SIXTEEN ^.^
GIE P.O.V. (First time ang POV niya)
PAgkatapos himatayin ni Eden binuhat siya bigla ni Hubert at nalilitong tumakbo kami papuntang kalsada. Buti may dumaan na tricycle. Pagdating naman sa ospital tiningnan siya agad ng doctor kaya naghintay lang kami sa labas.
“Anong nangyayari?” naguguluhang tanong ni Issa.
“Hindi ko din alam” sagot ni Hubert habang naka yuko at nalilito siya halata sa ikinikilos niya si Lex na pinsan naman ni Eden ayun may ka-text.
“Sino ba si Carl?” napalingon naman silang lahat sa akin. Pero si Lex lang ang halatang makakasagot ng tanong ko.
“Sino ba sya ha? Tarantad* yun pinapahirapan si Eden” galit na sabi ni Hubert.
“Si Carl sa pagkakaalam ko ex siya ni Eden.” Nagulat naman kami sa sinagot niya. Si Eden nagka-boy friend na pala?
“Asan sya?”-Issa
“Wala na …… patay na!”- Ay! Nabyuda agad-agad si Eden?
“Ano kinamatay?”-Issa
“Aksidente……” magtatanong pa sana ako kaso lumapit yung doctor hinanap pa nga yung Magulang ni Eden pero pinaliwanag naman namin sabi lang ng doctor sobrang stress at depress daw si Eden.
“Bakit ano bang problema niya?”-Hubert
“baka naman sobrang nakulitan sayo”-Issa
“Oo nga kasi buntot ka ata ng buntot eh.”-Lex
“Bakit hindi na ba sya makatulog kakaisip sa akin? Bakit mahal na ba niya ako?”
PAK!
Binatukan ko nga kung ano-ano kasi naiisip eh.
“Abnoy! Pwede ba mamaya na yang love life mo. Asa ka ng sobrang iisipin ka ni Eden baka yung si Carl ang iniisip nun..” halata naman nalungkot sya sa sinabe ko pero sa tingin ko yun nga yung totoo.
“Sige bibili muna ako ng pagkain” tapos tumalikod na si Hubert at naglakad palayo.
“Oy! Nasaktan mo si Hubert sa sinabe mo!”-Issa
“Anong gusto mo mag-sorry ako? Tss.. eh yun yung totoo! Halika puntahan na natin si Eden sa loob” dumiretso na kamin tatlo nakita naman namin si Eden nakahiga gising pero tulala.
“GALAW-GALAW BAKA MATULUYAN KA NIYAN!!”-Issa
“Makasigaw pa rang hindi Ospital?” ngumiti naman siya sa amin nun at umupo ng ayos.
“Ayos ka na?”- naupo si Lex sa may paanan ni Eden kami naman nakatayo lang.
“oo naman nuh! Nga pala insan pautang muna ng pambayad dito sa ospital ha!”
“Oo alam ko namang pulubi ka kaya huwag kang magpabaya sa katawan wala ka namang malaking pera pero kung maka abuso ka sa katawan mo!!!” kiniliti ni Lex ang paa ni Eden kaya naman tawa sita ng tawa.,
Tumatawa si Eden ngayon, pero hindi naman siya talaga Masaya.
Sa loob ng isang taon na magkakaibigan kami lagi lang siyang naka ngiti madalang siyang sumisimangot.
Ilang taon na bang hindi nagpapakatotoo sa sarili niya si Eden?
Talaga bang Masaya siya nuong mga panahong nagtatawanan kami?
Kina-umagahan nilabas din si Eden.
Nagulat kami ng biglang magpaalam si Hubert at uuwi na daw siya.
Natawa nga ako sa expression ng mukha ni Eden kasi halatang na-disappoint ng sobra. Tss. PAKIPOT kasi yan tuloy.
“Eden!!” hinagis ko sa kanya ang isang bote ng mogu-mogu, binuksan ko naman ang isang plastic ng Yuck Baby at umupo sa tabi niya nasa pang-pang kami ngayon at naka-tanga.
“Hanep Gie hanggang dito ba naman yan pa din?” natawa nalang ako sa sinabe niya. Anong gagawin ko PEYBORIT ko eh.
“Kulang pa eto pa!”tapos nilabas ko yung chupachups.
“Hoy!!! May dala din ako!!!!” tumatakbo papalapit sa amin si Issa na may dalang TOBLERONE!!
Pare-pareho lang kaming nakatanaw sa dagat napaka-calm nun ngayon. Katanghalian mang tapat pero malamig ang simoy ng hangin kasi sa gilid namin may mga puno.
“Haissst…” bumuntong hininga si Eden kaya napatingin kami sa kanya.
“Bili start na.”-Issa. Ang tinutukoy niya ay dapat magkwento na si Eden. Hindi lang talaga namin masabi sa kanya na gusto naming malaman.
“Bili na be” dugtong ko.
Wala pang ilang sandali yumuko na siya at umiyak. Tahimik ang paligid pwera lang sa maririnig mong hampas ng alon at hikbi ni Eden.
“Apat……A-apat na taon…… hindi ko na alam ang gagawin ko.” Sa oras na iyon tinaas niya ang ulo niya at tiningnan kami. Wala pa ngang nake-kwento nag-umpisa na rin kaming umiyak.
EDEN P.O.V.
Ipinangako ko sa sarili ko dati na kapag lumipat na ako ng bahay at nag-umpisang mag-kolehiyo kakalimutan ko na ang nakaraan. Hinding-hindi na ako magbabanggit o magke-kwento kung anong buhay meron ako dati. Mula ng mawala si Carl hindi na ako lumapit pa sa ibang lalaki pwera kay Kenneth pero hindi ko naman alam na may gusto pala siya sa akin. Nag-desisyon akong sa malayo mag-kolehiyo kaya pumasok ako sa Kalayaan. Nang si Hubert na ang naging kaibigan ko may-doubt man nuong una hinayaan ko nalang kasi kailangan kong mag-move on kailangan mawala ang takot ko sa mga lalake. Pero hindi pa rin pala nawawala yun.
Yumakap ako kay Gie at Issa at nag umpisa ng mag-kwetno
Flashback~
Matalik kaming magkaibigan ni Carl since elementary hindi siya madaling makasundo kasi masungit siya at ako lang naman ang kinakausap niya. Kahit na hindi siya palakaibigan mabait naman si Carl at gentleman kaya siguro naging crush ko siya. Pumasok ako sa school kung saan siya mag-highschool pero hindi naman kami magkaklase pero ok lang nagulat ako kasi ako pa rin ang natatanging babae na kinakausap niya pwera sa boys na classmate niya. Naging super close kami at naging friend ko din si Kenneth nun. Nagulat ako ng nag-iba ang routine ni Carl sa araw-araw kasi naman sinusundo at hatid niya ako sa bahay. Pupunta siya pag-week ends, magdala ng foods, makikipag-usap kay mama tapos yayayain ako sa date. Nuong una akala ko kung ano lang yun pala may meaning pala yun nanliligaw pala siya pero hindi ako informed. Mas nagulat nalang ako ng tinanong kung pwede ko daw ba siyang sagutin sabi ko sige. Aba!! Gusto ko na siya dati pa. nagtagal kami ng dalawang buwan at yun ang pinaka masayang chapter ng high school life ko. Pero hindi naman pala yun totoo.
“Ano pare ok na ba?” narinig kong may kausap si Carl kasi tinawagan ko siya tapos parang hindi nya ata alam na napindot niya.
“Oo parang natagalan naman ata ang pagbayad mo…” ano yun sales man naba si Carl?
“Carl?” nagsalita ako pero hindi naman ata niya alam na nasa kabilang linya ako.
“Pero pare kailan ka mkikipag-break?” sabi nung isa. Hindi ko alam kung ilan ba silang magkakausap dun .
“Hindi ako makikipag-break” sagot ni Carl. Break? Kanino? Sa akin ba?
“Pare naman sineryoso mo naman masyado si Eden? Diba pustahan lang naman yung panliligaw mo dun?” napatakip nalang ako ng bibig ng marinig ko iyon
“Tumahimik ka nalang pare.” Sagot ni Carl. Pinatay ko agad yung cellphone at hinagis sa pader pumasok naman bigla si Mama.
“What’s wrong hija?” lumapit siya sa akin kasi umiiyak na ako.
“Nothing Ma. I have to go.” Lumabas ako ng bahay at tinext si Carl. Kailangan ko siyang maka-usap. I have to clear things and understand everything.
Pustahan? Pinagpustahana nila ako?
Ang sakit.
Pagdating sa harap ng school nakangiti pang lumapit sa akin si Carl at nag try halikan ako sa pisngi pero umiwas ako.
“May ginagawa kaba? Tara date tayo.”yaya niya sa akin
“Date???” nakingisi kong tanong pero gusto ko na talagang umiyak.
“Yes a date? Normal naman nating ginagawa yun diba?”
“Date? At saan ka kumuha ng pera pang-date natin? Dun sa mga kapustahan mo? ANG KAPAL NG MUKHA MONG YAYAIN SA DATE NA DAHIL LANG PINAGPUSTAHAN NYO AKO!!” halatang nagulat siya dahil sa sinabe ko.
“E-eden…” namumutla na siya nun.
“Ano? Kelan mo ba balak makipag-break kapag nakuha mo na lahat ng pusta nila sayo? Pwes ako gusto ko mag-break na tayo.” Tapos tinalikuran ko na siya nun at tumawid sa kabilang kalsada.
“EDEN!!!!!!!!” sigaw ni Carl.
SCREEEEEEEEEEEEEEEETCHHHHHHHHHHHHHHHHHH ~~~
BAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGG……………………………………
Nakaramdam naman ako bigla ng kaba.
“AAAAAAAHHHHHHHHH!!!!!” nagsigawan ang mga tao sa paligid.
CARL??
Napalingon ako pabalik.
Pero hindi ako makagalaw kasi parang parang wala na akong makikitang nakatayong Carl pag humarap pa ako.
Inipon ko lahat ng lakas ng luob ko at naglakad palapit sa pinagkakaguluhan ng mga tao.
“C..a..rl.” bulong ko. Hindi ko na magawa pang guamalaw at mag-react pa. si Carl duguan at walang malay.
Si Carl………..
Si Carl………..
Si Carl………..
Si Carl………..
Si Carl………..
Si Carl………..
Si Carl………..
Si Carl………..
May yumakap sa akin pero hindi ko pinansin
“Ambulansya tumawag kayo!!!!!!!” pero ng magsalita na si Kenneth natauhan ako.
“CARRRRRRRRRRRLLLLLLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Dead on arrival… yun nalang ang huli kong balita kay Carl. Sinisi ako ni Tita na Mama ni Carl. Hindi ako nakapunta sa burol niya. May nakakita daw kasing nag-aaway kami ng mga oras na iyon ako daw ang may kasalanan.
End of Flashback~
“Hindi ko alam pero … lagi kong napapaniginipan si Carl. Lagi niya akong tinatawag. Siguro kasi gusto niyang makonsensya ako. Gusto niyang danasin ko lahat ng paghihirap kasi hindi ako nakinig sa paliwanag niya at tinalikuran siya. Ayoko na hirap na hirap na ako.” Umiiyak pa din ako. Pero may umiiyak yung dalawa tulo uhog na nga eh.
“Eden…” umiiyak pa din sila.
“Hindi ko alam ang dapat sabihin.”-Gie
“Pero Eden, baka naman gusto lang humingi ng sorry.”-Issa.
“Sorry? Pero patay na si Carl.” Natatawa ko pang sabi.
“Maraming pang out of this world na pwedeng mangyari basta gusto mong manyari. Maraming pwedeng mawala kung gusto mong iwan, pero may mga bagay din na pwede mong ibalik at itama kahit sa panaginip lang. hindi mo man mabago ang nakaraan ang mahalaga naitama mo na lahat bago mo man harapin ang bukas.”-Gie.
“WWOOOOOOOOOOOOWWW ANG LALIM!!” sabay naming sabi ni Issa. Natawa naman kaming tatlo.
Kailan ba kami magiging seryoso?
Pero kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko.
‘Maraming pwedeng mawala kung gusto mong iwan, pero may mga bagay din na pwede mong ibalik at itama kahit sa panaginip lang. hindi mo man mabago ang nakaraan ang mahalaga naitama mo na lahat bago mo man harapin ang bukas.’
ITAMA?? PERO PAANO??
Ano ba Carl?
Paano?
A/N:
Ito na ang pinaka mahabang chapter mula ng mag-umpisa tong story.
Mas mahaba pa ang mga susunod.
Para intense!!! Ahehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top