Letter #12 - Sister Gertrude
Dearest Baby Girl,
Sister Gertrude. Hmm. Strange. Hindi kasi iyon ang pangalan ng madreng namatay na sinasabi ng napuntahan naming bahay-ampunan na siyang in charge sa pagpapaampon sa baby natin. Pinaimbestigahan ko rin ang kalapit na orphanage dahil baka naipagkamali namin ang impormasyong nakalap at doon mo pala sa kabila iniwan ang bata. Ngunit maging sa pangalawang bahay-ampunan ay walang Sister Gertrude silang nakita sa listahan ng mga madreng nadestino roon noon. I am getting impatient. I know, baby girl. Hindi ako dapat nagkakaganito, pero masisisi mo ba ako? Excited na excited na akong masilayan ang ating anak.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasa ang pangalan ng pediatric clinic na sinasabi mong pinagdadalhan noon kay Baby Tanglaw. If I'm not mistaken, kilala ng lolo ko ang father noong doktor. May binanggit noon ang abuelo kong kaibigan na nakapagpatayo ng klinika somewhere along Taft. Probably they are the Jimenez he was tallking about. I will ask around. Aalamin ko ang tungkol sa mga naging pasyente nila roon noon.
I'm so sorry, baby girl. Ramdam ko ang pighati mo sa pang-dalawampo't apat mong liham. Kung maibabalik ko nga lamang ang panahon. Gusto kitang yakapin nang mahigpit na mahigpit at ipadama sa iyo kung gaano kita ka mahal. Nagdurugo ang puso ko sa kakaisip sa mga dinanas mong paghihirap. If it's any consolation at least sa iyo'y tapos na ang pagdurusa mo pero sa akin ay nagsisimula pa lamang. Ang tanging bumubuhay lamang sa akin ngayon ay ang matamis nating alaala sa Sunken Garden, sa tindahan ng isaw ni Mang Larry, sa Palma Hall, sa Quezon Hall, at sa buong peyups. Nang dahil sa iyo ay napapayag ako ng Alumni Association natin na ipakumpuni ang Palma Hall. Iisa lang ang hiniling ko sa kanila bilang kabayaran. H'wag nilang putulin ang anumang puno sa Sunken Garden. Saksi kasi ang mga iyon sa masasayang tagpo natin doon noon.
Miss na miss na kita, baby girl. Hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal pa rin kita.
Your Big Daddy forever,
Greg
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top