na biglang hindi na gumalaw si Fierce… wala na itong malay. Nakadilat pa ang mata nito pero hindi na gumagalaw ang buong katawan.

“Fuck!” Malakas na nasigaw ni Macky.

“H-hindi.” Nanghihinang sabi ni Maya. Kahit may galit siya ngayon kay Fierce, kaibigan niya pa rin ito.

“It’s a game over for Fierce Ramos tonight! Tutal naman alam ninyo na ang mga kagaguhan na ginawa ninyo! I am Rena Matsui… ang kapatid ng pinatay ninyo.”

Mabilis na tumakbo ang lahat upang hanapin kung saan banyo iyon. Maliban kay Jin, naiwan siya at parang malalim na nag-isip. “Rena Matsui? Sounds familiar. Did we meet?”

Ilang oras nilang hinanap kung saang banyo ito at nalaman nila na sa CR sa pinakadulong bahagi ng parke ito naganap. Umagos ang tubig pagkabukas pa lang nila ng pinto. Nakita nila ang walang buhay na katawan ni Fierce.

“Fierce! Gumising ka Fierce!” Malakas na sigaw ni Macky at napayakap sa kaibigan. Hindi niya matanggap na wala na ang kanyang kaibigan, ang kaibigan niya mula pagkabata.

“Patay na siya Ma—“

“Hindi totoo ‘yan! Chlloe, tignan mo ang pulso niya! I-CPR mo tangina! Buhay pa ‘tong kaibigan ko!” Naiiyak niyang sabi.
Napapikit ang mga kasamahan niya at nagpigil din ng luha.

“Fierce bumangon ka… nangako tayo sa isa’t isa na sama-sama tayong lalabas sa lugar na ito.”

Isang pangako… na hindi na maaaring matupad pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top