Letter #32 - Spell determination - G-R-E-G
Dear Baby Girl,
I guess my son, Luke, is starting to hate me now. Kinausap ko na siya nang masinsinan noong isang araw and I told him that there is a possibility that he and Rona are siblings. He didn't take it lightly. He got mad at me. He thought I was just so against the relationship that I was using all outlandish reasons to stop him to pursue her. Hindi ko pa pala nasasabi sa iyo. Buntis na noon si Lily kay Luke nang magpakasal kami. Kung iyong natatandaan, tayo pa noon nang bigla akong nilansi ng mga magulang ko para lang sumunod sa kanila sa Oslo. Ang inakala kong bakasyon lang namin noong Paskong iyon ay nauwi sa biglaang kasalan namin ni Lily. At kung iyong natatandaan din, Lily and I had no deep interaction before that other than me touring her around Manila a year before our marriage. Pero iyon lang iyon. Tour. Ni hindi ko nasagi kahit na ang dulo ng kanyang daliri. Noong mga panahong iyon din kasi ay may nobyong kalahi niya si Lily. Si Johan. Siya ang tunay na ama ni Luke. Gayunman, kahit na alam kong hindi siya akin, inangkin ko siya at pinalaki na parang kadugo ko. You could say na parang ang unfair. Nagpalaki ako at nag-aruga ng isang hindi kaanu-ano samantalang ang aking anak ay nasa kalinga ng ibang pamilya at hindi tayo nakasisiguro kung ano ang kanyang kalagayan. Sa tuwing naiisip ko ito, ibayong guilt ang nararamdaman ko. Siguro naman ay napatawad mo na ako sa kasalanan ko sa iyo.
Going back to Rona, nakausap ko na naman siya tungkol sa posibilidad na ako ang kanyang tunay na ama. Binanggit ko ang kanyang pagkahilig sa pagdidisenyo ng mga bahay at gusali na malamang ay namana niya sa akin. Sinabi ko rin na baka ang katotohanang dugo ko siya't laman ang nagtulak sa iyo na pangalanan siyang Ronaldhina Gregoria, hango sa pangalan ko. Sukat ba namang sagutin ako ng "in my dreams" daw. Sigurado raw siya sa kanyang nararamdaman. At iyon ay ang pagiging anak ng Damian Perez na iyon.
Hindi ko alam kung paano ko kukumbinsihin si Rona na magpa-DNA test, pero hindi ako susuko, mahal ko. Hindi ko hahayaang magpatuloy ang relasyon nila ni Luke knowing that they could be siblings. Kahit na hindi blood related, the fact that Luke is my legal son makes their relationship awkward to say the least.
Oo nga pala. Matagal din kaming nag-usap ng detective ko noong isang araw. Kinompara namin ang mga impormasyong nakuha sa mga liham mo at ang background ni Engineer Rick Sandoval. Tugmang-tugma. May nabanggit ka sa sulat na nag-aral ang ating si Ricardo sa isang pribadong eskwelahan sa Quezon City at naging varsity player pa ng basketball. Napag-alaman naming doon din galing ang batang iyon at naging varsity player din siya ng unibersidad. Sayang nga lang at hindi mo nakuhanan ng larawan ang minsang paglabas-labas ninyo. Malaking tulong sana iyon. Pero di bale. Pasasaan ba't malalaman ko rin kung nagsasabi nang totoo ang kanyang mga kinagisnang magulang.
Marahil iniisip mo na ngayon na parang ang tigas ng ulo ko. Ilang beses na kasi akong nasabihan ng dalawang bata na hindi nila ako ama subalit heto ako at namimilit pa rin. Haha! Ewan ko ba. Hindi ako mapalagay dito kay Engineer Sandoval. May kakaiba akong nararamdaman kahit na may mga detalye sa sulat mo at sa background info na nakuha namin sa kanya na hindi consistent. Kailangan ko rin siyang kumbinsihin na sumailalim din sa DNA test para mapanatag ang aming kalooban. Sa ngayon, hindi pa namin alam ni Estong kung paano ang approach. My detective suggested it bluntly during our meeting with his parents and they flatly refused. Tama ang nababasa mo rito. Mariing sinalungat ng mga magulang niya ang suhestyon ni Estong. Tapos binalingan nila ang bata at sinabing kahit na ayaw daw nila kung gusto nito ay okay lang din sa kanila. But then, we could sense that they were just simply trying to make it look like they were giving the child a choice. Mukhang pinapakonsensya nila ito na kung gagawin nga nito ay parang sumuway din sa kagustuhan nila. Kaya ang ending, ngumit lang si Engineer Sandoval at umiling sa amin. Hay.
Sige, mahal ko. Hanggang sa susunod. I need to find out what Luke is up to. Dumating siya sa bahay ngayon-ngayon lang at mainit na naman ang ulo niya. I could hear his voice in the living room from my study. He is arguing with his mom again. Malakas ang kutob ko na may kinalaman na naman ito sa ginawa ko kahapon.
Always remember I love you. Hindi pa rin kita nakalilimutan.
Your Big Daddy forever,
Greg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top