TWENTY-THREE ^.^
“Eden” paglingon ko nakita ko si Hubert. Watta!!!!!
“H-Hubert?” na-froze naman ako sa kinatatayuan ko. Namis ko siya sobra langya ito nanama ako nagpapaka-weak.
“Mag-usap tayo oh.” Hindi pa ako nakakasagot pero hinila na niya ako
Dinala niya ako sa parking lot. Nagulat pa ako ng Makita ko si Vivi dun nasa kotse niya. Ano to TORTURE lang?
“Ano ba ang gusto mong sabihin?” tanong ko sa kanya ng hindi manlang siya tinatapunan ng tingin. Mahirap na baka mayakap ko pa sya kahit galit ako sa kanya.
“Eden mag-usap tayo ha. Wait lang kakausapin ko si Vivi.” Iniwan niya muna ako saglit at kinausap si Vivi ilang saglit pinaandar ni Vivi yung kotse at humarurot paalis.
“Tara Eden…… kain muna tayo nagugu----”
PAK!!
Hindi ko na napigilan naiyak agad ako pagkatapos ko siyang sampalin. Pero ngumiti pa siya
“Parang wala lang ba Hubert? Parang wala kang kasalanan sa akin! Anong ngingiti ngiti mo? Nang-gagag* ka ba?” niyakap naman niya ako agad.
“Sorry please Eden mag-usap muna tayo. Namis kita ng sobra.” Tinulak ko siya palayo at buong lakas ko siyang sinampal ng paulit-ulit, paulit-ulit hanggang mamanhid ang kamay ko pati ang mukha niya namula na din. Pero wala lang siyang ginawa.
“Pag-usapan? Galing naman nuh! Kelan ba tayo huling nagkasama? Ah nuong October pa pala! Kelan nga ba kita huling naka-usap sa phone at nag sinungaling ka pa? Nung NOVEMBER PA!!! BOBO KA BA TALAGA? ANONG BUWAN NA NGAYON HUBERT? DECEMBER NA!! ILANG BUWAN NA!! ILANG LINGGO NA AKONG BANGAG. ILANG LINGGO NA AKONG BINABAGABAG NG KUNG ANO BA TALAGA YUNG TOTOO!! ILANG LINGGO KO NANG INIISIP BAKIT ANG PAPA MO GUSTO AKONG BAYARAN PARA LAYUAN KA!!” nakita kong nag-kuyom siya ng kamao. Sign lang na galit siya
“Sorry sa ginawa ni Papa.”
“Wala na tapos na minaliit lang naman niya ako at pinagmukhang pera!” lumapit siya at pilit akong gustong yakapin pero nag pumiglas ako. Para saan pa eh makikipag hiwlay naman na ako.
“Eden please hindi ko naman gustong mawala. Kailangan ko lang talaga itong gawin na samahan si Vivi” nakita kong tumulo ang luha niya. Ngayon pareho na kaming umiiyak.
“KAILANGAN DIN KITA!!! HUBERT GIRL FRIEND MO AKO PERO BAKIT PARANG MAS MAY CARE KA PA SA IBANG TAO?”
“Hindi pwede na iwan ko si Vivi masyado kasing magulo yung isip niya.”
“SA TINGIN MO BA NUNG WALA KA NG ILANG BUWAN HINDI MAGULO ANG ISIP KO? SA TINGIN MO BA NA NATUTUWA AKONG MARINIG NA PINILI MO SI VIVI KESA AKIN!!”
“hindi naman kita iiwan eh. Hintayin mo lang aayusin ko lang itong problema na ito.”
“Hanep Hubert kung ano man yang dahilan kung bakit hindi mo maiwan si VIvi ang tindi naman niyan. Ano yan nagtangka siyang magpakamatay huwag mo lang iwan.? Ano baka naman sinabe niyang sasaktan niya ako? Baka naman naglaslas nanaman yang baliw mong EX!!” hindi siya sumagot naka-tingin lang siya sa akin.
“Ano? Nagtangka siyang magpakamatay?” nanlambot naman ang tuhod ko ganun ba kadesperada si Vivi?
“Oo naglaslas siya ulit.”
“Ganun ba? Ano konsensya ko ba pag namatay siya? Kasalanan ko bang tanga siya at magpapakamatay lang siya ng dahil sayo?”
“Kailangan ni Vivi ng Kasama Eden”
“Edi kumuha siya ng Yaya malaki na siya alam na dapat niyang gawin. Bakit pati ikaw gusto pa niyang angkinin?”
“Magpapakamatay si Vivi pag nalaman niyang tayo pa”
“Ang galing …… ano nakikipag-break ka na?” hindi nanaman siya sumagot.
“Ang sama mo Hubert pareho lang kayo ni Vivi makasarili!! Hindi niyo manlang isipin kung paano ako? Kasalanan ko bang naging tayo? Ay Oo nga pala kasalanan ko kasi sinagot kita bakit nga ba ako nagtiwala sayo? Ang tanga ko kasi!! Kasalanan ko tong lahat diba? Kaslanan ko kung bakit nagtangkang magpakamatay si VIvi. Epal kasi ako sa love story niyo!!!”
“hindi tayo maghihiwalay Eden hinatayin mo lang ako please..” lumuhod naman siya sa harap ko. Galit ako sa kanya! Naiinis ako sa kanya! Bakit kailangan ako pa ang maghintay? Pero mahal ko siya ano bang dapat kong gawin!
“Tama na Hubert tapos na.” napalingon kami ni Hubert sa nagsalita si Vivi yun bumalik siya.
“Diba break na kayo?” naka-ngisi niyang tanong sa akin.
“Ang sama mo Vivi. Akala ko may sakit ka sa katawan yun pala mas malala kasi sa utak ka may sakit!” Tinayo niya si Hubert at inangkla ang braso niya kay Hubert hindi naman nagpumiglas si Hubert.
“Wala kang gagawin? Ano sasama ka sa kanya? Wala na tayo?” hinihintay kong gumalaw si Hubert at lapitan ako. Kahit naman ngayon lang ako ang piliin niya!!
“GAME OVER! Eden umpisa palang Hubert is mine and forever.” sigaw pa ni Vivi na punong-puno ng saya!. Eto na namili na siya. Sinong pinili? Si Vivi na Ex niya!!
“I loathe you!” tsaka ako tumakbo palayo.
Pag labas ko ng parking lot na entrance naman ng mall nakita ko dun si Issa at Gie at agad kong niyakap. Si Troy nakatingin lang. wala naman siyang alam sa nangyayare.
*****
Move ON PROCESS!!!
Kelan naman naging madali yun?
Natapos ang mga araw ko na nangliliit ako.
Nakakababa pala ng tiwala sa sarili kapag hindi ka pinili ng taong akala mo ikaw ang uunahin sa maraming bagay.
January na pero zombie pa din ako.
Tinatawagan at kinukulit ako sa text ni Hubert pero hindi ko sinasagot. Break naba kami? Hindi nga pala namin napag-usapan yun.. pero MATIC NA DIBA BREAK NA KAMI??
Nakakapagod umiyak……
Mas matindi itong sakit na ito sa sakit na naramdaman ko ng mawala si Carl.
Porket si Vivi magpapakamatay para sa kanya yun agad ang pinili niya?
Kailangan ba talaga ipaalam ko pa sa kanya ang halaga ko?
Kailangan bang may mangyari sa aking masama para ako ang piliin nya?
*****
Lumipas ang ilang linggo at Valentines na patapos na rin ang school year musta naman kaya ang grades ko? Sure bagsak ako hindi naman ako nakaka-pasok
“EDEN??” narinig kong sumigaw si Gie at maraming yabag ng paa hindi ko na din naman alam kung sino yung iba. Naramdaman ko ang hapdi ng sugat sa batok ko. Pagkagising ko nalang nasa ospital na ako.
Unti unti kong naalala si Hubert dumating siya sa kwarto ko at gusto akong maka-usap pero may ibang dumating mga hindi ko kakilala. Ako lang ang nasa dorm wala sina Mama Say. Bigla nalang nila akong tinutukan ng patalim. Lumaban si Hubert pero binugbog lang nila. Walang anu-ano hiniwa ng nakahawak sa akin ang batok ko. Ano ba ang kailangan nila sa akin? Nakita ko nalang ng kaladkarin nila si Hubert palabas ng kwarto ko. Sinubukan kong habulin pero tinulak ako nung isa sa may kama at tsaka siya lumabas.
Naiyak nalang ako kasi ang sabi nila pagkagising ko hindi pa daw nahahanap si Hubert. At ilang araw ang lumipas dumating ang Tito ni Vivi sa ospital kung saan ako naka-confine.
“Layuan mo na si Hubert. Lumayo ka na at umalis kung gusto mong Makita pa siyang buhay.” Bakit sila ganun ka-desperado?
Nakatulala lang ako ngayon sa bintana ng kwarto ko. Umuwi ako kay Mama. Hindi ko na kasi kayang mag-isa. Suko na ako hindi ko na kaya. Natanaw ko ang maraming kumpol ng tao at may pinagkakaguluhan. Ano naman kaya yun?
Ayoko ng tumanga dito sa bahay. Lumabas ako ng bahay at nakita kong wala ng tao sa kalsada kanina lang may pinagkakaguluhan sila dito. Naupo ako sa gilid ng kalsada namin at kahit anong tingnan ko lumilipad ang isip ko sa kung saan. Si Hubert lage ang laman ng isip ko. Asan na siya? Ok naba siya? Lumayo na ako kaya sana ok na siya!!!
HUBERT!
HUBERT!
HUBERT!
SCREEEEETCHHHHH >>>>>>>>
“EDEN!!!!!!!”
Author’s note :
Ahuhu next chapter ay ang last na chapter na.
So please Read.vote.comment and be my bebe too…
Ang epilogue ay pagkatapos ng last chapter……
Istoryaniangge.<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top