Chapter 11 "Day 5"
CHAPTER 11 “DAY 5”
MACKY REYES
Umaga na naman, panibagong araw na naman pero hindi pa rin namin makalimutan ang mga kaganapan kagabi. Ano ang larong iyon? Pinanuod lang namin kung paano mamatay si Lei ng aming dalawang mata.
Naglalakad kami ngayon patungo sa clinic. "Macky, may tanong ako," Biglang pagsasalita ni Maya, mukhang seryoso siya sa kanyang gustong sabihin.
"Ano?"
"Akala ko ba kailangan lang nating magtago? Pero ano yung nangyari kagabi?” Magkasunod na tanong ni Maya.
"Hindi rin alam panigurado ni Macky iyan, dapat magpaliwanag ang game master tungkol doon.” Sagot ni Fierce.
Tama si Fierce, isa ring malaking tanong para sa akin ang nangyaring patayan kagabi.
Pagkarating namin sa clinic ang malakas agad na sigaw na nanggagaling kay Chlloe ang aming narinig. "No! Huwag kayong lalapit sa akin! Isa akong mamatay tao! Isa akong killer!"
Nandoon din sina Jin, Bambie, Yui, Len, at Minami.
Nabigla naman ako ng biglang yumakap sa akin si Maya at naramdaman ko ang pagkabasa ng suot kong damit... umiiyak siya. "Hindi ko kayang makita sa ganyang kagalayan si Chlloe, Macky." Ginantihan ko naman ang kanyang yakap para mapagaan ang kanyang loob.
"Napanuod ninyo namang lahat kung paano ko pinatay si Lei 'diba?! Lahat kayo! Witness kayo sa pagpatay na aking ginawa! Hindi ako nararapat sa tiwala ninyong lahat!" Napasabunot si Chlloe sa kanyang sarili. "I'm a total bitch who killed somebody!"
"Chlloe, walang nambibintang sa'yo," Mahinahon ngunit punong-puno ng emosyon na wika ni Minami. "Nasasaktan akong nakikita kang ganyan, tama na please."
“Papatayin ninyo ba ako!? Kagaya ng ginawa ko kay Le—“
Namilog ang aming mata ng biglang sampalin ni Bambie si Chlloe.
Napatigil naman si Chlloe at napahawak sa kanyang pisngi, mukhang hindi niya inasahan ang ginawa ni Bambie. "Hoy babae! Ano bang pinaggagawa mo ngayon sa buhay mo?! Why do you act like that? Hindi mo naman sinasadya ang nangyari! Wala namang sumisisi sa iyo kaya anong inaarte mo diyan?" Mahabang litana ni Bambie.
"Nakapatay ako... Nakapatay ako..." Paulit-ulit na bulong galing sa bibig ni Chlloe.
Huminga ng malalim si Bambie. "Walang sumisisi sa'yo, okay? Nakita mo yung mukha nilang lahat? Lahat kami ay nag-aalala sa'yo. Halos mapatay mo si Lei pero hindi ikaw ang pumatay, siya ang tumapos sa sarili niyang buhay." Mahinahong pagpapaliwanag ni Bambie at pinahid ang luha sa kaliwang mata ni Chlloe.
"Sorry... Sorry..." Paulit-ulit na sabi ni Chlloe at napahagulgol siya ng iyak.
"Kumalma ka, okay? Matulog ka muna. Kailangan mo iyan." Sabi ni Bambie kay Chlloe at tinulungan niya ang dalaga na makahiga.
Hinayaan muna namin na magpahinga si Chlloe at lumabas kami ng silid, naiwan si Bambie upang kausapin siya. Naglakad kami sa may park at nakatingin lang ako sa mga nagtataasang rides.
"Mamaya ay paniguradong may mawawala na naman sa atin," Biglang nagsalita si Yui.
"Kailangan na lamang natin na tanggapin na araw-araw ay may maaaring mawala sa atin, nasa isang survival game tayo." Pagpapaliwanag ni Jin at napatango-tango ako bilang pagsang-ayon.
"Hindi ko lamang alam kung kaya ko pa." Sagot ni Yui.
"Drama mo naman 'te!" Pagsabat ni Len dahil baka mauwi na naman sa pag-iyak si Yui.
"Sumakay na lang tayo sa mga rides! Let's enjoy this day together, okay?" Pagtatanong ni Fierce at tumakbo naman kaming lahat patungo sa isang ride.
MAYA CASTRO
Hindi ko namalayan na bandang ala-una na pala ng tanghali dahil masaya kaming nag-enjoy sa pagsakay ng mga rides kasama ang ibang mga players. Sina Macky at Fierce ang madalas kong kasama sa park na ito, one of the boys talaga ako.
"Players, please gather at the inn! Once again, please gather at the inn!"
Iyan ang aming narinig. "Ha? Bakit hindi sa entrance ng park?" Nagtatakang tanong ni Fierce, usually kasi ay doon kami tinitipon ng game master.
"Baka ito na ang tamang oras para makita na natin ang killer? O kaya naman ay may mahalagang bagay na pag-uusapan," Pagsasabi ni Jin ng mga bagay na maaaring mangyari.
"Halika na, dumiretso na tayo doon upang malaman ang mga nagiging kaganapan." Pagsasalita ni Len at naunang maglakad paalis, sumunod naman kaming tatlo sa kanya.
Pagdating namin ay blangko pa ang ibang mga upuan, kami ang unang nakarating. Nakabukas ang TV sa inn at nakikita doon na parang live ang game master, nakasuot ito ng itim na balabal at maskara kaya naman hindi namin ito makikilala.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay isa-isa na ring nagdatingan ang aming mga kasamahan. Nakaupo kaming lahat sa isang malaking round table habang nasa harap namin ang flat screen na TV kung saan nakikitang live ang game master. Saktong may labing anim na upuan dito at maging ang mga namatay na sina Lei, Mei at Phillip ay may mga upuan ngunit walang nakaupo dahil patay na sila.
"Bakit kailangan mayroon ding puwesto sina Mei?" Inosenteng tanong ni Adrian at hindi niya naman siniseryoso ang kanyang tanong, nasabi niya lang ito out of curiousity.
"They are still my players kahit patay na sila." Pagsasalita ng game master sa screen. Ito ang unang beses na tinipon kami ng game master.
"Bakit mo kaming pinatawag lahat?" Diretsong pagtatanong ni Macky. Basta talaga tungkol sa laro ay bigla siyang nagiging seryoso.
"Gusto ko lang sabihin na magkakaroon tayo ng kaunting pagbabago sa laro, ikalimang araw ninyo na rito... let's make it more twisted," Pagpapaliwanag nung game master. Tahimik lang kaming lahat na nakikinig sa kanyang sinasabi.
"Starting from this day, bago ko kayo patayin... bakit hindi muna tayo maglaro? Isang halimbawa lamang ang nangyari kay Chlloe at Lei na talagang nakakatuwang laro," Casual na nagpapaliwanag sa amin ang game master. Napakuyom na lamang ako ng palad dahil sa inis sa kanya, napakadali para sa kanya na paglaruan ang aming mga buhay. "Marami pang games na pwedeng mangyari so better brace yourselves!"
Isa lang kaming tool for fun para sa game master, ang pagkuha at paglaro sa aming mga buhay ay ang bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanya.
"Para namang ikaw na mismo ang lumabag sa sarili mong rules." Matapang na sabi ni Yui.
"Wala akong nilalabag sa rules, ang nakalagay doon ay kapag nakita ko kayo papatayin ko kayo. Ganoon pa rin naman ang mangyayari... but with a lot of twist." Hindi ko man nakikita ang mukha ng game master pero alam kong nakangiting demonyo ito. Nakakagulat ang kanyang mga balita pero wala naman kaming magagawa sa bagay na iyon.
"Kailan magsisimula iyan?"
"Tonight. Naiintindihan ninyo naman ang lahat ng aking sinabi 'diba? May gusto ba kayong itanong—"
"Sino ka ba talaga?" Napalingon ako kay Fierce na diretsong nakatingin sa flat screen na T.V, sobrang straight to the point ng kanyang pagkakatanong. "Bakit mo ito ginagawa? Para gantihan kami? Ano ba ang naging atraso namin sa'yo?" Dahil nga nag-voice out na ng tanong si Fierce ay nagkaroon na rin ang iba ng lakas ng loob upang magtanong.
"Huwag kayong magbait-baitan dahil lahat kayo... may mabigat kayong kasalanan na nagawa sa akin. Hindi ko ito ginagawa para mapasaya ang sarili ko, ipaparanas ko sa inyo ang impyernong inyong pinaranas sa akin." Hindi ko man nakikita ang mukha ng killer pero bakas sa boses niya ang pagkagalit. Ano naman ang kasalanan ko sa kanya?
"Pero anong kasalanan namin sa--"
Biglang namatay ang screen.
Naglakad na kami paaalis ngunit imbes na mabigyang kasagutan ang aming mga tanong ay mas lalo lang dumami ang mga tanong sa utak ko, mas lalo lamang akong naguluhan.
"Ahhh! Ano bang kasalanan ko sa kanya!?" Biglang sumigaw si Adrian dahil sa pagka-frustrate, naiintindihan ko naman siya... lahat naman kami ay ganoon ang pakiramdam ngayon.
"Mas magiging brutal ang mga susunod na pagpatay kaya magdoble ingat kayo," Paalala sa amin ni Andrew at tumango naman kaming lahat sa kanya. "Maaaring dalawa o higit pa ang kuhanin niya mamayang gabi para paglaruan ang buhay... katulad ng ginawa niya kay Chlloe at Lei. Kalaban natin ang killer pero sa pagkakataong ito ay maaaring maglaban-laban din tayo para iligtas ang ating mga buhay."
May pagka-bossy man si Andrew ay nag-aalala naman siya para sa aming lahat. He's a great leader. Naghiwa-hiwalay na kami upang ihanda ang aming mga sarili sa mangyayaring laro.
Bago ako bumalik sa hotel ay napagdesisyunan namin nina Fierce at Macky na mag-usap.
Nakaupo kaming tatlo sa isang bench, kasama ko sina Macky at Fierce. "Kahit na mas magiging mahirap ang mga susunod na araw, siguraduhin ninyong sama-sama tayong makakaalis dito ah?" Nakangiting paalala sa amin ni Macky.
"Yes, Promise is promise." Sabi naman ni Fierce, naalala ko naman bigla ang pangako namin sa isa't-isa na sama-sama kaming lalabas sa impyerno na ito. Etong dalawang tao na ito ang tumutulong sa akin upang magkaroon ng lakas na magpatuloy sa demonyong laro na ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top