Letter #25 - Ricardo

Dearest Baby Girl,

Ang tibok ng puso ko ay sobrang naging erratic nang banggitin mong nagkita kayo ng panganay natin nang siya'y nagbibinata na. I can only imagine how happy you were when you saw him. I woud be ecstatic if I were you. Siguro kung ako sa lugar mo at nagtapo nga kami noon ora-orada ko sigurong nasabi sa bata na anak ko siya.

Ricardo. Kay gandang pangalan. As I was reading his new name on your letter, hindi ko naiwasang tumigil saglit at isipin kung may kakilala akong nagkaroon ng anak na pinangalanang Ricardo. Binalikan ko sa isipan ang mga naging malapit sa mga magulang ko na close din sa First Lady. Sa pagkakatanda ko, walang may pangalang Ricardo. Gayunman, natitiyak ko na malapit na tayo sa ating adhikain. Pasasaan ba't makikita rin natin siya. Ang lakas ng kutob kong nasa paligid lamang ang ating anak.

Naluha rin ako sa kuwento mo kung gaano siya ka bait. Tingin ko nagmana siya sa iyo at siyempre pa he was brought up well by his adoptive parents. Kahit papaano, nabawasan ang tinik sa puso ko. Naibsan din ang galit ko sa sarili dahil natitiyak ko na ngayon na nagkaroon siya ng magandang buhay sa piling nila. Ang nabanggit mo kasing eskwelahan ay isa sa mga may mataas na tuition fees among private high schools in Manila noon. Kilala ni Mom ang isa sa mga regular benefactors no'n. Naging donor din ang mga magulang ko one time. They helped financed one of the buildings of the school kaya happy ako na kahit papaano ay nagamit ng ating anak ang pinagkagastusan ng kanyang mga lolo't lola.

Pinapangako ko sa iyo, mahal ko, hahanapin ko ang ating si Ricardo. This time, I will see to it that I keep my promise. H'wag kang mag-alala. Sana when that time comes, nakatunghay ka sa aming mag-ama. Kung hindi sana kalabisan, gusto kong magparamdam ka sa oras na iyon. Sabik na sabik na akong mayakap ka. Sa bawat gabi ng buhay ko simula nang makilala kita, iyon lamang ang tanging laman ng aking isipan bago ako matulog. Ang corny ko ba? Haha!

Siyanga pala, sigurado ka bang hindi pinalitan ng unica hija mo ang kanyang pangalan? Kasi parang mayroon akong gut-feeling na ang Rona Ramirez sa Sky Builders ay anak mo nga. Subalit nang ipatanong ko muli sa aking imbestigador ang pangalan niya sa HR nila Ronalyn Ramirez pa rin ang binigay kagaya ng sinabi ng contact person ko roon.

Kung sa bagay, mahigit isang daang libo ang may apelyidong Ramirez sa Pilipinas. At ang Rona naman ay hindi rin unique. Marahil nga ay nagkataon na Rona rin ang pinangalan sa kaniya ng mga magulang niya. To be honest, noong una'y dinalangin ko na sana siya na ang anak mo para matapos na ang paghahanap ko sa kanya at matupad ko na ang pinangako ko sa iyong ibigay sa kanya ang pinagkait ng panahon---ang kalinga ng isang ama. Subalit nang makadaupang-palad ko na siya noong nakaraan, naisip ko ring masidhi lang siguro ang pagnanais kong matagpuan na ang aking tokaya. Ang Rona sa Sky Builders ay arogante at sobrang mataray. Ang layo sa iyo! Wala siyang ka-sweetness-sweetness sa katawan. Now that I am comparing her demeanor to yours, convinced na ako na hindi nga siya ang hinahanap ko. And I just hope now that Luke outgrew his lust for her.

Anyways, heto at nag-email ang aking imbestigador. Binigay ko kasi agad sa kanya ang pangalan ng ating anak at sinabi kong hanapin niya sa old record ng school. He said, there were about thirty kids with Ricardo as either their first or second name. Pero h'wag kang mag-alala. Lahat sila'y bubusisiin daw niya. Mayroon na raw siyang top five na more likely ay siyang Ricardo natin.

I hope this made you somehow hopeful, baby girl. Rest assured, hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikita. I love you to the moon and back. Always remember that. Wala akong hindi gagawin para sa iyo, mahal ko.

Your Big Daddy forever,

Greg

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top