SEVENTEEN ^.^

 

“Ang haba na pala ng buhok mo.” Sinsuklay kasi ni Issa ang buhok ko ngayon sabay ititirintas.

“Sabi kasi ni Carl hindi daw bagay sa akin ang maikli.” Hanggang balakang na kasi ang buhok ko. Lagi lang naka-tirintas.

“ah..” weird ba? Pero hindi ko talaga magawang paputulan yang buhok ko.

“Tara na.” yaya ni Gie.

Pagdating namin sa beach nandun na lahat ng classmates ko at lahat kami naka-puti tradition kasi yun dito. Kasi para daw nag sign yun ng purity para mahanap mo ang iyong one and only love…

“Ok maglaro muna tayo.” Nag-games kami parangyung sa mga birthday party mga ganun tapos kumain na din pagkatapos.

“Lahat po ng sasali sa dive for your love pila na po sa kuhanan ng bote at papel” si Lex yung nagsasalita sa mic.

Nagkagulo na kaming lahat at nag-agawan sa bote.

Ganito kasi yan. Isusulat namin yung name namin sa maliit na papel at ilalagay sa bote tapos ipapa-anod tapos sabay sabay kaming mag-dive para kumuha ng isang bote. At kung sino yung makuha mo ay yun na ang partner mo. Hindi naman maguguluhan ang mga kasali kasi pink ang sa girls tapos may touch na blue naman para sa boys.

Maraming kasali may ilang tiga-Kalayaan din ang nandito siguro naggagala din kaya hindi awkward kasi familiar na yung mga face ng iba kahit hindi namin sila kilala personally.

Nagkagulo at nag-ingay ang lahat ng ihagis na sa dagat ang bote.

“Hoy Be! Wag kang lalangoy baka may sakit ka pa.”-Gie

“Pero naghagis ako ng name ko dun!” angal ko.

“Hindi pwede.” Tss. Sige na nga baka dun pa ako abutan ng hilo sa gitna.

“1,2,3………… go!!” nag si takbuhan na sila sa dagat. Gabe na pero lahat willing magbasa kahit malamig. Katuwaan lang naman itong ginagawa namin pero dinidibdib ng mga kaklase ko. Natawa ako kasi para silang sardinas na nasa tubig.

“Mga sineryoso.” Nagulat ako katabi ko pa pala si Gie

“Hoy bakit hindi ka sumali?”

“Ayoko” ito talaga. Tapos na-upo siya at nag-lollipop nalang.

“Mga be!!” maligayang lumapit sa amin si Issa pero basang-basa

“Sino nakuha mo?” nagmadali siyang buksan.

“Ito R-E eh? Napunit.” Aist tanga ipanghawak daw ba yung kamay niyang basa edi napunit na.

“Anong kasunod?” usyoso ni Gie.

“NApunit” sagot ko.

“Eh? Tanga lang be?” napakamot nalang si Issa.

“Sows sayang effort.”-Issa. Natawa nalang kami pagkatapos.

Pero syempre kung sino man yung nabunot mo ikaw na bahala maghanap. Tsaka wag mong sasabihing ikaw yung nakabunot kasi … kasi … hindi ko rin alam kung bakit bawal sabihin.

Nag-stay kami sa resort nina Lex hanggang umaga tapos nag-ayos kami ng gamit nung tanghali at umalis na din agad. Nakatulog na sila ng nasa bus na kami. Biglang nag-vibrate yung phone ko naka-silent kasi ‘to. Si Kenneth tumatawag.

“Hello?” tahimik sa akin pero sa kabilang linya ang ingay.

“Eden.”-Kenneth

“Bakit?”

“Asan ka nandito ako sa dorm mo.,. bilisan mo nilalapastangan na ako dito” natawa naman ako. Kasi sina Mama Say minsan lang makakita ng gwapo baka kasi pinipilit siyang maki-selfie ngayon.

“Wait lang malapit na din kami. Pumasok ka na sa kwarto ko. *Toot* *Toot*” naputol naman yung tawag kasi na-lowbat na ako.

HUBERT P.O.V.

Nakaka-inis bakit ba kasi nagka-girlfriend ako ng may sayad? Kailangan ko pa tuloy iwan si Eden dun sa resort kung kailan naman masama ang pakiramdam niya.

“Hijo bibili lang kami ng pagkain” paalam sa akin ng Lola ni Vivieka. Um-oo nalang ako.

“Hubert.” Nagsalita si Vivi pero hindi ko nalang pinansin. Naiinis ako sa kanya.

“I’m sorry” dugtong niya.

“Ano bang hindi mo maintindihan?”-inis kong sabi.

“Ano ang hindi ko maintindihan? Hubert naman!! Ano ba!! Bakit kailangan ba makipag-break ka pa sa akin? Dahil ba ganito nalang ako ngayon?”

“Anong ganyan ka nalang? Vivi matagal ko ng alam na may sinasabay kang ibang lalake sa akin. May ibang lalake kang ka-date bukod sa akin pero hindi kita iniwan kasi sabi mo kailangan mo ako. Ngayon Vivi ako naman ang pagbigyan mo, ayoko na maghiwalay na tayo.” Umiiyak siya kahit naka-higa pa rin siya sa kama ng ospital,

“Bakit kailangang ligawan mo pa ako kung iiwan mo din naman pala ako? Bakit kailangan paasahin mo pa ako kung wala lang naman pala sa iyo tong relasyon natin?”

“Paasa? Vivi ikaw ang unang nag-loko. Sinubukan ko namang patawarin ka pero hindi na kita mahal,!!”

“Ayoko Hubert!!” ngayon hinihila niya na ang damit ko.

“Tama na ayoko ko na Vivi.”

“Magpapakamatay ako Hubert. Kung hindi man natuloy itong paglaslas ko sa sarili kong pulso edi iinom nalang ako ng lason.” Banta niya sa akin

“Sige gawin mo. Sayangan mo yang buhay mo Vivi. Sayangan mo yung sakripisyo ng tatay mo para mailigtas ka sa aksidente na yun. Sayangan mo!!” tsaka ako lumabas ng padabog sa kwarto niya. Naupo ako sa may mga upuan sa labas ng kwarto nya hindi ko pa rin pwedeng iwan siyang mag-isa, rinig ko pa rin ang pag-iyak niya. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Bakit ba nagkaganito si Vivi? Bakit?

EDEN P.O.V.

“Kenneth!!” pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko nandun na nga si Kenneth at hinihintay ako.

“Eden oh!” inabot nya sa akin ang isang invitation card.

“Ano ito?”

“Magpapabinyag na si Mama kaso next month pa yan. Advance lang masyado si Mama”

“Nanganak na si Tita?” nakakaloka kabuwanan nap ala niya.

“Oo nung isang araw.”

“Talaga? Sige pupunta ako senyo bukas… sure maganda yung bata ako ang pinaglihian eh. ahehehe”

“Di ah kamukha ko wag ka nga! Sige bye!” tapos umalis din siya agad. Nilinga ko naman ang laman ng kwarto ko. Baka may pinakailaman yung lokong yun dito sa kwarto ko mamasamain sa akin yun

Natulog nalang ako kasi may pasok pa kami bukas. Nagising ako mag-gagabe na. nag-diretso agad ako ng kusina.

“Mama Say asan ang ulam?” naubos na ata nila lahat. Ahuhu

“Sa kaldero!!” sigaw ni Mama Say naglalaba kasi siya sa may labas.

“Asan si Hubert?” tanong ng isa kong ka-dorm. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Aba malay ko ba kung nasaan yun na-unang umuwi yun eh.

“Hindi ba kayo sabay dumating??” kulit nito diretso pa sa tanong halatang wala akong alam.

“Hindi na-una siyang umuwi.” Sagot ko nalang

“Na-una? Eh hindi pa yun umuuwi mula ng umalis kayo.” Anooo daw???

“Hindi pa siya umuuwi?”

“Oo diba magkasama kayo?” umiling nalang ako.

Saan kaya nagpunta yung kabayong iyon? Wala naman siguro siyang ginawang kabalbalan nuh? Hmmp.. paki ko ba iniwan nga nya ako sa resort eh. Tse!!!

Kinabukasan papasok na sana ako. Nagulat ako nandun na si Hubert sa labas may dalang kotse.

“Hatid na kita.” Nakangiti pa niyang sabi.

“Mamamasahe nalang ako.” Nag-diretso nalang ako ng lakad.

“Ah sige.” Tapos sumakay na siya sa kotse at umalis na. tingnan mo yun iniwan nga ako(ayie gusto pang pinipilit.)tse!

*****

“Eden!!!!” natataranta si Issa at Gie na lumapit sa akin.

“Bakit?”

“Huwag ka munang pumasok!” tinutulak nila ako pabalik,

“Bakit naman?”

“Basta bili..”

“EDEN!!!!!!!!” may narinig ako sumigaw mula sa likod kaya napalingon kaming tatlo.

“Patay”-Issa

“Sabi na eh”-Gie. Nasa labas pa kami ng campus ngayon kaya pwedeng makipag-gera ahehe chos..

“Sino ka naman?” inis kong sagot kung ipagsigawan naman yung maganda kong pangalan wagas.

“Ara. Ara is my name. sino ka naman para baliwalain lang si Rod ha?” Rod? Ano nanamang kinalaman ko dun aber?

“Hoy ikaw!! Ano bang plano mo”-Issa

“Wag kayong makielam.”-Ara. Taray nito jombagin ko na kaya ito.

“Hayaan niyo na ako nalang.” Tsaka lumapit ako kay Ara.

“Anong problema mo?” hinarap ko siya sabay taas ng kilay.

“Ikaw!!” mataray niyang sagot.

“Ako? Ano namang ginawa ko sayo aber?” naalala ko na isa siya dun sa mga babae sa c.r.

“Feeling mo maganda ka? Bakit mo naman ginanun ganun nalang si Rod?”

“Ako maganda? Siyempre naman hindi na tinatanong yun! At yung kay Rod sinabihan ko na siya ng may higit ng sampung beses kaya huwag mo akong sisihin kasi siya ang mapilit!!”

“Wala kang taste kasi hindi mo nagustuhan si Rod.” Ano daw? Ako walang taste?

“Ahem Ahem!! HOY MAY TASTE AKO PAGDATING SA LALAKE KAYA NGA AYAW KO DIBA? AYOKO SA MAYABANG, WALANG CONTROL SA SARILI AT HIGIT SA LAHAT YUNG UNLI SA BUHAY!!” tengeneng yan! Wala daw akong taste?

“BWISIT!! ANO MINAMALIIT MO SI ROD NGAYON HA??” galit na din niyang sagot.

“Sige Ara itumba mo na iyan!” sabi naman nung tatlo niyang alipores sa likod.

“Tumahimik kayo!! Gusto niyong itumba ko kayo ha?” tumakbo sila para sugurin ako kaso humarang si Gie at Issa.

“Sige subukan nyo pang lumakad lulumpuhin namin kayo!”-Gie

“Wag kayong mangielam diba kayo na nga nagsabing sa kanila lang itong dalwa wag kayong epal!”-Issa.

Biglang hinila ni Ara yung buhok ko. Aba madaya to hindi pa ako ready eh.

“Ano ba!!” sinikmuraan ko siya.

“Aahh..” hindi pa rin niya binitawan yung buhok ko.

“Bitawan mo yung buhok ko!! Bagong rebond yan!!” sayang yung pang-parlor ko.

“aahh..” sinipa ko ulit yung tiyan niya. Ah!! Biwisit to may sa pusa!

“HOY ITIGIL NIYO YAN!!!!!” patakbong lumalapit na yung mga guards.

“TAKBOOOOOOO!!!!”-Gie habang batak yung buhok nung isa sa kasama ni Ara nakisali din pala sila.

“Araaayyy…” hila pa din ni Gie yung buhok nung isa kahit tumatakbo pa din kami. Sina Ara ayun nahuli ng guard.

“Bitawan mo na yan kawawa naman.”-Issa

“Oooopss Sorry!!! ahehehhe” painosenteng sagot ni Gie.

Nakarating kami sa may second gate ng school. Napa-upo kami sa may gilid ng kalsada hingal na hingal kami at nagkatinginan. Masaya yung ganito. Para kaming mga tangang nagtatakbo.

“AHAHAHHAA nakita niyo yun parang baboy ahehe”-Gie.

“Nasira yung kuko ko sa kakasabunot ah”-Issa

“Bwisit talaga yung mga yun!!”

“Ahehehehehheehe”

 

A/n:

Woooww kabaliw na chapter. :P

Vote Comment and be my bebe TOO

Paki basa din po yung I am Issa :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top