Letter #19 - Magic Garden
Dear Baby Girl,
When you mentioned in the letter that you were having suspicions that your husband was cheating on you, I have realized how sharp women's intuition really is. Tama ang hinala mo. Hindi ko man kilala ang asawa mo, bilang lalaki alam na alam ko ang kahulugan ng ginawa niyang hindi pagpirme sa inyong tahanan ganoon din ang hindi niya pagtatanong sa iyo kung bakit iniba mo ang pangalan ng inyong anak kaysa doon sa napagkasunduan n'yo. Marhail iniisip na niya na hindi naman pala siya mahihirapan kung sakaling sabihin na niya sa iyo na gusto na niyang makipaghiwalay. May mga lalaki kasing katulad niya na walang bayag. Hindi kayang sabihan ang kanilang kabiyak na nais na nga nitong putulin ang kanilang ugnayan for good.
Siguro kung nababasa mo ang sinusulat ko ngayon, you may be telling me, "Nagsalita ang isa ring walang bayag!" Believe me, baby girl, I have told my wife I do not love her and that I want to separate from her several times. I also told her about you. Na ikaw ang rason kung bakit gusto ko nang putulin ang aming relasyon. Subalit nang dalawang beses mo akong tanggihan, naisip kong baka nga hindi mo na ako mahal. Na marahil ay sinubukan mo na lamang buhayin ang ating nakaraan nang huli kang sumama sa akin at iyong napagtanto na wala na nga ito. Inaamin ko, that was the greatest blow in my life. Sobra akong nasaktan sa pangalawa mong pagtanggi sa alok ko after I have gotten married. No'n ko nga naisip na isa kang mabuting tao. Na sa kabila ng lahat, sa oportunidad na maiahon mo ang sarili sa kahirapan, sa pagkakataong maging kabiyak ng isang kilalang negosyante sa Kamaynilaan, mas pinili mong maghirap para lamang hindi mabuwag ang pagsasama namin ng asawa ko.
Ang layo pala ng mga naisip kong dahilan kung bakit hindi ka sumama sa akin. Ngayong binabasa ko kung gaano mo pa rin pala ako ka mahal sa kabila ng mga nangyari sa atin---sa mga nagawa ko sa iyong pagkukulang, muling nabuhay ang aking puso. Akala ko'y hindi ko na kayang maging masaya. Akala ko'y wala na akong kakayahan pang makilig. Ang sagwa nang pakinggan dahil sa edad kong ito, subalit iyon ang totoo. Sobra akong nakikiliti nang paulit-ulit mong sabihin sa sulat na mahal mo pa rin ako. H'wag kang mag-alala, ganoon pa rin naman ako sa iyo. Mahal na mahal pa rin kita.
Nabanggit mo palagi ang iyong unica hija sa sulat mo. Sa paglalarawan mo sa naging kamusmusan niya, hindi ko napigilan ang damdamin ng isang amang sumibol para sa kanya. How I wish I was her father. Ganunpaman, kahit hindi siya akin dahil galing siya sa iyo, mamahalin ko pa rin siyang nang buong-buo. Sana nga magkita kami ng aking tokaya.
Parang nadurog din ang puso ko nang mabasa ko ang sinabi niya about rainbows. Walang batang dapat mag-isip ng inisip niya noon. Children should be dreamy. Dapat ay hindi ipagkait sa kanila ang pagkakataong maniwala sa fairy tales o sa magic. For many people, these moments in their childhood could deliver them from depression. Naaalala ko noong naghihinagpis ang puso ko nang maghiwalaya tayo. The thing that gave me comfort was my Yaya Loleng's stories about a magic garden. That somewhere out there, there's this beautiful place that cannot be touched by the negativities of the world. Mabigat daw kasi ang elemento ng negative energies kaya hindi kayang pumasok sa magic garden na iyon. At doon sa harding iyon, lahat ng pangarap ng tao ay nagkakatotoo basta maniwala lamang siya. Parang madyik. You think about that thing or person that you really, really want and boom! It will be offered to you in a platter there. And only good people get to go to that magical place. I know it sounds weird for an adult guy like me to believe in stories like that, but it gave me comfort just thinking about you waiting for me there. Kaya nalulungkot ako na pitong taong gulang pa lang ang anak mong kapangalan ko'y nawala na ito sa kanya. How sad.
Ang dami ko pa sanang gustong sabihin sa iyo, but I heard my son's car coming to the driveway. He is not supposed to come home this early. I wonder what's his problem this time. I'll go check on him first, baby girl. Until my next letter. I love you!
Your Big Daddy,
Greg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top