Chapter 12 "Night 5"
CHAPTER 12 “NIGHT 5”
MACKY REYES
Ang hirap ng sitwasyon namin ngayon, kapag nakita ka ng killer… There’s a mystery game na kailangang laruin.
Nagtatago ako ngayon sa may bookstore. It’s a two-storey shop. Dahil tahimik dito ay mag-e-echo talaga ang mga ingay na maririnig sa buong paligid.
Nagkatikot lang ako sa mga libro na nandito dahil sa inip, apat na oras ako rito pero maingat naman ang aking bawat galaw.
Habang nagbubuklat ako ng pahina ng mga libro ay isang papel ang nakita kong nakaipit sa librong kinakatikot ko. Nagulat ako sa aking nabasa. Akmang pupulutin ko ito ngunit natigil ako nung may marinig akong yabag ng sapatos.
Nagtago ako sa isang shelf. Habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang mga yabag ng sapatos. Mukhang manganganib ang buhay ko ngayong gabi ah.
Isiniksik ko ang sarili ko sa sulok ng shelf at sumilip ako sa pagitan ng dalawang libro… Ang killer. Siya ang nandito ngayon, gumapang ang kaba sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam, my heart beat suddenly race so fast… hindi ko alam ang gagawin ko.
“Alam kong may tao dito!” Malakas na sigaw ng killer. Fuck! Bakit ba kulob ang boses niya dahil sa suot niyang maskara? Hindi ko tuloy malaman kung lalaki ba siya o isang babae. “Huwag mo ng patagalin kung sino ka man."
Inalis ko muna ang mata ko sa pagsilip at saglit ang na pinunasan ang butil-butil na pawis na namuo sa aking noo.
Sumilip muli ako.
Tumingin ako sa kaliwa… Wala ang killer! Tumingin ako sa kanan… wala din! Saan siya napunta!? Fuck!
Bigla na lang may nagtakip ng panyo sa aking bibig. Nakakagulat ang mga pangyayari. “Ako ba ang hinahanap mo? Macky Reyes?” Sinubukan kong manlaban pero habang tumatagal sa ilong ko ang panyo… nanghihina ako hanggang sa mawalan na ako ng malay.
***
Napahawak ako sa aking ulo at dahan-dahan na iminulat ang aking mata, anong nangyari? Ang labo ng paningin ko hanggang sa makapag-adjust na ito, tumingin ako sa paligid… nandito rin sina Minami at Len. Shit.
“Nasaan ako!?” Malakas na sigaw ni Len na mukhang gising na din. Si Minami ay mas nauna pang nagising sa akin.
“H’wag kang tanga girl! Nasa abandonadong lugar tayo.” Paliwanag niya sa kanyang kaibigan.
Napalingon kami sa isang maliit na screen nung bigla itong mabuhay, tumambad sa amin ang Game Master at gaya nung mga nakaraang araw ay nakasuot pa rin ito ng maskara at natatakpan ang buong katawan.
“Good day players! Magkakaroon tayo ngayon ng isang laro, pwedeng isa ang mawala, dalawa? Pwede rin naman na kayong tatlo! Simple lang ang mechanics ng laro. May makikita kayong tatlong holes diyan sa mga pader. Kailangan ninyo lang ipasok ang mga ulo ninyo diyan at may babasahin lang akong tanong at makalipas ang limang segundo ay sabay-sabay ninyong sasabihin ang letra ng inyong sagot. Habang tumatagal ay umuusog ‘yang pader at maaari kayong maipit. Kailangan ay maging pare-parehas na tama ang sagot ninyo sa tatlong tanong at doon lamang titigil ang paggalaw niyan,”
Seryoso lang akong nakatingin sa screen. Akala ko ba ay isa lang ang mamamatay sa bawat gabi? Fuck! Binago niya nga pala ang rules ng laro. Fuck this killer!
“Matapos ninyong masagutan ang mga tanong ay mayroon pa kayong isang gagawin. Kailangan ninyong i-shoot ang bola na nasa gilid sa ring, thirty seconds lang ang ibibigay ko sa inyong oras at kapag hindi ninyo magagawa… maiipit kayo sa pader. Kapag nagawa ninyo naman ay magbubukas ang kasunod na pinto at doon lang kayo magiging ligtas sa gabing ito!”
“This isn’t fair!” Malakas na sigaw ni Minami.
“Game start!” Ipinasok namin ang ulo namin sa butas. Imposibleng magkaroon ng kopyahan sa amin dahil wala kaming nakikita na kahit na ano sa butas.
Biglang nanginig ang tuhod ko nung biglang umusog ang mga pader, totoo nga ang sinasabi ng game master… maaari kaming maipit kung hindi namin ito magagawa.
“Question 1: which is use to make pencil?”
A. Graphite
B. Charcoal
Shit! Hindi ko naman inaasahan na magiging ganito ang tanong! Limang segundo lang ang mayroon kami. Maybe I should trust my instinct this time.
“Times up! What’s your answer?”
Kailangan ay maging magkakamukha ang sagot namin. “A!” Malakas na sigaw ang aking narinig.
“Correct!” Dalawang tanong na lang.
“Question 2: Chemical formula for water is…”
A. CaSIO3
B.H2O.
Kahit grade school ay alam ang sagot sa tanong na iyan.
“Times up! What’s your answer?”
“B!” Sabay-sabay ulit naming sigaw.
“Correct!”
Napansin ko na malaki ang hakbang na nagagawa ko paatras. Hindi napipigilan ang paggalaw ng mga pader! Shit! Kinakabahan na ako!.
“Question 3: The average salinity of water is…”
A. 3%
B. 3.5%
Nakahinga ako ng maluwag dahil natatandaan ko ang tanong na ito na naturo sa amin. Sana lamang ay alam din nila ang sagot.
“Times up! What’s your answer?”
“A.” Narinig kong sigaw ni Len.
“B.” sagot namin ni Minami.
“One of you got the wrong answer.” Shit.
Okay lang ‘yon, hindi dapat ako mag-panic sa pagkakataong ito.
“Question 4: The element common to all acids is…”
A.Hydrogen
B.Oxygen
Sana lang ay alam nila ang sagot.
“Times up! What’s your answer?”
“A!”
“Correct.”
Tumigil na sa paggalaw ang pader at inalis na namin ang aming ulo sa butas. Nakahinga ako ng maluwag.
“We have another game, huwag muna kayong makampante. Sino ang unang susubok sa second round?”
Napaatras kami, ang second round na tinutukoy niya ay ang pag-shoot ng bola.
“Ako.” Pagpiprisinta ni Len at naglakad siya sa susunod na kwarto, natatanaw namin ito dahil glasses lang naman ang pagitan nito.
Nagsimula ang timer at dumampot ng bola si Len, pinakaldag niya ito ng ilang beses at inihagis ang bola. Sa unang subok niya pa lamang ay pumasok na agad ito. “Yes!” Malakas niyang sigaw at nagtatakbo siya tungo sa isang pinto at binuksan ito.
Matapos ang thirty seconds countdown ay biglang nagdikit ang dalawang pader. Ang bilis no’n! Kapag inabutan ka talaga ng timer ay maiipit ka. Hindi ko ma-imagine kapag naipit ka no’n.
“Congratulation Len Calder Dickson! You are safe tonight!”
Nagkatinginan kami ni Yui kung sino ang sunod na papasok doon sa kwarto. “Ako.” She stated.
Nagsimula ang thirty seconds timer pagkapasok niya.
Dumampot siya ng bola at sinubukan ipasok ito… sablay. Ilang beses niya pang ginawa ngunit sablay.
15 seconds remaining.
Kinakabahan na si Minami, at dahil doon… puro sablay ang mga sumunod niyang tira.
“Kaya mo pa ‘yan—“
Napatigil ako sa pag-cheer, mabilis na nagdikit ang dalawang pader at naipit no’n si Minami. Napaupo ako sa aking kinatatayuan. Shit.
Bumuka ulit ang pader ngunit napapaligiran na ang lugar ng dugo, ang daming dugo. Hindi ko na halos makilala si Minami dahil wasak ang mukha nito at nagkalat ang laman loob niya sa sahig.
“It’s a game over for Minami Honda tonight!”
Ako na lang ang natitira. No, Macky! Huwag kang magpaapekto sa nangyari, you should maintain your cool para magawa mo ito.
Pumasok na ako sa kwarto at nagsimulang umandar ang timer.
Sa unang pag-shoot ko ng bola ay hindi ito pumasok, mabilis akong dumampot ng kasunod na bola. Macky, huwag mong pansinin ang dugong nakakalat sa sahig, focus.
20 seconds.
Hinagis ko ito at swabeng pumasok sa ring. Tumakbo ako at binuksan ang kasunod na pinto.
Yumakap sa akin si Len at hindi matigil sa kakaiyak dahil sa pagkawala ng kanyang kaibigan.
“Congratulation Macky Reyes! You are safe tonight!”
Seryoso akong napatingin sa screen at pinagmamasdan ang nakamaskarang game master. Hindi mo ako mapapatay ngayong gabi lalo na’t may nalaman ako dahil sa papel na nabasa ko kanina sa bookstore.
“The killer is not alone.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top