TEN ^.^

“Robie??,,,,,,”

“hi girls!” bati nya sa amin todo ngiti naman yung dalawa. F.C. naman tong si kuyang hand sanitizer.

“a-ano ginagawa mo dito?” nangangatal kong sagot

“kasi si Rodjie my brother is looking for you. Kanina pa nga ako tinatanong nun kung nakita daw ba kita! Kaso may klase ako kanina. Wait i-text ko sya,” bubunot na sya sa bulsa nya.. oh my what should I do????

“oh my god.!!!!!!!!!!!!!!!!” Biglang sumigaw si Gie kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

“b-bakit?” kinakabahan kong tanong kasi baka si Rodjie nasa paligid lang.

“LATE NA TAYO SA MAJOR NATIN!!!!!!!!!!!!!” nag-hehesterical nyang sigaw,

“oo nga….. halika na be!!! Sige bye kuya!!!” hinila nila ako paalis sa lugar kung saan naiwan si kuya na naka-tanga dun at nagulat sa inasal ng dalwa

“haaaaa….haaaaaaa..” hinihingal kaming lahat sa layo ng tinakbo namin.

“s-salamat haaaaa hindi ko na nga alam ang gagawin ko kanina eh …haaaaa..” habang sapo ko ang dibdib ko sa hirap ng pag-hinga ko.

“mukha ka ngang hihimatayin kanina”-issa

“ahahaha para ka ngang matatae eh!!! bwahahahaha”-Gie

“pero sige na nga.. ayoko na!!! ayoko naman dun sa kapatid nya eh!!” nagmamaktol kong sabi

“edi magpalit ka ng number.”-Issa

“bili ka ng bagong phone tapos bigay mo yung dati sa akin. ahahaha”-Gie,, tss pulubi talaga to.

“hindi nga seryoso ayoko ng isang lalaking torpe.” Madiin kong sabe

“awsus baka naman bukas makalawa at sa susunod na linggo ay This guy is inlove with you pare na ahahahaha.”-Gie

“Never!!!” pagmamatigas ko

~Dorm~

“magpapalit? O hindi? Ano naman kayang network?” bulong ko. Nakatambay ako sa sala ng dorm ngayon.

“aissssssttt!!! Kabanas naman oh!!!!!!! arghHH!!!” sabunot-sabunot ko ang buhok ko kasi naman si Rodjie eh kanina pa-text sa akin ng text. Naka 100 miscol na nga eh!!!!

“makalbo ka nyan!”

“ay kabayo ka!!” bigla naman syang umupo sa tabi ko.

“parang ang laki ng problema mo ha!”

“talaga!”

“hindi mo ba alam kung sino ang pipiliin mo?”

“anong pipiliin? Kung TM o GLOBE na sim ang gagamitin ko? Iniisip ko ngang mag SUN eh..”

“shonga! Hindi yun! Diba may dalawang lalaki dito nung isang araw ano yun suitors mo?”

“suitors? Hindi ah!magkapatid yun.” Wow ha parang hidni ata kami nag-aaway nito ngayon.

“oh? Eh bakit sila nagpunta dito?”

“bakit ba curious ka?”

“wala kasi mukhang magaling kang mamili eh..”

“hoy! Ikaw ano ba ang pinagsasabi mo ha!”

“Hubert ang pangalan ko hindi hoy!”

“ah Hubert pala… eh ano bang trip mo ngayon naka inum ka ba ng dolfenal kaya hindi masakit puson mo kaya hindi mo ako inaaway?”

“ikaw ano ba ang pipiliin mo pamilya mo o ang sarili mo?” seryoso nyan tanong.

“oh? Ikaw pala itong may problema eh!”

“ikaw ano ang pipiliin mo?”

“ako? Hindi porket pamilya mo sila eh pipiliin mo Na sila, hindi rin porket sa ikaw ang sasaya eh sarili mo na ang pipiliin mo.”

“eh ano nga ang dapat kong piliin?”

“ yung tama.”

“tama?”

“oo naman., kasi kung ang ipinaglalaban mo eh tama edi go ka lang! kapag naman ang pamilya mo ang tama edi sila ang piliin mo”

“kahit hindi ako Masaya kung sila ang pipiliin ko?”

“oo, ngayon ka lang naman hindi sasaya eh, malay mo isang araw Masaya ka na pala dahil naisip mo na tama ang desisyon mo.”

“ah….” Sagot nya na parang ngayon lang talaga nya naisip yun

“sobra ka naman! Wag mo sabihing hindi mo alam na dapat mong piliin ang tama!”

“alam ko! Pero kasi hindi ko alam kung tama ban a piliin kong tama!”

“Malamang!!! Sobra ka naman eh!! Isipin mo nga!!”

“okieee sige salamat!!”sabay yakap sya sakin

“hoy chansing ka!!” tinulak ko sya

TOK TOK

Sabay kaming napalingon sa pinto ng kabayong ito.

Ako ang tumayo at binuksan ang pinto.

“h-hi!” naknang daga!

“oh R-rodjie?” mukhang galling sya sa bahay nila dahil naka-short lang sya at t-shirt

“hi!” bati ni Hubert sa kanya na todo ngiti

“anong ginagawa mo dito?” pagtataray ko

“kasi tinatawagan kita hindi mo naman sinasagot tapos eh hindi pa kita nakita kanina.”sabi nya habang nakahawak sya sa batok nya na parang nahihiya na,.

“yun oh namiss ka ata eh.. ahehehehe.” Biro ni Hubert na tiningnan ko agad ng masama.

“a-ayos ka lang ba? May sakit ka ba?” nagaalinlangan nyang tanong. Huminga ako ng malalim at humugot ng lakas.

“OO AYOS LANG AKO WALA AKONG SAKIT AT AYOKO TALAGANG MAGPAKITA SAYO. AYAW KITANG MAKITA AT AYOKO NA PUMUPUNTA KA PA DITO , AYAW KO SAYO HINDI MO BA RAMDAM? NI HINDI KITA NIRE-REPLY-AN KASI NGA AYOKO SAYO!” nakita kong nangingig na sya at parang iiyak na

“uy Eden wagk ang ganyan sa kanya.hinay-hinay lang” Awat sa akin ni Hubert

“m-mukhang ok ka lang naman pala ,, sige alis na ako” tumalikod sya sa akin at naglakad na paalis.

Nang tuluyan na syang makaalis hinarap ko si Hubert at tiningnan lang nya ako ng parang may pagdududa.

“Gusto mo ba talaga yung mga sinabe mo?” nakataas kilay nyang tanong at umupo na uli sa sofa

“ang alin? Yung nag sabe ako ng totoo? Oo para sa kanya din yun para hindi na sya umasa pa..” mariin kong sabi

“nasaktan mo yung tao”

“ayos na masaktan sya ngayon, kasi kapag hinayaan ko lang sya magka-ganun sa akin lalo lang sya aasa at masasaktan sya ng mas matindi sa huli.”

“wow may pinanggagalingan?” biro nya sa akin

“ikaw Hubert kung ano man iyang problema mo! Piliin mo kung ano ang tama para sa lahat! Hindi ka dapat maging makasarili at higit sa lahat matuto kang mahalin ang sarili mo!”

HUBERT P.O.V

Medyo naguluhan ako sa sinabe ni Eden kasi sabe nya, huwag daw ako maging makasarili pero matuto daw akong mahalin ang sarili ko! Eh ano nga ba ang dapat kong piliin?? Naknang! Badtrip kasi eh.. kasi sa totoo nyan may-gf ako ngayon 3 years na kami kaso ayaw sa kanya ng pamilya ko kesyo maarte, liberated, mukha daw ‘PP’, tapos eh masyado daw kung mag-make up talbog pa si Mama. Sa totoo nyan hindi talaga sya ganoon dati kaso nga lang hindi ko maintindihan kung paano siya natutong mag-inarte ng mag College na sya. Kaya eto ako problemado sino ang pipiliin ko si Vivieka na gf ko o ang nanay ko.

“Huy!” nandito ako sa kusina ng Dorm at tulaley kasi hindi pa rin ako makapag-isip

“Oh?”

“Gusto mong sumama?” sabi ni Eden na todo ngiti pa.

“Saan?” matamlay kong sagot

“Sa outing namin! Mag-babakasyon kasi kami ng mga classmate ko eh! Kailangan ko ng alalay para mag-dala ng mga damit ko so sama ka na!” arfgakgmapejp ANO DAW??

“Hanep No? ginawa mo pa akong katulong!! Wag na kung yan lang din naman ang dahilan mo!”aakyat na sana ako pero napabalik aklo sa sinabe nya

“tssss…. Sige ka! Pag si Rodjie kinidnap ako!!” nilingon ko naman sya

“oh ano naman sa akin kung ganun nga!!!”

“sama mo friend ikaw na nga itong tutulungan makalimpot eh… choosy ka pa kasi nandito naman ako!

“ha? Ano? Lakasan mo nga ang pagsasalita mo baka nag-oorasyon ka na dyan hindi ko pa alam!”

“WALA!!! Sige wag ka ng sumama bahala ka na sa buhay mo! Mamoblema ka mag-isa! Walang utang na loob to dami ko ng naibigay na advice sa iyo konting pabor lang hindi mo pa maibigay!!....” inunahan nya ako sa pag-akyat at isinarado ang pinto ng kwarto nya,, tssss.. isip bata.

Mula ng gabing magkausap kami naging magkaibigan na kami. Lage nya akong pinapayuhan. Sa school naman lage ko syang sinusundo kasi yung Rodjie umaaligid sa kanya. Tsaga nga nung lokong iyun eh kung pagtabuyan ni Eden parang kuting pero todo lapit pa rin sya saludo ako dun tunay kung umibig.

Si Vivieka naman hindi pa rin ako kino-contact mula ng awayin sya ni Mama. Noong isang linggo daw ay nakita sya ni Mama na may ka-flirt kaya sinabunutan daw ni Mama syempre ako naman hindi ko alam kung kanino kakampi,.. matagal ko ng ramdam na may kalokohang ginagawa si Vivi pero hindi ko nalang pinapansin kasi wala akong ebidensya pero nararamdaman ko na malpit na akong mapuno sa kalandian nya kaya dumidistansya na rin ako..

Haisssst… bahala na makatulog nalang nga muna!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top