Chapter 14 "Night 6"


CHAPTER 14 “NIGHT 6”
JIN KUGA

It’s been an hour nung magsimula ang game. Nakatago ako sa may likod na bahagi ng park na kung saan natatakpan ako ng kabayo ng carousel. Ayokong magtago sa mga gusali dahil mahirap makatakas at isa pa, may takot ako sa masisikip na lugar. Mas maganda sa mga open space area upang madali lang makakatakbo… kailangan nga lang mag-ingat.

Maingat akong umakyat sa bubong ng carousel at pumuwesto ako sa pinakagitna nito dahil hindi ako makikita nito sa kahit saan sulok mo tignan.

Pagkaakyat ko ay halos makikita mo pala ang ilang bahagi ng park dahil medyo may kataaasan ito.

Napapadungaw ako at may nakita akong babae na tumatakbo. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil may kalayuan ito, napalingon ako sa kanyang likod… sinusundan siya ng killer.

Ilang segundo ang lumipas ay nakilala ko na ang kanyang mukha… si Bambie, ang matalik na kaibigan kong si Bambie. “Fuck. Bilisan mo pa.” Hindi ko maiwasang mapamura. Nag-aalala ako para sa kanya.
Nakaramdam ako ng kaba nung biglang madulas si Bambie.

“Bambie, tumayo ka diyan. It’s a matter of life and death.” Bulong ko sa aking sarili. Parang isang tambol ang puso ko ngayon dahil sa kaba para sa kanya.

Hindi na makatayo si Bambie. Mukhang napilayan siya. Kailangan ng tulong ng kaibigan ko. Tumalon ako pababa ng carousel at tumakbo tungo sa direksyon ni Bambie.

I’m late. Hawak na ng killer si Bambie sa kanyang bisig, mukhang pinatulog niya ito. Nung nakita ko sa malapit ang killer… Nakakapagtaka, parang iba ang body built niya kumpara nung ibang araw.

“Hoy Game master!” Pagtawag ko sa kanya. Ayokong mapahamak si Bambie, ayokong magaya siya sa kaibigan naming si Phillip. Lalabas kami sa impyernong lugar na ito.
Lumingon sa akin ang killer, lumagok muna ako ng laway bago nagsalita. “Isali mo ako… isali mo ako sa gagawin mong laro ngayong gabi.” It’s either maililigtas ko si Bambie o sabay kaming mamatay ngayong gabi. Bahala na.

Ibinaba nung killer si Bambie at hinayaan ko ang killer na takpan ang aking bibig at mawalan din ng malay.

***

Nagising ako sa isang abandonadong warehouse. Nag-adjust muna ang mata ko sa dilim at nakita ko si Bambie na nakatali sa kabilang dulo ng warehouse. May mansanas na nakatali sa kanyang ulo. “Bambie!” Pagtawag ko sa kanya.

Napansin ko ang isang pana malapit sa aking pwesto. Napansin kong unti-unting ng nagising si Bambie. “Jin tulungan mo ako!” Malakas niyang sigaw.

Akmang tatakbo na ako sa kanyang direksyon ngunit biglang lumiwanag ang buong paligid at parang may spotlight na tumutok sa amin. Napatakip ko ang braso ko sa aking mata dahil sa liwanag.

“The game tonight, will now begin,” Isang ingay ang narinig namin galing sa isang megaphone na nakakabit sa itaas ng warehouse. “There’s a bow and three arrows at your side mister Kuga. May tatlo kang chance at kinakailangan mong patamaan ang mansanas na nasa ulo ni Bambie. Kapag natamaan mo ito, ligtas na kayo ngayong gabi. Pwedeng ikaw ang magligtas sa kanya… o ikaw ang makapatay kay Bambie.”

Sa sinabing rule na iyon ng Game Master ay mabilis kong dinampot ang pana at isang palaso sa aking gilid.

“Game start!”

Wala itong oras pero may tatlong chance lang ako. It’s either mailigtas ko si Bambie o mapatay ko siya. Paano ko mapapatamaan ang mansanas na nasa kanyang ulo kung ang layo ng distansya niya?

“Bambie! Stay calm, umayos ka lang ng pagkakaupo. Straight body! Huwag kang yuyuko!” Malakas kong sigaw sa kanya. Ang kailangan niya lang naman ay huwag maglikot upang mas makita ko ang mansanas.

“J-Jin! Tulungan mo ako!” Malakas niyang sigaw.

Inilagay ko ang palaso sa pana at unti-unti itong binanat. Ang talim ng dulo ng palaso.

Binitawan ko ito at lumipad patungo sa direksyon niya ang palaso, fuck! Sablay! But shit, muntik ko ng tamaan si Bambie sa mukha. Kung nagkamali ako… maaaring tumama na iyon sa kanya.

“Jin! Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay!” Malakas niyang sigaw at humagulgol sa pag-iyak.

“Fuck! Huwag kang malikot Bambie! Try to calm! Gagawin ko ang lahat para mailigtas ka!” Hindi ko na gugustuhin pa na mawalan pa ako ng kaibigan dito.

Si Bambie ang pinaka-close ko sa mga kaibigan ko. Simula bata ako ay nandiyan siya para sa akin, she lend her ears kapag may problema ako, sinasamahan niya ako kahit puro kalokohan lang ang ginagawa ko. She understand me sa kahit anong gawin ko… Lagi lang siyang nandiyan para sa akin. Hindi ko kakayanin kung mawala siya rito sa larong ito.

Ilang minuto ang inabot bago siya kumalma ulit, kinuha ko ang pangalawang palaso. Bakit ba ako ang nasa sitwasyon an ito? It’s hard for me to do this.

Binanat ko ang palaso sa pana, Focus, Jin. You should do this for Bambie. Hindi ko kakayanin kung mawawala siya sa larong ito.

Nagagalit ako sa killer, bakit niya kailangan ipagawa ito sa akin?

Binitawan ko ang palaso at pinagmasdan itong lumipad patungo sa direksyon ni Bambie.

“Fuck!” Malakas akong napamura nung nakita kong bumaon ang palaso sa kanang balikat niya. Fuck! Ano ‘tong nagawa ko!?

Malakas na sigaw ni Bambie ang umalingawngaw sa buong bodega. Malayo man ito pero nakita ko ang pagiging kulay pula ng puti niyang damit dahil sa dugo. She’s shouting like she’s deeply in pain. Ano bang katangahan ang nagawa ko!?

Saglit akong napatigil sa huling palaso. Itutuloy ko pa ba? Natatakot ako, baka kung ano ang mangyari kay Bambie. Nanginginig ang kamay ko dahil sa nangyari. Baon na baon ang palaso sa balikat niya.

“Please Jin! Gusto kong mabuhay!” Malakas na sigaw ni Bambie ang aking narinig.

No, Jin. Ikaw lang ang makakapagligtas kay Bambie ngayon. Kinuha ko ang huling palaso, this is my last chance.

Sa paglagay ko ng palaso sa pana ay maraming alaala ang sumagi sa aking isipan.

Naalala ko si Bambie, kung paano siya tumawa, ang malakas niyang boses na nakasigaw kapag nagagalit, ang pagsama niya sa akin sa mga kalokohan, ang pagmamaldita niya… Lahat ng alala na iyon, gusto ko pang makita ang lahat ng iyon sa mga susunod na araw.

Binanat ko muli ang palaso, this is my last chance but ito rin ang naging way para ma-realize ko ang isang bagay… gusto ko siya.
Binitawan ko ang palaso at lumipad ito sa direksyon ni Bambie, ito ang palaso na magdedesisyon ng kapalaran niya… kapalaran naming dalawa. Parang nag-slow motion ang lahat.

Shit! Natamaan ko… ang mansanas na nasa ulo niya.

Napatalon ako sa tuwa. “Nagawa ko!”

Malakas kong sigaw at tumakbo tungo sa direksyon ni  Bambie. Nagawa ko! Nagawa ko!

Tinanggal ko ang palaso na nakabaon sa kanyang balikat at itinakbo siya sa clinic. I managed to save her.

“Congratulation Bambie Chua, you are safe tonight!”

Masaya ako sa in-announce ng game master, nawalan ng malay si Bambie sa aking bisig dahil sa dami ng dugo na nawawala sa kanya. May pag-asa pa na masabi ko na gusto ko siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top