Entry #16

Dear You,

Huy ano? Tanging ala-ala nalang ba talaga? Sa bawat patak ng luha, naaalala lahat 'yung mga masasayang ala-ala ng nakaraan. Okay ka pa ba? Bumabalik ba lahat? Bumabalik ba 'yung mga naalalang sobrang saya mo pa ginagawa 'yung mga gusto mo. Walang pag-aalinlangan. Parang nakaka-miss lang. Ikaw ba? Hindi mo ba nami-miss? Samahan ako, sabay tayong hahakbang. Sabay tayong babalik sa umpisa, kung saan sobrang saya pa. Hindi 'man tulad ng dati, pero gagawa tayo ng paraan para maging masaya. Ano, g ka ba?

- Kisha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top