TWENTY-ONE ^.^ First Part
HUBERT P.O.V.
“Eh nag-momodel ka ba? Ang kinis mo kasi.” Kausap ko ngayon si Darlene. Hindi ko ito talaga kilala kaso kinausap ko na kasi ang tagal ni Eden.
“Ah hindi maalaga lang talaga ako sa sarili.” Ok aaminin ko na hindi ko na-eenjoy kausap ito halata naman kasing flirt siya pero no choice walang ibang magawa tapos magkagalit pa kami. Si Eden naman kasi kung makapag suot ng short ang ikli bakit hindi nalang niya i-try mag panty pero naku lalo kaming mag-aaway nuh ayoko pamanding may ibang tumitingin sa kanya kumukulo dugo ko eh.
“Ate halika na.” yaya ng kapatid ni Darlene.
“ah sige wait lang…… Hubert pwede bang makuha ang number mo?” naka-ngiti niyang tanong.
“Hindi eh……” bumusangot naman siya pagka sabi ko nun
“Bakit? Hindi ko naman ipapamigay.”
“Nope kasi magagalit ang girl friend ko ……” naalala ko naman si Eden bakit naunahan pa siyang matapos ng kapatid ni Darlene nauna pa kaming dumating dun sa dalawa.
Pagtingin ko sa inuupuan ni Eden kanina iba na yung naka-upo. San yun nag-punta.
“Si Eden po?” sabi ko dun sa naggugupit.
“Eden? Si Den-Den? Kanina pa yun umalis mag-isang oras na.”
“Isang oras?”
“Oo pa ulit-ulit? Nainis ata kasi hindi mo siya napansin kanina. Hindi mo ba nakitang dumaan sa harap mo yung GIRLFRIEND MO???” sige pagkadiinan mo pang kasalanan ko!! Tanga ko naman oh!!
Napatakbo ako palabas ng Mall. Badtrip nanaman yun sa akin.
“Hubert!” nakita ko si Darlene. Lumapit agad ako iwan daw ba ako ni Eden dito sa mall hindi ko nga kabisado itong lugar nila.
“Darlene pwede favor? Pahatid naman oh hindi ko kasi alam itong lugar niyo.” Natawa naman siya.
“nag-away kayo ng gf mo? Sige ihahatid kita saang lugar ba yun?” nakahinga naman ako ng maluwag kung hindi ko naging-close itong si Darlene hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.
Napak-immature ko naman kasi para short lang nagagalit na ako sa kanya. Akala siguro nun nakikipag landian ako kay Darlene. Utak din kasi nun medyo wild.
Buti nalang alam ko yung pangalan ng brgy. nila. Pag-dating ko sa bahay nila nakita ko si Eden naka sandal sa kotse ko halatang hinihintay akong dumating. Pinagupitan niya ang buhok niya pero lagpas pa rin ng leeg tapos nagpa-bangs din. Naka-lugay lang siya ngayon pero naka-salamin pa din ng Makita ko siyang naka-short nainis nanaman ako kaso kailangan ko pa palag mag-sorry sa kanya.
“Eden.” Nilapitan ko siya nakita kong napalingon siya sa likod ko kaya lumingon din ako nandun pa pala si Darlene ngumiti ako kay Darlene tsaka siya sumakay ng kotse niya at umalis. Hinarap ko ulit si Eden na naka-kunot ang nuo. Nang lalapitan ko na siya pumasok naman siya sa loob ng bahay. Sumunod ako siyempre for sure mag-aaway kami nito sa luob. Si Tita naman pumasok ng kwarto niya pero ngumiti muna sa akin.
“Babalik na ako sa dorm.” Nagulat naman ako sa sinabe niya.
“Kadarating lang natin kahapon.” Naka-kuyom ang kamao niya. Patay galit na.
“Wala naman tayong gagawin dito. Nagkita na kayo ni Mama napakilala na kita kay Carl kaya uuwi na tayo.” Ganito pala siya pag sobrang galit talim makatingin eh.
“Eden naman dito nalang tayo. Tsaka galita ka ba? Sorry na kung hindi kita napansin na umalis ka na kanina sa parlor. Ikaw nga iniwan mo ako dun kahit alam mong hindi ko kabisado ang lugar niyo.” Lumapit siya sa akin at hinampas ng paulit-ulit yung dibdin ko . Umiiyak siya aisst ok napaiyak ko siya. Nakaka-konsensya kaya niyakap ko.
“Sorry na.” pero umiiyak pa rin siya.
EDEN POV
“Sorry na.” Langya naman oh dapat galit ako sa kanya eh. Kaso ng iwan ko sya sa mall at pagdating ko sa bahay naalala ko si Carl yung nangyari sa kanyang aksidente. Hindi nga pala niya kabisado itong lugar naming pero iniwan ko siya dun. Paano nalang kung magaya sya kay Carl? Eto ang hirap sa akin pag galit ako hindi na ako nag-iisip pa.
“Sorry kasi iniwan kita. Ikaw naman kasi nakikipag-landian ka nanaman eh. Kada mag-aaway tayo may kausap kang iba. Tss puro pa mandin magaganda yung umaaligid sayo.” Parang bata kong sabi habang siya yakap pa din ako. Narinig ko siyang tumawa.
“Hinihingi nga ni Darlene number ko. Hindi ko binigay kasi alam ko magagalit ka. Selosa ka pa man din.” Hinarap ko naman siya at pinisil ang pisngi.
“Bakit ikaw din seloso para nag-short lang ako galit ka na agad. Hindi tuloy ako maganda kakapagupit ko pa man din pero namumugto yung mata ko.” Hindi ko pa rin naman binitawan yung pisngi niya.
“Syemre mahal kita kaya nag-seselos ako sa mga lalake sa paligid ikaw ba hindi mo ako mahal?”
Natawa naman ako na-realize kong para kaming bata. Nag-aaway tapos mamaya ok na para konting bola lang sa akin ok na agad kami…… tss mahal ko kasi……
Lumipas ang isang linggo na nag-libot lang kami sa lugar namin. Nag-pasukan ulit at second sem na ng unang taon ko sa kolehiyo. Daming nangyari sa unang sem lalo na sa ikalawang sem pero sana maganda.
Author’s note:
Yown hirap gumawa ng POV ng lalake medyo parang nagiging gay eh. Pero straight po si Hubert ahehehe. 0.5 lang itong UD na ito ibig sabihin may isa pang twenty-one next ud.
Vote. Comment. Be my fan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top