TWELVE ^.^

TWELVE ^.^

“Ok na ba?” pagsisigurado ko kay Mama Say

“Naman! Ganda mo nga eh. San ba ang date nyo ha?” kinikilig na tanong ni Mama Say

“Date? Wala po! Birthday daw po ng Mama ni Hubert kailangan daw nya ng kasama” hinatak ko pa taas ang suot kong tube na dress mahirap na baka malag-lag.

“awsus ganun na din yun! Sige labas na ako ha bumaba ka na kasi kanina ka pa hinihintay ni Hubert!”

“Sige po.” Konting retouch lang at ayos ng hair .. LARGA NA!!

Bumaba ako at nakita ko si Hubert na nasa labas na nakasandal sya sa kotse nya .. hmmm HOT lang eh! ..

“uy!!” humarap naman sya sa akin at tumaas naman ang kilay nya,

“mukhang tao ah!!” sarcasm!

“wow ha thanks!” binuksan ko na ang pinto ng kotse at umupo na ikwento ko bang hindi sya gentleman madalas? Oo MADALAS!!

“You’re always welcome miss beautiful!!”… oh sht! BEAUTIFUL? Oh gosh!!!.. *blush*

“tss.. I take it as a compliment mister!.. here!” sabay hagis ko ng regalo para sa mama nya

“gift?”

“Gift? Hindi ah tinapa yan! Luto mo dag-dag handa ng Mama mo! Tss.. malamang gift!” oshut!! Kinikilig talaga ako..ang gwapo ng kasama ko ang ganda ko daw sabi nya!! HEAVEN!!!

“tinapa? No need mayaman kami no! kumuha si Mama ng events organizer kaya sure marami kaming handa!”

“sabi ko nga! Halika na gutom na ako!”

“sige ….. papakilala din kita kay Mama as my girlfriend

“Ha?”

“Wala!! Bingi naman lage!!”

 

Kung usapang sosyal lang din naman ang yaman talaga ng pamilya nya, ang pagkaka-ayos ng garden ng bahay nila extra ordinary pang sozy! Ang foods alien puro hindi ko alam pero masarap naman, at ang mga tao sa paligid ko masasabi ko lang O.P. ako kaya i-enjoy nalang itong foods sa plate ko kasi iniwan ako ni Hubert saglit. Dahil sa super inip na ako at hindi ko naman alam ang nangyayari sa paligid eh nagpunta muna ako sa kung saan,napad-pad ako sa fish pond nila dun ako sa gilid naupo.

“BORINGGG!!!” nag-inat inat nalang ako pang-alis antok alas-onse na din ng gabe kaya siguro inaantok ako. Paglingon ko naman sa kanan ko.. OOOPSSS istorbo ata ako kasi may love birds na alam nyo na nag-sasarili kaya makaalis na nga lang.

Lakad. Lakad. Lakad.

“Eden!” nakita ko din sya sa wakas.

“san ka ba galing bakit umalis ka dun sa upuan mo?” pagsesermon nya

“wow ha! Grade school lang ang peg? Ikaw bay an Nay? Eh sa nainip ako kaya naglakad muna ako.”

“halika ipapakilala kita kay Mama, ….tsaka ” kumamot naman sya sa batok nya

“tsaka? Ano…?”

“basta kapag tinanaong ka sabihin mo Oo.. puro Oo o kaya yes, Opo, Oho! Ha!!” ngumit sya ng nakakaloko.

“bakit naman?” baka pagti-tripan nanaman ako nito!

“basta!!”

“GEH!?”

“Ma!” nakita ko ang isang medyo may edad na babae na aba magada at sexy pa rin.

“Hi my dear!” kiniss sya nito sa cheeks how sweer? Ahehehe

“Ma ano ba hindi na ako bata!” pinunasan nya yung pisngi nya.

“Arte mo! Buti nga mahal ka ng nanay mo eh ang yabang mo nga eh!” bulong ko sa kanya.

“Eden?” woow kilala ako ng Nanay nya.

“Po?” lumapit sya sa aki

“So you’re Eden ang girl friend ni Hubert ko?” WTH!

“Hindi po mag kaibigan lang po kami!!” naknang san nya naman nasagap yung baltang yun?

“tama ka Ma. Eden is my inspiration kaya tumataas ang grades ko ngayon, hindi na rin ako nakikipag-away!” todo ngiti pa sya at feel na feel ang sinasabe nya.

“Really Son? Eden ise-set ko na ang kasal nyo! Tsaka ako na ang bahala sa kung saan kayo magpupunta sa honey moon nyo, Paris? Hawaii? Hmmm… san kaya?” hala sineryoso naman ng Nanay nya!

“Po? Ahehehe hindi po kami magkasintahan ni Hubert! Joker ho kasi itong Hijo nyo! ahehe” kinakalabit ko naman itong isa pero no comment at natatawa lang dun sa gilid.

“halika Eden akyat tayo sa taas tatawagan koang parents mo para maayos na ang kasal” hinatak nya ako papasok ng bahay nila pero si Hubert ayun walang ginawa para maliwangan ang nanay nya

“Madam? Wait po hindi po ako jowa ng anak nyo! Tsaka minor pa po ako,,” nag-diretso lang sya ng lakad hindi ako iniintindi…. HELLLLPPP!!!!! (OoO)

~Kinabukasan~

“Sosyal talaga oh ganda ng school.” Ang layo ng itsura ng school na ito sa school namin na tutumba na yung mga  building kapag na hipan ng hangin.tumapat ako sa isang malaking gate na may tatlong guard at puro sasakyan sa luob na naka-park.

“sosy talaga!!!” nga-nga mga pre labas palang pang mayaman na paano pa kaya ang c.r. nito? Sure de-flash yun sa school naming de-timba lang eh.

“Kuyang guard pwede pa tawag si Hubert?” tiningnan naman ako ng masama nung guard

“Hubert ano? Hija maraming Hubert sa mundo! Baka gusto mong sabihin ang apelyido nuh?” sungit!

“ah… Hubert Valencia po.” Sapakin kitang guard ka eh!

“Bakit hindi mo nalang i-text?” paki mo ba? Tawagin mo nalang

“wala akong load eh! Baka gusto mong pa-loadan ako kuya? Tawagin mo nalang!” echos to eh!

“Bakit naman kita susundin? Hindi ka naman nag-aaral dito diba?”

“eh inutusan ako ng Mama nya eh!!!! Tsaka kung hindi mo naman pala talaga kayang tawagin sabihin mo na ng makalayas na ako! Trabaho mo yun ayaw mo naman gawin!!”

“ang trabaho ko magbantay ng seguridad hindi ang maghanap ng taong nawawala.” Tumataas-taas pa kilay nito!

“oo nga alam ko yun!!! Aisst hina mo naman eh!pag pumasok ako diyan makakagalitan ka, kayo! Tapos pag hindi mo nama tinawag si Hubert susumbong kita!!” hina umintindi nito oh.

“budol-budol ka eh!! Baka nga martilyo gang ka din?”

“Ano? Sa ganda kong ito mukha akong gagawa ng masama?? Alam nyo bahala na nga kayo sa buhay nyo!!! Mga mukhang Gorilya!!!!” nakakainis ang init na nga hindi pa ako iniintindi at talgang sinbe pang mukha akong criminal??

Ito namang lintik na Hubert na ito hindi manlang mag-reply.. tss TUBIG!!!! Ang init sobra!!! Ayun may convenient store oh!! Yung kulay green na number ang pangalan!!..TUBIG!!! takbo agad ako sa lagayan ng tubig di ko alam ang tawag dun eh.. pero may isa akong napansin nandun si Hubert nakikipag-date!!! >,< hirap na hirap akong hanapin to yun pala nakikipag-date lang, at ang matindi hawak pala nung girl yung cp kaya pala pinapatay eh..

Lalapit na ako kasi naman ang bigat ng dala kong box malay ko ba kung ano ang laman nito!. Nilapag ko yung box ng padabog, halatang nagulat si Hubert ng makita nya ako,

“Haist kanina pa kita tine-text at tinatawagan!” sabay tangal ko ng salamin ko.” Yun pala hawak ng date mo yung phone mo kaya pala kanina pa may pumapatay sa tawag ko, hayan na ang pinapadala ng Mama mo. Sige alis na ako.” Tss bwisit yun hirap na hirap akong dalin yun tapos makikita ko syang may iba? Teka hindi yun ang dahilan ng pag-init ng ulo ko! Kasi mainit ang panahon tapos mabigat pa yung bitbit ko tapos makikita ko pa sya na may kasama pang iba?!!! Tss… Badtrip!!

Tinakbo ko yung terminal kasi naman ang init eh.. yung pinaka unang bus na dumaan yun agad ang sinakyan ko,, ubos din ang pera ko pati yung klase na dapat pumasok ako hindi rin ako naka-pasok nakakhiya lang talaga kay Tita,.

1 message Receive

From: Kabayong Stranger

 Hey! Asan ka? Hahatid kita!

To: Kabayong Stranger

Wag na. Geh bye!

 

Kabayong Stranger Calling ……

Tinanggal ko yung battery ng phone ko.. tss bahala ka!! Bakit ba ako tinotoyo ngayon? Siguro magkakaroon na ako nito!! Tama! Tama!

Maggagala nalang ako mag-isaJ tama!!!!

Authors Note:

Hello po sa mga friends ni Eden sa Church sabi niya may nag babasa daw nito!!!

Kaway Kaway!! :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top