Entry #10
Dear You,
Sabi nga nila, gawin mo lahat ng bagay ng may pagmamahal. Sabi mo rin noon, hindi mo hahayaan na mamuhay ka sa masakit na mundo. Lilihis ka sa side na puro pagmamahal. Happy, happy lang. Sabi mo sa akin dati, magpatuloy lang ako sa kung anong gusto ko. Kung gagawa ako ng mga bagay na unexpected, kailangan gagawa ako ng paraan para maging masaya dun. Parang find happiness in misery ang peg. Sana ikaw din. Ano bang nangyari bakit ka biglang nanghina? Ano bang nangyari bakit sobrang lungkot mo na? Please, huwag. Katulad nung sinabi mo sa akin, gumawa ka ng paraan para maging masaya. Hindi lahat agad-agarang mawawala, pero lahat 'yun may process. Kaya simulan mo na 'yung first step. Cheer up! Go for it! Ikaw 'yan e, alam kong hindi ka magpapatalo sa lungkot. Kasi alam kong mas malakas ka dun, at hindi mo hahayaang mabalot ka nito.
- Kisha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top