Chapter 23 "Night 10"
CHAPTER 23 “NIGHT 10”
JIN KUGA
“Jin, hindi mo ba sasabihin sa kanila ang tungkol sa sakit mo?” sa akin ni Bambie, nakatago kaming dalawa ngayon sa Ferris wheel dahil nagsimula na ang gaming hour.
“No,” Sagot ko sa kanya. “Hindi natin alam kung sino ang pumapatay wala akong pinagkakatiwalaan sa kanila. Kapag nalaman nila iyon ay gagamitin lang nila iyon laban sa akin.” Dugtong ko pa.
“Paano kung biglang umatake ‘yan?” Kunot noong tanong ni Bambie sa akin. Nag-aalala siya.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi, “Hindi ‘yan, okay?” Ngumiti ako sa kanya.
Bumaba na kami ng ferris wheel.
“Maghiwalay muna tayo, okay?” Tanong ko sa kanya at tumakbo ako sa kanan. I wave my hand as a last good bye to her at tumakbo na siya sa kaliwang daan.
Dire-diretso akong tumakbo pagkaliko ko sa isang palikong daan, nandoon ang killer. Dali-dali akong tumakbo paatras. Tumakbo ako sa abot ng aking makakaya, hindi ako ang mamamatay ngayong gabi.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ako pumasok sa kahit anong gusali upang malaya akong makatakbo sa laki nitong park. Unti-unti akong nakaramdam ng pagod at nagtago muna ako sa likod ng isang estatwa ng cartoon character.
Sumilip ako… wala na ang killer, I’m safe, pagkaharap kong muli… nakita ko ang killer na nakamaskara, dali-dali niyang tinakpan ng panyo ang aking bibig. Sinubukan kong manlaban pero unti-unti akong nawalan ng malay.
BAMBIE CHUA
Kanina pa ako kinakabahan dahil simula nung inutusan kami ng game master na pumunta sa park entrance, si Jin na lang ang hindi dumadating. Kapag may nangyaring masama sa kanya, sisisihin ko talaga ang sarili ko.
“Good day players!” Biglang nabuhay ang screen. “You need to save your leader and you need to find him. But first let me give you a clue, He’s in a dark place and small room.”
“Guys bilisan natin!” Malakas kong sigaw pagkarinig ko pa lang no’n.
“Ano bang meron?” Yui asked innocently. Wala silang alam.
Walang time limit ang laro pero kailangan namin mailigtas si Jin as much as possible.
“Wala itong oras Bambie, Hahanapin natin siya, okay?” Sabi ni Fierce at pilit pinapagaan ang loob ko. Hindi nila naiintindihan.
Ayoko man sabihin pero dapat yatang malaman nila! “Hindi okay ‘yon! May claustrophobia si Jin! Aatakihin siya ng sakit niya kapag nasa ganoon siyang klaseng lugar! Lalo na’t wala siyang kasama!” Ayaw man ipaalam ni Jin, but this is my last resort para magsikilos sila. “Naninikip ang dibdib ni Jin kapag inaatake siya hanggang sa hindi siya makahinga… baka… iyon pa ang ikamatay niya!”
“Okay guys,” Pagsisimula ni Macky, “Let’s do this by pair. Ako and si Maya, Bambie and Fierce, Len and Adrian, Chlloe and Yui.”
“Puntahan natin ang masisikip na lugar.” Suhestyon ko dahil iyon lang naman ang pwedeng paglagyan ng killer kay Jin.
Kanya-kanya kaming takbo at kaming dalawa ni Fierce ay pumunta sa mga CR ng parks to check him out.
I hope he’s okay.
LEN CALDER DICKSON
Mabuti na lamang at kaming dalawa ni Adrian ang naging magkasama ngayong gabi, may chance ako na mapatunayan kung totoo ang sinabi sa akin ni Chlloe, baka siya ang killer.
Masakit pa ang ulo ko dahil sa nangyari kagabi, hindi ko alam kung nadulas ba ako o may humampas na malakas sa ulo ko. Ang bilis ng pangyayari.
Isa si Adrian sa pinakamababait na tao na nakilala ko rito sa laro, it’s either his a real angel or an demon pretending to be an angel.
I want to prove tonight kung siya nga ang killer o kasabwat man lang! Naloloka ang lola ninyo.
“Sa third floor tayo, papa Adrian!” Tumakbo kami paakyat sa ikatlong palapag gamit ang hagdan “Ako ang titingin sa kanang hilira na rooms at ikaw naman sa kaliwa, okay?”
He agreed with my idea dahil mas mapapabilis, binuksan namin ang bawat kwarto rito sa third floor.
It took us a couple of minutes bago matapos. “Wala rito sa kaliwa! Diyan ba sa kanan?” Pagtatanong sa akin ni Adrian. Hindi ko alam kung totoong naghanap nga siya pero binabantayan ko ang mga kilos niya.
“W-wala rin dito papa Adrian, Tara sa second floor!” Aya ko sa kanya at bumaba kami ng isang palapag, sana lang ay mahanap na namin si Jin dahil sa pagiging claustrophobic nito.
Kagaya ng napag-usapan namin kanina ay ako ulit ang nagbukas ng mga pinto sa kanan at siya sa kaliwa, ini-inspeksyon din namin ang bawat banyo sa silid kasi maaaring doon itinago si Jin… masikip doon.
Habang busy ako sa pagkakatikot sa isang kwarto ay tinawag ni Adrian ang pangalan ko. “Len! Tara rito!” Dali-dali naman akong pumunta sa kanya.
“Bakit Adrian? Anong problema?” Kunot noo kong tanong.
“Sa lahat ng kwarto rito… ito lang ang bukod tanging naka-lock.” Pagpapaliwanag niya at ilang beses kong pinihit ang door knob, ayaw ngang bumukas.
“May alam ka ba rito?” Tanong ko sa kanya.
“Wala. How did I know?”
Lumuhod ako para makita kung ano ang maaaring nasa likod ng pinto… isang nakarolyong maliit na papel ang nakita ko malapit sa pinto. “Tignan mo ‘to!” Tumayo ako at ipinakita sa kanya.
Tinanggal ko sa pagkakabilot ang papel.
It is not a box, has no key nor lid, but a goldern treasure is hidden inside. What is it?
“Alam mo ‘to, papa Adrian?” Tanong ko sa kanya.
“Adrian! Len! Nakita ninyo na ba si Jin!?” Napalingon kami sa bandang hagdan nung biglang sumigaw si Bambie kasama si Fierce. Mangiyak-ngiyak na si Bambie dahil ilang minuto ng nawawala si Jin.
Kinuha ulit ni Adrian ang papel at binasa ito, “Egg! Egg ang sagot!”
“S-sa kitchen! Maraming egg sa kitchen!” Sigaw ni Fierce. “Basagin natin lahat!”
Sa ginawang pagsagot ni Adrian sa riddle ngayong gabi… nawala ang paghihinala ko sa kanya, ano ba naman kasing pumasok sa kokote mo Len para paghinalaan ang mga kasamahan mo?
Dali-dali kaming bumaba ng ground floor dahil nasa likod na bahagi ng ground floor ang kitchen.
Habang binabasag namin ang mga itlog sa kitchen ay biglang dumating sina Maya at tumulong na rin, we’re all hoping na mailigtas si Jin. Malaki ang role niya sa larong ito.
“Maya, sorry.” Napalingon ako kay papa Fierce nung bigla siyang nagsalita, oo nga pala. Hindi pa sila nagkakaayos na dalawa magmula nung magkasagutan sila sa Restaurant.
“Past is past, kalimutan na natin ‘yon.” Nakangiting sabi ni Maya.
“Friends pa rin naman tayo ‘diba?” Kumakamot sa ulo na sabi ni Fierce.
“Sira ulo. Oo naman!”
Mabuti naman at naayos nila ang gulo sa pagitan nila. It’s nice to see na okay na ulit sila.
Nagpatuloy ako sa paghagis ng mga itlog sa sahig at napansin ko ang isang makinang na bagay na napapaligiran ng egg yolk pagkabasag ko sa isa… susi.
“Nakita ko na!” Pinulot ko ang susi at pinunas sa aking damit.
Dali-dali kaming tumakbo papasok sa isang kwarto na naka-lock. Ang dilim ng paligid, walang tao rito… binuksan namin ang CR, nandoon si Jin. Walang malay na nakahiga sa sahig.
Hinawakan ni Maya ang pulso nito. “Okay pa siya! Dalhin ninyo agad sa clinic at tawagin ninyo si Chlloe.”
“Congratulation players! You’ve successfully save Jin Kuga!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top