Letter #45 - Last Breath
Dearest Baby Girl,
I cried non-stop upon reading your forty-ninth letter. Halos mapatid pa ang aking hininga nang mabasa ko ang parteng pinuntahan mo ako sa ospital noon. I could still remember that day vividly. And I thought it was just some kind of a weird dream dahil nagtamo ako ng concussion nang araw na iyon sapagkat may bumangga sa sasakyang minamaneho ko. Una kong nasamyo ang pamilyar na bango ng iyong buhok. Kaagad na dinala ako ng isipan ko sa Sunken Garden kung saan ay lagi kong sinusuklay ng daliri ang mahaba at malambot mong buhok. Then, I felt your warm lips on my forehead. Tapos ay may yumakap pa sa akin. Kahit hindi ko naibuka ang aking mga mata, naramdaman kita. Alam kong ikaw iyon! Kailanman pala'y hindi nakalimot ang aking katawan sa mga yakap at halik mo. Lalo tuloy akong nangulila sa iyo, baby girl.
Of course, I remember Dr. Reyes. Bakit kaya hindi niya binanggit sa akin ang pagbisita mo? Strange. He was my anesthesiologist. And he came to talk with me and my wife when I regained consciousness. Kung sa bagay, hindi naman kami close noon. Kayo ang mas magkapalagayang-loob. Nakikipagbiruan lang naman ako sa kanya noon dahil tuwang-tuwa ka sa tao. Wala ka bang napansin sa kanya noon? Crush ka no'n! Yes. Ang tadtad sa acneng lalaking iyon ay patay na patay sa iyon noong college days natin. Kaya nga hindi ko masyadong gusto ang kumag. Kaso he always made you laugh. Bentang-benta sa iyo ang mga corny niyang jokes. Nakikitawa na rin ako dahil napapasaya ka niya. Inisip ko na lang na hindi ka naman niya maaagaw sa akin kailanman, eh. Haha! Sorry, my love. Hindi sa nanglalait ako sa tao. I was just that confident in our relationship back then. Akala ko kasi'y hindi tayo mabubuwag ninuman.
My heart skipped a beat when I read how Mamerto was kind to you. Na-touch ako nang sobra. Palagay ko hindi nagbago ang tingin sa iyo ng tao. How I wish he told me about you. Sana kung nag-alangan man siya dahil laging nasa tabi ko no'n si Lily, sana tinawagan man lang ako sa phone. But then again, kung ako kaya sa katayuan niya, would I do what I wanted him to do? Palagay ko rin, he did what he thought was best for all of us. Baka inisip niyang makagulo lamang iyon sa pagsasama namin ni Lily.
Binalikan ko sa isipan ang mga pangyayari nang magising ako sa ospital na iyon. Ikaw agad ang hinanap ko. I remember, the nurse was kind of confused when I asked about you. I described you to her just like the first time I saw you in Quezon Hall---very pretty, young, vibrant, and a breathe of fresh air. Kaya pala hindi niya ma-connect. Haha! I was so stupid. Paano kasi'y iyon agad ang imaheng naisip ko sa iyo. At iyon pa rin hanggang ngayon. Pero palagay ko, if I saw you then, I wouldn't mind the wrinkles and all. Ikaw iyon, eh, ang reyna ng buhay ko.
Na-touch ako sa reaksiyon mo sa ginawa ko. Hindi ko sukat akalain na sa kabila ng pagkukulang ko ay ganoon mo ako minahal. Wagas at walang pag-aalinlangan. Kung sana naabutan kita---kung sana bumalik ka no'n sa silid ko, nayakap sana kita nang husto. Iyan ang iniiyakan ko rin ngayon. The lost opportunity...Sana nayakap man lamang kita sa huling pagkakataon.
To be honest, Lily and I had good times, too. Naging masaya rin ako sa piling niya kahit papaano, pero laging may kulang...Tingin ko'y ganoon din siya. May mga gabi ring hinahanap niya si Johan kagaya kong nananabik din sa iyo kaya nga in a way we are perfect for one another. Siguro wala nang better partner for the two of us, nang hindi namin nakatuluyang pareho ang talagang laman ng aming mga puso, kundi ang isa't isa.
Sana---sana nagkalakas-loob kang magpakita sa akin noon, baby girl. Sana...
I still cannot let go...I do not think I can simply miss you and let you go just like that. I love you. I love you with all my tears, heartaches, smiles, laughters...I think I will still love you even after my last breath...
Your Big Daddy forever,
Greg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top