Letter #22 - What's in a name?
Dear Baby Girl,
Naiintriga na talaga ako sa aking tokaya, baby girl. Mukhang isa siyang espesyal na bata. Bihira sa kaedad niya ang maging sensitibo sa damdamin ng mga nakatatanda sa kanya. Natuwa rin ako nang banggitin mong maaga siyang namulat tungkol sa usapin sa puso. I can just imagine your fear. Haha! Pero sana ay suportahan mo siya sa kanyang puppy love.
It still makes me feel good tuwing nababanggit mong naging maalaga ako sa iyo noon. Iyon kasi ang gusto kong maalala mo sa akin. Totoo naman kasing pinahalagahan kita nang sobra. Ikaw ang reyna ko, di ba? Ang babaeng pangarap na makasama habang buhay. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ang isang katulad mo ay hindi pinahalagahan ng walanghiya mong asawa. Paano ka niya naipagpalit sa iba? Tingin ko, if a guy has come to know you, hindi na niya makakayang magmahal pa sa iba. How come na ang dali ka niyang malimot?
Oo nga pala, sinubukan kong i-research ang pangalan ng iyong anak. Ronaldhina Gregoria Ramirez ba kamo? Binigay ko iyon sa aking imbestigador the moment you mentioned it in your letter. Sabi ko kung alin lang ang mauna---ang matagpuan ang ating panganay o itong prinsesa mo. Would you believe it? There are ten women with the same name! Exactly the same name! Apat sa kanila ay halos tumugma sa edad ngayon ng iyong unica hija. Napakamot na lang kami sa ulo ng detective ko. Pero h'wag kang mag-alala at hindi pa rin ako susuko, my love. Iisa-isahin ko sila. Madali lang naman, eh. Kailangan ko lang alamin ang pangalan ng kanilang ina and presto! Matutukoy ko na kung sino ang anak mo sa kanila. Pangako, I will make your daughter believe in rainbows again. Ipapadama ko rin sa kanya kung paano ang magkaroon ng isang ama.
Ikinatuwa ko ring malaman na na-discover mong tinupad ko nga ang pangako ko sa iyo noon na ipagpapatayo kita ng magagarang gusali. Sabi mo noon, binobola lang kita. Na gusto ko lang maka-score sa iyo kung kaya kung anu-ano na ang pinagsasabi ko. Now, you tell me boladas lang iyon.
Alam mo rin ba? Sa lahat ng itinayo kong negosyo, iyong mga ipinangalan ko sa iyo ang pinaka-successful? They were well-patronized by our patrons. Ngayon na ako naniniwala na swerte ka sa buhay ko. Ang laki ng pinasok na pera ng mga resorts and hotels which were named after you. Kaya noong minungkahi sana ni Lily na palitan ko iyon ng either her name or our daughter's, I really put my foot down. Pero napahinuhod nila ako ni Luke na gumawa rin ng hotel o restaurant na Queen Lily naman ang pangalan. Iisa lang ang nagawa namin after being in business for almost three decades at kailangan pa naming ipasara iyon. At alam mo na kung ano ang dahilan. Hindi sila kumita kagaya ng kinita ng ipinangalan sa iyo. In fact, ang laki pa ng nilugi namin. Mula noon, hindi na pinakialaman ni Lily ang mga desisyon ko when it comes to naming my buildings and businesses. Kung nabubuhay pa sana ang Humanities prof natin, babalikan ko siya tungkol sa sinabi niya about names nang napag-usapan natin ang isa sa masterpieces ni Shakespeare na Romeo and Juliet kung saan binanggit ni Juliet ang, "What's in a name?" Na kahit ano pa ang pangalan ni Romeo, he would still be the same man. Sa negosyo ko, hindi iyon totoo. Haha! Pinangalanan kong Queen Lily ang kaparehas na gusali sa halos kasing tanyag na siyudad sa Europa, pero mas tinangkilik ang Queen Isadora Maria kong hotel kaysa sa Queen Lily. I hope, whereever you are, this makes you smile. Kahit papaano, ikaw pa rin ang nagwagi gaya ng pagwagi mo sa puso ko.
Siyanga pala, may panibagong lead sa paghahanap ko kay Baby Tanglaw. Binalita sa akin ng aking detective na napag-alaman na niya kung saan sa Amerika nakatira ang best friend mong si Cherry. Nakausap na niya ito through a video call noong isang araw. Ayon dito, buhay pa raw ang dalawang social workers na nag-proseso sa adoption papers ni Baby Tanglaw. Iyon ngayon ang pinapahanap ko. Soon maibalita ko na sa iyo na nagtapo na kami ng ating pinakamamahal na panganay.
Hanggang sa muli, baby girl. Pakakatandaan mong mahal na mahal kita, my Queen Isadora Maria.
Your Big Daddy,
Greg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top