NINETEEN ^.^

 

EDEN P.O.V

Dalawang linggo na ang nakalipas pero hindi naman ako matahimik sa mga nangyari. Shemay!!! Pag-ibig nga naman oh!!!

Flashback~

Pumunta ako ng mall para bumili ng supplies para sa akin. Kasi naman kulang na ang mga gamit ko sa dorm. Habang busy akong namimili may biglang bumatak ng braso ko. Sinadya yun para mapa-upo ako.

“OUCHH…” tiningnan ko kung sino ang may gawa nun. Si Vivi yung gf ni Hubert.

“Masakit?” naka-ngisi niyang tanong

“Obvious ba? May toyo kaba? Kasi ang mga may toyo lang ang natutuwang makitang nasasaktan ang iba!” tumayo na ako at inayos ko ang damit ko buti naka-pantalon ako. Nakita ko namang lalo siyan nainis.

“Pwede layuan mo na si Hubert?” hindi siya nagmamakaawa ng sabihin niya yun. Inuutos niya yun sa akin.

“Mag-please ka muna!!” pang-aasar ko.

“At bakit naman? Ako ang girlfriend!!! Ako ang may karapatan!!” nagtinginan na ang mga tao sa amin.

“At bakit ka naman nang-aaeay? Inaano ba kita? Kung ikaw pala ang girl friend bakit inuuna mong awayin ako kesa kamustahin ang boy friend mo?”

“Kamustahanin? Paano ko kakamustahin eh inuunahan mo ako.!!” Malakas pa din ang boses niya pero ako mahina lang sapat para marinig niya. Naiirita ako ano bang gusto niyang sabihin na bitch ako?

“Tumigil ka na Vivi!” yun talaga nilakasan ko na hindi naman ako papatalo nuh!!

“Bakit nahihiya ka? Kelan ka pa nahiya eh malandi ka naman?” sinigaw niya talaga yun.

PAK!!

Kahit ang mabait napupuno rin. Kaya sinampal ko siya.

“You deserve it!! A slap to wake you up!!!” napatulala nalang siya dahil sa ginawa ko!

“How dare you!!!” sasampalin niya sana ako pero nahawakan ko yung kamay niya.

“Ano sasampal ka din? Inaano ba kita pero kung mag-iskandalo ka dito ikaw ang walang kahihiyan sa katawan.”

“kasi mang-aagaw ka porque namatayan ka lang ng boy friend nang-agaw ka na!” nabititwan ko ang kamay niya sa sinabe niya.

“Paano mo naman nalaman yun?”

“Bakit hindi? Kaya nga alam kong nilalandi mo ang boy friend ko kasi namatay ang boy friend mo ng dahil sayo!!! Anak ka kasi ng malas!! Anak ka ng malandi kaya Malandi ka din!!”

“Huwag kang mangdamay ng ibang tao dito!” sasampalin ko na sana siya ppero may humawak sa kabila kong kamay. Si Hubert galit at halatang inis.

“Huwag mo siyang sasaktan Eden.” Napa-nganga nalang ako.

“Sinampal niya ako Hubert! Maghahanap ka nalang kasi ng ipapalit sa akin amazona pa!” naka-ngising sabi niya.

“Naghanap ka lang kasi ng girl friend baliw pa!” sagot ko.

“SHUT UP EDEN. TAMA NA!” tsaka niya hinila palayo si Vivi.

Ano namang kailangan kong ikatahimik? Bakit ako ba ang nauna? Iniwan ko ang mga pinamili ko sa sahig at naglakad nalang papuntang sakayan nawalan na ako ng gana.

E.O.F~

Nuong mangyari yun hindi naman ako umiyak pagkatapos pero after a day dun na umiyak na ako. Kasi si Hubert kahit dito sa dorm inaway din ako sabi bakit ko daw pinatulan si Vivi. Bakit hindi ko papatulan eh minamliit na ako. Ang hirap niyang initindihin nakaka-bwisit siya!! Hindi ako mapalagay dahil sa mga nangyari. Ramdam ko ang awkwardness sa tuwing makakasalubong ko siya. Nung inaway niya ako sa dorm isa lang naman ang sinagot ko sa kanya.

“Minaliit niya ako kaya pinatulan ko siya!”

After kung sabihin yun nagsalita pa siya ulit pero hindi na ako sumagot. Wala akong balak makipag diskusyon sa taong sarado naman ang isip. Magalit siya sa girl friend niyang may toyo.!

*****

Kesa maburo ako sa kwarto magpupunta nalang ako ng simbahan. Hindi ako ganun kalapit kay Lord pero alam ko namang lagi siyang nangdiyan kaya nga nagpapakabuti ako hanggat maari. Dahil lang naman kay Vivi kaya ako napa-away plus si Ara pa pala.

Nang palabas na ako ng kwarto ko may narinig akong nag-uusap

“I love you” sabi ng babae

“I love you too” sabi ng lalake. Sino pa ba? Edi sina Hubert.

Kahit alam kong madadaanan ko sila nag-diretso pa rin ako sa at lumabas. Pake ko ba sa kanila?. Kaso parang pinagsisihan ko yung paglabas ko kasi naka-istorbo ata ako. Anong ginagawa nila? Huwag niyo ng itanong hindi pang bata.

Nagdiretso ako ng lakad at hindi na sila nilingon. Napatigil naman si Hubert at halatang nagulat ng Makita ako pero si Vivi ayaw paawat binatak palapit sa kanya si Hubert. Bumaba na ako kasi ayoko makapanuod ng S.P.G. pag dating ko sa simbahan lumuhod agad ako. Hindi ko kasi Makita si father gusto kong mangumpisal kaso wala naman siya. Kaya kay Lord nalang ako didiretso.

“Lord sorry po napapadalas ang pakikipag away ko, naming tatlo po pala kasi nadadamay ko na yung dalawa. Alam ko naman pong maganda ako pero bakit ang daming ayaw ang pagmumukha ko? Si Vivi at Ara lage akong inaambush dahil lang sa lalake? Hindi ko po sila maintindihan at tsaka po kasama niyo po ba diyan si Carl? Namimis ko na po siya. Pakisabi din na napapatawad ko na ang sarili ko pero takot pa din po ako magmahal mahirap na baka masaktan nanaman. Yun lang po muna Amen.” Uupo sana ako mula sa pagkakaluhod ko ng makita ko si Kenneth nanunuod ata habang nagdadasal ako.

“Anong ginagawa mo diyan?”

“Nakikinig sayo.” Naka-ngiti niyang sabi

“Bakit ikaw ba si Lord?”

“Malapit na akong maging instrumento ni Lord.” Hindi ko naman siya na-gets pero hinayaan ko nalang.

“Bakit ka nandito?” pag-iiba ko ng topic dahil alam kong narinig niya yung mga sinabe ko. Hindi lang naman kasi sa isip ko yun sinabe pero binuka ko din ang bibig ko.

“Kinausap ko si father nagpapatulong ako.” Kelan pa nakipag-friends ito kay Father?

“Ano nangumpisal ka? Dami mo na kasing kasalanan!”

“Hindi ah! Mabait kaya ako tsaka mag-papari na kasi ako.” Napa-nganga ako kasi talaga? TOTOO?

“owsss?” kelan pa naging relihiyoso tong mokong na ito?

“Totoo.” Seryoso niyang sabi.

“Talaga? Galing naman may best friend akong pari!!!” tsaka ko siya niyakap.

“Ahehe Oo. Diba sabi ko sayo dati gusto kong minsan hihintayin kita saharap ng altar? Kaso yun pala ako ang magkakasal sayo ahehe.” Natawa nalang ako sa sinabe niya matagal na yun nangyari nung high school pa kami pero aba ito siya at mag-papari na.

“Dahil magpapari na ako sesermonan na kita.” Umupo siya ng maayos sa tabi ko.

“Unang-una dapat kontrolin mo ang init ng ulo mo. Lagi kang ganyan kasi pag naagrabyado ka na. hindi ko nman sinabing magpa-bully ka na kaso kapag nag-desisyon ka ng galit ka ikaw din ang masasaktan. Pangalawa, Huwag kang matatakot magmahal at masaktan, hindi mo naman masasabing Masaya ka kung hindi mahalaga sayo ang isang bagay diba? Kaya kung hindi mo kayang maging Masaya paano ka pa magmamahal? Pagnagmahal ka masasaktan ka! Pangatlo, huwag mong sisihin sina Vivi at Ara kung sino man sila mahal lang talaga nila yung mga lalakeng ikaw naman ang mahal. Si Carl? Kalimutan mo na siya kasi ang sa totoo lang may mahal ka ng iba.”

“Talaga paano mo nalaman?”

“Alam ng marami ikaw sa sarili mo hindi mo alam!” tsaka niya piniga yung ilong ko.

“Alam mo huwag ka nalag magpari maging writer ka nalang ng mga advice.”

“Pwede ko yun gawin ng sabay.”

Ngayon lang kami ulit nakapag-usap ng matino ni Kenneth. Mukhang hindi naman na niya ako gusto kaya ok na babalik na ako sa buhay niya.:) namiss ko ang best friend ko ng sobra.

*****

Gabi na ako nakauwi kasi nanglibre pa si Kenneth kasi aalis na daw siya next week at mag-aaral na para maging pari. Pero suportado ko siya kahit na mamimis ko siya ng sobra.

“Bakit ngayon ka lang?” bumungad sa akin si Hubert. Nilingon ko ang likuran ko baka kasi iba ang kausap niya.

“Bakit ngayon ka LANG!” nainis naman ako bakit kailangan niyang sumigaw?

“Pake mo ba? Tatay ba kita?” tsaka ako dumiretso na ng kwarto ko.

“sinong kasama mo?” pinilit niyang pumasok at yun wala akong nagawa.

“Paki mo ba?” inis kong sagot sa kanya. Hinila niya ako palapit sa kanya.

“Nakakainis ka na Eden alam mo ba yun? Ginawa ko na lahat patunayan lang na gusto kita pero ito pang ginagawa mo.”

“Patunayan? Ang alin? Yung effort mo ng pag-balandra ng picture ko sa campus? Nababaliw ka ba? Hindi nga yun nagamit eh. Tsaka mahal mo ako? Sino bang pinagtanggol mo sa mall diba yung girl friend mong may TOYO!”

“Huwag mong pagsasabihan ng ganyan si Vivi” lalong humigpit ang hawak niya sa akin.

“kung ayaw mong awayin ko si Vivi o kung ayaw mong mag-away kami tigilan mo na ako!!!”

“Hindi ako titigil kasi mahal kita!” ilang beses na niyang nasabi ito gusto kong paniwalaan pero hindi ko naman magawang magtiwala.

“Ano naman ang alam mo sa pagmamahal?” kumunot naman ang nuo niya sa tinanong ko.

“Marami at isa ka na dun.” Hawak nya ang braso ko na feeling ko hindi na tuloy-tuloy ang daloy ng dugo ko feeling ko namamanhid na hindi lang yung braso ko pati na rin yung puso ko.

“Talaga? Ako kasi wala kaya pwede ba tumigil ka na.” nag-sasawa na akong lumayo. Lumalayo ako para wala ng nasasaktan ng dahil sa akin.

“Kung hindi mo alam o kung nakalimutan mo hayaan mong turuan kitang maging Masaya, hayaan mo namang mahalin kita, hayaan mo naman maging Masaya ka, hayaan mo na ang nakaraan hindi mo na mababago yun.” This time maluwag na ang pagkakahawak niya sa akin at sincere siya sa sinasabe niya.

“Hayaan? Ikaw na nga ang nagsasabing hindi ko na mababago diba? Ayoko ng maulit pa yun Hubert lalong ayokong mangyari din yun sa atin.” Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ngayon nalang ulit ako naiyak nito lately kasi medyo nakaka-move on na ako pero may natira papala sa guilt na matagal ko ng dala-dala.

“Hindi naman mangyayari sa’tin yun eh. Hindi kita iiwan. Hindi ikaw ang magiging dahilan ng pagkawala ko. Hindi ako mawawala sayo. Hindi kita paglalaruan. Hindi kita sasaktan. Hindi kita pababayaan. Kaya naman kitang ipaglaban. Hindi rin ako mawawala sa tabi mo. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit mahal kita pero ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit ako nabubuhay at yun ay para makasama kita, maalagaan at mapasaya.” This time pinunasan niya ang basa kong pisngi dahil sa luha.

“Ewan Hubert…… natatakot ako……” nanlalambot ang tuhod ko dahil sa kakaiyak, dahil sa nararamdaman ko, alam ko na espesyal si Hubert sa puso ko pero pinipigilan ko naman eh. Ayokong madamay siya sa problema ko. Ayokong masaktan din siya tulad ko.

“Nandito lang naman ako.” Binulong niya yun sa akin at niyakap ako. Umiyak lang ako at nilabas ang takot ko sa pag-iyak ko. Bakit ba hindi ko magawang mag-move on? Hindi ko naman ganuon kamahala si Carl talagang nagi-guilty lang ako dahil sa nangyari sa kanya.

“Hubert tulungan mo ako……”

“Tutulungan kita at sisiguraduhin kong ako na ang taong makapagpapasaya sayo.” Pagkatapos niyang sabihin yun. Nagdilim na lahat at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top