Letter #50 - Till We Meet Again

Dearest Baby Girl,

Ni sa hinagap hindi ko inisip na maging okay kami ng iyong dating asawang si Damian. Nang una nga kaming magpang-abot sa puntod mo muntik na kaming magsuntukan kung hindi dumating ang ating panganay at sinaway kami. We both realized, alang-alang na rin kay Rona't Johan, walang saysay na ang hidwaan naming dalawa. Sa pangatlo naming pagkikita sa memorial park, nag-usap kami nang masinsinan. Siguro nasaksihan mo naman iyon. We both had a melt-down while reminiscing the pain each one of us had caused you. If it's any consolation, my love, minahal ka rin pala ng ungas na iyon. He loved you deeply that he was greatly hurt when he found out you were still pinning your hopes on me---on us even after the two of you got married. Naiintindihan ko naman ang damdamin niya. Bilang isang lalaki mahirap tanggapin na ang babaeng pinakasalan mo ay hindi naman pala buo ang pagmamahal sa iyo. Hindi ka naman niya sinisisi rito. Bagkus, inukilkil siya ng kanyang konsensya sa kanyang mga ginawa sa iyo at kay Rona.

Your princess is kind of funny sometimes. She still loves to prank her co-employees at Sky Builders. Kakaunti pa lang sa mga iyon ang nakakaalam na magkapatid sila ni Rick. Our son is such a good boy that he seemed not to mind playing along. Buti nga raw at alam sa office na type pa rin siya ni Architect Ramirez despite being married to Luke now para wala raw nalapit. Haha!

Hindi ko maintindihan ang ating panganay minsan. May mga napapabalitang magagandang modelo, celebrities o anak ng mga kilalang tao sa lipunan na dinadala niya to a nice restaurant sometimes, pero wala akong narinig na nililigawan niya. Kung hindi ko kilala ang bata, I would suspect na baka hindi babae ang hinahanap niya. But then again, when I looked back to all the male Santillans, wala naman akong naaalalang may kadugong binabae. Gano'n din sa mga Linares, sa side nila Mom. Eira laughed at me when I voiced out my concern to her. I was being paranoid lang daw at walang basehan ang aking suspicion. Kung sa bagay. Baka busy lang ito dahil tanggap pa kasi nang tanggap ng projects sa Norway. Sabi ko sana magdesisyon na siya. If he wants to be based in Oslo, I could help him. Siya na lang ang ia-appoint kung mamamahala ng mga hotels and ski resorts namin doon. O di kaya maaari ko rin siyang tulungan to build his own construction company there. Pero ewan ko ba sa batang iyon. Matigas ang ulo. He would rather work for the Sky Builders' sister company there. Haha! Parang naririnig ko na rin ang boses mo telling me na, "Kanino pa ba nagmana ang binata natin?" Napapangiti na tuloy ako.

Ilang beses ko nang nabasa ang panghuli mong sulat subalit hindi pa rin nababawasan ang lungkot ko sa tuwina...Parang pinipiga pa rin ang puso ko sa tuwing dumadako ang aking paningin sa bahagi kung saan inaalala mo ang masasaya nating tagpo sa Sunken Garden. Ironic, di ba? Palagi ay usapan natin at sanhi pa ng tuksuhan at nakakatuwang pagtatalo ang magiging pangalan ng ating magiging anak. But our only son ended up not having my last name. Ang lungkot din minsan. I suggested it to him one time---that he legally changes his name. He looked at me with a blank expression on his face. Hindi siya nakasagot. So I took it to mean na ayaw niya. Kung sa bagay, seeing how he regarded his adoptive parents, tingin ko kontento siya bilang isang Sandoval. Maybe someday---who knows?

Ikinagagalak ko palang ibalita sa iyo na hindi na Aling Ising ang tawag sa iyo ni Rick sa tuwing napag-uusapan ka namin. He now calls you 'Mama'. He would tell me, "Dad, binisita ko si Mama." "Mahilig ba sa bulaklak si Mama?" "May theme song ba kayo ni Mama?" Mayroon nga ba tayo? Marahil iyong 'What a Wonderful World' ni Lou Armstrong, di ba? Iyon ang kanta sa restaurant na pinuntahan natin for a celebratory dinner the first time we became lovers. Haha!

Ang pagtawag sa iyo ng anak natin ng mama ay nakakapagpaligaya rin sa akin dahil alam kong iyon ang hinihintay mong mamutawi sa kanyang mga labi. Alam kong saan ka man naroroon ngayon ay maligaya ka na knowing that I fulfilled my promises to you. I found our son for you. I became a father to your beloved princess as well. At higit sa lahat, isa rin akong doting lolo sa guwapong-guwapo nating apo. I wish I could say, he took after me. Haha! But he sure has your radiant smile. Sa tuwing ngumingiti siya sa akin, nakikita rin kita. Thank you for telling God to let him live so Lily and I can hug a piece of our beloved through him. Lily is beyond grateful. Everytime she sees and hugs Johan, she would whisper a solemn "tusen takk" to God Almighty. My heart is also overflowing with gratitude for what you did for us. I will never get tired of saying thank you to you. Salamat, mahal ko, my baby girl.

Pinag-retiro ko na pala si Estong. Laking tuwa ng asawa niya nang bigyan ko ng limang milyon bilang pabuya sa pagtulong sa akin na matagpuan ang ating anak. Nagbiro pa ang loko. Anytime daw na kailangan ko siyang mag-disguise ay game siya. Kahit na pag-suutin ko pa ng bikini next time. Haha! Alam kong your eyes are rolling out right now. Naririnig ko na nga ang boses mo telling me how lame my joke was. Pero tatawa ka rin. Iyan ka naman lagi. Sasabihin mo, lame joke pero tatawa ka. Haha!

Oo nga pala, I decided to bury this letter here besides you. Heto nga at hinihintay na ako ng taga-memorial park para matapos ko itong kahuli-hulihan kong liham para sa iyo at nang maibaon na kasama ang mga pinadala mong sulat para sa akin. Gusto ko kasing mabasa mo lahat ng ito sa kabilang buhay. When my time comes, I hope we can both sit side by side again and read the letters together.

I love you so much, my love. Though you do not feel comfortable calling me big daddy now, in my heart, I am still your big daddy and you will always be my baby girl. Your memory---the love that we shared will remain in my heart till the end of time.

I AM LETTING YOU GO FOR NOW...

Till we meet again.

Your Big Daddy forever,

Greg Santillan

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top