TWENTY-FOUR ^.^

 

GIE P.O.V.

Hindi namin inaasahan ang mga nangyari nuong bakasyon. Madaming nagbago. Siyempre kay Eden sobrang lake ng nagbago. Nuong March pagbalik ni Eden sa Mama niya nakatanggap kami ng tawag na naaksidente si Eden. Wala kaming clue kung ano ba talaga ang nangyari. Kinabukasan, dumating kami sa ospital at ang sabi inooperahan daw si Eden dahil nabulag ang kaliwa niyang mata. Halos gumuho ang mundo ni Tita lalo na at ang tagal ni Eden bago magising.

Si Hubert? Ok lang siya buhay. Balita namin nasa Cebu siya at dun nagpatuloy ng pag-aaral. Halos mabaliw si Hubert sa pag-aalala kay Eden laging tumatawag sa amin. Ang masaklap lang si Eden hindi na siya nagtatanong ng kahit ano tungkol kay Hubert. Nuong una akala namin kaya hindi niya binabanggit si Hubert kasi gusto niya nang maka-move on. Kaso ng mag-usap kami ni Issa ng topic tungkol kay Hubert wala siyang reaksyon. Akala lang namin trip lang niyang magpaka lokaret at kware nakalimutan na niya si Hubert pero hindi ang sabi ng Doctor amnesia daw.

Amnesia? Nakaka baliw pero ganun nga. Sa sobrang pag-iisip ni Eden kay Hubert eto ang naging epekto nakalimutan niya. Kinalimutan niya ang taong sobrang nanakit sa kanya. Kaso hindi namin ma-gets bakit lage nalang nasa Diary ni Eden si Hubert. Minsan pinakielaman namin ni Issa ang bag at gamit niya wala kahit anong gamit mula kay Hubert sabi ng mama niya tinapon na daw.

Ngayon nasa restaurant kami ni Issa at hinihintay si Hubert. Next week palang ang pasukan kaya naman pwede pang gumala. Dumating din sya agad ng naka-ngiti. Pero ng ikwento namin ang nangyari kay Eden at ang tungkol sa amnesia walang tigil sa pag-iyak si Hubert. Dati akala ko pag ang lalake mukhang bakla pag umiiyak pero hindi iba yung kay Hubert. Ramdam mo yung pagmamahal, pagsisisi, panghihinayang. Ilang buwan lang silang nagkasma pero pang habang buhay na ang pagmamahal nya.

Sakripisyo ang salitang nakatatak na sa pagkatao ni Hubert. Mahirap para sa kanya ang iwan si Eden at unahin ang iba pero mas mahirap tanggapin na limot ka na ng taong mahal mo.

“Eto yung Diary ni Eden.”-Issa. Nagpunas ng luha si Hubert at binuksan ang unang pahina. Lalo siyang umiyak hindi ko alam kahit na mali ang pagbasa ng sariling diary ng iba pero ginawa namin. Kailangan namin malaman ang nararamdman ni Eden para matulungan namin siya.

Nagtagal kami kasi hinintay namin matapos si Hubert sa pagbabasa. Nagpaalam din siya kasi babalik daw muna siya ng Cebu. Pinuntahan namin si Eden sa dorm nya, dun pa rin sya sa dating dorm niya. Umalis na rin naman dun si Hubert kaya ok lang.

Naabutan namin si Eden nakatayo sa pinto sa isang kwarto malapit sa kwartong inuupahan niya. Yung kwarto dati ni Hubert. Kinatok niya ito at masayang niyakap ang lalakeng nagpapasaya sa kanya.

“Gie” malungkot akong tinawag ni Issa. Tiningnan lang namin si Eden na kayakap ang taong nagpapasaya sa kanya si Troy. Hindi ko maisip at hindi ako naniniwalang si Troy ang mhal niya. Kasi lahat ng ginagawa nila ni Hubert dati gusto rin niyang gawin din nila ni Troy. Naiinis ako kay Troy bakit kailangan niyang gamitin ang kahinaan at kawalan ng pagmamahal ni Eden para magustuhan siya nito. Hindi ba niya naiisip na niloloko niya ang sarili niya kasi ginagaya lang niya si Hubert para lang magustuhan siya ni Eden.

“Oy anong tinatanga niyo diyan?” pumasok kami sa kwarto ni Eden. Hinunta siya ni Issa sabay palihim kong binalik ang diary niya sa drawer niya. Ang daming nangyari sa buhay ni Eden sa unang taon ng kolehiyo.

Sorry kung bakit ako ang nag-kwento kung ano ang nangyari. Naiintindihan niyo naman diba? Paano maikukwento ni Eden kung sya nga ang sarili niyang istorya limot na niya. Ang hari sa kaharian niya bura na sa ala-ala niya. Kung dito ko man tinapos ang kwento nila hindi ko masasabing hindi nila maari pang ituloy. hindi pa rin naman natin masasabi ang takbo ng panahon. Pabago-bago ang lahat malimutan man ng isa ang lahat natira pa rin ang isang pwedeng magpa-alala. Kung ito na ang wakas sila na ang bahala kung ano mangyayari sa susunod nilang mga bukas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top