FOURTEEN ^.^
EDEN P.O.V
“Akala mo naman pakakasalan kita?” tumaas naman ang kilay ni Hubert
“Bakit hindi? Gwapo ako! Mayaman!”
“Ano naman kung mayaman ka? Anong tingin mo sa akin mukhang pera?”
“H-hindi! Pero ano kasi … ano…. Kasi ganito yan Eden,..”
“ANO?? Pwede ba kung nantitrip ka lang tumigil ka na!” itinulak ko siya ng malakas kaya napabitaw siya sa akin.
“Hindi kita pinagtitripan seryoso ako!”
“Seryoso? Abnoy !! ilang taon pa lang tayo! Seventeen palang ako tapos kung makapag utos ka sa akin parang hawak mo na ako sa leeg ha!”
Bakit ang mga lalake pare-pareho lang?
Utos diyan! Utos dito!
Gusto nila sila lang ang masunod?
“Hindi kita inuutusan! Binibigyan kita ng choices!” irita niyang sagot.
“Choices sa ano?”
“Para maging maganda ang buhay mo magpakasal ka sa kin. Hindi naman kita pababayaan. Ang isasagot mo lang naman ay Yes, Oo, Sige, Ok!! Mahirap bang mamili dun?”
SUSME!! Ano namang pinagkaiba ng mga salitang yun?
Ibig sabihin lang nun ay pumapayag ako diba?
Hinatak ako ni Kenneth palayo kay Hubert
“Sorry pare pero hindi sasagot si Eden sa tanong mo kasi hindi siya pumapatol sa baliw!” at sabay hinila niya ako paalis.
KENNETH P.O.V.
“Oy! Bitaw na.” hinila naman ni Eden yung kamay niya kaya binitawan ko na din
“Sino yun?” abnormal yung gung-gong na yun. Sinong lalakeng nasa matinong pag-iisip ang mag-popropose ng sapilitan?
“Si Hubert” iritang sagot ni Eden.
“Ano yun boyfriend mo?”
“Woy! Woy! Hindi ah! Ka-dorm ko lang yun tsaka pwede ba wag na natin siyang pag-usapan pa. halika na sa Mama mo.” Tapos siya na mismo ang nagbukas ng kotse ko.
Nag-drive lang ako kasi naman si Eden nakatulog na. alas-sais na din kasi.
Pero hindi kami sa bahay dumiretso kung hindi sa sementeryo.
Matagal din ang hinintay ko bago nagising si Eden.
“A-Anong ginagawa natin dito?” alam kong ayaw niya dito. Hindi dahil takot siya sa Multo, dahil sa nakakaramdam siya ng lungkot at nakokonsensya sya ng sobra.
“Bibisitahin natin si Carl.” At lumabas na ako ng kotse pero si Eden hindi natinag sa pagkakaupo kaya ako na ang nagbukas ng pinto at pinilit siyang tumayo.
“Ayoko Kenneth.!!!” Naiiyak niyang sabi.
“Bakit?” kalmado kong sagot.
“ANO BANG GUSTO MO? Ngayon nalang tayo ulit nagkita nangti-trip ka pa!!”
“Nangti-trip? Pwede ba Eden tumigil ka na sa kasasabi at kakaisip na lagi kang pinagti-tripan?” binitiwan ko siya at iniharap sa akin.
“Bakit hindi ba? Lage naman kasi ako ang ginagawa niyong katatawanan!!” naiiyak niyang sabe.
“Naiintindihan kita kung bakit ka ganyan. Pero EDEN NAMAN!!!! ANO BA GUSTO KITA TOTOO YUN!! MAHAL KA NI CARL TOTOO YUN!! HINDI KA NAMIN PINAGti-TRIPAN!!!”
“PINAGTI-TRIPAN NIYO AKO YUN ANG TOTOO!!! AYOKO NANG Makinig sa iyo!!!!” na-upo siya at tinakpan ang tenga niya habang umiiyak pa din.
Hindi ko alam kung bakit lumala ng ganito?
Bakit hanggang ngayon si Eden hindi pa rin maiwan ang nakaraan.
Bakit hanggang ngayon akala nya hindi siya sineseryo ng mga lalake.
Flashback~
First year high school kami nun at magkaibigan na kami talaga ni Eden. Hindi lang kameng dalawa ang magkasama lagi nun. Ako si Eden at si Carl. Sa aming tatlo ako lang naman ang nagsumiksik para maging ka-close ko si Eden kasi sila ni Carl magkababata talaga sila. Halata naman nung panahon na iyon na may gusto sila sa isa’t isa kaya hindi nalang ako kumibo pero gusto ko na si Eden nun.
Hanggang sa nalaman ko nalang na sila na ni Carl. Sobrang saya nilang dalawa nun. Nirespeto ko kung ano ang meron sila nun. Hinayaan ko lang si Carl na mahalin si Eden at ganun din si Eden kay Carl. Umiyak ako nun kaya nalaman ni Mama na may gusto ako kay Eden. Ang sabi naman sa akin ni Mama nun na bata pa daw kami kaya naman may pag-asa pa daw ako kay Eden kasi baka dumating din daw ang araw na magkahiwalay ang dalawa dahil sa ilang hindi pagkakaintindihan, masama mang umasa na sana maghiwalay na sila pero lagi kong hinihintay na sana bukas hindi na mahal ni Eden si Carl.
Sige nga ikaw diba kapag may gusto ka sa isang tao tapos taken diba halos mapudpod na ang palad mo sa kadadasal na sana maghiwalay na sila at ikaw na ang mapansin. Ganun ako dati, pero sabi nga nila pag-isipan mo kung ano ang hinihiling mo kasi kesa positibo ang mangyari ay kabaligtaran pala ang lahat.
Nag-break si Eden at si Carl kasi ang nabalitaan ko na nakipag-pustahan si Carl sa iba kaklase niya na liligawan niya si Eden kapalit ng 10, 000 pesos.
Narinig ata ni Eden ang usapan ni Carl at ng kapustahan niya, kaya ayun nakipaghiwalay siya pero si Carl ang may ayaw. Nakita kong nagtatalo sila hindi ko nga lang sila marinig dahil ang layo nila. Nagtatalo sila umiiyak si Eden ganun din si Carl umiiyak. Tumakbo si Eden palayo siyempre si Carl hinabol sya pero sa paglayo ni Eden noong oras na iyon siya mismo ang napatakbo pabalik kay Carl. Hinabol sya ni Carl pero ng malapit na siya may kotseng parating at nasagasaan si Carl. Laking gulat ko nun ng hindi nilapitan ni Eden si Carl pero nakatayo siya sa harap at tulala, umiiyak at hindi alam ang gagawin. Nagkagulo na din ang mga tao sa paligid pero wala manlang sumubok tumawag ng tulong o kahit manlang sila mismo ang tumulong kay Carl na duguan ng oras na iyon. Napatakbo ako papunta kay Eden at niyakap siya
“Ambulansya tumawag kayo!!!!!!!” sigaw ko tsaka lang natauhan si Eden nun at nilapitan si Carl,
“CARRRRRRRRRRRLLLLLLLLLLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Napag isipan ko natupad ang hiling ko na magkahiwalay sila pero bakit kailangan mamatay ni Carl? Kaibigan ko pa din si Carl he is one of my bros. one of my best buddies. One of my good friends.
Dead on arrival yun ang sabi nila. Ang intindi ko lang nung oras na iyon na patay na si Carl. Si Eden tulala at umiiyak. Nalibing si Carl at lumipas ang tatlong buwan ni hindi manlang dumalaw si Eden. Naisip ko ng panahon na iyon ‘Ganuon ba kalaki ang galit niya sa taong mahal nya?’ pero napag alaman ko na ang Mama pala ni Carl ang may ayaw na pumunta si Eden dun.
End of Flashback~
Tiningnan ko ulit si Eden ngayon. Halos mag-aapat na taon na ang nakalipas hindi pa rin nawala ang sakit na dala niya. Hindi pa rin niya magawang magtiwala. Hindi pa rin niya maisip na wala siyang kasalanan.
“Kung namatay man si Carl sa aksidente nuong araw na iyon…… hindi mo yun kasalanan…… siguro talagang…… nuong panahon na iyon…… siguro talagang mawawala nalang talaga siya sa atin.” Lalong lumakas ang pag-iyak niya kaya niyakap ko na siya.
“Eden wala namang masama kung magtiwala ka ulit sa iba. Eden kung nagkamali man si Carl dati hindi ko iyon gagawin at hindi rin gagawin ni Hubert yun. Hindi ko man siya kilala ng lubos pero Eden halata namang may gusto siya talaga sayo.” Niyakap ko nalang siya
“Halika na sige next time nalang natin dalawin si Carl.”
Author’s Note:
Hello po! Pasensya sa matagal na UD. Pero aba lalo akong natutuwa sa mga nangyayari lately sa real world. Ang daming positibong bagay na dumarating.
Please support TrulyYourseytri at ang story niya na Closer to you.
Hello din sa mga kaibigan ni Eden sa mga nagbabasa nito. Huwag nyo pong dibdibin kasi hindi po namin masyado talagang binubully si Eden. Ahehe (^.^v)
And Hello ACE!!!! Na Friend ni Issa!!!
Paki support po yung iba kong story
*Lovers in the Corridor
*I am Issa (Hindi pa siya pwede ma-read pero ginagawa ko na)
Yun lang po.!!
And thank you din po sa mga silent readers!
Vote. Comment. Be my fan and be my BEBE TOO!!!!
Itoryaniangge <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top