Chapter 10 "Night 4"

CHAPTER 10 “NIGHT 4”
BAMBIE CHUA

“Players please gather at the park entrance!” Umalingawngaw ang anunsyo na iyan sa mga megaphone na nakakabit sa mga light post. Kumunot ang aking noo, announcement? Wala bang patayan na magaganap ngayong gabi?

Naglakad na ako patungo doon at may iilan ng nandito. Makalipas ang ilang minuto ay isa-isa na kaming nakumpleto.

“We will have a live show, players!” Sigaw nung Game master na nasa malaking screen. Nakasuot pa rin siya ng maskara at hindi namin nakikita ang kanyang mukha.

“Movie marathon?” Tanong ni Fierce, napailing na lamang ako. Sa lahat ng nandito talaga ay si Fierce ang pinakamaloko.

“Kindly go inside the event hall!” Namatay ang screen sa pagkasabi niyang iyon.

Nagkibit balikat ang lahat at naglakad kami tungo sa event hall. Tumambad sa amin ang isang stage na may mga matutulis na patusok na nakapaligid. Sa isang gilid ay may labing dalawang upuan na may printed name ng bawat isa.

Pinagmasdan ko ang paligid, lalo na ang stage at sa loob no’n ay mayroong baseball bat, kutsilyo, wooden log, at kung ano-ano pang gamit sa pagpatay.

Pinagmasdan kong maigi ang stage at sa loob no'n ay mayroong baseball bat, kutsilyo, wooden log at kung ano-ano pang gamit sa pagpatay.

Ngayo'y nakaupo na kaming lahat sa kanya-kanya naming seats. Ganito ang ayos namin:

-Len
-Honey
-Fierce
-Maya
-Honey
-Sugar
-Ako
-Adrian
-Minami
-Macky
-Jin
-Yui

Nagusap-usap kaming lahat at may kung ano-anong kuro-kuro sa magaganap ngayong gabi. Maya maya pa ay isang sigaw ang um-echo sa buong paligid.

"Hoy pwede ba bitawan mo ako! Ano ba!? Sinabi ng huwag mo akong mahawak-hawakan eh!" Narinig naming sigaw, napalingon kami sa pinanggalingan ng boses... ilang Segundo muna namin siyang tinignan bago tuluyang makilala—si Chlloe.

Punong-puno ng natuyong dugo ang kanyang mukha siguro marahil sa pagkakahampas sa kanya ng baseball bat.

Mayroong nakahawak kay Chlloe na isang lalaki na naka-mask at nakaposas ang kanyang dalawang kamay. Ipinasok si Chlloe sa loob ng ring at tinanggal ang posas nito.

Makalipas ang ilang minuto ay muli na naman kaming nakarinig ng sigaw galing sa may pintuan ng event hall.

"Pwede ba, bitawan mo nga ako! Kusa naman akong susunod sa inyo" Maya-maya pa ay sumilay na sa amin ang mukha ni Lei.

Kahit papaano ay nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa dahil nalaman namin na okay silang dalawa. Totoo nga yung in-announce kagabi na walang namatay.

Pero bakit sila hawak ng killer?

"Bakit sila ipinasok sa stage?" Pagtatanong ni Minami.

"Wait lang kasi 'te,huwag kang atat. Hintay-hintay rin 'pag may time," Napailing na lamang ako dahil kahit kailan ay pilosopo talaga 'tong Len na 'to.

"Kagaya ng nakikita niyo sa stage, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Itong dalawang manlalaro na ito ay magsisimulang magpatayan... Sa harap niyo. Sino sa kanila ang masuwerteng makakapagpatuloy pa sa game? Sino naman kaya sa kanilang dalawa ang mamamatay ngayong gabi? Let's the killing begin!"

Iyan ang narinig naming announce ng killer. We are all stunned for a moment, so eto pala yung plano niya? Gusto niya na makita namin ang mga kasamahan namin na nagpapatayan sa harapan mismo namin?
Tangina mababaliw na ako rito!

CHLLOE ANN SANTOS

Shit! Alam ko naman na bitch ako pero hindi ko kayang pumatay ng ibang tao! What the heck is going on? Nasa loob ako ng isang ring na napapaligiran ng kung ano-anong deadly weapon. Hindi rin naman ako makatakbo palabas dahil napapaligiran ng spikes ang labas ng stage.

"Haha!" Malakas na pagtawa ni Lei. "Napakadali naman pala ng dapat kong gawin. Kailangan lang kitang patayin para magpatuloy pa ako sa larong ito."

Shit! Siniseryoso niya talaga 'to? Kailangan kong makaisip ng paraan ngayon.

Pinulot niya ang isang kutsilyo na nasa lapag ng ring. Pagkapulot niya ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa aking direksyon habang nakakatakot na ngiti ang nakapinta sa kanyang mukha.

"Lei 'wag! 'Wag kang lumapit sa akin! Killing each other is not the best solution here!" Sigaw ko sa kanya pero parang wala naman siyang naririnig. Desidido ba talaga siyang patayin ako? Nagsimula ng manginig ang buo kong katawan.

Napasigaw na lamang ako dahil sasaksakin niya ako ng kutsilyo ngunit agad ko naman naharang yung napulot kong baseball bat at ginamit kong pang-depensa.

Shit! Ano ba ang nangyayari rito!?

"Gago ka ba!? Sabi ko naman sa'yo ay may iba pang paraan para makaalis tayo rito!" Sigaw ko sa kanya habang sinasangga ko pa rin yung kutsilyo niya.

"But this is the easiest way." Hindi pa rin nawawala ang nakakatakot na ngiti sa kanyang mukha. He's already out of his mind.

"Oh? Iyon ba ang tingin mo? Hindi pa ako nakakapatay ng tao... pero ikaw siguro ang magiging una tutal iyon naman ang gusto mo." Mukhang sarado na ang isipan ni Lei at hindi ko na siya madadaan sa pakiusapan, kailangan ay lumaban na ako para sa buhay ko.

Malakas ko siyang sinipa sa kanyang pagkalalaki dahilan para mapaatras siya at gumulong sa sakit. "Bitch! You wil pay for this!"

"Haha! Itong bitch na 'to ang papatay sa'yo sa sakit! Hindi ka madaan sa pakiusapan eh. Siguro dapat patayin na kita upang mabawasan na ang mga psychopath sa mundo." Sabi ko habang hawak-hawak ang isang baseball bat.

"Iyan ang akala mo!" Sabi niya kahit gumugulong na siya sa sakit. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang sinipa ang aking paa dahilan upang matumba ako at siya naman ang mabilis na tumayo. Shit.

"Bitch!" Sasaksakin niya dapat ako ngunit mabilis akong gumulong pero nagalusan niya pa rina ng aking pisngi.

"Magaling ka palang umiwas." Sinimulan niya ng tanggalin ang kutsilyo niyang bumaon upang gamitin muli laban sa akin.

Mabilis akong gumapang palayo sa kanya, pero habang gumagapang ako ay may nakapa ako na isa pang kutsilyo.

"Asa naman na isang weird na kagaya mo ang makakapatay sa akin!" Malakas kong sigaw sabay saksak sa binti niya. Ito ang unang beses na ginawa ko ang ganitong bagay, ayoko ng ganitong pakiramdam... pero kailangan kong gawin 'to para sa sarili ko.

“What the fuck! Argh!” Malakas na napapasigaw si Lei. Sinubukan kong pakiusapan ka, nasimulan ko na ito… tatapusin ko na rin. Malakas siyang napasigaw dahil sa sakit pero nagawa niya pa ring makatayo.

"Paano mo pa nagagawang tumayo!?"
Bigla niyang hinablot ang aking buhok at malakas itong hinila. Napakasakit ng pagkakahatak niya, para ngang mauubos ang lahat ng aking buhok at ramdam ko rin ang kuko niya na bumabaon sa aking ulo.

Dahil hawak ko pa ang kutsilyo ay mabilis ko siyang sinaksak sa tagiliran pero hindi niya pa rin ako binibitawan. Hindi ko na talaga makaya yung sakit dahil sa pagkakahila niya at napapapikit na ako, nakaapekto ang pagkakahampas sa akin kagabi kaya mas dumoble ang sakit.

Dahil sa galit na aking nararamdaman, ginamit ko ang buong lakas ko upang saksakin ang kanyang kamay... pero hindi ko inaakala na mapuputol ang kanyang kamay dahil sa aking ginawa. Hindi ko inaasahan na ganito katalim ang kutsilyo na ito.

Kitang-kita ko na nagsimulang umagos ang malapot na pulang likido at nakita ko rin ang putol na kamay niya na nasa sahig. Walang tigil ang pag-agos ng dugo. "Ahh! Ang kamay ko! Anong ginawa mo sa kamay ko!?"

"Gusto mo pantayin pa natin eh." Desidido na akong patayin 'tong lalaking 'to. Siya naman ang nanguna, self defense lang 'tong ginagawa ko.

"You're a killer, bitch!" Natatawa niyang bigkas pero halata naman sa kanyang mukha na patuloy niya paring iniinda ang sakit.

"Dahil sa'yo 'yon, Lei," Maglalakad na ako palapit sa kanya ngunit muli niyang dinampot ang kutsilyo na nasa kanyang tabi. "May lakas ka pa para lumaban? Show me what you've got."

Ngumiti lamang siya sa akin, ngiti na ayokong makita.

Akala ko ay lalaban pa siya, nanlaki na lamang ang mata ko sa aking nasaksihan.

Sinaksak niya ng maraming beses ang kanyang sarili at halos maligo na rin sia sa kanyang sariling dugo. Nabato na lamang ako sa aking kinatatayuan habang pinagmamasdan si Lei kung paano niya pinapatay ang sarili niya. Maraming dugo na galing sa kanya ang tumatalsik sa akin.

"Ha—Haha! Hindi ako papayag na isang babae na gaya mo ang tatapos sa buhay ko. Ako na lang ang papatay sa sarili ko!" Parang isang baliw na sabi ni Lei.

"Anong ginagawa mo! Tigilan mo 'yan! Stop it!" Malakas kong sigaw at bumagsak na rin ang aking mga luha dahil sa takot. Namatay si Lei hindi sa aking kamay... kun'di kagagawan ng sarili niyang kamay.

Nando'n si Lei, nakahandusay sa sahig. Pinagmasdan ko lang ang maraming dugo na umaagos pababa ng stage. Para akong nabato sa aking puwesto at patuloy pa rin akong umiiyak. Ramdam ko ang mga dugo ni Lei na nasa aking katawan.

Hindi ako 'to. Hindi ako isang mamatay tao.

"Congratulation Chlloe Ann Santos! You can continue your day here at the park! Announcement! It's a game over for Lei Park!”

Iyon ang narinig kong announcement. The next thing I know is umikot ang aking paningin at naglapitan sa akin ang mga kasamahan ko sa akin.

I'm a bad person. I killed someone.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top