Chapter 21 "Day 10"

CHAPTER 21 “DAY 10”
MACKY REYES

Pilit ko man kalimutan ang mga nangyari sa tandaan ngunit tandang-tanda ko pa ang bawat pangyayari. Ang pangyayari na sana’y hindi na lang nangyari.

Araw ng prom, wala naman talaga akong balak pumunta kaso nga lang ay pinilit ako ni Tita Luzette na bantayan ko ang anak niyang si Fierce, maloko din kasi para raw hindi makagawa ng kalokohan.

Malakas ang tugtog sa buong paligid dahil sa malalaking speaker. Nakapangalumbaba lang ako sa isang gilid dahil hindi mahagip ng mata ko ang bwisit kong kaibigan.

May lumapit sa akin na isang lalaki na junior sa aming school. “Kuya, pwede bang pakisara yung mga rooms sa third floor? May aasikasuhin kasi kami for the event sa prom. Please, magagalit sa amin si School president.” Wala naman akong ginagawa sa mga oras na iyon kun’di magmuni-muni at hinahanap ko rin si Fierce… Gagawin ko na lang ke’sa mapagalitan sila.

“Sa third floor?” Nakangiti kong tanong sa kanila.

“Salamat kuya! Opo! Sa third floor.” Tumakbo na siya paalis at binuhat ang isang kahon na puno ng extension, sobrang busy nga nila.

Inayos ko ang tuxedo ko at umayat sa third floor. Walang katao-tao, lahat sila ay nag-e-enjoy sa baba. Bawal din naman kasing pumanik dito sa itaas.

“Tulong! Tulungan ninyo ako!” Isang sigaw ng babae ang aking narinig. Imposibleng marinig ito sa baba dahil sa lakas ng speaker. Tumakbo ako sa kung saan nanggagaling ang sigaw.

Pagkabukas ko ng pinto… nandoon si Fierce at pinagsasaksak ang babae.

“Fierce!” I shouted at hinatak siya palayo. Inagaw ko rin ang kutsilyo niya at mabilis na itinapon sa isang gilid. “Fierce tumigil ka na!”

Ilang minuto ang lumipas at mukhang nahimasmasan na ang kaibigan ko. “M-Macky,” Kumapit sa akin si Fierce. “Napatay ko siya! Tangina!”

“Walang ibang makakaalam nito, okay? Isisikreto natin ‘to. Walang ibang makakaalam.” Saway ko kay Fierce at pilit siyang pinapakalma. Aksidente ‘to, walang may gusto nito.

“Macky… ayokong makulong.” Sabi ulit ni Fierce sa akin. Nagsimula na siyang mag-panic.

“Itatago natin ang bangkay, okay? Kalimutan mo ang nangyari sa gabing ito… okay?” Malinis namin ginawa ang krimen, nakahanap ako ng mga plastik upang walang finger prints na makuha.

Inakyat namin ang bangkay sa rooftop, mabuti na lang at walang ibang tao rito sa ikatlong palapag.

“Macky, tulungan mo ako!”

“Oo, tutulungan kita. Ihahagis natin ang bangkay sa third floor, palalabasin natin na suicide ito. Lilinisin natin ang mga dugo rito sa third floor.” Pagpapaliwanag ko sa kanya at ginawa namin iyon.

Maayos namin nalinis ang pangyayari, mabuti na lamang ay may pamalit kaming damit na baon dahil sa party na magaganap mamayang alas-dose.

Pumutok ang balita tungkol sa pagkamatay ng babae at doon ko nalaman ang kanyang pangalan, Jurina Matsui. Maraming tao ang may ayaw sa kanya dahil plastik siya, manunulot, at malapit din sa away. Dahil ayaw masira ng school ang pangalan nila at sa pangit na reputasyon ni Jurina… Pinalabas na suicide ang naganap.

Mayaman sila Fierce at may kakilala ang tatay niya na mga doctor, hindi nila alam ang nangyari pero sumailalim si Fierce sa memory erasure upang mawala ang post traumatic stress na naranasan niya.

Memory erasure is the selective artificial removal of memories or association from the mind.

Walang nakakaalam ng nangyaring iyon, maging si Fierce. Wala na akong balak ipaalam sa kanya.

“Guys! Gising na si Len!” Naputol ang aking pagmumuni-muni nung biglang sumigaw si Chlloe.

Dumiretso kami sa Clinic. Sabi ni Adrian ay nadulas daw si Len dahil sa pagmamadali. Dahil gahol kami sa oras ay hindi niya naman agad ito natulungan at nagpatuloy kami siya sa pagpapahinto sa operating room.

Okay na ulit si Len dahil nagagawa na niyang magbiro, masakit pa rin ang kanyang ulo but he’s in a good shape now.

Bakit ba laging pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari noon? Wala naman akong kasalanan, tinulungan ko lang ang kaibigan ko.

Lumabas ako ng clinic at umupo sa isang upuan doon. Kailangan ko munang mapag-isa. Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Maya.

“May problema ba, Macky? Kanina ka pa tahimik, napansin ko iyon nung nag-a-almusal tayo.” Napansin niya pala.

“Kulang lang ako sa tulog.” Nakangiti kong sagot.

“Kung kailangan mo ng makakausap, Macky, nandito lang ako. Pwede mo akong sabihan.” Humawak si Maya sa aking kamay at hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi.

“Kasi…” Dapat ko bang sabihin sa kanya? Bahala na! “May kilala ka bang Jurina… Jurina Matsui?”

“J-Jurina Matsui?”

“Oo.”

“Wala, sige mauna na ako Macky. Pasok lang ulit ako sa clinic.” Tumakbo na siya paalis.

LEN CALDER DICKSON
 
K

aramihan sa mga kasamahan ko ay umalis na para kumain ng tanghalian at dahil si Chlloe lang ang may experience sa panggagamot, siya ngayon ang nagbabantay sa akin.


“Okay ka na bakla eh! Gusto mo lang yung inaalagaan ka!” Reklamo ni Chlloe, ang sarap kayang humiga sa kama tapos dinadalhan ka ng foods!

Bigla kong naalala ang panyo na napulot ko sa lalagyan ng mga costumes. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking short. “Sa’yo ba ‘to?” Tanong ko sa kanya.

“Sa akin nga ‘yan!” Inagaw niya ito at inamoy pa.

“Pumasok ka ba sa kwartong puro costumes, Chlloe?” Tanong ko. I have a big trust on her kaya ko tinatanong sa kanya ‘to. Naniniwala ako na hindi si Chlloe ang gumagawa ng pagpatay.

“Napadaan ako pero hindi ako pumasok. At isa pa, hindi na sa akin ‘to! Hiningi na sa akin ‘to.” Pagkukwento niya.

Hiningi?

“Sino?”

“Si Adrian! May sipon kasi siya nung first day, ibinigay ko na lang ‘tong panyo ko! Kawawa naman, singhot ng singhot!” Pagkukwento niya na parang wala lang. “Bakit?”

“W-wala.”

Si Adrian? Si Adrian nga ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top