TWENTY ^.^

 

Two months na ang nakalipas mula ng i-try namin ni Hubert na mag-work ang special relationship namin.

Mabait si Hubert, sweet, gentleman, bolero at totoong tao. Ang dalas namin mag-away kasi may pagka-seloso sino ba nagsabing madali ang magkaiba kayo ng school ng boyfriend mo. Nakakaaning noh? OO sinagot ko siya kinabukasan din ng pumayag akong i-try ang lahat para maka-move on na ako. Nag-dedate kami, nag-bobonding, at out of town trip lage kami basta may time. Tss… porket mayaman lang ang gastos niya lagi tuwing may date kami.

Na-realize ko rin na matagal na pala akong naka-move on kay Carl sadyang takot lang akong subukan ulit na magkagusto sa iba. Hindi naman kaming perfect couple ni Carl dati ang saya lang talaga ng mga panahon na iyong kahit three months lang kami at hindi nagtagal sya lang ang taong mamahalin ko ng ganun. Wag niyong mamasamain ang sinabe ko. Mahal ko rin si Hubert at iba yun sa pagmamahal ko kay Carl hindi naman pwedeng pantay lang sila diba? Pero ngayon mas mahal ko talaga si Hubert. Si Carl ang first love ko si Hubert sana ang true love ko.

“Hubert daan tayo sa sementeryo.” Nasa daan kami ngayon papunta kay Mama ipapakilala ko na siya kay Mama pero siyempre kay Carl muna.

“Sige” sandali lang naman at nakarating din kami agad.

“Dito Hubert” tinuro ko ang puntod ni Carl. Halatang wala masyadong dumadalawa kasi madumi yung puntod nasa ibang bansa na din kasi sina Tita pagkatapos mamatay ni Carl.

“Sino yan?” naka-kunot nuo niyang tanong

“Si Carl” nag-nod lang siya. At hinawakan ako sa bewang para magkalapit kami.

“Hi Carl!.......” napatigil agad ako kasi tumulo na agad ang luha ko. Pinat naman ni Hubert yung ulo ko sign na nandiyan lang siya for me.

“Si Hubert nga pala boyfriend ko…… sana wag ka ng magalit ha. Sorry talaga ikaw kasi eh iniwan mo ako para nakipag-break lang ako umalis ka naman ng tuluyan.” Pinunasan ni Hubert yung luha ko

“I love you Carl……” sabi ko pero hinalikan ako ni Hubert sabi na eh mag-seseos ito.

“Mas mahal kita baliw sa tingin mo mag-I love you too pa yan sayo… tss pati sa patay pinagpa selos mo pa ako.” Naka-nguso niyang sabi.

“Tangek! Kaso Carl mas mahal ko itong mokong na ito eh” at tinuro ko si Hubert ngumit naman ng nakakaloko si Hubert.

“Narinig mo yun pre? Kaya huwag mo nalang akong mumultuhin sige ka lagot ka sa girl friend ko.” Natawa naman ako sa sinabe niya.

“Baliw halika na nga. Bye Carl”

At nag-diretso na kami sa bahay namin. Hindi kami mayaman kaya naman nagulat si Mama ng makitang de-kotse si Hubert

“Hija!” yinakap ako ni Mama. Naiyak naman ako kasi na-miss ko siya ang tagal namin hindi nagkita puro tawag at text lang.

“Ma si Hubert po” ngumiti naman si Mama at nagmano naman si Hubert

“Musta na po?” tanong ni Hubert.

“Ok lang hijo ngayon nalang ulit tayo nagkita.” Nagkita na sila?

“Kelan naman kayo nagkita? Don’t tell me may secret affair kayo?”

“Baliw nag-lunch date kami kasama si Mama” sagot ni Hubert

“Oo anak at ang bait ng byenan mo botong boto sa iyo.”

“Kelan pa kayo naging close ni Tita?” naka-nguso kong tanong.

“Simula ng i-set namin ang wedding niyo”

“TAKTE TINOTOO NIYO??” nagtakip sila ng sabay ng tenga nila.

Ok magkasundo sila :(

Ahehehe pero ok na din ito as in diba wala ng problem sa amin ni Hubert.

Wala na nga ba?

******

“Ma..” nilingon naman ako ni Mama. Kasi busy siyang ayusin ang mga dala kong damit isang linggo kami dito ni Hubert sem break naman eh.

“Bakit?” tuloy pa din siya sa pag-aayos.

Nasa tapat ako ng salamin sa kwarto ko dito din matutulog si Mama kasi gagamitin ni Hubert yung kwarto ni Mama. Hindi naman pwedeng dito siya matulog sa kwarto ko edi nasapak siya ng nanay ko.

Niladlad ko ang buhok ko na hanggang bewang na. Medyo wavey na nga kasi lage itong naka-tirintas. Hinubad ko din ang salamin ko. Nakakapanibago palang Makita ang sarili ko na ganito ako.

Miserable pala talaga akong tingnan sa nakalipas na apat na taon. Para akong patay na buhay. Siguro para kay Issa at Gie pati na rin kay Hubert normal lang akong tingnan ng ganito. Kaso ang totoo hindi naman ako ganito dati palangiti ako at ayoko ng mahaba ang buhok, ayoko ng nakasalamin kahit na Malabo ang mata ko.

“Huwag ka ngang magpaikli ng buhok kasi lalo kang gumaganda, lagi kang mag salamin kasi natatago nun at hindi nakikita yung nakaka-akit mong mata. Pwede ba sa akin ka lang ngingiti kasi baka may mainlove sayong iba.”

Tanda ko pa yung mga sinabe sa akin dati ni Carl. Ayoko siyang sundin dati kasi conscious ako sa itsura ko dati ng sobra. Pero mula ng mangyari yun kay Carl naiba ang lahat naisip ko na kung walang magkakagusto sa akin walang matutulad kay Carl at kung lalayo ako walang masasaktan. Kaso ganun pa din nagkagustuhan pa rin kami ni Hubert sana lang walang masamang mangyari sa kanya hindi ko na talaga kakayanin pa.

Nilingon ko si Mama pero ngayon naka-ngiti na siya at nakatitig sa akin.

“Ma gusto ko ng magpagupit.” Nagulat ako ng yakapin ako ni Mama.

“Anak buti ok ka na.” humahagulgol na siya.

“Sorry ma kung pati  ikaw nahirapan kasi ang tagal ko bago naka-move on.”

“Hindi anak. Wala ka naman talagang kasalanan sadyang oras nalang talaga ni Carl at kailangan na niyang umalis.”

Ngayon ko nalang ulit niyakap si Mama, ngayon nalang ulit talaga ako naging masaya. Ngayon nalang ulit ako ngi-ngiti ng taos puso. Ngayon nalang ulit bumalik sa dati ang lahat. Wala man si Carl pero parte pa rin siya ng buhay ko. Si Carl ang lalakeng una kong minahal at isa sa humubog ng pagkatao ko.

*****

Kinabukasan,

“Hubert tara!” hinila ko si Hubert palabas ng bahay tapos na rin naman kaming mag-almusal. Hindi kami mayaman kaya maliit lang ang bahay namin. Sakto lang sa amin ni Mama kasi si Papa matagal na daw patay sabi ni Mama.

“Saan ba tayo pupunta?” naglalakad kami ni Hubert habang HHWW kami. Tumitingin sa amin ang mga kapit bahay namin. May isang taon na din kasi akong hindi naka-uwi sa amin.

DEN-DEN LALO KANG GUMANDA!

DEN BUTI OK KA NA!

AYIE DEN NOBYO MO BA YAN KA-GWAPO NAMAN!

Nginingitian ko nalang sila. Nakaka-mis din naman kasi sila. Lalo na yung mga bunganga nila tuwing umaga.

“San tayo pupunta?” nakatingin si Hubert sa akin at napapansin ko lang kanina pa siya naka-nguso

“Sa mall. Tsaka ano ba ang nginu-nguso nguso mo?”

“Bakit ka ba naka-short lang? tss mapapa-away ako niyan eh.” Natawa nalang ako sa sinabe niya. Ano bang masama sa Short na maikli pero hindi naman short short nuh ay wait hindi ko alam tawag dun basta ang suot kong short ay maikli pero lagpas pa rin naman sa pwetan ko ano bang tawag dito? Haisst ewan basta may suot akong short na hindi naman ako masisilipan.

Pag-dating namin sa mall.

“Mall lang ba ang pinunta mo at umuwi ka dito sa inyo? Dapat hindi nalang tayo nag-punta ng malayo kung Mall lang din ang tourist spot dito sa lugar ninyo.” Inis niyang sabi. Medyo nainis naman ako sa kanya umaandar na naman kasi yung toyo niya.

“Mag-papagupit ako!!! Tsaka ano ba talagang problema mo?” nakapamewang kong sagot.

“Tss……” tapos naglakad na siya papunta dun sa gupitan.

Inirapan ko nalang siya at inunahan siyang pumasok. Sinasabe ko na sa inyo sa loob ng dalawang buwan na relasyon namin hindi matatapos ang isang araw na hindi siya totoyoin. Naku kung hindi ko lang mahal ito sinipa ko na.!!

Inassist naman ako agad ng mga tauhan ng parlor matagal na nila akong customer kaya kilala na nila ako. Habang ginugupitan ako dahil sa naiinis pa rin ako kay Hubert hindi ko maiwasang sumimangot.

“Den-Den tingnan mo yung girl kinakausap yung boyfie mo.” Bulong sa akin nung friend kong beki. Nilingon ko naman ayun busy makipag-chikahan si Hubert at aba todo smile ha!!! Sige magpaka-saya ka tingnan natin mamaya.

“Naku gupitan mo nalang ako!” sagot ko at tinext ko yung dalawa.

Hmmpp… nakakainis na laging ganya si Hubert lage eh. Kapag mag-aaway kami makikita ko nalang minsan may kahuntahan na babae. Minsan naman si Vivi naman sakay niya sa kotse niya. Like DUH hello EX mo yan! Sarap isampal kay VIVI ang mga kamay ko kaso. Kapag sinaktan ko at sinampal si Vivi masasaktan din ako kasi kamay ko yung ipang sasampal ko kaya wag nalang.

“ok na” sabi sa akin ng naggupit sa akin. Dumiretso ako sa cashier at nagbayad. Nadaanan ko si Hubert naka-upo kasi siya sa sofa at hindi niya napansin na dumaan ako at yun nga kahuntahan niya pa rin yung babae. Sa inis ko lumabas na ako ng parlor at umuwi BWISIT!!!! G-R-R-R

Author’s Note:

Ano ba naman yan yung Chap.19 ok na eh tapos itong 20 LQ agad?

Ayaw ata ni Author ng happy ending agad!! Ahehe.

Vote.Comment.be my Fan.

Thank you sa pagbasa hart HART!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top