EPILOGUE
Dear Stranger
Hi! Mr. Stranger napanaginipan kita kagabe. Nakita ko na magkatabi daw tayo sa Jeep at nag-aaway. Sinusungitan mo pa ako “pwede ba miss wag kang maingay!! Napakalikot mo din ..kita mo ba yan?Puno ang jeep na sinasakyan natin kaya nadudunggol mo ako!!” yan yung sabi mo eh. Ano bang problema mo sa pagkanta ko? Haist sige matulog na ako!. Sure naman mamaya magkikita tayo ulit sa panaginip ko. Mwuah mwuahugs!!! >3<
Love, Eden
Dear Stranger
Helu Mr.Stranger napaniginipan ko aba best friend na daw tayo!! Sino ba yung Rod? Hindi kasi ako makaalala may pagka-tanga din ako. Nga pala nanliligaw na sa akin si Troy!!
Love, Eden
Dear Stranger
Hey STRANGER bakit ganun sa panaginip ko pinaiyak mo ako!! Kaya ito tuloy sinagot ko si Troy!! May similarities kasi kayo. For sure naman na ok lang si Troy na boyfie diba? Haist bakit ba kita tinatanong hindi ka naman sasagot!
Love, Eden
Dear Stranger
Bakit ganito paramg mas mahal ko pa si Stranger kesa kay Troy sino ka ba talaga?
Love, Eden
Dear Stranger
Hey mr.Stanger please magpakilala ka na. sobrang sakit na ng ulo ko kakaisip sa iyo. Nagkakasala na ako sa boy friend ko. Kasi mas mahal kita!!
Love, Eden
Dear Stranger
Kakalimutan ba kita? Mag-move on naba ako? Ang hirap nito hindi naman kita kilala pero nababaliw ako sa iyo!!
Love, Eden
Dear Stranger
Ito na ang last entry ko sa diary ko kasi kailangan ko ng magpatuloy sa buhay ko. Hindi ko dapat idepende ang buhay ko sa mga panaginip ko. Makikipag-break na nga pala ako kay Troy ayoko ko na siyang saktan at paasahin pa!!
Love, Eden
Dear Stranger
Langya naman stranger oh!! Hindi kita matiis kelan ba kita makikilala? Hirap na ako nasaktan ko si Troy ng sobra! Sorry sa kanya. Sorry din sa iyo kasi nagugulo kita siguro nasasamid ka pa kasi lage kitang nababanggit.. mahal kasi kita .. I love you Stranger! <3 <3
Love, Eden
***** FOR NOW Let say It’s THE END *****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top