TWENTY-ONE ^.^ Second Part

 

EDEN POV

Maaga akong gumising kasi ngayon ang ikatlong buwan namin ni Hubert. Kaya magluluto ako para sana dito siya mag-lunch. Busy kasi siya lately sa school at sa negosyo ng papa niya.

“Eden!!” nakita ko si Gie na naka-silip sa awang ng pinto ko.

“Nabili mo?” nakiusap kasi akong bumili siya ng cake.

“oo ito.” Nilapag niya sa lamesa yung binili niya at diretso humiga sa kama ko. Ako naman hinihiwa yung mga malalaking ingredients.

“Eden.” Tinawag ako ni Gie kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa kisame ng kwarto ko kaya nilingon ko nalang ulit itong niluluto ko.

“Bakit?”

“Nagkita na ba kayo ni Hubert?” tanong niya sa akin.

“Hindi eh. Mag dalawang linggo na since galing kami kay Mama busy daw siya eh. Text at tawag lang.”

“Talaga?” tumango lang ako kasi busy ako mag-hiwa.

“alam ba niyang may hinanda ka?” napa-isip naman ako dun. Oo nga nuh di ko pa sya na-text.

“oo nga nuh. Di ko pa siya nasabihan eh. Bakit? Nakita mo ba siya?” nilingon ko siya pero dun na siya naka-harap sa t.v. kaya nakatalikod siya sa akin.

“H-hindi kala ko lang kasi…”

“Ano?”

“Wala sige alis na ako.” Diretso naman siyang umalis.

Text ko nga muna si Hubert.

To: Kabayong Stranger

Punta ka dito ng lunch kasi nag-luto ako.

Appy 3rd montxarie alabyu

Tapos kong mag-text natawa nalang ako. Hindi ko pa pala napapalitan yung pangalan niya sa phone ko. Nagagalit siya pag iniiba ko yung spelling ng mga words kasi ang pangit daw basahin. Tss.. ganun din naman yun.

Kaso nakaluto na ako at lahat hindi naman siya nag-rereply. Ala-una na pero wla pa ding Hubert na dumating. Kasi baka may ginagawa yun.ang tanga ko naman kasi bakit kanina ko lang siya tinext?

Naisipan kong tumawag sa kanila kasi wala siya sa kwarto niya dito sa dorm naka-lock at wala ding ilaw sa luob kaya wala siya dito. Mula ng maka-uwi kami galing kay Mama hindi na siya dito sa dorm natutulog lagi daw kasi siya inuutusan ng Papa niya. Sakto sabi ng katulong niya nandun daw ang Sir niya.

Nag-punta ako agad at nag-door bell kaso tagal bago may mag-bukas. Nakita ko sa cp ko na tumatawag si Hubert. Sinagot ko naman hindi ko muna sasabihin na nandito ako sa tapat ng bahay nila para surprise.

“Hello” sagot ko kaagad.

“I love you Eden miss na kita.” Natuwa naman ako sa narinig ko. Ayie kinilig din ako!!

“I love you too. Asan ka nga pala?” nakita ko siyang nasa veranda siya ng kwarto niya.

“Ako? Sa office ni Papa.” Kumabog naman ang dibdib ko? Ano yun nasa office siya? Eh sino itong nakikita kong nasa veranda ng kwarto niya at may hawak ng cp?

“G-ganun ba?” napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba siya nagsisinungaling may tinatago ba siya?

“Oo sorry ha late ko na kasi nabasa yung text mo nakipag lunch date ako sa mga katrabaho ni Papa.” Nagulat naman ako ng bumukas yung pinto ng gate nila pinapasok ako ng katulong kaya pumasok ako.

“Ah dadalhan sana kita ng pagkain.” Diretso lang ako sa pag-akyat ng hagdan nila. Natatakot ako pero parang may nag-uudyok sa akin na umakyat pa at tuntunin ang kwarto niya.

“H-huwag na D-dadaan nalang ako dyan mamaya.” Nauutal niyang sagot. Kinagat ko ang labi ko kasi tumutulo na ang luha ko. Narinig kong may kasama siya sa kwarto.

hey tara na kain na tayo yun yung sinabe nung girl. Pagtapat ko sa kwarto niya.

“Eden?” sabi niya hindi na ako sumagot pa at hinawakan ang door knob. Eto na nangangatog kong hinwakan ang door knob niya. Hindi ko pa din pinuputol ang tawag niya.

“Hey Hubert I said lets eat im hugry!!” nanlambot na ang mga tuhod ko at tuluyan ng umiyak ako pinigilan ko ang hagulhol ko. Tama nga ako may babae sa kwarto ni Hubert at sa boses palang si Vivi yun.

“Hubert? Nasa office ka ba talaga?” tumalikod ako sa kwarto niya at naglakad na palayo.

“O-oo Bakit?” mabilis akong lumabas ng gate nila. Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Pero hinugot ko lahat ng natitira kong lakas bago sumagot.

“Bakit kasama mo si Vivi” nilingon ko si Hubert sa veranda niya kasi nasa labas na ulit ako ng bahay nila lumingon siya sa kinatatayuan ko at halatang gulat.

“E-eden wait lang baba ako.” Pinutol na niya ang tawag niya.

Sinungaling pala siya. Bakit kailangan niya mag sinungaling? Matagal naba silang nagkikita ulit ni Vivi? Galing bakit ba ako nagtiwala sa lalakeng hindi ko pa talaga kilala? Tanga ko din ni hindi nga talaga kami close pero nagtiwala ako sa kanya. Lumakad ako ng mabilis at sumakay ng jeep.

Nakatingin silang lahat sa akin. Wala akong paki sa kanila.  Ang sakit bakit ba hindi nalang niya sabihn na gusto niya talaga si Vivi? Kailangan pa kasing mag sinungaling. Nakita kong tumatawag si Issa.

“Hello be.” Naiyak ako lalo ng magsalita ako. Kailangan ko sila ngayon.

“Be? Anyare sa iyo?”

“Magkita tayo. Pupunta ako diyan sa iyo.”

Pagkadating ko nandun na din pala si Gie sabi nila kaya sila tumawag kasi kakamustahin daw nila yung hinanda ko. Kinuwento ko yung nangyari. Siyempre galit sila.

 

“Sabi na sayo eh” sabi ni Gie.

“Aba malay ko ba na nilalandi nun ang jowa ni Eden.” Naguluhan naman ako sa kanila.

“Bakit? Ano ba ang alam niyo?” nagtinginan naman sila at nagsisikuhan kung sino ang magsasalita.

“ANO NGA??” ayaw ko man silang sigawan pero gusto kong malaman yung alam nila.

“Kasi itong si Issa nagpa-check up last week tapos nakita namin si Hubert dun pumasok sa isang kwarto ng ospital tapos syempre sinundan namin akala namin ikaw yung na-confine kaso nakita namin lumabas ulit si Hubert kasama yung Papa niya.”-Gie

“Tapos edi hindi na kami sumunod ulit kasi baka yung Papa nya yung nagpa-check up pero pagdating namin sa station ng mga nurse alam mo naman yun diba? Nandun yung mga names ng mga naka-confine sa floor na yun. Vivieka Veneracion name yun nung baliw na ex niya diba? Kasama yung Vivi na yun sa listahan ng naka-confine”-Issa. Lalo akong naiyak sa sinabe nila.

“Sa luob ng dalawang linggo na hindi kami nagkita kasama niya si VIvi?”

“Baka may sakit yun? Tapos nagmakaawa kay Hubert tapos hihiwalayan ka na ni Hubert.”-Gie

PAK!

“Tengene ka be sige sabihin mo pa yan baka magpakamatay na ito.” Hindi rin naman Malabo yun baka nga may sakit si Vivi. Mabait masyado si Hubert para matiis yun ni Hubert.

“Tama nga si Gie baka nga ganun. Malay natin na hindi siya maiwan ni Hubert kasi may sakit siya diba? For sure pag gumaling na siya ok na ulit ang lahat.” sagot ko.

“Ha? Ayan kung ano-ano kasi sinasabe mo eh. Hoy! Eden! Wag ka ngang maniwala sa litanya nitong si Gie tanungin mo muna si Hubert baka naman kasi Nag-loloko yang boyfriend mo.” Nasaktan nman ako sa sinabe ni Issa paano nga kung niloloko lang pala ako ni Hubert.

“Pero Be alam mo mas mabuti mag-usap kayo kasi kahit ano man ang sabihin namin ni Issa hindi talaga namin alam ang tototo kuro-kuro lang ang mga sinasabe namin.”-Gie.

“Ayoko hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.” Naiiyak ako pero wala naman ng luha naubos na ata.

Nakita ko naman ang cp ko. 30 messages mula kay Hubert puro.

 

Sorry kung nagsinungaling ako.

Magkita tayo pls.

Sagutin mo ang tawag ko.

Eden ko sorry na.

Plus 57 missed calls.

Malo-lowbat na nga din ako  kasi kaka-vibrate ng phone ko.

SORRY? Sa tingin niya maniniwala ako sa kanya.

Kakapangako lang niya sa akin na tutulungan niya ako maka-move on kay Carl tapos ng maka move on na ako siya naman itong pumalit.

I hate you HUBERT VALENCIA!!

Yun ang ti-next ko sa kanya at pagkatapos binura ko na siya sa contacts ko. Huwag po kayong mag-alala kasi hindi ko kabisado number niya. PROMISE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top